Will drop one last chapter before 12. Thank you sa pag-aantay! Your comments & feedback are always appreciated—they truly mean a lot. Thank you for reading, and I hope you have a wonderful day~✨🫶🫶🫶
Bandang hapon na nang makauwi si Amber. Tanging birth certificate lang ang bitbit. Bumili na rin ito ng bagong cellphone.Pagkauwi rin niya ay nakita niyang nagluluto si Zavian ng hapunan.“Nandito ka na pala,” wika ng lalaki na may malaking ngiti sa labi.Napatitig si Amber sa lamesa at nanlaki ang mga mata niya sa dami ng pagkaing nakahain roon.“Ang dami naman…” wika niya.Lumapit ito sa hapag-kainan. Halos kuminang ang mga mata ni Amber na makita ang mga pagkain. Seafoods na siyang paborito niyang kainin. Inihaw na bangus, grilled clams with cheese, sinigang na hipon, may mga malalaking crabs din.Tinitignan pa lang ni Amber ay naglalaway na ito. Matagal na rin ng huling kain niya ng seafoods. Allergic kasi ang mother-in-law niya sa seafoods maging si Maverick kaya hindi ito nakakapagluto ng seafoods.“Ayaw mo ba?”Agad na napailing si Amber. “Hindi naman, masyado lang marami para sating dalawa.”“Saatin,” mahinang wika ni Zavian saka ito napatango at lihim na ngumiti.Lumapit si
Bumukas ang pintuan ng silid ni West bago pa man makapagsalita si Jacob. Pareho silang napalingon sa direksyon ng tunog, at doon nila nakita ang isang pamilyar na pigura—isang babae, matangkad, maganda, naka-puting dress na waring sumasagisag ng kapayapaan sa gitna ng tensyon sa loob ng silid.May dala itong paper bag. Nakangiting sinalubong si West.“Nagluto ako,” malambing na sabi ni Zendaya. “Para sa’yo. You need to regain your energy.”Tahimik namang inabot ni Jacob ang lamesita at inilapit sa kama. Maingat na inilapag ni Zendaya ang bag at isa-isang inilabas ang mga tupperware—sopas, steamed vegetables, grilled fish, at ilang prutas.“Thank you,” tipid ngunit taos-pusong tugon ni West. Napaupo ito, tulong ni Jacob, na agad ding lumayo upang bigyan sila ng kaunting privacy.“Sus, ano ka ba!” tawa ni Zendaya, pilit pinapagaan ang bigat ng sitwasyon. “It’s nothing, West. You’ve done so much for me before. This is the least I can do.”Umupo siya sa gilid ng kama at binuksan ang isang
Agad na napabalikwas si Amber matapos ang dalawang oras nitong tulog. Napatingin ito sa orasan at nakitang mag-aalas diyes na ng umaga.“Nakatulog ba talaga ako?” mahina niyang tanong sa sarili, hawak ang kumot na nakabuhol pa sa kanyang mga binti. Hindi siya makapaniwala na nakatulog siya, kahit panandalian. Pero wala siyang panahon para magpakasaya sa bihirang katahimikan ng isipan—kailangan niyang kumilos.She couldn’t stay here much longer. She wanted to leave the country. She needed to disappear. Pero paano? Wala sa kanya ang mga dokumento niya. Lahat ay naiwan kay West—passport, national ID. Lahat.“Then I have no choice but to start over,” bulong niya. “Magpagawa ako ng bagong ID. I need a replacement, now.”Agad siyang bumangon, naligo, at nagbihis ng simpleng oversized hoodie at faded jeans. Paglabas niya ng silid ay naabutan niya si Manong Leo na nag-aayos ng mga indoor plants sa sala. Sandaling natigilan si Amber at napakagat ng labi. Hindi niya alam kung papayagan siyang l
Mahigpit ang hawak ni Amber sa kanyang kutsara’t tinidor habang paulit-ulit sa isip niya ang nangyari kagabi. Hindi niya sinasadya—naibato lang niya iyon sa lalaki dahil gusto lang niyang makatakas.Natatakot siya na baka makulong siya dahil sa nangyari, knowing West, alam niyang mangyayari iyon. She offended him in a way he couldn’t accept.“What if I really killed him?” mahina niyang bulong, halos hindi makahinga. Nanuyo ang kanyang lalamunan habang lumalamig ang pagkain sa harap niya.Sa panaginip niya, duguan si West—galit ang mga mata, hinahabol siya kahit saan. At sa bawat pikit niya, naroon ang boses nito: “You’ll pay for this.”At lalo siyang natakot nang maalala ang balita tungkol sa mga magulang ni Finn. She remembered clearly how Finn's mother murdered her husband in a blind moment of rage—and now she’s serving six years in prison. What if this becomes her fate, too?Nanginig ang buong katawan ni Amber sa takot. Now all could see her hands filled with blood.“May kilala ako
Hindi nakatulog si Amber matapos mapanaginipan si West. Takot siyang pumikit, baka habulin na naman siya ng bangungot. Kaya maaga siyang bumangon, walang ayos, at tuluyang bumaba ng hagdan—magulo ang buhok, namumugto ang mata, at suot pa rin ang maluwag niyang pajama shirt.Nagulat si Zavian na naabutan si Amber sa gano’ng ayos. May hawak pa itong spatula sa kamay habang nagluluto. Bahagyang gumalaw ang kanyang panga at napatitig ng saglit kay Amber—he noticed the deepening shadows under her eyes, the distant look, and the way her shoulders slouched from exhaustion.“Lulu,” tawag niya sa banayad na tono, “why don’t you sleep a little more?”Napapitlag si Amber. Mabilis siyang napatingin sa paligid at doon niya lang muling naalala na wala siya nasa sariling bahay. Nang mapansin ang hitsura niya, dali-dali niyang inayos ang suot na damit at sinuklay ng kamay ang buhok.Napangiti si Zavian sa kilos niyang iyon. Ang awkward na pagbabalik ng isang dati mong minahal—ng isang taong dati mong
Nang marinig ni Amber ang salitang ‘abroad’ ay hindi na niya mapigilan ang sariling umiyak. Napayakap ito kay Zavian.Sobrang lala nga ng sitwasyon ni Amber ngayon. Hindi niya alam kung magigising pa ba si West o hindi na—o kung kakayanin pa ba niyang harapin ito sa oras na bumangon ito. Hindi rin siya makakaalis ng bansa nang basta-basta. Ang lahat ng mahahalagang dokumento niya—passport, ID, visa papers—lahat ay na kay West.She needed a safe space where she could escape from it all.Biglang naalala ni Amber ang sinabi ng kanyang kaibigan. “Loco Team is cooperating with the Yoshiro family. The project was benchmarked against the national level, so it had certain strengths. They might be able to help hold West Lee back—long enough for you to divorce him and get out of the country.”Napapitlag si Amber. Napaangat siya ng tingin kay Zavian at bahagyang kumalas sa yakap.“How long will it take?” aniya, tinig na bahagyang paos at basag sa kaba.Umiling si Zavian. “Hindi ko pa masasabi ng