Pilitin mo, Mavy daliiii kasi babalik na tatay moo ~ Anyways, pasensya na ngayon lang nakapag-update. Currently nilalagnat at pinipilit ko talaga mag-update. Thank you and have a nice day!
MABILIS na tumakbo si Maverick paakyat at nagkulong sa kwarto. Umiiyak. Habang nanatili naman si Amber sa kusina nakatitig sa mga pagkain.Kailangan niyang puntahan ang anak niya, but for some reason, hindi siya makatayo. Tila bang may batong nakapatong sa kanyang dibdib. Saglit siyang natigilan bago gumalaw ang naninigas niyang mga daliri na nakahawak pa rin sa kutsara. Dahan-dahan niyang sinubo ang pagkain, isa-isa, at pilit na nilulunok.“Malamig na,” wika niya sa mababang tono. “Hindi na masarap.”Matapos magligpit at maglinis ni Amber sa sala at kusina ay nagtungo na rin ito sa ikalawang palapag.Dumaan muna siya sa guest room para maligo, hatinggabi na rin. Tapos, dala ang tuwalya, huminto siya sa pintuan ng kwarto ni Maverick. Natigilan siya. Baka tulog na ang bata. Hindi siya basta pumasok—kumatok muna siya, mahina.Tahimik.Kumatok ulit siya. Pangalawa. Pangatlo. Pero wala siyang nakuhang sagot. Kaya naman ay hindi na nag-atubili pa na buksan ang pinto.Maliit na ilaw mula s
HINDI alam ni Amber kung ano na naman ang pinaplano ni Anastasia. At kahit alam pa niya, iisipin niyang baliw ang babae at walang pakialam sa tao. She and Anastasia made a deal. Kung tungkol lang sa kalagayan ni Finn ay hindi magiging sagabal iyon sa kanya. Pero ang mas malaking sagabal niya ngayon ay si Anastasia. She can’t read her. Pero hindi na niya kailangang isipin pa ang babaeng iyon.“Mommy!” Ang boses ni Maverick ang pumukaw sa tila natutulog niyang kaluluwa. Na-blangko kasi ito nang marinig ang deal nilang dalawa ni Anastasia.Napayakap si Maverick sa ina, mahigpit na tila ba kapag hindi niya ginawa baka’y mawala muli sa kanyang paningin ang ina.Inilibot niya ang tingin at nakita si Therese, ang kanyang sekretarya na nakaupo sa gilid ng pintuan, kita sa mukha nito ang labis na pagod, pero nang makita si Amber ay tila lumiwanag ang kanyang mukha.“Miss Amber!” galak na tawag ni Therese sa amo. “Nand’yan na po pala kayo!” Ngumiti si Amber sa kanya. “Salamat sa pag-alaga ka
NAALIMPUNGATAN si Amber nang makaramdam ng malamig na hangin na bumalot sa kanyang katawan.Pagdilat niya, napansin niyang bukas ang sliding door ng kanyang silid. Sinasayaw ng hangin ang mahabang kurtina. Kitang-kita naman mula sa kanyang pwesto ang bilog at maliwanag na buwan.Nagtataka siya kung bakit nakabukas iyon. Pagkakaalam niya ay hindi naman siya nagbubukas ng sliding door lalo na’t gabi.Biglang nagsitaasan ang kanyang balahibo sa katawan.“Baka nakalimutan ko lang isarado kagabi,” aniya.Sa huli ay imbes na mag-isip pa ng kung ano ay sinarado niya iyon at muling bumalik sa tulog.KINABUKASAN ay plano ni Amber na magpunta sa school para alamin kung ano nga ba ang totoong nangyari, isa pa roon ay ipapaalam niya rin ang kanyang anak na lumiban muna ng klase para magpagaling.Pero hindi niya pwedeng dalhin si Maverick kaya naman ay tinawagan niya si Therese para bantayan ang bata.Umakyat muli si Amber para maligo’t makabihis, pero pagkatapos ay muli niyang napansin ang nakabu
MATAPOS na magkahiwalay sina Amber at Zavian ay hindi na masyadong inistorbo ni Zavian ang babae dahil sa may aasikasuhin pa itong gulo.Sa kalagitnaan ng kanyang biyahe at tumunog ang cellphone niya—Zendaya Madrigal.Alama na niya kung bakit ito tumatawag.“Mr. Lacoste, should I congratulate you in advance? Mukhang may good news na paparating,” masiglang wika ng babae.Nakangiting tumugon si Zavian. “I’m about to do something good now. Hindi ka ba natatakot na baka magbago isip ko?”Biglang natahimik si Zendaya. Napatigalgal ito. Hindi na siya nagulat sa pagiging prangka ni Zavian. Pero natatakot siya. Sino ang mag-aakala na sa maikling panahon lang, ganito kabilis naging malapit sina Amber at Zavian? Na kaya pa nitong alagaan ang bata? Kung magpapatuloy ito, baka kaya ring impluwensyahan ni Amber ang mga desisyon ni Zavian.At paano kung magdala ng gulo si Amber? Paano na ang proyekto?Hanggang hindi pa nakakabalik si West, ang buong R&D team na pinapatakbo niya ay nakasalalay pa r
“Are you okay?” tanong niya kay Amber na may pag-aalala.Pero bago pa makasagot si Amber, isang matinis na boses ang umalingawngaw sa kanila kasunod ng isang sampal sa braso ng lalaki.“Don’t touch my Mom!”Napakurap naman si Zavian sa inakto ng bata. “This little brat…” aniya sa sarili.Parang kanina lang ay close na sila, tapos ngayon? Parang siyang ginamit lang at nang matapos gamitin ay biglang itatapon?Napailing na lang si Zavian.“Mavy,” mahinang singhal ni Amber sa anak, may bahid ng seryoso sa boses. “Your Tito Van stayed with you so late and even protected you just now. What’s with the attitude?”“No, he…” hindi na nagawang tapusin ni Maverick ang saasahin nang may mainit na palad ang gumulo sa buhok niya. Nang tumingala siya ay nakita niya si Zavian, banayad na nakangiti sa kanya, para bang walang nangyari.“It’s okay, it’s okay,” mahinahong sabi nito. “He’s just a kid. Hasn’t Mavy been waiting all night for his mom? Siyempre anxious siya. You should go home first. Next tim
GALIT NA GALIT na lumabas si Amber ng ospital. Mabigat ang dibdib sa kanyang nalaman, pero dinala pa rin siya ng kanyang mga paa sa tapat ng bahay ng mga Valdez.But the moment she reached the gate, she was frozen.Ilang beses na niyang inisip kung paano haharapin ang anak, lalo na matapos ang mga sinabi ni Anastasia. Ngunit ngayong nasa mismong pintuan na siya ng bahay, biglang nabura lahat ng pinlano niya. Hindi niya alam kung paano haharapin si Maverick—hindi niya alam kung handa siya.“What if… naisip niya, What if my child really had something to do with it?”Napapikit siya nang mariin, saka humugot ng malalim na hininga.“Haven’t you thought about this long ago? Listen to your child.”Pagkadilat niya ay dumiretso na ito sa loob ng bahay ng mga Valdez.SA LOOB ng maaliwalas na sala ay nakaupo si Maverick sa tabi ni Zavian, hawak ang cellphone at tinitignan nila ang mga larawan ni Amber noong college pa ito kasama si Zavian.Mga larawang matagal nang iniingatan ni Zavian—iba’y sol