The Revenge On My Biased Family

The Revenge On My Biased Family

last updateHuling Na-update : 2026-10-02
By:  J.G.DAWNOngoing
Language: English
goodnovel16goodnovel
Hindi Sapat ang Ratings
5Mga Kabanata
4views
Basahin
Idagdag sa library

Share:  

Iulat
Buod
katalogo
I-scan ang code para mabasa sa App

The Revenge On My Biased Family (The Day the Truth Outweighed the Blame) ​ BLURB ​ I spent my 18 years with my family only to be called a Foolish Product, A Bully Sister, A disgraceful daughter, and a selfish member of their Smith family. They always abused me for my Irish twin sister, Ashley Smith, who was born with poor health. She was always their priority, while second place was taken by our elder brother, Paul Smith, who was like the worst nightmare for me while being a knight in shining armour for my sister. We were both sisters born from the same womb with different destinies. While I was treated with lowly disgust, she was living her dream life. I was hurt and broken but still endured everything, thinking one day they would accept me as her. But on my 18th birthday, they asked me to apologise to my sister for the item she stole from me. I had enough! I refused to bow my head for her anymore. I didn’t want them to choose me anymore, and I lifted my head confidently. “Apologise over my deathbed and after taking my necklace.” My words left them trembling and dazed; for the first time, I smiled with pure victory, witnessing them crumble with rage and real defence. Finally, I acknowledged that what mattered most in my life was not their validation but my own ‘Will’. The Will to make decisions fearlessly, to live, to treat myself fairly even when the whole world is against me and the choice to fight for my self-respect!

view more

Kabanata 1

Family Abuse

Nagbuntong hininga ako at pilit na ngumiti sa apo ng Mayor na si Isaac Kavanaugh. Nagkasakit kasi ang Lolo niya kaya siya muna ang temporary na Mayor. At kanina pa ako inuutusan! Ni hindi pa nga ako nakakakain!

“What's your name again?” he asked as he looked at the paperwork on his hands.

“Everelle Ponferrada.”

“Pakibigay sa chairman, pakisabi na permihan niya ‘yan,” nang-aasar niyang sabi. Pasalamat ka apo ka ni Mayor kung hindi binigwasan na kita kanina pa.

Kung hindi lang siya ganito baka matagal ko na siyang nagustuhan pero hindi, ayoko sa katulad niya na magaspang ang ugali. Pogi siya at malaki ang pangangatawan, halatang inalagaan nang maayos. Sa totoo lang pwede siya maging actor sa Hollywood sa sobrang pogi but he's not my type. Geez, hell no.

Umirap ako at pabalang na kinuha ang mga papers sa kamay niya. Nagawa pa nitong ilagay ang mga paa sa ibabaw ng table.

“Madapa ka sana sa daan, impakto ka.” Umirap ako sa kawalan.

Masamang loob akong naglakad palayo sa office at agad dumating sa office ni chairman. Lumapit ako sa kanya at inilapag sa lamesa ang papel.

“Permahan mo raw.” Umupo ako sa extrang silya niya. Kanina pa ako pabalik-balik dito, sana naman last na ’to.

“Stress na stress, ah?” natatawang penirmahan ni chairman ang papel na binigay ko. “Gutom na 'ko, wala ka bang pagkain dyan?” Ngumuso ako. Kanina pa kumakalam sikmura ko.

Tumigil siya sa pagpirma at may binuksan sa ibabang lamesa niya.

“Here,”

Agad akong lumapit at kinuha sa kanya ang bread na may kung ano-anong laman.

Agad kong kinagatan. Ang sarap, ha? Siya ba gumawa? Sana all.

Si chairman para ko na rin tropa dahil sa tagal kong nagtatrabaho rito.

“Ito tapos na.” Tumango ako at kinuha agad ang papel at patakbong lumabas sa office. Dumiretso ako sa office ng Mayor.

Walang katok-katok akong pumasok at sinadyang pabagsak na ilapag ang mga papers.

Kagat-kagat ko pa ang bread ay lumabas na agad ako pagkatapos ibigay sa kanya. Rinig ko pa ang halakhak niya sa loob.

Simula noong siya ang pumalit pansamantala ay naging impyerno na ang bawat araw ko sa trabaho. Sinasagad niya masyado ang pasensya ko.

Sa sobrang gigil ko ay sinipa ko ang nakitang trash bin.

“Aray! Bwisit!”

Sa mga sumunod na araw ay paulit-ulit ang nangyare. Minsan naiiyak ako sa sobrang pagod at nalilipasan na rin ng kain. Wala akong maayos na tulog dahil pagkarating ko sa bahay ay inaasikaso ko ang mga gawaing bahay. Haggard na 'ko.

“Give this to him!” he shouted. Nakayuko lang akong nakatayo, hindi pinapansin ang sinasabi niya. Nahihilo ako, parang matutumba ako anytime.

Wala akong tulog, may binili kasi akong gamot kagabi para kay Mama at inabot ako ng hating-gabi sa sobrang daming pila. Tapos si Papa biglang nilagnat kaya binatayan ko hanggang umaga and now here I am, bangag na nakatayo.

“Are you deaf?!”

“Sir, nahihil-”

“I don't care! Give this to him!”

Napakuyom ako ng kamao sa sobrang galit na nararamdaman. Manhid ba siya para hindi mapansin ang ginagawa niya sa ‘kin? Kunti na lang babagsak ako.

“Do you want me to fire you?!” sigaw niya.

Oo, gustong-gusto ko na. Sobra-sobra na itong ginagawa niya, pati pagkain niya ipapabili sa ‘kin sa sobrang layo pa at nilalakad ko yun kahit sobrang init at walang payong.

“Sir, please fire me. I'm so tired, I can't even take care of myself.” Napaupo ako sa sobrang panghihina.

“What?!”

“Fire me! You know what! Hindi ko alam kung trabaho pa ba ang ginagawa ko! Sinasadya mo ba pahirapan ako?! Kasi suko na 'ko!” sigaw ko. “Kung pinagtitripan mo 'ko please tama na, magre-resign na 'ko.” dugtong ko pa. Nanghihina man ay tumayo at nag-angat ng tingin. Pinunasan ko ang luhang hindi napansin na tumutulo na pala.

He's shocked pero agad rin nawala, para bang pinagtatakpan niya ang totoong emosyon niya. Nag-iwas siya ng tingin at umupo, inayos ang necktie.

“Fine, go.”

“Nakakainis talaga, bwisit siya!” Gigil kong kinurot si Janine sa sobrang inis.

Ilang araw na ang lumipas pero pag naaalala ko yun bigla nalang nag-iinit ang dugo ko sa lalaking ‘yon!

“Teh, naman, huhu kawawa ako, oh,” naiiyak na sabi ni Janine at hinaplos ang bandang kinurot ko.

Umirap ako at ginulo ang buhok sa sobrang inis. Napakaano talaga no’ng impakto na ‘yon, akala mo kung sino. Mas naging okay pa ako no’ng nag-resign ako.

Umupo ako at sumandal sa silya sa sobrang pagod. Ito ako ngayon, nagtitinda kasama ang kaibigan ko, may patimpalak sa loob ng basketball court kaya dagsa ang tao sa paligid.

Nag-game na lang ako sa keypad na phone ko. May game naman siya, nakaka-enjoy naman. Wala pa kasi akong pambili ng bago, pinag-iipunan pa.

“Beh,”

“Oh?”

“May papalapit.”

“Tapos?”

Hindi na sumagot si Janina kaya nagpatuloy lang ako. Dumaan ang ilang minuto, tahimik pa rin siya kaya nag-angat ako ng tingin. Biglang kumulo ang dugo ko sa nakita.

“Anong ginagawa mo dito?” I looked at him. Yes, it's him! “Kung magso-sorry ka, pwes hindi kita mapapatawad,” walang prenong saad ko.

Tumawa siya at kalaunan ay naging seryoso. Sinenyasan niyang umalis muna si Chairman, oo kasama niya.

“Janine, pakibantayan mo na itong paninda ko, mag-uusap muna kami.” Tumango naman siya.

Agad kong hinila si Isaac sa walang tao na lugar. Binitawan ko ang kamay niya at inis na tumalikod. Pinasadahan ko ang buhok.

“Nandito ka na naman ba para inisin ako?” galit kong tinuran. This man, he’s too much for me to handle.

He chuckled so I faced him with angrily.

“Woah easy,” natatawa niyang sabi. Parang natutuwa sa reaksyon ko, para siyang tanga.

I crossed my arms and raised my eyebrow.

“Look, I'm not here to apologize, I don't care about what you think.” Lumapit siya sakin. “I want to offer something,” he said.

Sarkastiko akong tumawa, offer something? Para saan? Nag-resign na nga ako pero hindi pa rin niya ako tinitigilan! Hindi ba siya napapagod? Kasi ako oo.

“I want you to pretend to be my wife,” pangungusap niyang sabi. Hindi ko alam pero biglang kumabog puso ko.

Kilig? Bakit ko ‘to nararamdaman?

Palawakin
Susunod na Kabanata
I-download

Pinakabagong kabanata

Higit pang Kabanata

To Readers

Welcome to GoodNovel world of fiction. If you like this novel, or you are an idealist hoping to explore a perfect world, and also want to become an original novel author online to increase income, you can join our family to read or create various types of books, such as romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel and so on. If you are a reader, high quality novels can be selected here. If you are an author, you can obtain more inspiration from others to create more brilliant works, what's more, your works on our platform will catch more attention and win more admiration from readers.

Walang Komento
5 Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status