Share

KABANATA 10 (Ryker and his anger)

“Goodnight, mama.” Isang mahigpit na yakap ang iginawad ni Nigel sa kanyang ina dahil ngayon ang gabi na magkahiwalay na muna silang matutulog.

Mahabang paliwanagan ang nangyari bago nya napapayag ang anak na matulog sa kwarto ng mag-asawang Hermuenez. Medyo natatakot kasi ito sa boses ng Don maging sa matatalim na titig nito, hindi man nya aminin sa anak ay nakakaramdam din sya ng takot sa presensya ng matanda ngunit kailangan n’yang ituloy ang plano dahil tinupad ni Haniel ang napagkasunduan nila. Natatakot sya na baka pagbayarin sya nito kung mabubulilyaso agad ang kanilang plano.

“Goodnight din baby ko, sleep ka na kina lola ha, ‘wag kang pasaway.” Hinalikan nya ito sa noo at ngumiti naman ito sa kanya bago tuluyang lumabas ng pinto at sumunod sa naghihintay na kasambahay.

Habang nasa kwarto ay bumalik muli sa kanyang isip ang sinabi ni Haniel sa kanya, May kung anong kurot iyon sa kanyang puso kahit na wala na

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status