Share

Chapter 17

Nakapasok na ng kanyang room si Leslie at kasalukuyan na rin siyang nakahiga sa kanyang kama. Ala una na ng madaling araw ay mulat na mulat pa rin ang kanyang mga mata. Panay na rin ang pagbabaling- baling niya sa higaan dahil hindi niya alam kung paanong posisyon ba siya makakatulog. Sinubukan na rin niyang magbilang ng tupa sa kanyang isipan ngunit bigo pa rin siya.

napapasabunot na siya sa kanyang buhok dahil naiinis na siya sa nangyayare sa kanya.

"May insomia na rin ba ako, kaya hindi ako makatulog? matulog ka na self parang awa mo na gusto ko ng ipahinga ang katawang lupa ko!. Bakit naman kase niyakap- yakap pa nya ko at pagkamalan pa ko ni sir Dave na ako yung Almira eh! Hindi tuloy ako makatulog dahil sa kanya. Hindi maganda itong nararamdaman ko, hindi ako pwedeng magkagusto sa kanya." pagkausap ni Leslie sa kanyang sarili.

Naisip ni Leslie na uminom ng gatas para siya makatulog kaya muli siyang tumayo at lumabas ng kanyang kwarto at nagtungo ng kusina upang magtimpla ng gata
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status