The Run Away Fiancee.

The Run Away Fiancee.

last updateLast Updated : 2024-02-03
By:  Moonstone13Completed
Language: Filipino
goodnovel18goodnovel
10
3 ratings. 3 reviews
88Chapters
12.2Kviews
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
SCAN CODE TO READ ON APP

Isang mapagmahal at mabuting asawa si Dave Justin Alarcon at malapit na sana siyang maging ama nang sa hindi inaasahang pangyayare ay nabaril ang kanyang asawa sa isang bank robbery na ikinamatay nito. Nabiyudo ng maaga at nawalan ng direksyon ang buhay ni Dave. Isang dalagang guro si Leslie Hidalgo na nakatira sa maynila, Kinailangan niyang umuwe ng probinsya sa pakiusap ng mga magulang ng kanyang ina. Sa pagbalik niya ng probinsya ay nalaman niyang nagawa siyang ipagkasundo ng kanyang abuelo sa apo ng isang mayamang angkan sa kanilang lugar, na pinagkakautangan ng malaki ng kanyang lolo Arturo. Labag man sa kanyang kalooban ay pumayag na rin siya sa kasunduan dahil nakasalalay ang kanilang koprahan, ganoon na rin ang bahay at lupa ng lolo't lola niya. Ngunit nakita niya agad ang masamang ugali ng lalaking kanyang pakakasalan, kaya bago dumating ang araw ng engagement party ay tumakas na si Leslie at bumalik ng maynila. Pinagtagpo ng tadhana ang kanilang landas ng mabundol ng kotseng minamaneho ni Dave si Leslie ng dahil sa kalasingan. Naging kargo niya ang babae dahil nagpanggap itong nawalan ng ala-ala upang mapagtaguan ang lalaking pakakasalan. Naawa ang ina ni Dave sa babae kaya kinupkop ito at inalagaan. Sa paglipas ng mga araw ay nahulog ang loob ni Dave sa babae ngunit pilit namang pinaglabanan nito ang nararamdaman. Paano kung malaman niya na ang babaeng kinupkop nila ay ikakasal na pala sa iba? May patutunguhan pa kaya ang nararamdaman ni Dave para sa dalagang tumakas sa napagkasunduang kasal? Ano kaya ang magiging reaksyon ni Dave kung mabatid niya na nagpapanggap lang na may amnesia ang babaeng muling nakapagpaibig sa kanya?

View More

Chapter 1

Chapter 1.

"Okay Class, isulat n'yo ito sa inyong math notebook at sagutan n'yo na lamang sa bahay, dahil malapit ng matapos ang oras natin para sa math subject. Pagkatapos ninyong kopyahin ang nasa black board ay pwede na kayong mag recess." aning utos ni Leslie sa kanyang mga estudyante na agad namang sumunod.

"Teacher Leslie, recess time na.., may gagawin ka pa ba?" tanong sa kanya ng kapwa guro na kaibigan din niya.

Ngumiti si Leslie ng tignan niya kung sino ang nagsalita. "Teacher Melody.., katatapos lang ng mga estudyante ko. Bakit, may kailangan ka?"

"Napag- utusan lang ako ng Principal na sabihan ka na mamaya raw ay dumaan ka sa opisina niya, kapag nagsiuwian na ang mga estudyante mo."

"Bakit kaya? sige mamaya pupunta ako. Salamat Teacher Melody.." aniya na tinanguan pa ang kaibigan.

"Sige, balik na muna ako sa klase ko. Huwag mong kalimutan ha!" bilin pa ni Melody at naglakad na palayo ng classroom ni Leslie.

"Ano kaya yon? bakit kaya ako pinapatawag ng Principal?" tanong niya sa kanyang sarili ng makaalis na ang kaibigang guro.

At natapos ang buong araw ng pagtuturo niya sa mga estudyante. Agad siyang nagtungo sa principals office. Nang matapat sa pinto ng opisina nito ay kumatok siya.

"Come in." pagpapasok sa kanya ng principal.

"Good Afternoon Maam, ipinapatawag n'yo raw po ako ang sabi ni Teacher Guttierez, kaya ako narito." saad niya sa Principal ng school ng makapasok siya sa loob.

"Ah yes, Teacher Hidalgo, tungkol sa resignation letter na ibinigay mo nung nakaraang araw. Wala pa kase kaming nakukuhang kapalit mo Ms. Hidalgo. Okay lang ba kung hintayin mo muna ang magiging kapalit mo bago ka umalis ng eskwelahan?"

"Okay lang po Ma'am. Next week pa naman po ang balik ko sa Cebu. No worries Ma'am, i'll understand. Pero sana po makakuha na kayo agad ng kapalit ko. Gusto ko na rin pong kunin ang pagkakataon na ito Ma'am Dela Cruz para po magpasalamat sa pagtanggap n'yo sa akin bilang guro sa eskwelahan na ito. Ilang taon rin po akong naging teacher ninyo dito at kayo po ang unang naniwala sa aking kakayahan marami pong salamat Ma'am, hindi ko po kayo makakalimutan lahat dito." pasalamat niya sa principal na nginitian s'ya at nilapitan upang yakapin.

"Mabuti kang guro at masipag Ms. Hidalgo. nakakapanghinayang na mawawala ka na rito, pero ganoon talaga ang buhay. Minsan kailangan nating magsakripisyo para sa mga taong mahal natin. Naiintindihan kita, goodluck and best wishes na lang sayo." ani pa ng principal sa kanya.

Nagpaalaman na siya at bumalik na ng faculty room upang ayusin ang mga gamit niya bago umuwi.

"Kumusta? bakit ka pinatawag ng principal, Leslie?" tanong ni Melody.

"Ah tungkol sa pagreresign ko, pinakiusapan ako na kung pwede na hintayin ko muna ang kapalit ko."

"Sigurado ka na ba sa desisyon mo Leslie?" muling tanong nito sa kanya.

"As if naman na may choice pa ko. Alam mo naman kung bakit ako napapayag na magpakasal, kahit na hindi ko pa nakikita ng personal ang Maynard Atienza na mapapangasawa ko di ba.

Sa picture ko pa nga lang nakita ang hitsura ng lalaking yon. Sana lang hindi masama ang ugali niya." ang sabi niya at natawa silang magkaibigan sa huli niyang sinabi.

At nang natahimik sila ni Melody ay naalala ni Leslie ang nangyare nung umuwi siya nang Cebu, tatlong buwan na ang nakararaan.

Flashback

"Lolo, Lola, kumusta po? na miss ko po kayo! bakit naman po sumama pa po kayong sumundo, dapat hinintay n'yo na lang ako makarating sa bahay. Si kuya Danilo na lang sana ang pinagsundo niyo sa akin." nakangiting pagsalubong niyang turan ng makita niya ang lolo at lola niya na naghihintay sa labas ng airport.

"Hayaan mo na apo at minsan lang naman ito. Na miss ka namin apo, aba ay lalo kang gumaganda mana ka talaga sa mama mo." saad naman ng kanyang lola.

"Ay si lola Esmeralda, mana sa inyo si mama eh kaya maganda ako dahil sa inyo kami ni Mama nagmana, hindi po ba lolo Arturo?" paglalambing niyang biro sa abuela, pero totoo rin ang sinabi niya, dahil magkakahawig silang tatlo, younger version si Leslie ng kanyang lola at ina.

"Aba ay oo naman apo, katunayan ay nakikita ko sa iyo ang mukha ng lola mo noong kabataan niya." pagsang-ayon naman ng lolo Arturo niya sa kanya.

"See, lola Esmeralda, sabi ko sayo eh! Hi kuya, kumusta?" wika niya pang muli at inakbayan ang lola niya upang makasakay na ng sasakyan ganon din ang lolo Arturo niya matapos niyang batiin ang pinsang si Danilo na tinanguan siya ng ulo na nakangiti.

Habang nasa byahe sila ay masigla siyang nagkwento ng mga ginagawa niya sa maynila bilang guro. Naitanong din sa kanya kung may nobyo na siya o maraming manliligaw. Sinabi niyang wala pa dahil sa wala pa siyang nagugustuhan.

Nang nasa bahay na sila ng Lola't lolo niya ay pinagpahinga na muna siya sa kwarto dahil baka napagod raw sya sa byahe at tatawagin na lamang kapag maghahapunan na.

Sa hapagkainan ay nagsasalo- salo silang kumakain ng hapunan at masayang nagkakakwentuhan ng lumapit ang isang kasambahay at mahinang kinausap ang lolo Arturo ng dalaga.

Tumango ang lolo niya at umalis na ang kasambahay. "Ano raw iyon, Arturo?" tanong ng abuela ni Leslie na nasa tabi niya.

"Andiyan raw si Don Menandro Atienza." seryosong sagot ng kanyang lolo na tumayo na at naglakad palabas ng dining room na sinundan naman ng lola Esmerelda niya na inalalayan niya naman kaya napasama na rin siya dahil nacurious siya sa kung ano ba ang nangyayare at sino si Don Menandro.

"Don Menandro, gabi na ah ano't napadalaw ka pa?" bati ng Lolo niya sa pagdating ng isang matandang lalaki na mukhang istrikto at makapangyarihan ang dating.

"May nakapagsabi kase sa akin na dumating na raw ang nag iisa mong apo na babae Arturo." sagot naman agad ni Don Menandro at tumingin sa kanya ang matanda.

"Siya ba ang apo mo na pakakasalan ng apo kong si Maynard. Arturo?" Ang sabing muli nang matandang lalaki na kausap ng Lolo Arturo niya na bigla niyang ikinakunot ng noo at sulyap sa kanyang abuela.

Hindi nakatiis si Leslie na hindi sumabat ng usapan sa dalawang matanda.

"Ano raw!? ako pakakasalan ng kanyang apo? tama ba ang narinig ko lola!?" nagugulumihanang tanong niya sa kanila.

"Obviously, hindi n'yo pa nasasabi sa apo ninyo ang kasunduan natin Arturo.., para hindi na kayo mahirapan ako na ang magsasabi." saad ng Don na pinigilan ng Lolo Arturo niya na magsalita pa.

"Tsk,, tsk.. Masyado kang nagmamadali Menandro hindi naman ikaw ang magpapakasal kundi ang mga apo natin!." wika ng Lolo niya na masamang tingin ang ipinukol kay Don Menandro at ikinakunot na naman ng noo ni Leslie.

"Maupo ka muna iha at kakausapin ka namin ng lolo mo." aning wika ng abuela niya at hinila pa siya hanggang sa makaupo sa may sala at sumunod na rin ang iba pa.

"Apo, Leslie.. Iha, sana ay maunawaan mo kami ng lolo Arturo mo. Ayaw man namin na guluhin ang buhay mo ay wala na kaming magawa pang paraan ng iyong lolo. Nakasanla ang koprahan natin kay Don Menandro ng 5 million, marami ang umaasang manggagawa sa ating koprahan at itong bahay na ito ay nakasanla na rin sa banko. Malaki na rin ang perang nautang ng lolo Arturo mo kay Don Menandro. Nagbigay ng kondisyon si Don Menandro na hindi niya iilitin ang koprahan at tutulungan niya tayo na mabawi sa pagkakasanla ang titulo ng bahay at lupa sa banko kung ipapakasal ka namin sa apo niyang si Maynard at pumayag ang lolo mo. Kaya ka namin pinauwi rito apo, ay upang ipahayag na ang nalalapit ninyong kasal ng apo niya." pagpapaliwanag ng kanyang abuela na hindi niya mapaniwalaan ang kanyang narinig mula rito.

"Mag desisyon ka na iha kung pumapayag ka ba o iilitin ko na ang lupa niyo?" ang sabi ng Don na halatang nanggigipit pa nang sitwasyon.

"Pakakasalan ko ang apo ninyo? ni hindi ko nga ho kilala kung sino ang apo n'yo eh! at anong dahilan ninyo bakit kailangan ninyo ipakasal sa akin ang apo n'yo, Alam ho ba niya ang pinaplano n'yo Don Menandro?" balik tanong na turan ng dalaga

"Huwag kang mag alala iha, matagal ka ng kilala ng apo ko at oo alam niya ang usapang kasal na 'to dahil siya mismo ang may gusto na makasal kayo. Magpasalamat kayo iha at natipuhan ka ng aking apo. Kasalukuyang siyang nasa ibang lugar ngayon dahil may pinaaasikaso ako, kaya may ilang buwan ka pang maghahanda para sa kasal iha at sa pagbabalik niya atsaka natin idaraos ang kasal niyo." saad ng Don sa kanya na ikinaawang ng labi niya sa lahat ng kanyang nalaman.

End of flashback

"Leslie.., Hoy Leslie, ang sabi ko tara na, uwi na tayo nag day dream ka pa ata diyan! ano bang iniisip mo?"

"Ha? ah wala, may naalala lang ako, Melody. Sige tara na, uwi na tayo."

Expand
Next Chapter
Download

Latest chapter

More Chapters

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Comments

user avatar
GIRLY DE TOMAS
ang ganda ng story ... ... ...
2024-03-30 20:28:59
0
user avatar
Mayfe de Ocampo
great story,bawat chapter kaabang abang... highly recommended
2024-03-28 21:18:37
0
user avatar
Jossa
umpisa pa. lang nakakapanabik na. ang galing..
2024-01-22 10:01:37
0
88 Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status