Share

Chapter 7

Nang hindi na makita ni Ryker si Kelly sa side mirror ng sasakyan niya ay awtomatikong tumaas ang sulok ng kaniyang labi. Dumako ang mata niya sa pilot seat kung saan niya basta inilapag ang isang folder na naglalaman ng imbistigasyon na nakalap ng inupahan niyang PI tungkol sa dalaga.

Isang araw lang ang hinintay niya at dumating ito kaninang madaling araw. Kilala kasi siya ng PI na 'pag sinabi niyang isang araw lang ay hindi puwedeng lumagpas ng isa pang araw o dalawa. Kaya naman sa unang tawag pa lang niya ay agad na magtatrabaho na ang tao niya para ibigay ang kailangan niya.

Dito niya natuklasan ang kursong tinapos ng dalaga. Alam niyang hindi konektado ang tinapos nito sa business niya pero ito lamang ang paraan niya para mahikayat na sumama sa kaniya para magtrabaho sa kaniyang kompanya. Kahit magpapatayo pa siya ng isang bookstore na ito ang magbabantay. Gusto niyang dalhin ito sa syudad kung saan siya nakatira upang palagi niya itong nasisilayan at nabibigyan ng buong atensyon.

Aminin niyang sa unang nasilayan niya ang dalaga ay alam na niya sa sariling interesado siya rito. Gusto niyang makilala ang dalaga, lahat ng tungkol sa kaniya. He doesn't want to miss every single thing that she have, halimbawa ay kung paano ito kumain, uminom ng tubig at tumawa.

Kung papayag ito sa gusto niya ay hindi niya hahayaan na may manakit dito sa poder niya. He will treasure and treat her well. He can give everything she needs nang hindi ito nahihirapan. Makukuha nito ang lahat ng hiling at gustuhin nito sa isang pitik lang niya ng kaniyang kamay.

Ang naaalala lang niya na naging seryoso siya sa isang relasyon ay noong nineteen siya pero pagkatapos nilang maghiwalay ay hindi na siya nagseryoso pa. Lalo pa noong siya na ang humalili sa kaniyang ama sa pamamahala ng business nila ay ginugol niya lahat ng oras niya para rito.  Masyado siyang busy na inuutusan pa niya ang assistant niya na maghanap ng mga babaeng sasampa sa kama niya ng isang gabi. Yes, that's right, he only slept with women once or thrice and then he'll just give them money to shut their mouth. Ginagawa rin niya ito upang hindi na sila maghabol. Wala naman sa mga babaeng 'yon ang muling lumapit sa kaniya para huthutan siya ng pera dahil sinisiguro niya na ang binibigay niya ay malaki.

When it comes to money, he can throw it on their face without batting an eyelid. Kung tutuusin ay barya lang sa kaniya iyon. Kahit pa ilang babae ang bayaran niya to spread their legs for him ay wala pa ring problema sa kaniya.

But this time, he knows that he can't use money to lure her. Kilala ang pamilya nito sa lugar na 'to dahil inaalagaan nila ang dignidad nila. Kaya kung hindi pera ang paraan para mahumaling si Kelly sa kaniya ay gagamitin niya ang trabaho upang sumama ito sa syudad.

Inihinto niya ang sasakyan sa gilid ng kalsada at kinuha ang envelope. Binuksan niya iyon at kinuha ang larawan ng dalaga na nakalap din ng PI. Sa social account ng dalaga nito kinuha iyon. Pinakatitigan niya ito na may kakaibang kislap sa mata niya.

Nakalugay ang mahabang buhok nito at may matamis na ngiti sa labi. Half body lang ang nakunan dito kaya kita niya ang kulay violet na blusa nito kaya lalong lumabas ang natural na ganda nito. Kahit hindi nakuha ng camera ang buong hitsura ng dalaga ay nahulaan niyang nakaupo ito sa library dahil puro bookshelves ang background nito. Ayon sa PI ay litrato pa nito noong kolehyo pa ito dahil ito ang pinakahuling pinost nito kaya halata nga na mas bata pa ito rito, hindi pa masyado matured ang features ng mukha. Kung sabagay kahit naman ngayon ay baby face pa rin si Kelly kaya mahihirapan ka talagang mahulaan kung ano ang tunay nitong edad.

Pinadaanan ng daliri niya ang maamong mukha ng dalaga habang iniisip na ang totoong pisngi nito iyon. Naningkit ang mata niya nang maisip na maraming tao ang nakakita sa larawan na 'to ay may umusbong na galit sa puso niya. Subalit agad na itinanim niya sa utak na 'pag nasa kamay na niya ito ay puwede na niyang kontrolin lahat ng nasa paligid nito, including her accounts. He will forbid her to post her pictures.

He can manipulate everything, upang walang puwedeng makaligtas sa mata niya na nangyayari sa buhay nito. Lahat ay masusundan niya ng walang aberya.

"Oh damn! Don't get ahead of yourself!!" he scoffed to himself and restarted the engine. Babalik muna siya sa hostel kung saan siya umuupa ngayon habang narito siya.

Samantala, nakahiga si Kelly sa kaniyang kama sa sandaling 'to. Hindi pa rin niya nabanggit sa kaniyang magulang ang tungkol sa sinabi ni Ryker sa kaniya kanina. Nagdadalawang isip pa siya kung tatanggapin niya ang offer ng binata.

Hindi naman siya maluho kaya ang kunting sahod niya sa library na 'to ay may naitatabi siya sa bank account niya. Pero kung magiging practical siya ay susunggaban niya iyon para makapag-ipon siya at kung darating ang araw na lalagay siya ng tahimik ay 'di na siya magkakaroon ng problema financially.

Sa kaisipang ito ay mabilis na umiling siya at lumabi. Paano niya iisipin ang pagpapakasal at lalagay sa tahimik kung siya ay hindi man lang naranasang magkaroon ng kasintahan simula noong pinanganak pa siya. Bago siya magplano ng ganito ay kailangan muna niyang hanapin ang right man niya.

As if on cue ay may guwapong mukha na nag-appear sa utak niya. Hindi niya namalayan na ang utak niya ay lumilipad na sa ibang planeta at nag-i-imagine na nakaluhod sila ni Ryker sa harap ng altar at may malawak na ngiting nakapaskil sa kanilang mga labi at nagre-recute ng kanilang vows. Her eyes was twinkling when she suddenly awakened to her trance, she immediately pinch her own cheeks. Ni hindi nga niya mapagdisisyunan na tanggapin ang trabahong iniaalok niya tapos ang binata pa ang naisip niyang prospect 'pag gusto na niyang magpakasal.

Sa katunayan ay attracted naman siya sa binata noong unang nakita niya ito sa isang pahagayan. Nagsisinungaling lang siya sa kaibigan na wala siyang nararamdaman na atraksyon sa una. Siyempre, kahit naman kasi isigaw niya ay wala ring patutunguhan sapagkat magkaiba ang mundo nila ni Ryker.

Bumuntong hininga siya at kumilos upang nakadapa na siya ngayon sa kama. Pumikit siya at nagdisisyon na matulog na muna habang wala pa siyang maisip na tamang gawin.

Ngunit ilang minuto na siyang nakapikit at gising na gising pa rin ang diwa niya. Pakiramdam pa nga niya ay nabibingi na siya dahil paulit-ulit na na-pe-play sa utak niya ang tinig ng binata. Ang masahol pa ay parang nananadya ang kaniyang utak at may nakikita siyang emosyon sa mukha ng binata na hindi naman niya nakita kanina, at iyon ay ang pagsamo sa mata nito na sana ay pumayag siya. Sinubukan niyang burahin iyon subalit useless dahil bumabalik pa rin.

Sumubsob siya sa unan niya at impit na tumili, naiinis siya sa sarili niya dahil nagdedebate ang utak niya. Ang sinisigaw ng isip niya ay kasalungat naman ng binubulong ng puso niya. "Kung may ibibigay na sign ang maykapal sa'kin bukas ay tatanggapin ko. Kahit anong sign, may magbibigay ng stuff toy o kaya ay makakakita ako ng dalawang ibon, tatanggapin ko ang alok niya," bulong niya at umayos ng higa. Hinila pa niya ang kumot at nagtaklob upang pilitin na matulog at nagtagumpay naman siya dahil pagkaraan ng tatlumpong minuto ay tuluyan na siyang nilamon ng antok.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status