Share

Chapter 6

Kinahapunan pagkatapos magsara ng library si Kelly ay nagulat siya nang mamataan niya si Ryker na nakasandal sa hood ng isang wrangler at nakapikit. Napakurap pa siya ng maraming beses para masigurong hindi lang imahinasyon ang nakikita niya pero naroon pa rin ang binata. Atubling nilapitan niya ito at huminto ng isang dipa rito.

Wala sa loob na isinubo niya ang hinlalaki at kinagat ang kaniyang kuko habang binibistahan ang hitsura ng binata. Iba na ang damit na suot nito ngayon, isang gray na sweater at jeans. Ang bangs nito ay malayang nakalugay sa noo nito kaya nagmukha itong teenager. Ngunit hindi pa rin nawawala sa aura nito ang isang pagiging bachelor.

Bahagya siyang umatras nang makitang kumislot ang mga pilik mata nito at unti-unti itong nagmulat ng mata. Kumislot ang puso niya nang sa pagmulat nito ay tamang magkakatitigan silang dalawa. Dumiin ang ngipin niya sa dulo ng kaniyang daliri dahilan para mapadaing siya at mabilis na tinignan iyon.

Nagulat naman ito kaya agarang napaayos ito ng tayo at inagaw ang kamay niya upang suriin. Nanginig ang buong kalamnan niya nang haplusin nito iyon.

"It's bleeding," saad nito at bago pa niya mabawi ang kamay ay naisubo na nito ang daliri niya at gentle na s******p iyon. Animo nag-collapse ang puso niya sa sandaling 'yon at wala sa loob na may kumawalang mahinang ungol sa kaniyang bibig. Nanlaki ang kaniyang mata sa hiya at namula ng todo ang pisngi niya. Gusto niyang bawiin ang kamay subalit hindi siya nito hinayaan at s******p pa iyon nang hindi inaalis ang tingin sa mukha niya. Napalunok siya at pilit na iniiwas ang tingin. Pinakawalan nito ang daliri niya makaraan ng ilang minuto pero bago muna iyon ay dinilaan pa dahilan para manginig ang tuhod niya.

"I-I'm okay!" Nilakasan niya ang paghila sa kamay niya at kinuyom iyon pagkatapos. "A-Ano pala ang ginagawa mo rito?"

"I'm waiting for you," prankang amin nito. "Gusto kitang imbitahin na magkape muna sa Skye."

Ang Skye na tinutukoy nito ay ang coffee shop na malapit sa library na pinagtatrabahuhan niya.

"Uhm!" Atubling tumingin siya sa kanilang paligid at nang matantong may napapadaan na tumitingin sa kanila ay mabilis na umiling siya. "K-Kailangan ko na kasi ang u—"

"Natatakot ka ba na may gagawin akong masama sa'yo?" putol nito sa pagtanggi niya. Umiling naman siya. "Or nangangamba ka ba na may maririnig kang 'di maganda kung makita nilang kasama mo ako?"

Mariing pinaglapat niya ang mga labi at nag-iwas ng tingin dito. Marami ang taong makakati ang dila sa kanilang lugar at malamang ay magiging usap-usapan na rito ang pagsama niya sa binata. Isa pa ay bagong salta ito rito at hindi pa nagtatagal ang lalaki rito sa kanila.

Kung bibilangin ang araw na nakilala niya ito ay wala pang isang linggo iyon.

"Don't worry, ikaw lang ang nakilala ko rito na puwede kong makausap tungkol sa lugar ninyo," assurance nito. May dismaya man siyang naramdaman sa binigkas nito ay tumango siya. Puwede naman na 'yon ang irarason niya kung may nag-usisa man sa kaniya.

"Great!" masayang bulalas nito at inalalayan siya sa siko bago pa man siya makahuma. Nag-cross sila sa pedestrian lane na hawak nito ang siko niya. Naaasiwang nagyuko siya ng ulo at nag-angat lamang ng makapasok sila ng Skye.

Naupo sila sa pandalawang mesa at lumapit naman ang binatilyong anak ng may-ari upang kunin ang order nila. Dahil kinakabahan ay hindi siya um-order ng kape at chocolate lang ang kaniya.

Habang hinihintay na dumating ang kape nila ay nagbuka ng bibig ang binata upang magtanong. Ngunit iba ang topic na tinanong nito at hindi ang talagang rason kung bakit inaya siya nito.

"Gusto mo bang magtrabaho sa ibang lugar?" tanong nito kaya natigilan siya. Alam niya ang sagot sa tanong nito kahit hindi siya mag-isip. Ayaw niyang umalis sa lugar nila dahil ayaw niyang iwan ang kaniyang magulang.

"B-Bakit?"

"Narinig ko sa mga taga rito na nakapasa ka sa librarian licensure examination. Bakit hindi ka magtrabaho sa malalaking library sa syudad. I'm sure na agad kang matatanggap," anito. Hindi man niya alam kung sino ang taong napagtanungan nito pero 'di na siya nagulat dahil alam na ng buong lugar nila ang tungkol doon.

"Masaya na ako sa trabahong meron ako rito," tipid na saad niya.

"Sayang naman kung dito ka lang magtatrabaho." Sumandal ito sa upuan at matiim siyang tinignan kaya nagbaba siya ng tingin. "Why don't you work for me? Maybe, gagawin kitang assistant ko. Kung tungkol sa suweldo mo ay puwede nating pag-usapan after mong pumayag na magtrabaho ka sa'kin," walang paligoy-ligoy na turan nito.

Nagulat siya sa offer nito kaya napatitig siya rito. Hindi niya inaasahan na iyon ang dahilan kung bakit nilapitan talaga siya nito.

Hindi agad siya nakasagot dahil dumating ang order nilang kape. Pagkatapos magpasalamat sa binatilyo ay muli siyang tumingin kay Ryker.

"Iba ang kurso ko—"

"Ituturo ko sa'yo ang lahat," maagap na bigkas nito. Hindi kita pahihirapan doon at lahat ng benefits ay legal kong ibibigay sa'yo bilang empleyada ko. No one will question you on how did you become my assistant."

"H-Hindi ko pa rin alam kung ano ang isasagot ko sa offer mo, Sir Ryker. Puwede ko bang pag-isipan 'to ng maayos," aniya.

"Sure, magtatagal pa naman ako rito at siguro ay maririnig ko ang disisyon mo bago ako bumalik sa syudad," tumatangong saad ni Ryker.

"Thank you," usal niya at kinuha ang mug ng chocolate niya. Humigop siya roon na tumatakbo ang utak niya sa offer nito. Na-te-temp siya na pumayag pero nananaig pa rin ang kagustuhan niyang makasama ang magulang.

Kung siguro ipapaalam niya sa kanila ang tungkol dito ay baka 'di siya maghihintay ng ilang minuto at pumayag agad sila.

"I will provide house and lodging kung tatanggapin mo ang alok ko," dagdag ni Ryker kaya lalong sumidhi ang kagustuhan niyang sunggaban ang alok nito. Hindi na kasi siya maghahanap pa ng apartment na tutuluyan niya kung sakali mang pumayag siya. Pero naiisip pa rin niya na mag-isa siyang titira roon ay tumututol ang isip niya.

"P-Pag-iisipan ko muna," ito pa rin ang lumabas sa bibig niya kaya natawa ito.

"Wow, may isa akong empleyado na agad pumayag pagkatapos kong sabihin 'yan. Inalok ko pa siya ng mataas na salary at wala man lang siyang pag-aatubling pumayag."

Kiming ngumiti lamang siya rito at muling humigop sa mug niya.

Nang maubos nila ang iniinom ay inalok siya nito na ihatid siya pero agad siyang tumanggi. Kahit anong pamimilit nito ay umiling pa rin siya. Gusto kasi niyang makapagdisisyon na hindi niya ito kaharap dahil 'pag nakikita niya ang mukha nito ay nagiging isa sa dahilan iyon upang ibigay niya ang sagot niya ngayon.

Pagkalabas nila ng Skye ay pinanood niya itong sumakay ng sasakyan nito. Nang makalayo na ito ay nagsimula na rin siyang maglakad.

Kung tatanggapin niya ang trabahong 'yon na malayo sa tinapos niya, matututunan kaya niya? Paano kung sa unang araw pa lang ay suko na agad siya?

Huminga siya ng malalim at binura sa utak ang perpektong tindig at ngiti ni Ryker dahil lalong 'di siya makapag-isip ng tama.

"Kung papayag ako ay palagi ko na siyang masisilayan!" bulong niya pero mabilis na kinurot niya ang braso upang hamigin ang sarili.

Bahala na! Kakausapin muna niya ang magulang kung ano ang sasabihin nila saka siya magdidisisyon.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status