Share

CHAPTER 4: The Playboy CEO

"Ang gwapo!". Mahinang sabi ni Kim nang pagsakay niya sa elevator ay may makasabay na gwapong lalake. Dalawa lang silang nakasakay sa elevator. Hindi niya maiwasan ang titigin ang mukha nito sa salamin ng elevator. Parang pamilyar sa kanya ang mukha nito at nakita na niya sa kung saan. Natigilan siya ng mapatingin din ang lalake sa kanya. Saglit lang siya nitong tinapunan ng tingin. Nainis siyang kung hindi lang kakaiba ang itsura at pananamit nya ay baka napansin sya nito. Bumaba din ito sa kaparehong floor na binabaan nya. Mula sa likod ay pinagmamasdan nya ito. Matangkad at matipuno din ang pangangatawan nito na kagaya ni Marc.

Pansin nya na binabati ito ng mga empleyado na nadadaanan nya at pagdating sa tapat ng office ni Marc ay dire-diretso itong pumasok sa loob.

Pagdating niya sa pwesto nya ay tinanong nya ang katrabaho nyang si Stella. "Sino yun?"

"Si Dexter, kaibigan ni Sir Marco. Ang gwapo noh!" Kinikilig nitong sagot. "Stepbrother din siya ni Sir Marc at Police siya. " Dagdag pa nito.

"Talaga!" Bulalas nya. Maya maya ay may dumating pa na dalawang lalake at pumasok din sa office ni Marc.

"Sino naman sila?" Curious niyang tanong.

"Yung nakablue si Sir Darwin yan. Head Architect sya dito, nasa 5th floor ang office nya. Yung naka white naman si Sir Reymund. Magkakaibigan sila at mga stockholder dito sa company. Madalas sila nagpupunta dito kaya kilalang kilala sila ng mga empleyado. Ang ga-gwapo diba!"

"Ah talaga. Parang F4!" Natawa nyang sabi.

Narinig nyang nag ring ang telepono niya. Agad niya yun sinagot.

"Secretary Kim, come inside." Utos ni Marc sa kabilang linya.

Inayos muna niya ang sarili bago pumasok. Dinagdagan niya ang kilay ng mapansing nabawasan yun. Nainis siyang imbes na magpaganda dahil maraming gwapo ay kabaliktaran ang ginagawa niya. Matapos mag ayos ay agad siyang pumasok sa opisina ni Marc. Dahil nasa private room ay pumasok din sya doon. Pagkapasok niya ay apat na pares ng mga mata ang sumalubong sa kanya. Nakaupo ang apat na lalake sa couch. Lumapit sa kanya si Marc at inutusan syang ayusin ang mga pagkain na nasa table sa pantry.

Habang nag aayos ay naririnig nya ang mga usapan ng mga ito.

"Nasan na si Alice?" Tanong ni Dexter na ang tinutukoy ay ang dating secretary ni Marc.

"Alam mo na, nadistract!" Tumatawang sabi ni Darwin. Tumawa din ang ibang kaibigan.

"Tindi mo naman brother buwan buwan na lang nagpapalit ka ng secretary." Sabi ni Reymund.

"Gagu ka kasi pati secretary mo tinatalo mo!" Napatingin si Kim kay Dexter ng sabihin yun. Pagkatapos ay tumingin siya kay Marc na umiinom sa bottled water. Base sa mga narinig niyang sinabi ng mga kaibigan ay halatang playboy talaga ang boss niya. Napapailing siya habang tinitignan si Marc. Natigilan siya ng mapatingin ito sa kanya kaya agad na niyang binaling ang atensyon sa pagkain.

Ilang sandali nang may dumating na dalawang babae. Nakita nyang tumabi ang isa kay Reymund at ang isa naman ay kay Darwin. Pamilyar ang mga yun sa kanya. Iniisip niya kung saan niya ito nakita hanggang sa maalala niya ang mga pictures na nakita nya sa wall.

"Sila sila yun!" Mahina niyang sambit.

"May napili na ba kayong date sa kasal nyo?" Tanong ni Marc kila Reymund at Ana.

"Sa June!" Sagot ni Ana.

"This is it! Welcome to my club bestie" Nakangiting sabi ni Suzet. Nag apir sila ni Ana.

"Napag isipan mo na ba Ana yung Chief Accountant position hinihintay ka na ng office mo dito." Pabirong sabi ni Marc.

"Bes hinihintay ka na din ng office mo sa accounting sa Zette Cosmetics. May share ka din doon." Tumawa si Suzet.

"Ay si Reymund ang tanungin nyo jan." Baling ni Ana kay Reymund.

"May office na sya sa Le Milia. At may plano pa kaming magtayo ng isa pang branch. Kaya hindi na nya kakayanin. May trabaho din sya sakin eh." Inakbayan ni Reymund si Ana.

"Tama!" Sagot ni Ana.

Maya maya ay napansin ni Kim na papunta sa kanya ang dalawang babae.

"Hi. Ikaw ba yung bagong secretary ni Marc?" Tanong ni Suzet kay Kim habang binubuksan ang mga dala nilang pagkain.

"Opo!" Sagot ni Kim.

"Bago uli!?" Sambit ni Ana.

"Sana magtagal ka na. Papalit palit kasi yan ng secretary eh. Habaan mo lang ang pasensya mo kay Marc." Nakangiting sabi ni Suzet. "Tsaka mag iingat ka. Playboy yun!" Mahina pa nitong sabi tsaka tumawa.

"Anong habaan ang pasensya ha. Anong mag iingat?!" Sabi ni Marc pagpasok sa pantry.

"Masyado namang affected." Sabi ni Ana. Tumawa sila ni Suzet.

"Sabi ko kasi sayo Marc ako pipili ng Secretary mo eh nakailang palit ka tuloy." Ani Suzet.

"No way, yung pinili mong Secretary ni Darwin magreretire na. Pilian mo ba naman ng senior. Kung hindi senior, si dabiana walang ginawa kundi kumain. Pilian mo naman ng maayos si Darwin." Tumawa si Marc.

"Kahit ganun maayos sila magtrabaho noh!" Bwelta ni Suzet.

"At importante hindi nadidistract si Darwin." Sambit ni Ana.

"Tama!" Sang ayon ni Suzet. Sabay silang tumawa.

"Bahala na kayo jan! Huwag nyo kong i-badmouth sa secretary ko ha!" Tumingin si Marc kay Kim tsaka siya umalis at bumalik sa couch.

"Anong name mo?" Tanong ni Suzet kay Kim.

"Kim po." Sagot niya.

"Alam mo huwag mo na kaming pino-po mukhang kaedad ka lang din namin eh." Sabi ni Suzet.

"I'm Suzet. She's Ana. Friends kami ni Marc".

"Po?.. sige po!" Nasambit niya. Natigilan siya bigla.

"Oh kasasabi lang eh!" Natatawang sabi ni Ana.

"Alam mo gusto kita kaysa dun sa mga dating naging secretary ni Marc." Ani Suzet.

"Ako din!" Sambit din ni Ana.

"Ah talaga salamat po!" Sagot niya.

Pagkatapos nun ay bumalik na siya sa pwesto nya. Ilang oras ang lumipas nang umalis na ang mga kaibigan ni Marc. Nagpaalam at niyakap siya ni Suzet at Ana pagka alis nila.

Masaya si Kim at pakiramdam niya ay napakagaan ng loob nya sa mga kaibigan ni Marc.

Sumunod na araw ay may babaeng bisita si Marc sa office. Ang sabi sa kanya ni Stella ay si Nicole ito na isa sa kliyente nila.

"Sige Marc puntahan ko lang si Darwin sa office nya." Narinig ni Kim na paalam ni Nicole kay Marc nang pumasok siya sa loob.

"Sure!" Pansin niya ang kakaibang ngiti ni Marc.

Napangiti si Marc nang sabihin ni Nicole na pupuntahan si Darwin. Alam niyang dating karelasyon ni Darwin si Nicole. Ilang minuto ang lumipas nang dumating si Suzet.

"Marc oh para sayo!" Ani Suzet sabay abot ng isang tupperware na may laman na shrimp tempura. "Alam ko gusto mo rin niyan eh. Pareho kayo ni Darwin."

"Thank you!" Nakangiting pasasalamat ni Marc.

"Sige dalhin ko lang itong isa kay Darwin." Pagkasabi nun ay agad lumabas sa office nya si Suzet.

Natigilan naman si Marc na biglang naalala na pumunta si Nicole sa office ni Darwin. Alam niyang parating pinagseselosan ni Suzet si Nicole kaya agad niyang tinawagan si Darwin para sabihang pupunta doon si Suzet.

"Yari ka na naman Darwin!"

Ilang beses nyang tinawagan si Darwin ngunit hindi ito sumasagot hanggang naisipan niyang puntahan na lang ito sa office niya.

"Kim halika sumama ka sakin!" Tawag niya kay Kim paglabas niya ng office.

"San tayo pupunta Sir?" Nagtatakang tanong ni Kim habang mabilis na naglalakad kasabay si Marc.

Nakita nila si Suzet na pasakay na ng elevator.

"Pabalikin mo muna si Suzet sa office ko. Bigay mo yung folder na nasa table ko para kay Darwin yun eh. Basta sabihin mo kailangan yun ni Darwin kaya isabay na nya. May pupuntahan lang ako." Mabilis na wika ni Marc.

"Eh bakit po hindi pa natin binitbit ngayon yung folder. Pababalikin pa natin si Suzet?" Nagtakang tanong ni Kim. Nagtataka rin siya sa kinikilos ni Marc.

"Basta gawin mo na lang!" Ani Marc.

Pasakay na sana ng elevator si Suzet ng hawakan ni Marc sa braso.

"Suzet sumama ka muna kay Kim sa office ko dalhin mo yung folder na nasa table ko, kay Darwin yun eh isabay mo na pagpunta sa kanya. Alam na ni Kim yun." Parang natatarantang sabi ni Marc.

"Ha eh isunod mo na lang Kim pababa na ko kay Darwin eh."

"Hintayin mo na lang." Sumakay si Marc sa elevator. Agad niyang sinara ang pinto pagpasok niya.

"Ako na lang babalik sa office ni Sir Marc. Hintayin mo na lang ako dito." Sambit naman ni Kim kay Suzet para hindi na ito bumalik pa.

Pagkababa ni Marc sa 5th floor ay nagmadali itong naglakad papunta sa office ni Darwin. Pagkarating doon ay narinig niya ang tawanan nila ni Nicole.

"Brad hindi mo sinasagot tawag ko. Papunta si Suzet dito."

"So ano naman naguusap lang naman kami." Bahagyang tumawa si Nicole.

"Sige na Nicole sumabay ka na kay Marc." Ani Darwin. Alam niyang kahit wala silang ginagawa ni Nicole at sa sobrang selosa ng asawa niya ay malamang na lalagyan nito yun ng malisya.

Sinabay ni Marc si Nicole paalis sa office. Pagpasok nila sa elevator ay saktong nandoon din si Kim at Suzet na palabas naman. Nagkataon na may hawak na magazine si Nicole. Itinaas ni Marc hanggang sa mukha nito ang magazine para matakpan ito tsaka niya inakbayan si Nicole.

Nakamasid naman ang dalawang babae kay Marc habang nakaakbay sa babae.

"Hay naku Kim, alam mo masanay ka nalang jan sa boss mo na may kaganyanan na babae. Tignan mo CEO pa man din." Sabi ni Suzet paglabas nila ng elevator.

Nilingon naman ni Kim si Marc na kaakbay ang babae hanggang sa nagsara na ang elevator. "Womanizer talaga!"

Pagdating sa office ni Darwin ay binigay ni Kim ang document na bitbit kay Darwin para pirmahan.

"Naku beb ha yang kaibigan mo ano bang trip nun pati sa trabaho dinadala ang panchi-chicks." Nairitang sabi ni Suzet kay Darwin.

"Ano to bat may hikaw dito kanino to?" Napansin ni Suzet ang isang piraso ng hikaw na nasa upuan sa tapat ni Darwin.

Natense naman si Darwin nang makitang ganung hikaw ang suot ni Nicole kanina.

"Kay Rose siguro yan siya lang naman ang nagpupunta dito." Agap niyang sabi na ang tinutukoy ay ang secretary nya.

"Kumusta pala yang bago mong secretary maayos naman ba magtrabaho?" Tanong ni Suzet.

"Okay naman. Medyo nangangapa pa pangalawang araw pa lang nya ngayon eh."

"Ayan ha bata na yang pinili ko with pleasing personality na yan. Hindi ka naman siguro madidistract noh." Bahagyang tumawa si Suzet.

Nagpaalam na si Kim na aalis matapos mapirmahan ni Darwin ang mga papel.

"Kim pakidaanan na lang ito kay Rose." Inabot ni Suzet kay Kim ang hikaw. Akmang kukunin na yun ni Kim nang kunin ni Darwin.

"Ako na lang wala sya jan may inutos ako kanina".

Umalis na si Kim sa office ni Darwin matapos nun. Pagbalik ni Kim sa office ni Marc ay busy ito sa laptop.

"Grabe parang walang nangyari!" Mahinang sambit ni Kim nang maalala ang nangyari kanina.

"Come again?" Sambit ni Marc sa sinabi ni Kim.

"Wala po!" Sagot niya. Nilapag niya ang document na pinirmahan kanina ni Darwin sa table. Tatalikod na sana siya para lumabas ng mapansing wala sa ayos ang kwelyo ni Marc kaya agad siyang lumapit para ayusin yun.

Parang nasanay naman si Marc sa ganung gawi ni Kim kaya hindi na siya nagulat ng bigla itong lumapit sa kanya.

May napansing pulang marka si Kim sa parteng balikat ng coat ni Marc, tingin niya ay lipstick yun kaya kinutkot nya yun para mawala. Nang hindi matanggal ay kumuha siya ng wet wipes at pinilit yun alisin. Napatingin naman si Marc sa ginagawa ni Kim sa coat niya.

"Hayaan mo na yan Secretary Kim."

"Ayaw po kasi matanggal yung lipstick, may meeting pa kayo mamaya."

"Lipstick?.. baka sumayad lang yung lips ni Nicole jan!" Bahagyang tumawa si Marc.

"Ang womanizer nyo naman kasi eh." Nakagat ni Kim ang ibabang labi nang hindi niya yun napigilang sabihin.

"Womanizer?" Tumawa si Marc. "Hey Am not!" Nilingon siya ni Marc. Dahil pinupunasan niya ang parteng balikat nito ay napakalapit lang ng mukha niya kay Marc. Pakiramdam niya ay bumilis ang tibok ng puso niya ng magtama ang paningin nila. Pakiramdam niya rin ay parang may hinahagilap na kung ano sa mga mata niya si Marc sa klase ng tingin nito.

Agad na siyang umiwas ng tingin at binalik sa ginagawa ang atensyon. Magsasalita sana siya nang bumukas ang pinto.

Natigilan ang babaeng biglang bumungad sa pinto nang makita si Kim at Marc na magkalapit ang mga mukha.

"Ay sorry nakaistorbo yata ako?!" Bahagyang tumawa ang babae.

"Alice. What else do you need here?"

Napatingin si Kim kay Marc ng sabihin yun. Hindi niya matantya kung nagtataka ito o naiinis na nandoon ang babae.

Alice? Yung dating secretary ni Sir Marc. Sa isip isip ni Kim ng marinig ang pangalan na tinukoy ni Marc. Naalala niyang binanggit yun ng isang kaibigan ni Marc nung nandoon ang mga ito sa office.

"May naiwan pa kong shoes. I'll just take it." Sabi nitong hindi makatingin kay Marc.

Naalala ni Kim yung nakita niyang shoes na nasa paper bag sa wardrobe. Agad siyang pumasok sa kwarto para kunin yun. Sumunod naman sa kanya si Alice.

"Ikaw pala yung kapalit ko!" Sambit nito nang makalapit kay Kim. Tinignan siya nito mula ulo hanggang paa tsaka tumawa. Parang nainsulto naman si Kim sa mga tingin at tawa nito. Alam niyang yung itsura niya ang pinagtatawanan nito. Naisip niyang kung nasa normal ang itsura niya at hindi siya nagpapanggap ay mas maganda pa siya dito.

"Alam mo kahit ganyan ka siguradong papatusin ka pa rin ng lalakeng yun. Paglalaruan ka rin nun at pagkatapos kapag sawa na sayo, aalisin ka na sa trabaho." May halong pait ang pananalita nito. Dahil hindi alam kung paano yun sasagutin ay hindi na lang nagsalita pa si Kim.

Lumabas na si Alice sa kwarto nang makuha ang sapatos. Napapaisip naman si Kim sa sinabi nito. Ang alam niya kasi ay inaalis ni Marc sa trabaho ang secretary niya kapag nadistract na siya sa trabaho. Yun pala ay mas malala pa doon ang dahilan. Pinaglalaruan at pinagsasawaan.

"Mas malala pa sa pagiging womanizer ang Marco Chavez na yun." Nasambit niya sa sarili. Kanina lang nang may kaakbay itong babae at ngayon naman ay biglang may sumulpot na babae din niya.

Naisip niyang mas lalong kailangan nyang itago ang sarili niya sa babaero niyang boss.

♥️

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status