"Sir, you have a board meeting at 10:30am!" Ani Kim pagpasok niya sa office ni Marc. Tumingin si Marc sa oras tsaka siya tumayo. Kinuha niya ang coat na nakasabit sa likuran ng upuan niya at sinuot yun. Dali dali namang lumapit si Kim sa kanya para tulungan siya. Nang maisuot niya ang coat ay inayos ni Kim ang kuwelyo nun. Isa isa din nitong sinara ang butones. Matapos nitong maisara yun ay sinipat pa nito kung maayos na ang pananamit niya. Nanatili siyang nakatayo habang may pinapagpag na kung ano si Kim sa balikat niya. Umikot pa ito sa likod niya. Hindi niya alam kung matutuwa siyang may pagka metikulosa ang sekretarya niya pero natuwa na din siya dahil ginagawa talaga nito ng maayos ang trabaho niya.
"Okay na po Sir!" Nakangiting sabi ni Kim nang masigurong maayos at presentable ang boss niya. Nakangiti sa kanya si Marc nang tignan niya ito. Pakiramdam niya ay parang nalusaw na naman ang puso niya sa ngiti ng boss niya. Kumilos na ito para lumabas ng office. Nakasunod naman siya sa likod nito bitbit ang ang isang folder, notes at pen na gagamitin niya para sa minutes ng meeting.Habang naglalakad sila papunta sa conference room ay pinagmamasdan niya si Marc na nasa unahan niya. Straight body ito habang naglalakad, bawat hakbang ay parang sinasabi nito sa lahat na pag aari niya ang bawat tinatapakan niya, na siya ang hari ng kumpanyang yun. Pansin din ni Kim ang mga empleyadong humihinto sa ginagawa para batiin siya. Nasa unahan niya si Marc kaya hindi niya alam kung may tugon si Marc sa bawat pagbati ng mga empleyado sa kanya. Feeling niya ay seryoso lang itong naglalakad na kahit ngitian o tapunan man lang ng tingin ang mga empleyado ay hindi nito ginagawa.Pagdating sa conference room ay may ibang mga tao na din ang nandoon. Malaki ang kwartong yun. May rectangular na table at may screen projector sa harapan."Dad!" Narinig niyang tawag ni Marc sa nakaupong lalake na nasa head ng table, tantya niya ay nasa late 50's ang edad nun.Daddy? So yun yung Chairman.Umupo si Marc sa right side ng Chairman. Tumayo naman si Kim sa likod nito."Kuya may bago ka na palang secretary eh!" Napatingin si Kim sa babaeng katabi ni Marc sa upuan.Kuya? Kapatid niya."Yeah! She is my Secretary Kim!" Tumingin sa kanya si Marc ng sabihin yun."Hi Secretary Kim, I'm Desiree!" Nakangiti ito kaya napangiti din siya."She's my step sister... And here's my dad...the chairman!" Baling ni Marc sa Daddy niya."Hello po, Good day Sir, Mam... I'm Kim!" Tumango siya at ngumiti kay Desiree at Daddy ni Marc."Nice choice... Now, you can't even think of playing with your secretary." Sarkastikong ngumiti ang Chairman. Napakamot naman ng batok si Marc tsaka siya nilingon sa likuran."You can sit there!" Tinuro ni Marc ang upuan sa gilid. May mga babae ding nakaupo doon. Tingin ni Kim ay mga secretary din sila.Ilang minuto ng magstart ang meeting. Isang oras mahigit ang inabot nun. Saktong lunch nang matapos ang meeting. May pagkain na sinerve para sa lahat ng nandoon kasama na rin silang secretary.Napatingin si Kim kay Marc habang kumakain na nakikipag usap sa ibang board member. Nakita niyang may naiwan na sauce ng kinakain na sweet and sour pork sa gilid ng labi ni Marc. Nang makita yun ay hindi niya napigilan ang sariling lumapit kay Marc at punasan yun. Nabigla at napatigil naman sa pagnguya si Marc nang punasan ni Kim ang gilid ng labi niya gamit ang panyo niya. Napatingin naman ang lahat sa kanila. Nang mapunasan yun ay napansin naman niyang nawala sa ayos ang kuwelyo ni Marc kaya inayos din niya yun. Bumalik na siya sa upuan niya matapos yun."Iba ka girl!" Sabi sa kanya ng secretary na katabi niya.Napakamot naman ng ulo si Kim. Hindi niya kasi mapigilan ang sariling gawin yun. Pakiramdam niya ay obligasyon niyang gawin yun kay Marc sa anumang oras.Matapos ang meeting na yun ay may dalawa pang meeting na inattendan si Marc kasama siya. Hanggang sa matapos ang oras ng trabaho. Pumunta si Kim sa office ni Marc para magpaalam ng umuwi kaso may kausap ito sa cellphone habang nakatingin sa laptop niya. Naisip niyang nagtatrabaho pa rin ang boss niya kaya naisip niyang maghintay na lang dahil baka may iutos pa ito sa kanya.Napatingin si Kim sa oras malapit na mag 6pm. May isang oras na siyang naghihintay. Maya maya ay lumabas na si Marc ng opisina."Oh why are you still here!" Sabi ni Marc ng makita siya. Katapat lang ng office nito ang pwesto niya."Hinihintay ko po kasi kayo." Kinuha na ni kim ang bag at naisipan na rin umalis. Sumabay na lang siya kay Marc sa paglalakad patungo sa elevator."Next time just go home kapag tapos na ang office hour. Huwag mo na ko hintayin." Sabi nito sa kanya habang kasabay niyang naglalakad.Pagbaba sa ground floor ng elevator ay bumaba na si Kim. Marami na ring nagbabaan na empleyado. Sa parking sa basement pa bababa si Marc kaya nanatili pa siya sa loob. Nagpaalam siya dito bago siya bumaba ng elevator kaso hindi niya alam kung narinig yun ni Marc dahil halos sabay sabay din nagpaalam ang iba pang empleyado. Hinayaan niya na lang at dumiretso ng umalis.Unang araw pa lang niya yun sa trabaho. Naisip niya na parang ang daming pangyayari ng araw na yun. Pakiramdam niya ay pagod na pagod siya. Naisip niya ang boss niya, hindi pa niya masabi ang ugali nito pero tingin niya ay mabait ito. May ilang beses siya nito nginitian kaya napakagaan ng loob niya. Bigla din siyang nakunsensya dahil niloloko niya ito sa pagbabalatkayo niya. Malamang ay hindi siya nito mapapatawad at baka tanggalin pa siya sa trabaho kapag nalaman ang totoo.Pag uwi sa bahay ay sinalubong siya ng anak nyang si Dj."Mommy. Nakita mo si Daddy?" Bungad nitong sabi pagkakita sa kanya."Ha daddy?" Nagtaka niyang tanong.Umalis si Dj at pag balik ay bitbit nito ang magazine na may cover photo ni Marc."Lola said you work in Daddy's office.""Ano?.. Ma kung ano ano pinagsasabi nyo naman sa bata eh!" Aniya kausap ang mama nya habang nagluluto."Eh ikaw eh bakit kasi picture ni Ahn Hyo Seop ang nilagay mo sa family picture nyo. Edi nakita ng anak mo na kamukha ng nasa magazine kaya inisip nya tuloy iisang tao sila." Sabi ng mama nya.Tinutukoy nito ang family picture na nasa picture frame na inedit nya. Dahil kasi sa pangyayari noon na hindi nya nakilala ang ama ni Dj ay ang picture ng crush nyang si Ahn Hyo Seop ang nilagay nya sa picture frame na kasama nilang mag ina."I want to see Daddy too. when will he come home?" Tanong ng limang taong gulang nyang anak. Napapansin nya na habang lumalaki ito ay mas lumalawak din ang interes nito sa ama nya. Naiinggit kasi ito sa mga kalaro at kaklase nya na may mga ama.Matapos nyang magbihis ay tinanggal nya ang suot na kuwintas. Yun lang ang tanging alaala nya sa ama ni Dj. Pinagmasdan nya yun. May nakaukit na Dj sa locket pendant nito kaya ito din ang naisip nya na ipangalan sa anak. Daniel John.Sumagi sa isip niya ang pangyayari may anim na taon na ang lumilipas. Nagising siya ng umagang yun na masakit ang ulo. Masakit ang katawan niya. Lalo ang legs at ang sentro ng pagkababae niya. Naalala nya ang nangyari ng nagdaang gabi. Napabalikwas sya ng bangon."Kenneth!" Nasambit niya. Ginala niya ang paningin sa palibot ng kwarto ngunit wala ito."Teka pano mapupunta dito si Kenneth eh nasa dubai sya!"Napatingin sya sa katawan niyang nabalutan ng kumot. N*******d sya. Nagpanic bigla ang utak nya. Pinilit nyang alalahanin ang pangyayari kagabi. Naalala nya na pagkatapos nya maligo ay basta na lang siya humiga sa kama. Hanggang sa maramdaman niyang may gumagalaw sa kanya. Tinungo niya ang salamin sa tokador. Napatingin sya sa katawan nya na maraming kiss mark. Napaatras siya ng makita yun. Nangatog ang katawan niya. Iniisip niya kung ginahasa ba siya. Pinilit niyang alalahanin ang gabing yun. Naalala niya kung gaano niya kagusto ang pangyayaring yun. Nainis siya sa sarili na hinayaan niyang galawin siya ng kung sino mang lalake na yun."Sino yung lalakeng yun?" Napatingin sya sa kama. Nakita niya yung bahid ng dugo doon. Pakiramdam niya ay mas lalong sumakit ang pagkababae niya sa nakita. Sa isang iglap lang ay nawala ang pagka birhen niya na pinakaiingatan niya na kahit kay Kenneth ay hindi niya nagawang ibigay.Nagalit siya sa sariling bumigay siya sa lalakeng hindi niya kilala, ni hindi man lang niya nakita ang itsura nito. Nagsisi siyang nagpakalango siya sa alak, dahil doon kaya nawala siya sa katinuan.Maya maya ay may napansin siyang isang necklace sa kama. Kinuha niya yun at tinignan. May nakita syang nakaukit na letra sa locket pendant."Dj. Ito ba ang pangalan ng lalakeng yun". Binuksan nya ang locket at may picture ng batang lalake na nandoon. Luma na ang picture kaya naisip niyang matagal na yun at malamang ay picture yun noong bata pa ng lalakeng naka angkin sa kanya.Tinignan niya ang oras malapit na ang oras ng check out niya sa hotel kaya nag ayos na siya. Umalis siya ng hotel at boracay ng magulo ang isip. Nagbakasyon siya doon para marelax pero mas lalong gumulo ang isip niya."Pumunta ako ng boracay ng buo pero umalis akong wasak."Makaraan ang ilang linggo ay nalaman niyang nagbunga ang pangyayaring yun. Sobra ang galit sa kanya ng Mama niya ng sabihin niya yun, nagpabuntis daw siya sa lalakeng hindi niya kilala. Kalaunan ay natanggap din nito ang sitwasyon niya.Dinala niya mag isa ang nasa sinapupunan niya ng walang ama na makakatuwang niya. Minsan niya ring naisip na ipalaglag yun pero mas nanaig sa kanya ang takot at ang pusong ina. Inisip na lang niya na kaloob iyon sa kanya ng Diyos at may rason ang lahat ng mga nangyayari. Nagpakatatag siya hindi lang para sa sarili kundi para na rin sa anak niya.Mag isa nyang binuhay si Dj. Naalala nya noong 3 years old pa lang ito nang magsimulang maging curious sa ama nya. Sinabi na lang niya na nasa ibang bansa ito nagtrabaho na kagaya ng kalaro nya na ofw ang ama. Nagedit at nagprint pa siya ng family picture nila na mukha ng isang korean actor na crush nya ang nilagay niyang kasama nilang mag ina. Alam niyang mali yun pero wala siyang choice. Ipapaliwanag niya din lahat kay Dj sa oras na kaya ng unawain ng isip nito.Matagal na niyang inaasam na makita ang lalakeng yun. Gusto niyang makumpleto ang buhay ng anak niya. Gusto niyang magkaroon ito ng ama. Alam niyang napakalabong mangyari pero gusto niyang umasa.Nawala doon ang isip niya nang tumunog ang cellphone niya. Nagtext ang boss niya. Maaga siya nitong pinapapasok dahil may business meeting daw ito ng maaga. Gusto niyang mainis na kailangan niyang gumising ng maaga. Pero pakiramdam niya ay gumaan naman din ang loob niya na maaga niyang makakasama kinabukasan ang boss niya.♥️Ito po ay Chapter 1 lamang ng Secretary Kim Book 2 (HAPPILY EVER AFTER)Rated SPG"Negative din" sambit ni Kim ng subukan ang pangatlong pregnancy test na binili niya. "Delayed nga lang siguro ako" malungkot na lumabas sa CR si Kim. "What's wrong" tanong ni Marc ng mamulatan sa paggising si Kim na panay ang buntung hininga paglabas sa CR."Negative pa rin. Mahigit isang taon na tayong kasal. Bakit kaya hindi pa rin ako nabubuntis. Wala naman daw problema sa atin sabi ng OB. Bakit kaya? " "Huwag mo kasi ipressure yung sarili mo. May Dj naman tayo eh kaya bigyan man tayo o hindi ng second child masaya naman tayo diba." Sabi ni Marc na umupo at sumandal sa headboard ng kama."Gusto ko na ng second child. 8 years old na si Dj gusto ko na sya magkaroon ng kapatid. Namiss ko na din magbuntis at mag alaga ng baby. Eh kung sundin kaya natin yung advise ng OB na magpahinga magbakasyon kasi pwedeng dahil sa stress sa work kaya tayo nahihirapan makabuo.""Oh diba nung 1st anniversary natin 2
Part 1Kim: Hi! Kim: Hi Kim: Hi po! Kim: Magreply ka naman! Kim: Can u b my textmate?! Kim: Hi! Marc: Hello! Marc: How did you get my number? Kim: from a friend Marc: Who? Kim: secret! Kim: What's your name? Marc: Marvin Marc: you? Kim: Jolina Kim: bagay tayo! Kim: you can call me Jolens for short! Marc: seryoso ba yan? Kim: oo naman! Kim: ang bagal mo naman magreply Marc: Sorry i'm on the beach right now! Kim: ah really! Marc: What's your vital stat? Kim: 34-25-34 Marc: your height? Kim: 5'5. You? Marc: I'm 6ft Marc: are you single? Kim: Yes and ready to mingle. Kim: you? Marc: Same! Marc: What are you up to? Do you go to school? Kim: Yes i'm in my 4th year in college at University of the west. How about you? Marc: Same, at UPM Marc: Let's meet up. I wanna see you in person! Kim: Grabe, text text lang meet agad. Marc: Come to my place. Let's talk in private. Kim: hanep ang bilis ah! *Ito yung textmate sila hab
Pagkaraan ng isang linggo ay naisipan ng mag asawa na sa boracay mag honey moon. Pinili nila ang hotel at kwarto kung saan sila unang nagkasama."I can't believe magkasama na uli tayo rito. But this time mag asawa na tayo." Masayang sabi ni Kim pagpasok nila sa kwartong yun."Yeah kasi noon kahit magkasama tayo at may nangyari satin iba naman ang nasa isip mo...Yung ex mo!" Ani Marc na sinamaan siya ng tingin."Dahil nga sa broken hearted ako sa kanya kaya ako nagpunta dito sa boracay eh, kaya tayo nagkita at kaya nagkaron tayo ng Dj at ngayon mag asawa na tayo." Nakangiting sabi ni Kim. "So dapat pa kong magpasalamat sa kanya?!" Ani Marc na hindi maalis ang pagkainis."Hay naku naman ang asawa ko napakaseloso." Kumandong si Kim kay Marc habang nakaupo ito sa gilid ng kama. "Ikaw rin naman eh meron kang babe noon. Pinagkamalan mo pa akong siya. Wait sino ba yung jowa mo nun na artista? Si Samantha din ba?""Hindi. Huwag mo na alamin baka kapag nakita mo sa tv awayin mo ko bigla." Bah
"Let's give the biggest welcome to our amazing newlywed couple Mr. And Mrs. Marco and Kim Chavez!"Magkahawak ang kamay na pumasok sa function hall para sa reception ng kanilang kasal ang mag asawang Marc at Kim nang i-announce ng emcee ang pangalan nila. Walang pagsidlan ang kagalakan nila habang nakangiting nagpapasalamat sa mga taong bumabati sa kanila habang patungo sila sa harapan.Mahigpit silang magkayakap habang sumasayaw sa gitna para sa unang sayaw nila bilang mag asawa. Kapwa nilang dinadama ang pagmamahal para sa isa't isa habang pinapakinggan ang paborito nilang kanta para sa isa't isa.Wise men sayOnly fools rush inBut I can't help falling in love with youShall I stay?Would it be a sinIf I can't help falling in love with you?Like a river flowsSurely to the seaDarling, so it goesSome things are meant to beTake my hand,Take my whole life, tooFor I can't help falling in love with youLike a river flowsSurely to the seaDarling, so it goesSome things are meant
Si Marc ang unang naglahad ng wedding vow niya. Hinawakan niya ang dalawang kamay ni Kim tsaka tinitigan ito ng buong pagmamahal."Honey, I've been thinking when was the very first time I saw you then I suddenly remembered the day we watched Dexter's basketball game. Do you still remember?" Nakangiting tanong ni Marc kay Kim. Napaisip naman siya sa sinabi nito."That's you, right? the one who dropped mentos in my hair! I still remember how gross it was that day?" Bahagyang tumawa si Marc. Nabigla at natawa din si Kim nang maalala yun. Noon lang niya narealize na si Marc nga yung lalakeng nahulugan niya ng mentos habang nginunguya yun at seryosong nanonood ng basketball. Bigla niyang natandaan na habang tinatanggal niya ang mga nakadikit na mentos sa buhok nito ay sinisiyasat niya kung gaano kaganda ang hibla ng buhok nito at kakinis ang batok hanggang leeg na kahit ang libag ay mahihiyang kumapit. Kahit hindi niya masyadong nakikita ang mukha nito noon ay nagkaroon siya ng pagtangi sa
"Ano ba kayong dalawa bakit magkasama kayo? Sa harap ng altar lang dapat kayo pwedeng magkita." Sabi ng step mother ni Marc nang makita sila. Kausap nito ang Mama ni Kim."Naku kanina magkasama din sila sa kwarto." Sabi naman ng Mama ni Kim ng makitang lumabas doon si Marc kanina."Oh siya, let's go na Marc magsisimula na ang procession." Niyaya na si Marc ng stepmother sa loob ng simbahan. Bumitiw na si Kim sa pagkakapit sa kamay ni Marc. Nakatitig ito sa kanya na parang gusto pa muna siyang halikan."See you!" Hindi napigilan ni Marc na halikan siya sa noo sa veil niyang suot.Nagkatinginan na lang ang stepmother at Mama ni Kim ng makita yun. Si Marc at mga magulang ang unang maglalakad kaya pumwesto na sila sa harap. Si Kim naman ay nanatili sa likuran."Dapat kasi hindi ka muna bumaba sa kotse eh." Sabi sa kanya ng Mama niya. Mula pa kahapon ay panay ang paalala sa kanya nito ng mga pamahiin sa kasal pero ang lahat ng yun ay sinuway nila ni Marc. Naisip niyang sila ni Marc ang g