Pagpasok ni Kim ng umaga sa office ni Marc ay nandoon na ito at nagkakape.
"Good morning Sir! Ang aga nyo po ngayon ha." Nakangiti niyang bati.Hindi naman siya pinansin ni Marc na nakaharap sa computer at seryoso sa ginagawa.Kumuha si Kim ng necktie sa cabinet."Ano po gusto nyo dito sa dalawa?" Lumapit siya kay Marc para ipakita ang dalawang necktie."Bahala ka na!" Sagot nitong hindi man lang siya tinapunan ng tingin. Naalala niya yung nangyari sa hotel na grabe kung titigan nito ang maganda niyang mukha at animo'y humaling na humaling sa kanya.Tumayo si Marc tsaka niya sinuotan ng necktie."May ipapagawa pala ko sayo ha!" Napatingin siya sa mukha ni Marc habang sinusuotan nya ng necktie. Seryoso pa rin ito. Nacurious tuloy siya sa gustong ipagawa nito sa kanya.Habang sinusuotan niya ito ng necktie ay naisip nya yung oras na nakakulong sya sa bisig nito. Bigla syang kinilig at hindi niya napigilan ang mapangiti."Anong nginingiti-ngiti mo Secretary Kim?" Tanong sa kanya ni Marc habang nakatingin sakanya."Wala po may naalala lang ako!" Sagot niya. Inayos niya ang sarili. Naisip niyang hindi dapat siya kiligin sa playboy na yun.Pagkatapos nya ito suotan ng necktie ay may inabot ito sa kanyang post it na may nakasulat."Find her. Hanapin mo kahit saang social media platform, sa f******k, i*******m. Sumasakit na ulo ko sa kahahanap eh. Hindi ko mahanap!" Sambit ni Marc pagkaabot sa kanya ng papel.Pagtingin nya sa post it, pakiramdam niya ay nawindang ang mundo niya ng mabasa ang nakasulat dun.'Nancy Alcantara'Nabitawan nya pa ang post it sa pagkagulat."Sir bakit po?" Kinabahan siya. Napatingin siya sa computer ni Marc. Nasa search tab ito ng f******k at Nancy Alcantara ang nakita nyang nakalagay sa search page nito. So pumasok ng maaga si Marc para doon. Para hanapin siya."Basta. Kapag nahanap mo may bonus ka sakin!" Nginitian siya ni Marc."Bonus!" Bulalas niya."Yeah! I want that woman as soon as possible.""Ha? Bakit po? Ano pong gagawin nyo sakin... este sa kanya?" Nataranta siya bigla."Grabe ka naman! Alangan sabihin ko sayo kung anong gagawin ko sa kanya. It's none of your business."Pumasok si Marc sa kwarto pagkasabi niya nun. Lumabas naman si Kim at bumalik sa pwesto niya. Tuliro ang isip nya habang nakaupo."Hinahanap ni Sir Marc si Nancy eh ako yun eh, so hinahanap ako ni Sir Marc." Mahina niyang sabi."Grabe gustong gusto niya talaga ko."Naalala niya kung anong klaseng lalake si Marc kaya walang wala sa isip niya na magpakita pa dito. At isa pa katapusan na niya sa kumpanyang yun once na magpakilala siyang siya si Nancy na hinahanap ni Marc. Mas importante sa kanya ang trabaho kaysa sa kung ano man kaya hinding hindi siya magpapakita.Maya maya ay naisip niya yung bonus na sinabi nito once mahanap niya si Nancy sa socmed. Sakto yun dahil malapit na ang birthday si Dj. May ilang minuto siyang napaisip hanggang sa magdesisyon siyang gumawa ng dummy account ni Nancy Alcantara. Socmed account lang naman ang pinapahanap sa kanya ni Marc at pagkatapos ay okay na.In-upload niya sa f******k account ang ilan sa mga selfie pictures nya. Naglagay din siya ng mga fake na info ni Nancy. Matapos niyang magawa ang dummy account ay sinend nya kay Marc ang link. Pinuntahan niya si Marc matapos niya masend ang link."Ang galing mo talaga Secretary Kim!" Parang tumama sa lotto sa saya si Marc nang sabihin niyang nahanap na niya si Nancy."Bat hindi ko sya ma-add?" Tanong ni Marc nang buksan nito ang link na sinend niya."Baka po naka-private yung account. Kapag wala kayong mutual friend hindi mo siya pwedeng i-add." Sagot niya. Naalala niyang inayos niya ang settings ng account para talaga hindi yun ma-add ni Marc."Okay! I'll just message her."Nakita ni Kim na nagta-type ito ng message sa messenger. Agad siyang lumabas ng office. Pagbalik niya sa pwesto nya ay binasa nya ang message ni Marc.Marco: HiMarco: Do you remember me?Natawa si Kim pagkabasa noon. Na-temp tuloy siyang replyan ito.Nancy: Who are you?Marco: I'm Marco Chavez. We met last saturday at the hotel.Nancy: Sorry, I don't remember you!Sumilip si Kim sa pinto ng office ni Marc. Nakita niyang nagkakamot ito ng ulo at mukhang dismayado sa sinabi niyang hindi niya ito maalala."Akala mong playboy ka ha. I'll give you your lesson to learn."Naisipan niyang asarin ang babaerong boss.Nancy: I can easily remember people but you, I can't remember anything.Marco: We met first at the gym before the hotel, I can't get you out of my mind since then. Para na kong masisiraan ng ulo sa kaiisip sayo.Hindi mapigilan ni Kim ang kiligin sa nabasa. Agad din niya yun inalis sa isip niya. Pansin niyang nakangiti si Marc, tuwang tuwa ito sa pagiging playboy niya.Marco: Can I see you again?Marco: Please say yes. You know I like you a lot. I'll be the happiest man if you give me a chance to meet you again.Kahit alam ni Kim na binobola lang siya ng matatamis nitong salita ay hindi pa rin niya mapigilan ang mapangiti."Ano nangyayari sayo?" Napalingon siya kay Stella ng magsalita ito."Sino yang kachat mo kilig na kilig ka, may bf ka na noh?" Panunukso nito sa kanya.Inexit bigla ni Kim ang conversation nila ni Marc dahil baka mabasa nito ang pangalan ni Marc."Wala to!" Sagot nya.Nang makaalis si Stella ay inopen nya uli ang messenger niya.Marco: Please let's meet. I really want to see you so bad."Marco: Pwede ba kita i-video call?Pagkabasa niya nun ay biglang nag pop-up sa screen nya ang video call ni Marc. Nataranta sya bigla na napindot nya ang answer button mabuti at nacancel nya din agad yun.Marco: Busy ka?Nancy: Yes sorry nasa work kasi ako.Ni-log out na ni Kim ang account. Naisip niya na baka tumawag uli ito at mabuko na talaga siya.Tinitignan niya sa Marc na hawak pa din ang cellphone nya. Maya maya ay napasandal ito sa upuan at napapahawak sa ulo nya. Nasa mukha nitong dismayado. "Dapat lang yan sayo!" Nasambit niya.Napatingin siya sa oras. Naalala nyang may meeting si Marc kaya tinawag na nya ito."Sir may 10am schedule po kayo sa finance."Napatingin si Marc sa oras tsaka tumayo. Kinuha nya ang coat na nakasabit at sinuot.Habang naglalakad sila papunta sa conference room, pansin ni Kim na hindi ito gaya ng dati na animo'y hari kung maglakad. Ngayon ay parang wala itong gana. Parang laglag din ang balikat nito na napipilitan lang maglakad at kumilos. Marahil ay hindi ito sanay na dinededma ng babae kaya ganun na lang ang reaction nito. "Yan napapala ng womanizer." Mahina niyang sabi. Napangiti siya."Secretary Kim, can you set me an appointment with Nancy Alcantara."Nilingon siya ni Marc sa likuran nang sabihin yun."Appointment?""Yes, a date. I wanna date her. I-chat mo sya o tawagan mo magpakilala ka na secretary ko. Kailangan mapa-oo mo siya ha. Dadagdagan ko pa yung bonus mo kapag nagawa mo yun. Dodoblehin ko rin yung sweldo mo.""Doble!" Bulalas niya. Napahinto siya sa paglalakad at napaisip.♥️Ito po ay Chapter 1 lamang ng Secretary Kim Book 2 (HAPPILY EVER AFTER)Rated SPG"Negative din" sambit ni Kim ng subukan ang pangatlong pregnancy test na binili niya. "Delayed nga lang siguro ako" malungkot na lumabas sa CR si Kim. "What's wrong" tanong ni Marc ng mamulatan sa paggising si Kim na panay ang buntung hininga paglabas sa CR."Negative pa rin. Mahigit isang taon na tayong kasal. Bakit kaya hindi pa rin ako nabubuntis. Wala naman daw problema sa atin sabi ng OB. Bakit kaya? " "Huwag mo kasi ipressure yung sarili mo. May Dj naman tayo eh kaya bigyan man tayo o hindi ng second child masaya naman tayo diba." Sabi ni Marc na umupo at sumandal sa headboard ng kama."Gusto ko na ng second child. 8 years old na si Dj gusto ko na sya magkaroon ng kapatid. Namiss ko na din magbuntis at mag alaga ng baby. Eh kung sundin kaya natin yung advise ng OB na magpahinga magbakasyon kasi pwedeng dahil sa stress sa work kaya tayo nahihirapan makabuo.""Oh diba nung 1st anniversary natin 2
Part 1Kim: Hi! Kim: Hi Kim: Hi po! Kim: Magreply ka naman! Kim: Can u b my textmate?! Kim: Hi! Marc: Hello! Marc: How did you get my number? Kim: from a friend Marc: Who? Kim: secret! Kim: What's your name? Marc: Marvin Marc: you? Kim: Jolina Kim: bagay tayo! Kim: you can call me Jolens for short! Marc: seryoso ba yan? Kim: oo naman! Kim: ang bagal mo naman magreply Marc: Sorry i'm on the beach right now! Kim: ah really! Marc: What's your vital stat? Kim: 34-25-34 Marc: your height? Kim: 5'5. You? Marc: I'm 6ft Marc: are you single? Kim: Yes and ready to mingle. Kim: you? Marc: Same! Marc: What are you up to? Do you go to school? Kim: Yes i'm in my 4th year in college at University of the west. How about you? Marc: Same, at UPM Marc: Let's meet up. I wanna see you in person! Kim: Grabe, text text lang meet agad. Marc: Come to my place. Let's talk in private. Kim: hanep ang bilis ah! *Ito yung textmate sila hab
Pagkaraan ng isang linggo ay naisipan ng mag asawa na sa boracay mag honey moon. Pinili nila ang hotel at kwarto kung saan sila unang nagkasama."I can't believe magkasama na uli tayo rito. But this time mag asawa na tayo." Masayang sabi ni Kim pagpasok nila sa kwartong yun."Yeah kasi noon kahit magkasama tayo at may nangyari satin iba naman ang nasa isip mo...Yung ex mo!" Ani Marc na sinamaan siya ng tingin."Dahil nga sa broken hearted ako sa kanya kaya ako nagpunta dito sa boracay eh, kaya tayo nagkita at kaya nagkaron tayo ng Dj at ngayon mag asawa na tayo." Nakangiting sabi ni Kim. "So dapat pa kong magpasalamat sa kanya?!" Ani Marc na hindi maalis ang pagkainis."Hay naku naman ang asawa ko napakaseloso." Kumandong si Kim kay Marc habang nakaupo ito sa gilid ng kama. "Ikaw rin naman eh meron kang babe noon. Pinagkamalan mo pa akong siya. Wait sino ba yung jowa mo nun na artista? Si Samantha din ba?""Hindi. Huwag mo na alamin baka kapag nakita mo sa tv awayin mo ko bigla." Bah
"Let's give the biggest welcome to our amazing newlywed couple Mr. And Mrs. Marco and Kim Chavez!"Magkahawak ang kamay na pumasok sa function hall para sa reception ng kanilang kasal ang mag asawang Marc at Kim nang i-announce ng emcee ang pangalan nila. Walang pagsidlan ang kagalakan nila habang nakangiting nagpapasalamat sa mga taong bumabati sa kanila habang patungo sila sa harapan.Mahigpit silang magkayakap habang sumasayaw sa gitna para sa unang sayaw nila bilang mag asawa. Kapwa nilang dinadama ang pagmamahal para sa isa't isa habang pinapakinggan ang paborito nilang kanta para sa isa't isa.Wise men sayOnly fools rush inBut I can't help falling in love with youShall I stay?Would it be a sinIf I can't help falling in love with you?Like a river flowsSurely to the seaDarling, so it goesSome things are meant to beTake my hand,Take my whole life, tooFor I can't help falling in love with youLike a river flowsSurely to the seaDarling, so it goesSome things are meant
Si Marc ang unang naglahad ng wedding vow niya. Hinawakan niya ang dalawang kamay ni Kim tsaka tinitigan ito ng buong pagmamahal."Honey, I've been thinking when was the very first time I saw you then I suddenly remembered the day we watched Dexter's basketball game. Do you still remember?" Nakangiting tanong ni Marc kay Kim. Napaisip naman siya sa sinabi nito."That's you, right? the one who dropped mentos in my hair! I still remember how gross it was that day?" Bahagyang tumawa si Marc. Nabigla at natawa din si Kim nang maalala yun. Noon lang niya narealize na si Marc nga yung lalakeng nahulugan niya ng mentos habang nginunguya yun at seryosong nanonood ng basketball. Bigla niyang natandaan na habang tinatanggal niya ang mga nakadikit na mentos sa buhok nito ay sinisiyasat niya kung gaano kaganda ang hibla ng buhok nito at kakinis ang batok hanggang leeg na kahit ang libag ay mahihiyang kumapit. Kahit hindi niya masyadong nakikita ang mukha nito noon ay nagkaroon siya ng pagtangi sa
"Ano ba kayong dalawa bakit magkasama kayo? Sa harap ng altar lang dapat kayo pwedeng magkita." Sabi ng step mother ni Marc nang makita sila. Kausap nito ang Mama ni Kim."Naku kanina magkasama din sila sa kwarto." Sabi naman ng Mama ni Kim ng makitang lumabas doon si Marc kanina."Oh siya, let's go na Marc magsisimula na ang procession." Niyaya na si Marc ng stepmother sa loob ng simbahan. Bumitiw na si Kim sa pagkakapit sa kamay ni Marc. Nakatitig ito sa kanya na parang gusto pa muna siyang halikan."See you!" Hindi napigilan ni Marc na halikan siya sa noo sa veil niyang suot.Nagkatinginan na lang ang stepmother at Mama ni Kim ng makita yun. Si Marc at mga magulang ang unang maglalakad kaya pumwesto na sila sa harap. Si Kim naman ay nanatili sa likuran."Dapat kasi hindi ka muna bumaba sa kotse eh." Sabi sa kanya ng Mama niya. Mula pa kahapon ay panay ang paalala sa kanya nito ng mga pamahiin sa kasal pero ang lahat ng yun ay sinuway nila ni Marc. Naisip niyang sila ni Marc ang g