MasukDorryn's Point of View“What?”Napaatras ako ng bahagya nang makita ko ang unti-unting pagdilim ng kanyang mga mata. Para bang may bagyong namumuo roon, mabigat at mapanganib. Alam kong hindi niya nagustuhan ang sinabi ko, pero wala na akong pakialam. Matagal ko nang tinapos ang lahat sa pagitan namin. Wala na siyang karapatan para magalit o mag-claim pa.“Sabi ko wala na tayo at iba na ang mahal ko at alam ko na hindi ikaw ang taong iyon.”Bawat salitang binitawan ko ay parang matutulis na salamin na kusa kong pinahid sa hangin. Ramdam ko ang bigat ng mga iyon, pero kailangan. Kailangan kong maging matatag, kahit pa sa loob-loob ko ay gusto ko nang tumalikod at tuluyang umalis sa lugar na iyon.Bigla niyang hinawakan ang magkabilang balikat ko. Mahigpit. Halos masakit. Napatingin ako sa kanya nang masama, punong-puno ng inis at pagtutol.“Anong ginagawa mo?”Mariin ang boses ko, pilit kong pinapakita na wala na siyang kontrol sa akin. Ngunit ang mga daliri niyang nakabaon sa aking ba
Dorryn's Point of ViewPumasok kami sa loob ng boarding house niya at agad akong sinalubong ng magulong paligid. Nakakalat ang kung anu-anong gamit, parang matagal nang hindi naaayos ang lugar. Tahimik akong nagmasid habang dahan-dahang iniikot ang tingin ko sa kabuuan ng silid. Hindi ko maiwasang mapakunot ang noo, hindi dahil nagulat ako, kundi dahil parang wala man lang siyang balak baguhin ang ganitong klaseng pamumuhay."Mukhang tinakasan ka ng walis ha."Kaswal kong sambit, pero sapat iyon para maramdaman niya ang bahagyang pangungutya sa boses ko."Ha?"Napatingin ako sa kanya at kitang-kita ko ang biglang pagkapraning sa mukha niya. Para bang nahuli siyang may kasalanan. May bahid ng kaba ang mga mata niya at kapansin-pansin ang manipis na pawis na unti-unting tumutulo mula sa kanyang noo."Hindi ka talaga marunong maglinis. Dapat marunong ka na maglinis lalo na't sobrang arte ng magiging asawa mo."Diretso kong dagdag habang bahagyang tinaas ang kilay ko. Hindi ko na kinailan
Dorryn's Point of View*Nakatingin ako sa cellphone ko na kanina pa walang tigil sa pag-vibrate, parang isang pusong pilit kumakawala mula sa pagkakakulong. Paulit-ulit nitong ginugulo ang katahimikan ng gabi, tila may dalang balitang ayaw tumigil hangga’t hindi ko pinapansin. Nang tuluyan kong silipin ang screen, agad na sumalubong sa akin ang pangalan ni Jacob na parang isang multong bumalik mula sa nakaraan na pilit kong tinataboy.Bahagya akong napangisi, ngunit ang ngiting iyon ay walang halong saya. Isa iyong ngiti ng pagkainis at pagdududa."Bakit nangungulit ang isang ito ngayon? Mukhang gagamitin nga niya ako. Ang kapal naman talaga ng mukha kung ganun."Sa kabila ng inis na unti-unting umaakyat sa dibdib ko, may kung anong kuryosidad ang dahan-dahang sumisingit sa isipan ko. Parang may bumubulong sa akin na sagutin ko ang tawag na iyon. Na baka sa pagkakataong ito ay may kakaiba. May mali. At gusto kong malaman kung ano iyon.Kung ganun ay may naisip akong paraan. Isang idey
Dorryn's Point of View*Nakakunot ang noo ko habang nakikinig sa walang kwentang usapang iyon. Para bang bawat salitang naririnig ko ay unti-unting nagpapabigat sa dibdib ko. Hindi ko alam kung maiinis ba ako o matatawa sa kapal ng mukha ng lalaking iyon na hanggang ngayon ay ginagamit pa rin ako.Bigla na lamang kinuha ni Nando ang cellphone ko mula sa kamay ko. Hindi man lang siya nagdalawang-isip at agad niyang pinindot ang end call. Napatingin ako sa kanya, bahagyang nagulat sa ginawa niya.“Co-maker?” malamig niyang tanong habang nakatingin sa akin.Napabuntong-hininga ako at napaiwas ng tingin.“Noon ‘yun,” sagot ko, pilit na pinapakalma ang sarili. “Ginagawa niya akong co-maker sa mga utang niya.”“Binabayaran mo ba ang mga utang ng lalaking iyon?” diretso niyang tanong habang nakatingin nang diretso sa mga mata ko.Hindi ko kinaya ang titig niya.Napayuko ako at dahan-dahan na napatango. “Yes… noon. Nagpagamit ako sa lahat ng kabalastugan niya.”Sandaling katahimikan ang namag
Dorryn's Point of View*Nakalipas ang isang buwan mula noong labanan na iyon.Sa loob ng panahong iyon, unti-unting humupa ang ingay ng kaguluhan at napalitan ito ng katahimikang matagal naming hinintay. Ang dating magulong mundo ay tila muling umayos, at ang mga sugat na iniwan ng nakaraan ay nagsimulang maghilom, kahit pa may bakas pa rin ng sakit sa kaibuturan.Bumalik na rin kami sa dati bilang mag-asawa ni Nando. Isang simpleng buhay na puno ng responsibilidad, ngunit ngayon ay mas may lalim at mas pinagtibay ng mga pagsubok na aming pinagdaanan.Tahimik akong nakatingin sa kanya habang abala siya sa pagbabasa ng mga papeles na nakalatag sa harapan niya. Ang kanyang noo ay bahagyang nakakunot, at ang mga mata niya ay tutok na tutok sa bawat detalye ng dokumentong hawak niya.“Dong…” mahina kong tawag habang nakatingin sa kanya.Hindi siya agad sumagot. Ilang segundo pa ang lumipas bago niya ibinaba ang hawak niyang papel at napatingin sa akin.“Oh? May kailangan ka ba, wife?” tan
3rd Person's Point of View*Nakaupo si Samantha sa malamig at matigas na sahig ng selda, habang ramdam na ramdam niya ang matinding pagkauhaw at pagkagutom na unti unting kumakain sa natitirang lakas niya. Ang bawat segundo na lumilipas ay tila ba isang parusang paulit ulit niyang nararanasan, parang walang katapusan na paghihintay sa kung ano ang magiging kapalaran niya. Ang hangin sa loob ng kulungan ay mabigat, halos hindi na niya maramdaman ang pagdaloy nito sa kanyang balat, at ang katahimikan ay parang sumisigaw sa kanyang isipan.Alam niya na nalaman na ng pamilya niya ang nangyari sa kanya.At higit sa lahat, alam niya na ikakahiya na siya ng mga iyon.Dahan dahan siyang napatingin sa kanyang mga kamay, ang mga palad na minsang sanay sa karangyaan, ngayon ay nanginginig at tila ba nawalan na ng saysay. Pinagmasdan niya ang mga ito, parang hinahanap ang sagot sa mga tanong na matagal na niyang kinikimkim."Ano ba ang naging kasalanan ko noon para karmahin ng ganito ka lala?" na
Dorryn's Point of View* Nakatulala ako habang nakatingin sa lalaking may pasamuno sa lahat. Napalunok naman ako dahil nagawa niyang palabasin ang mga magulang ko sa kompanya. Pero bakit hindi ako nakaramdam ng guilty dahil sa ginawa niya? Bakit hindi ako nagalit sa ginawa niya? Nabasa naman kasi
Dorryn's Point of View*Nakatingin pa rin ako kay Nando baka kasi sabihin niyang wife eh! Baka sasabihin ng dalawang ito na nilandi ko ang bagong boss namin. Hindi ko hahayaan na masira ang reputasyon ko noh!"... Miss Gomez."Natigilan naman ako at nakahinga naman ako ng maluwag dahil sa tawag ni
3rd Person's Point of View*Nasa lobby ang mga magulang ni Dorryn at kasama nito ang lalaking ipapakasal kay Dorryn na maagang dumating para makasal kay Dorryn."Nag-reply na ba siya?" ani ni Eduardo na parang kanina pa naiinip kakahintay na bumaba si Dorryn."Teka lang alam naman namin na bababa y
Dorryn's Point of View* Nakatulala ako habang nakatingin ngayon kay Jessica na nawalan ng malay sa sahig. Naramdaman ko na binangga ako ni Jacob at dumiretso ito papunta kay Jessica. "What the hell did you do, Dorryn!" sigaw sa akin ni Jacob. Narinig ko ang mahinang bulong bulungan ng mga taon







