LOGINMagpapakasal na sana si Azariah sa kanyang long-time boyfriend at childhood sweetheart na si Lucas. Ngunit sa araw ng kanilang kasal, hindi ito sumipot. Sa halip, natuklasan niyang pinili nitong pakasalan ang sarili niyang stepsister. Lubos na kahihiyan at sakit ang naranasan ni Azariah lalo pa’t mismong ama at stepmother niya ang unang nangutya sa kanya. Sa gitna ng matinding kahihiyan, tumakbo siya palabas ng simbahan… at sa isang iglap, hinila niya ang isang lalaking hindi niya kilala at dinala sa altar. Wala na siyang pakialam kung sino ito ang mahalaga ay mailigtas niya ang sarili sa kahihiyan. Ngunit ang akala niyang isang padalos-dalos na desisyon ay magiging simula ng mas komplikadong kapalaran. Matapos ang kasal, natuklasan ni Azariah na ang lalaking bigla niyang pinakasalan ay hindi basta-basta siya si Theron Ashford, ang malamig, walang awang bilyonaryong tycoon at may-ari ng Ashford Corporation. At ngayon, nakatali siya sa isang lalaking walang paniniwala sa pag-ibig… at walang awa sa sinuman.
View MoreAZARIAH POVNanlaki ang mata ko habang paulit-ulit na nagva-vibrate ang cellphone ko sa kamay ko.THERON CALLING.Parang lalo akong kinabahan.Hindi ko alam kung sasagutin ko ba o hindi.Pero kapag sinagot ko…ano sasabihin ko?Na nasa Ashford ako?Na nag-aapply ako sa kumpanya niya nang hindi niya alam?Napakagat ako sa labi ko habang nakatitig sa screen.pinatay ko ang tawag.Huminga ako nang malalim pero hindi pa rin mawala yung kaba ko.“Sorry…” mahina kong bulong kahit wala naman siya doon.Mabilis akong tumayo mula sa inuupuan ko.Kailangan kong kumalma.Pakiramdam ko anumang oras ay bigla na lang susulpot si Theron sa harap ko.Naglakad ako nang mabilis sa hallway habang mahigpit ang hawak sa bag ko.Buti na lang may nadaanan akong CR sa dulo.Agad akong pumasok doon.Pagkapasok ko pa lang ay napasandal na agad a
AZARIAH POVMahigpit kong hawak ang cellphone ko habang nakatitig sa huling message ni Theron.Which company?Parang gusto kong magpanggap na hindi ko nakita.Pero bago pa ako makapag-isip ng maayos na dahilan.biglang may nagsalita sa harap.“Azariah Villareal?”Napapitlag ako.Agad akong napaangat ng ulo.Ako na.“P-Present,” mabilis kong sagot habang nagmamadaling tumayo.Pakiramdam ko biglang bumilis tibok ng puso ko.Mabilis kong isinilid ang cellphone ko sa bag bago ko inayos ang portfolio ko.“Please proceed inside,” sabi nung babae sa harap habang nakangiti nang bahagya.Huminga ako nang malalim.Kaya mo ‘to.Dahan-dahan akong naglakad papasok sa interview room.Pagpasok ko pa lang ay agad kong naramdaman ang lamig ng aircon at bigat ng atmosphere sa loob.Malawak yung opisina.Modern.Malinis.
AZARIAH POVNang makarating kami sa Ashford Corporation, agad kong napansin kung gaano karaming tao ang nasa lobby.Sobrang daming applicants may nakaupo, may nakatayo, may hawak na envelopes at portfolios, lahat halatang kinakabahan at umaasa.“Ngayon lang pala ang opening nila para mag-hire,” sabi ni Sofie habang umiikot ang tingin sa paligid.“Baka yung iba nag-online registration na kaya yung iba nauna na kahapon,” sagot ko habang pinagmamasdan ang pila.“Baka nga, kasi meron daw kahapon. Buti na lang hindi tayo pumunta,” dagdag niya.Tumango ako.Sa totoo lang, habang tumatagal, mas lalo akong kinakabahan.Maya-maya ay may lumapit sa amin na babae na naka-company uniform.Nakangiti siyang bumati.“Hello, I’m Maureen from Marketing Department. Lahat po ng nandito ay walk-in applicants. May I know kung saang department po kayo mag-aapply?” tanong niya sa amin.Napangiti na
AZARIAH POVTahimik na ang buong kwarto.Nakapatay na ang ilaw, tanging liwanag lang ng ilaw sa labas ang pumapasok sa bintana.Magkayakap kami ni Theron sa ilalim ng kumot.Hindi ko alam kung kailan kami napunta sa ganitong posisyon basta ang alam ko lang, hindi na ako umalis sa tabi niya.At siya rin… hindi ako binitawan.Ramdam ko ang paghinga niya sa ibabaw ng ulo ko, steady at kalmado.“Theron…” mahina kong bulong.“Hm?”“Hindi ka ba bibitaw?”Bahagya siyang gumalaw.“Why would I?”Napabuntong-hininga na lang ako.Wala na rin akong nasabi pa.Hanggang sa unti-unti akong nakatulog habang yakap niya ako.Kinabukasan…Napadilat ako.Tahimik.At malamig ang kama sa tabi ko.Napalingon ako.Wala na si Theron.“Ha…” bulong ko habang bumangon.Napansin ko agad ang maliit na note sa bedside






Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
reviewsMore