LOGIN"Sa tingin mo ba na pipiliin ka ng CEO boss natin? Kagaya ng isang cheap na katulad mo... Na isang assistant lamang niya?" ani sa akin ng pinakamagandang babae sa department nung team dinner namin. Natahimik naman ako dahil sa sinabi nito sa akin at napayuko ako. Mabuti hindi pa dumadating ang asawa ko at hindi niya maririnig ang insulto na sinasabi sa akin. "Look at you. No fashion sense and also a nerd lady... So manang. Ang gusto ng boss natin ay ang mga kagaya namin na fresh at magaganda." Napakamao ako pero nananatili pa rin akong kalmado sa nangyayari ngayon. Hindi ko alam kung bakit ganito sila sa akin. Biglang natahimik ang lahat nang biglang bumukas ang pintuan at napatingin naman ako roon at nakita ko si Nando na kakarating lang. Umupo siya sa upuan niya at katabi niya ang babaeng yun na kinakunot ng noo niya. Napatingin naman siya sa babaeng nasa tabi niya. "Bakit ka nakaupo sa tabi ko?" Natigilan naman ang babae at parang namutla dahil sa malamig na sinabi ng asawa ko. Napatingin naman siya sa akin na kinagulat ko. "Come sit with your husband." Nanlalaki ang mga mata ko habang nakatingin sa asawa ko at bigla namang natahimik ang buong kwarto dahil sa sinabi nito. What the... ****** LMCD22
View MoreDorryn’s Point of ViewPara akong natauhan bigla—parang nawala lahat ng tama ng alak sa sistema ko. Nung makarating kami sa kwarto ni Nando, bigla kong naramdaman ang kaba na bumabalot sa buong katawan ko. Tahimik lang akong nakatingin sa kanya habang hawak ko pa ang laylayan ng suot kong damit.“Hubby,” mahina kong sabi, halos pabulong. “B-bakit ganyan ka makatingin sa akin?”Bahagya siyang ngumiti, ‘yung tipong ngiti na hindi mo alam kung may tinatago bang kalokohan o seryoso talaga.“Why? Are you scared, wife?” tanong niya, mababa at may halong panunukso ang boses.Umiling ako agad, kahit halata naman sa boses ko ang kaba. “Hindi… nangse-seduce ka.”Tumawa siya nang mahina, halos pabulong din, pero sapat para maramdaman ko ‘yung init ng hininga niya sa pagitan naming dalawa.“Ginaya ko lang ang ginawa ko kanina. My naughty baby girl.”Napalunok ako. Doon ko lang napagtanto na doon pala siya tinamaan—sa tawag niyang baby girl. Ramdam ko ang mabilis na tibok ng puso ko, at hindi ko a
3rd Person’s Point of View“Damn it! Bakit nawala na lang ang lahat ng pinaghirapan ko!” galit na sigaw ni Eduardo habang nakatitig sa nasusunog niyang warehouse na ngayon ay abo na lamang ang natira.Ang dating punong-puno ng buhay at negosyo niyang pinagpaguran sa loob ng maraming taon ay ngayon ay parang sementeryo ng mga pangarap niya. Ang amoy ng nasunog na kahoy at langis ay kumalat sa hangin, habang ang apoy ay patuloy na kumikislap na parang nanunukso, tila ba ipinapaalala sa kanya na lahat ng bagay ay pwedeng maglaho sa isang iglap.Wala siyang ideya kung sino ang may gawa nito, pero isang bagay ang sigurado, hindi ito gawa ng isang ordinaryong kalaban.“Boss,” sabi ng isa sa kanyang mga tauhan, nanginginig ang tinig habang nakatingin sa abo sa paligid. “Wala po kaming ideya kung sino ang gumawa nito. Bigla na lang pong nagliyab ang lahat, parang sinadyang sunugin.”“What?!” sigaw ni Eduardo, halos sumabog sa galit ang ugat sa kanyang leeg. “Gawin ninyo ang lahat para lang ma
Dorryn’s Point of View*Natapos na kaming kumain kaya napahawak ako sa tiyan ko sa sobrang kabusugan. Ramdam ko pa ang bawat subo ng masasarap na pagkain na niluto ni Nando — parang lahat ng nilagay niya ay may halong pagmamahal at pag-aalaga. Napatingin ako sa kanya habang pinupunasan niya ang bibig niya ng panyo. Ang ganda talaga niyang tingnan sa ganitong mga simpleng sandali — nakasuot lang ng plain white polo pero lutang na lutang ang tikas at linis niya.“Gusto mo pa bang kumain, wife?” tanong niya sa akin, may halong lambing at ngiti sa mga labi.Nanlalaki ang mga mata ko at agad akong umiling-iling habang sumenyas na hindi na ako kakain. “Busog na busog na ako. Okay na. Gusto ko nang umuwi kasi inaantok na ako, dong. Kung may mga bibilhin ka pa, sa susunod mo na lang bilhin,” sabi ko habang naglalambing na.“I think sa online ko na lang bibilhin ang iba para makapili rin ako kung ano ang nababagay sa ’yo, wife,” sagot niya, sabay kindat na parang alam niyang mahihiya ako.Napa
Dorryn’s Point of ViewPagod na pagod akong minamasahe ang mga paa ko habang nakaupo sa upuan. Ramdam ko pa ang sakit ng talampakan ko matapos ang halos maghapon na paglalakad. Nasa loob kami ngayon ng isang mamahaling restaurant, at pakiramdam ko ay hindi ako bagay dito. Ang bawat sulok ay kumikintab, ang ilaw mula sa chandelier ay parang bituin na nakabitin sa kisame, at kahit ang amoy ng pagkain ay parang gawa sa purong karangyaan. Maging ang mga waiter ay parang mga modelo sa linis ng suot at tikas ng tindig.Hindi ko alam kung bakit ako pumayag na sumama rito. Katulad ng nangyari sa pamimili kanina, wala rin naman akong nagawa dahil hindi naman ako ang magbabayad. Si Nando ang may gustong mag-dine dito, at gaya ng dati, sinunod ko na lang.“Hindi naman lalagpas ng isang libo ang mga pagkain dito, right?” tanong ko sa kanya habang pinagmamasdan siyang nakatingin sa tablet na hawak niya.Natigilan siya, itinaas ang paningin at tiningnan ako nang diretso sa mata. Nakaangat ang isang












Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
reviewsMore