Share

[FACKLY] Part9.23: Chapter23: Ashley's Mental Illness

MALALIM humugot ng hininga si Yrannie, at napatingin kay Mark na tila nagpapahiwatig na ito ang unang magtanong kay Heavery. Matapos sabihin agad ni Heavery ang salitang 'Truth'

"Okay, puwedeng ako ang magtanong?" Prisinta ng isa nilang kasamang lalaki.

"Sige!" Nakangiting sagot ni Heavery.

"Hmm... bakit ka nga pala lumipat ng university kung gayon malapit na magtapos sa taong ito ang kinuha mong course?"

"Sabihin na lang natin may nangyaring hindi maganda sa pinasukan kong school dati."

"Ako naman ang magtatanong!" Ani naman ng isa pa nilang kasamang babae, "Dahil ba naging heart broken ka sa dati mong kasintahan kaya ka ba lumipat?"

Bahagyang natawa't umiling si Heavery sa tanong ng kasama nila. "Ang totoo niyan never ako nagkaroon ng girlfriend. Iba kasi ang priority at mahalaga para sa 'kin ang samahan namin ng mga kaibigan ko, iyon ang promise namin isa't isa." Pahayag na sagot ni Heavery.

"Ano naman ang promise niyo ng mga kaibigan mo at ilan kayo?" Pang-uusisa niya kay
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status