Share

[FACKLY] Part9.18: Chapter 18: Fackly's Show Up

MULING tinignan ni Yrannie ang wala ng buhay na si Fackly sa hukay, kasama ang mga iba nilang kaibigan. Halos 'di siya makapaniwalang binalingan niya ang taong nagsasabi na ito raw si Fackly. Sa mga sandaling iyon napaisip siya ng ideya. Gusto niyang testingin ang lalaking nasa harapan nila pero hindi niya alam kung paano. Ilan saglit pa'y bahagyang napapatango siya dahil may mga katanungan siyang naiisip na siguradong hindi masasagot ng taong nagpapanggap na si Fackly.

"Kapatid ka ba ni Fackly?" Biglang turan ni Mark na ikinahalakhak naman nito sa huli.

"Mukha ba kong may kapatid?" Sarkastikong tugon ni Fackly. Nakangisi pang hinarap nito si Mark.

"Kung ganoon, sino ka nga ba talaga!?" Dagdag na tanong ni Mark.

"Oo nga, at bakit hulmang-hulma mo ang itsura ni Fackly?" Sambit naman ni Aries.

"Kung ikaw si Fackly, saan tayo unang nagkakilala?" Singit na tanong niya na ikinatigil ni Fackly, kasabay nang pagkawala ng ngiti nito sa labi at sali't salitan ang pagtingin nito sa kanilan
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status