HINDI nagkamali si Mark ng hula, nasa loob nga ng drawer ang susi para sa kadena. Hindi naging madali ang pagkuha niya ng susi dahil kinailangan niya pang isentro ang nakatali niyang kamay sa kanyang likod para kunin ang susi. At nang matapos ay inuna niyang tanggalan ng kadena si Aries. Napadaing naman ang kaibigan niya dahil sa tama ng mga bala. Kapagkuwan ay siya naman ang sinunod nito tanggalan ng kadena. Ang panghuli si Yrannie na ngayon ay nagkamalay na. "Anong nangyari at nasaan ako?" Inosenteng tanong ng dalaga sa kanya. "Mamaya ko na ipapaliwanag, kailangan na natin umalis dito!" Pahayag niya sa dalaga. "Tama si Mark, Yrannie, mas lalo tayong mapapahamak dito!" Komento ni Aries, sapo-sapo ang tiyan at puwet nito na tinamaan ng bala. Pikit-matang humugot ng hininga si Yrannie, "Hindi ko alam kung paano nakarating dito, pero sige, para sa kaligtasan natin lahat." Sagot ni Yrannie. Tinulungan niya munang makatayo si Yrannie habang si Aries naman ay nasa pintuan pa lamang na
KINABUKASAN maagang nagising si Yrannie, mabuti na lamang sabado at walang pasok. Hindi rin alam ng Ate Ynaria niya kung anong nangyayari sa buhay niya, at ayaw naman niya iyon malaman ng Ate Ynaria niya baka madamay pa ito sa gulong kinakaharap nila ni Mark. Kasalukuyan kumakain siya ng agahan nang maalala niya si Aries, naalala niyang hindi alam ng mga magulang nito kung nangyari sa anak. Wala sa sariling napapikit siya't humugot ng malalim na hinihinga. Kapagkuwan gulat napabaling ang tingin niya sa pinto nang may kumatok. Sa mga sandaling 'yon hindi niya maiwasan makaramdam ng kaba. Iniisip niyang baka si Fackly 'yon at balak siyang dukutin. Ngunit napawi ang agam-agam niya nang marinig ang pamilyar ng boses matapos kumatok ng taong nasa labas ng bahay. Agad niyang tinungo ang pinto at binuksan 'yon. Bumungad sa kanya si Mark na maaga siyang pinuntahan. "Ang aga mo ah!" Biglang turan niya. "Hindi ako mapalagay Yrannie, gusto ko nakikita kitang ligtas sa paningin ko lalo na't h
"NAGSESELOS ka ba kay Heavery?" Turan ni Yrannie sa nobyo. "Imposible! Iniisip ko lang 'yong plano natin. At malakas ang kutob ko sa bagong estudyante na 'yon!" Nagdududang sambit ni Mark. "Teka, pinagsususpetsyahan mo ba si Heavery? Wala siyang kinalaman sa mga nangyayari satin!" Angil niya. Bahagya pa siyang umiling. "Hindi mo ba napapansin mga kinikilos niya simula noong dumating siya sa school natin? Palagi niya tayong tinitignan na parang minamanmanan niya tayo. Tulad ng ginagawa niya ngayon!" Durong ani Mark kay Heavery na kalalabas lang ng 7/11 at tila naniningkit pa ang mga matang nakatingin sa kinaroroonan nila. Sandali siyang natigilan sa sinabi ni Mark, kapagkuwan nilingon niya si Heavery na sa tingin niya ay minamasid sila nito. Nagpakawala siya ng malalim na buntonghininga. "Hindi ko alam kung anong sasabihin ko sa 'yo mas mabuting umalis na tayo rito!" Pag-aaya niya sa nobyo. "Sabi ko sa 'yo e, sa likod ng mukhang 'yan panigurado ko si Fackly ang taong 'yon." Koment
MALALIM humugot ng hininga si Yrannie, at napatingin kay Mark na tila nagpapahiwatig na ito ang unang magtanong kay Heavery. Matapos sabihin agad ni Heavery ang salitang 'Truth' "Okay, puwedeng ako ang magtanong?" Prisinta ng isa nilang kasamang lalaki. "Sige!" Nakangiting sagot ni Heavery. "Hmm... bakit ka nga pala lumipat ng university kung gayon malapit na magtapos sa taong ito ang kinuha mong course?" "Sabihin na lang natin may nangyaring hindi maganda sa pinasukan kong school dati." "Ako naman ang magtatanong!" Ani naman ng isa pa nilang kasamang babae, "Dahil ba naging heart broken ka sa dati mong kasintahan kaya ka ba lumipat?" Bahagyang natawa't umiling si Heavery sa tanong ng kasama nila. "Ang totoo niyan never ako nagkaroon ng girlfriend. Iba kasi ang priority at mahalaga para sa 'kin ang samahan namin ng mga kaibigan ko, iyon ang promise namin isa't isa." Pahayag na sagot ni Heavery. "Ano naman ang promise niyo ng mga kaibigan mo at ilan kayo?" Pang-uusisa niya kay
SYNOPSISBuong akala ni Ynaria ay doon nagtatapos ang malagim na nangyari sa kanila ng mga katrabaho niya nang magpunta sila sa resort sa Laguna para i-celebrate ang ika-limang anibersaryo ng Seven Restaurant. Ngunit sa kanilang pagbabalik sa Maynila ay muling may magpaparamdam bilang pabala.Isa-isang may mawawala. Matutuklasan ang itinatagong lihim. At sino nga ba ang may pakana?~*~Part1.1: Santa Demon ResortKARARATING lamang nina Clement Hanz at Ynaria Gregorio sa labas ng resort kung saan hinihintay sila ng kanilang katrabaho, naunang pumunta ang mga katrabaho nila dahil sa excited ang mga ito. Dalawang araw lang naman sila mananatili sa resort na kanilang nireserba.Bumaba ng kotse si Ynaria kasunod nito si Clement. Magkatrabaho sila sa pinapasukan nilang restaurant, at dahil ikalimang anibersayo ng kanilang restaurant nagpasya ang kanilang Boss na mag-outing sila. Libre l
2:30am, mahimbing ang tulog nina Helen at Wendy nang magising ang mga ito dahil sa mahinang pag-alog ng kanilang kama. Sinabayan pa nito ng pagpatay sindi ng ilaw. Parehong bumangon ang dalawa."Ano 'yon?" Takang sambit ni Wendy."Naramdaman kong may umalog." Ani Helen.Muling umalog ng malakas ang kama dahilan upang sabay sumigaw ang dalawa. Parehong napayakap ng isa't isa habang umiiyak at sinabayan pa ng pagtili ng mga ito dahil sa sobrang takot.Bumukas ang pinto dahilan upang matigil sa pag-alog ang kama at pagpatay sindi ng ilaw. Nag-aalalang pumasok sina Clement, Trist at Dylan sa kwarto, kung kaya't parehong kumalas mula sa pagkakayakap ng isa't isa sina Helen at Wendy."Anong nangyari dito?" Nag-aalalang tanong ni Trist."Hindi namin alam," umiiyak sa takot na sambit ni Helen. "Nagising na lamang kami na umaalog ng malakas yung kama tapos.. nagpatay sindi yung ilaw." Paliwanag nito.Inakap ni Dylan si Helen upang mawala yung
PAGSIKAT ng haring araw, maagang nagsipaggayak ang lahat upang lisanin ang resort. Subalit sa kasamaang-palad nagulat ang lahat nang mabasa nila ang nakasulat sa gate."This is begin to hell," malakas na basa ni Paul. Nakaguhit ang mga salita sa big letter na may halong dugo. "Grabe hindi na 'to nakakatuwa." Dagdag komento nito at bahagya pang umiling."Trist, anong ibig sabihin ng mga salitang 'yan?" Apila ni Ynaria.Humugot ng hininga si Trist. "Hindi ko alam kung sinong gumawa niyan." Inosenteng tugon nito."So, di mo maipapaliwanag samin?" Sarkastikong singit ni Helen. "Alam mo bang tiniis namin yung takot kagabi para lang magising ng kinaumagahan, tapos.. ayan yung mababasa namin!" Galit na turan nito."Hon, huminahon ka, okay?" Pagpapakalma ni Dylan kay Helen. Nagbuntong hininga na lang si Helen at di na nagkomento pa."Umalis na tayo," Ani Clement. Nagtungo ito sa gate upang buksan ngunit hindi nito iyon mabuksan kung kaya't natigilan
BAGAMAT madilim ay lakas loob pinasok nina Ynaria at Clement ang basement, inilibot nila ang paningin sa paligid. Tanging flash light mula sa cellphone ang nagsisilbing kanilang ilaw para makakita sa dilim. Sa pagkakataong iyon biglang sumarado ng malakas ang pintuan sa basement dahilan upang magpanic si Clement. Habang si Ynaria naman ay kalmado lang, tila sanay na ito sa kababalaghan sa basement. Sinenyasan ni Ynaria na huminahon si Clement, dahilan upang pakalmahin nito ang sarili."Anong gagawin natin?" Bulong ni Clement."Hindi ko alam," walang ideyang tugon ni Ynaria.Parehong gulat napalingon sina Clement at Ynaria nang tumunog ang piano kung saan doon nakapatong ang picture ni Trist kasama ang kaibigan nitong si Chris. Inilawan ni Clement yung piano."Narinig mo 'yon?" Kinakabahang tanong ni Clement."Nakatayo siya sa piano at pinipindot ang keyboard." Sambit ni Ynaria. Ang tinutukoy nito ay si Chris."Iisa lang ang kilala kong mahil