PAGLABAS ni Ynaria sa restaurant nakaramdam ito ng inang kalikasan kung kaya't muling bumalik ito sa loob upang umihi. Nadatnan pa nito sina Dylan, Helen at Paul na abala sa pagkukwentuhan, tila mga walang balak umuwi ng bahay. Sina Ryan at Wendy naman ay naunang umuwi dahil may date pa ang dalawa. Lumabas ng cubicle si Ynaria matapos umihi tsaka ito nagtungo sa lababo para hugasan ang kamay. Ngunit natigilan nang magpatay sindi ang mga ilaw dahilan para matigilan siya't napaangat ang tingin sa mga ilaw.
Binalewala ni Ynaria ang pagpatay-sindi ng mga ilaw at pinagpatuloy ang paghuhugas ng kamay. Nang matapos muling natigilan na naman nang makaramdam ng malamig na hangin mula sa kanyang likuran, tila may dumaan. Ang pakiramdam na iyon ay di na bago sa kanya at alam nito na may kasama siya. Deretso ang kanyang tingin sa gripo habang nakatungkod ang parehong mga kamay sa lababo; nakikiramdam, napapalunok, pinagpapawisan ng malamig at higit sa lahat bumalatay ang kanyang takot.
Marahang inangat ni Ynaria ang kanyang ulo upang makita sa salamin ang mga kaluluwang nagpaparamdam sa kanya. Sa pagkakataong iyon tila nabagaksakan ito ng malamig na tubig sa katotohanang muling nagparamdam ang mga kaluluwang nagpakita sa kanya noong nasa Laguna sila. Ang Santa Demon Resort. Sa mga sandaling 'yon bigla na lamang napaluha si Ynaria, sapagkat hindi umipekto ang kanyang nalalaman patungkol sa mga kaluluwang di matahimik at patuloy na gumugulo.
Mariing napapikit si Ynaria sa pag-asang nawa'y mawala sa kanyang likuran ang mga kaluluwa. Ramdam ang pangingilid ng kanyang luha at ang panginginig ng kanyang labi. Mula sa kanyang pagdilat, tuluyan na itong nanghina dahilan para mapasalampak ng upo sa tiles. Bumalik sa dati ang kanyang pakiramdam. Bagama't hindi nabigo ngunit naroon pa rin yung takot sa kanyang dibdib na baka anumang oras ay muling magparamdam ang mga multo sa kanya.
NAGLILIGPIT ng mga dokumento si Trist nang may malamig na bagay ang humawak sa kanyang balikat dahilan ng kanyang paghinto. Hindi man nakitaan ng pagkatakot ay bumuntong hininga na lamang si Trist, kasabay ng pagpikit ng mga mata nito. Tila dinamdam ang anumang bagay na nakapatong sa kanyang balikat dahilan ng pagbigat nito."Huwag kang mag-alala, tutuparin ko ang pangako natin sa isa't isa," sambit ni Trist sa kawalan. "Kung sakaling ako na ang susunod mawala sa mundong 'to. Ang matagal ng nakaplano ay ipapaubaya ko na lamang sa kung sinuman ang maiiwan." Makahulugang dagdag pa nito.
Ang kaninang mabigat na pakiramdam sa kanyang balikat ay biglang gumaan at nawala ang lamig. Bagama't kilala nito ang taong nasa kanyang likuran lamang kanina. Alam nito kung anong nais ipahiwatig ng kaluluwang nagparamdam sa kanya. Di na bago sa kanya iyon, dahil simula bata pa lang ay nakakakita na siya ng mga multo.
Muling pinagpatuloy ni Trist ang gawain at nang matapos nagtungo ito sa pintuan sabay switch-off ng ilaw. Mula sa kanyang kinatatayuan diretsong nakatingin lamang ito sa kanyang desk. Bagama't sinakop ng dilim ang kabuuan ng kanyang opisina, tanging liwanag ng buwan mula sa bintana ang nagsilbing ilaw upang kanyang maaninag ang tatlong anino. Wala sa sariling napangiti si Trist nang masilayan ang kaluluwa nina Chris, Simon at Samuel na deretsong nakatingin sa kanya. Nabalik tanaw si Trist--ang mga alaalang di malilimutan na pinagsamahan nilang magkakaibigan. Pumatak ang kanyang luha matapos maalala ang masasaya na kanilang pinagsamahan.
"Noon pa lang. Ang mga pangarap natin ay matagal ng sira at kailanman di na iyon mangyayari upang bumuo ng bagong henerasyon." Anito sa kawalan. Pinunasan nito ang kanyang luha tsaka ito lumabas ng opisina.
Napansin pa ni Trist, si Ynaria na kalalabas pa lamang nito mula sa comfort room. Kanyang nakitaan ang pagkabalisa ng dalaga kung kaya't kanya itong nilapitan.
"Anong nangyari sa'yo?" May pag-aalalang sambit ni Trist.
"Hindi ko alam kung kaya ko bang sabihin ito, Trist. Kasi.. a-akala ko natapos na. Akala ko iyon ang paraan para di na sila mangambala." Naguguluhang tugon ni Ynaria.
Nangunot-noo si Trist dahil sa sinasabi ni Ynaria. "Sinong sila yung tinutukoy mo?"
Pikit-matang humugot ng hininga si Ynaria bago nito simulang magsalita. "Hindi ka maniniwala," umiiling na saad nito. "Naalala mo yung nasa Santa Demon Resort tayo?" Bahagyang tumango si Trist bilang sagot sa sinambit ni Ynaria. "Sinundan nila tayo."
"Mga multo?" hulang sagot ni Trist. "Imposible!" Di makapaniwalang turan nito.
"Alam ko. Sa palagay ko gusto nila tayo pabalikin doon, Trist!"
Napahimalimos na lamang ng mukha si Trist gamit ang palad, marahil sa sinabi ni Ynaria. "Maaari bang i-sekreto muna natin ang bagay na 'to, Ynaria? Hangga't di pa tayo nakasisiguro, naiintindihan mo?"
"Hindi ka naniniwala?" Seryosong sambit ni Ynaria.
"Ayoko lang madamay ulit sila, Ynaria!" Nagpapaintinding usal ni Trist. "Lalo na kina Wendy at Helen, alam mong na-trauma sila pagbalik natin dito sa maynila."
"Tapos ako, hindi?" Kibitbalikat na sumbat ni Ynaria. May himig ng pagkasarkastiko.
Natigilan si Trist sa paraan ng pananalita ni Ynaria sa kanya. Napatingin ito sa kawalan dahil lamang sa walang maisagot sa sinambit ng dalaga.
"Tama ka, wag na natin sila idamay pa rito." Ani Ynaria bago nito iwan si Trist at dire-diretsong lumabas ng restaurant.
Bumuntong hininga si Trist bago nito habulin si Ynaria palabas ng kanyang restaurant. "Sandali, Ynaria!"
Huminto si Ynaria nang pigilan ito ni Trist, ngunit nananatiling nakatalikod kay Trist. Kapag kuwan natigilan naman si Trist nang maabutan nitong naroon sa labas ng restaurant ang iba nitong empliyado na sina Paul, Helen at Dylan. Lumapit ang mga ito sa kinaroonan nina Trist at Ynaria. Mariing napapikit si Ynaria bago ito pumuhit paharap kay Trist at sa iba pa nilang kasamahan.
"Hello, Boss Trist," paunang pagbati ni Paul. "Kanina pa namin kayo hinihintay, may gusto kaming sabihin sa inyo." Dugtong pa nito.
"Tell me," tipid at walang ganang sambit ni Trist.
"Gusto namin kayo yayain bukas magbar. I mean, tayong lahat. Dahil hindi natin isinelebrasyon ang ika-limang anibersaryo ng Seven Restaurant, baka naman kahit gumimik na lang tayo," suhestiyon ni Paul. "Anong sa palagay niyo, Boss Trist?" Tinaas baba pa nito yung isang kilay.
"Oo nga Boss. Sayang naman yung ipinunta natin doon sa resort niyo. Kung pwede naman tayong gumimik, di ba?" Sang-ayon ni Dylan.
"Nakamove-on na kami sa nangyari last month. At isa pa, sasama rin si Ynaria." Komento ni Helen dahilan para magulat si
Ynaria."H-Hindi ako makakasama." Pagtanggi ni Ynaria.
Pumunta si Helen sa tabi ni Ynaria tsaka nito ikinawit ang kamay sa braso ni Ynaria. "Minsan lang naman 'to kaya pumayag ka na!" Pagpupumilit ni Helen kay Ynaria dahilan para mag-alinlangan ito.
"Libre ko." Sambit ni Trist dahilan para matuwa sina Helen, Paul at Dylan.
"Talaga?" Di makapaniwalang turan ni Paul. Tumango si Trist bilang tugon nito kasabay ng masayang palakpak ni Paul. "The best ka, Boss!" Thumbs up nito.
"Narinig mo yung sinabi ni Boss, Ynaria?" Tila pangungumbinsing sabi ni Helen.
"Sige na, sasama na ko bukas," pagpayag ni Ynaria. "Pero sasaglit lang ako kasi hihintayin ko pa umuwi kapatid ko naghiking siya ngayon kasama mga kaibigan niya."
"Alright, uuwi na kami see you tomorrow!" Nakangiting paalam ni Helen. Bago umalis hinila pa nito sina Dylan at Paul.
Naiwan naman sina Ynaria at Trist, pareho silang nakatanaw sa papalayong rebulto nina Helen, Dylan at Paul. Mga ilang segundo lang, seryosong binalingan ni Ynaria si Trist.
"May gusto ka pa bang sabihin?"
"Wala," sagot ni Trist. "Isasarado ko lang itong restaurant tapos ihahatid na kita pauwi." Dugtong pa nito.
MARAHAN binuksan ni Ynaria ang pintuan ng restaurant tsaka ito tuluyang pumasok, ngunit sa pagkakataong iyon biglang nag-iba ang lugar na kanyang kinatatayuan. Nagtatakang inilibot ni Ynaria ang buong paligid. Pamilyar sa kanya ang basement. Sa mga sandaling 'yon takot ang bumalatay sa kanyang pagkatao nang humangin ang paligid dahilan upang maramdaman ang malamig na temperatura at yakapin ang sarili."Kung sino ka man, pakiusap. Patahimikin mo na ko!" Lakas loob na sambit ni Ynaria sa kawalan. "Maaari kang magpakilala upang sa gayon ay matulungan kita!" Hirit pa nito.
Ilang saglit pa nawala ang hangin na bumalot sa buong silid ng basement. Pinalitan iyon ng likidong dugo dahilan upang mabilis itong tumaas, mistulang dagat na sinabay pa ng pag-alon. Umabot ang tubig na may dugo sa kanyang beywang, tila ang pangyayaring iyon ay deja vu. Nagmamadaling tinungo ni Ynaria ang pintuan ng basement ngunit sa pagkakataong 'yon hindi nito mapihit ang seradula. Kinalampag pa nito ang pintuan dahil sa pagkataranta kasabay ng paghingi ng tulong, ngunit kahit anong buka ng bibig ni Ynaria tila nabingi ito dahil walang boses na lumalabas mula sa kanyang bibig. Hindi maiwasang mapaluha si Ynaria dahil sa nangyayari sa kanya habang patuloy na tumataas ang tubig.
Pakiramdam ni Ynaria nauubusan na ito ng pag-asang makalabas pa ng basement. Sa kadahilanang kahit anong gawing paghingi ng tulong ay walang tutulong sa kanya. Halos tanggap nito ang kanyang kapalaran, ngunit ang tanging magagawa na lamang nito ay hintayin na makapos ng hininga. Umabot ang tubig sa kanyang leeg hanggang sa unti-unting lumagpas sa kanyang ulohan. Mabilis lumangoy paangat si Ynaria upang makahinga ngunit sa pagkakataong iyon may isang kamay ang humawak sa kanyang paanan dahilan ng kanyang pagpumiglas. Kahit nauubusan ng lakas at kapusin ng hininga, ibinaba ni Ynaria ang tingin sa taong pumipigil sa kanya para makaahon. Laki gulat na lamang ni Ynaria na hindi kilalang lalaki ang pumipigil sa kanya. Sa mga sandaling 'yon unti-unti ng nanghihina si Ynaria at mawalan ng malay.
Agad napabalikwas ng bangon si Ynaria, tagaktak ang kanyang pawis na sinabayan pa ng paghabol ng kanyang hininga. Mariin pang pumikit ito't dinamdam ang napanaginipan nito. Ilang segundo lang ay dumilat si Ynaria at kinalma ang sarili.
Napatingin pa si Ynaria sa wall clock, ngayon lang napagtantong isa't kalahating oras na lamang ay male-late na ito sa trabaho kung kaya't mabilis itong tumayo patungo sa palikuran para maligo. Kahit araw ng linggo ay mayroon pa rin silang pasok, mas matumal kapag wekeend dahil maraming costumer ang nais kumain sa kanilang restaurant. Kinailangan pang magmadali ni Ynaria sapagkat wala si Clement para sunduin, tumawag sa kanya ang binata kagabi at nagpaalam itong may aasikasuhin lang.
Pagpasok ni Ynaria sa loob ng Seven Restaurant bumungad sa kanya ang masiyahing mukha ni Helen. Tila good mood ang kanyang kaibigan ngayon. Ningitian ito ni Ynaria pabalik kahit pa ang kanyang pakiramdam ay inaantok.
"Good morning, Ynaria!" Pagbati ni Helen. "Bakit kapag hindi mo kasama si Manager Clement ay parati kang late pumasok?" Kuryosidad na tanong ni Helen.
"Hindi ko alam," umiiling na sagot ni Ynaria. Nagtungo ito sa girls locker room kasama si Helen. Pagkapasok nadatnan pa nila si Wendy na abalang nagpapalit ng damit na pang uniporme. "Siguro dahil mabagal ako kumilos." Dugtong pa nito.
"Don't tell me nahuhulog ka na kay Manager Clement?" Panunukso ni Helen dahilan para parehong matigilan sina Wendy at Ynaria.
Binalingan ng tingin ni Wendy si Helen tsaka nito pinaningkit ang mga mata. Samantala si Ynaria 'di na lang nagkomento sa halip inabala nito ang sarili magpalit ng uniporme.
"Maalala ko nga pala, sabi ni Boss Trist tuloy yung gimik natin mamaya. Oh siya sige, mamaya na tayo magchikahan. Magwowork na ko." Paalam ni Helen bago ito lumabas ng girls locker room.
Inayos muna ni Wendy ang suot na uniporme bago ito lumapit sa kinaroonan ni Ynaria.
"Alam mo ba kung bakit pinagtutulakan ka ni Helen kay Manager Clement?" Seryosong ani Wendy.
"Huh?" Nagtatakang sambit ni Ynaria. Halatang walang ideyang nabubuo dahil sa ipinapahiwatig ni Wendy sa kanya.
Ngumiti ito ng makahulugan. "Simple, interesado si Manager Clement sa'yo. Pero kung ako ang tatanungin mas bet ko si Boss Trist para sa'yo," sambit ni Wendy. "See you later!" Paalam pa nito tsaka ito lumabas ng girls locker room.
Napaisip si Ynaria sa sinabi ni Wendy. "Imposibleng magkagusto silang dalawa sakin." Bulong ni Ynaria sa sarili. Pagkatapos ay umiling ito.
LUNCH break nang dumating si Clement sa Seven Restaurant. Napangiti ito nang bumati sa kanya sina Helen, Dylan, Paul, Wendy at Ryan nang makasalubong ang mga ito. Maliban kay Ynaria na tila hindi ito makatingin ng deretso sa kanya at ni pagbati ay wala. Hindi maiwasan ni Clement magtaka sa ikinikilos ng dalaga, para naman may ginawa siya sa dalaga para ganoon ito umasta sa kanya.Huminto si Clement sa tapat ng pintuan ng office ni Trist. Humugot ito ng hininga bago ipinihit ang seradula at walang pakundangan na pumasok."Wala man lang abiso para sana makapaghanda ako." Nakatalikod na sabi ni Trist. Nakapalmulsa ito habang nakatayo sa tapat ng bintana."Kilala mo nga talaga ako kahit nakatalikod ka," natatawang sagot ni Clement tsaka ito tumabi kay Trist at tumingin sa kalangitan. "Mukhang maganda ang panahon ngayon ah!" Dagdag komento nito."Maganda siguro kung magpalagay ako ng second floor tapos lagyan ko na rin ng veranda, ano sa palagay mo?" Suhestiyon ni Trist."Sa palagay ko, ta
"AYOS ka lang?" Maya't mayang tanong ni Clement kay Ynaria nang makauwi sila. Pareho sila nasa loob ng kotse mga kapwa walang balak bumaba.Bumuntong hininga si Ynaria. "Hindi ko alam," walang emosyong tugon nito, sinabayan pa ng pag-iling. "Sa totoo lang hindi ko maintindihan kung bakit galit na galit si Wendy nang i-open natin ang topic tungkol sa Resort ni Trist.""Sa palagay ko dahil siguro noong nakulong siya sa cottage." Sagot ni Clement."Hanggang ngayon na-trauma siya dahil doon?" Sarkastikong tanong ni Ynaria, inirapan pa nito si Clement. "Baka naman may iba siyang dahilan.""Ynaria, may problema ka ba kay Wendy?" Turan ni Clement dahilan para matigilan si Ynaria. "Alam mo naman siguro kung anong pinagdaanan ng taong 'yon. Mag-isa siya roon at takot na takot." Nagpapaintinding paliwanag nito.Napasinghap si Ynaria sa sinabi ni Clement, nang mga sandaling 'yon gusto na lamang nito umiyak. Tila walang kakampi, walang nakakaintindi sa kanyang nararamdaman noong mga oras na nakul
BUMUHOS ang malakas na ulan habang binabaybay ni Trist ang daan patungong Laguna kung saan naroon nakatira ang kaibigan nitong si Chris. Bagamat madilim ang paligid at madulas ang kalsada tila walang pakialam si Trist. Ang mahalaga para kay Trist ay makarating ito sa destinasyon.Sinusubukan ni Trist tawagan si Chris sa kabilang linya ngunit hindi nito sinasagot ang kanyang tawag. Hanggang sa may isang sasakyan ang lumitaw sa kabilang kalsada dahilan para masilaw siya sa ilaw na nagmula sa harapan ng truck, kasabay ng pagsulpot ng isang tao sa kanyang harapan kung kaya't nahagip niya ito.Gulat hininto ni Trist ang sasakyan na kalauna'y naramdaman na lamang niya ang mabilis na pagtibok ng kanyang dibdib at habol hininga na sinabayan pa ng pagtagaktak na kanyang pawis dahil sa pagkabigla, lalo na sa taong hindi niya inaasahang sagasaan ito."Sana'y patawarin ako sa aking kasalanan!" Humahangos na sambit ni Trist sa kawalan.Pikit-matang humugot ng hininga si Trist upang palakasin ang l
SAMANTALA, sinamantala ni George ang pagkakataon na binulungan si Trist. "Maganda siya, at nakuha niya yung atensyon ko. Pero sa palagay ko, sa'yo siya interesante." Mapanuksong sambit ni George."Imposible!" Bulong na pabalik sagot ni Trist dahilan para mahinang natawa si George."Tignan mo, nag-aalala siya sa'yo. Pero parang magkakaroon ka 'ata ng karibal." Pang-aasar ni George."Ganyan ba ang trabaho ng Doctor sa mga pasyente?" Tila nagsusungit na turan ni Trist kay George. "Bumalik ka na sa gawain mo!" Utos nito."Okay, sige," pagsukong usal ni George. "Goodluck sa'yo!" Nakangiting asar nito bago lumabas ng room.Napabuga na lamang ng hininga si Trist nang lumabas si George. Saka nito binalingan sina Clement at Ynaria na parehong abalang kumakain. Napakahawak siya sa kanyang tiyan nang kumalam ito."Hoy, kayong dalawa, mukhang may kinalimutan kayong pakainin. Ako ang Boss niyo dapat maayos niyong ginagampanan ang mga trabaho niyo!" Kunwaring galit-galitan ni Trist.Parehong nagula
KINABUKASAN, maagang nagtungo sina Clement at Ynaria sa ospital para sunduin si Trist dahil ma-didischarge na ito. Hawak kamay naglalakad sa pasilyo ng ospital sina Ynaria at Clement kapagkuwan ay biglang bumitaw ang dalaga nang huminto sila sa tapat ng room ni Trist dahilan para magtaka ang binata."H'wag muna natin sabihin sa kanila." Nakayukong sambit ni Ynaria."Okay, pumapayag akong itago natin ito." Sang-ayon ni Clement dahilan para iangat ni Ynaria ang ulo nito at ngumiti."Thank you!" Giit ni Ynaria."I love you too.." Mahinang tugon ni Clement dahilan para matawa si Ynaria.Pigil tawang umiling ng marahan si Clement saka nito binuksan ang pinto ngunit natigilan nang makitang wala sa kinahihigaan nito si Trist. Maging si Ynaria ay napahinto rin nang makuryos ito kung bakit natigilan ang nobyo."Titignan ko si Trist baka nasa comfort room lang siya, at ikaw, magtanong ka kung lumabas na ba siya." Utos ni Clement kay Ynaria. Ang tinutukoy ni Clement sa huling sinambit ay si Tris
HATING-GABI ng magising si Trist, nananatiling nakahiga kapagkuwan ay sinapo nito ang ulo nang kumirot ito. Mariin siyang napapikit na tila may kung anong bumubulong sa kanya. Pagkatapos ay marahan siyang umiling-iling, ramdam din niyang pinagpapawisan siya ng malamig kahit malakas ang hangin na pumapasok sa kanyang kwarto mula sa labas dahil sa nakabukas niyang bintana. Wala sa sariling naiyukom niya ang dalawang palad hawak kumot. Maya't maya ay bigla siyang bumangon kasabay pagdilat ng kanyang mga mata. Naghahangos na hinahabol niya ang kanyang hininga. Ilang saglit pa, humalakhak siya na animo'y mala-demonyo.MULING bumalik si Clement sa bahay ni Trist para tignan ang kalagayan nito ngunit nang mapansin nito na nakabukas ang pintuan ng bahay ay naghinala siya. Kung kaya't dali-daling nagtungo ito sa kwarto ni Trist pero natigilan din nang madatnang wala na naman ang kanyang kaibigan."Nasaan na naman siya nagpunta?" Nag-aalalang sambit ni Clement sa kawalan.Natatarantang lumabas
MATAPOS ang trabaho ay agad nagtungo si Ryan sa bahay ng nobya nitong si Wendy. Sarado ang bahay na kanyang madatnan at nakapatay ang mga ilaw nito. Sa mga sandaling iyon pagtataka at kunot-noong tinititigan ni Ryan ang labas ng buong bahay ni Wendy. Hindi mahulaan kung saan nagpunta ang nobya. Biglaan ang hindi nito pagparamdam, ni abiso ay walang presensya.Napagpasyahan ni Ryan na tawagan si Wendy ngunit tila naka-off ang Phone nito. Hindi siya mapakali dahil wala naman sinasabi ang kanyang nobya, pero sa halip na maghintay ay umuwi na lamang siya.Pagkauwi ni Ryan sa kanyang condo ay napahinto siya sa tapat ng pintuan nang mapansin niyang may letter sa ibabang pinto ng kanyang bahay. Nagtatakang luminga si Ryan sa paligid, kapagkuwan ay humugot ng hininga siya't pinulot ang letter. Pagkatapos binuklat niya iyon para basahin."Are you ready for the pain? She's paid now!" Mahinang basa ni Ryan sa letter.Halos magkasalubong ang mga kilay ni Ryan matapos mabasa ang letter at hindi ma
KALALABAS lang ni Ynaria sa comfort room nang matapos ito magshower. Nagtungo siya sa window ng kanyang kwarto para sana hawiin nito ang kurtina para takpan ang liwanag na nanggagaling mismo sa buwan. Ngunit napahinto si Ynaria nang makita ang pigurang palaging nagpaparamdam sa kanya mula noong nagpunta sila sa resort. Nakatayo ang lalaking duguan sa harap ng punong Narra at nakatingin sa kanyang direksyon. Inimuwestra ng lalaki ang kamay nito at sa pagkakataong iyon ay may lumabas na isang babae mula sa likod ng puno.Nanlalaking mga matang 'di makapaniwala si Ynaria nang makilala ang babae. "W-Wendy.." Bigkas ni Ynaria sa babaeng kasama ng lalaki. Puro duguan rin ito at kita ang buto't laman.Biglang kumabog ang dibdib ni Ynaria nang makaramdam ng panlalamig na mga kamay at paa. Dahan-dahan siyang umatras nang tumingin din sa kanyang direksyon si Wendy. Kapagkuwan ay mabilis niyang idinampot ang kanyang phone sa ibabaw ng maliit niyang drawer saka niya tinawagan si Wendy. Hindi maga