Hi, Gorgeous Readers! Malayo ako sa kabihasnan, pagtiyagaan niyo na muna sana ang update kong isang chapter lang ngayon. Bukas pabalik din naman ako ng siyudad. Babawi ako sa inyo ng maraming chapters. Salamuch! Ingat ang lahat. ლ(´ ❥ `ლ)
MAGKASUNOD NA KUMANDONG sina Gia at Brian kay Giovanni na lantarang ikinairap ni Briel ng mga mata dahil harap-harapan ang ginagawang iyon ng kanyang mga anak sa kanya. Kapagdaka ay itinuro na niya ang mga anak na para bang may inggit na nakabalot sa mga mata. “Ayan, ang Daddy niyo na naman ang favorite niyo? Samantalang ako naman ang mas naghirap sa inyo para lumaki kayo ng ganyan. Sige, ipagpalit niyo na lang ako sa Daddy niyo!” halukipkip pa niyang tila nagtatampo sa kanyang mga nakikita, “Diyan naman kayo magaling. May pinagmanahan talaga kayo!” diretsong akusasyon pa niya sa mga batang nakatingin lang naman. Batid ni Giovanni na pabiro lang iyon kung kaya naman hindi niya mapigilang matawa lalo na nang tumingin sa kanya ang mga anak na pigil ang mapangisi dahil lasing na nga ang ina nila. “Iwan ko na lang kaya kayong dalawa dito sa Daddy niyo at magbuhay-dalaga na lang ako?” Kumibot-kibot na ang bibig ni Giovanni na aliw na aliw sa pagiging lasing na doon ni Briel. Sari-sari
NANG MAMATAY ANG tawag ni Gavin ay tinawagan naman ni Giovanni ang pamangkin. Gusto niyang kunin ang side nito at hindi lang ng asawa nitong naunang nag-reached out sa kanya. Agad namang sinagot iyon ni Bethany na sa mga sandaling iyon ay kasama ni Rina. Nasa bar ang magkaibigan at doon napiling sandaling uminom para pagaanin ang mabigat nitong pakiramdam. Naka-block dito ang asawa kung kaya naman hindi matawagan ngayon ni Gavin.“Tito? Napatawag ka?” masigla nitong sagot sa kanya na hindi kakabakasan ng anumang problema, medyo maingay ang background na hindi na bago sa pandinig ni Giovanni kung saan.“Nasaan ka? Tumawag sa akin ang asawa mo. Hinahanap ka.” walang patumpik-tumpik na saad ni Giovanni, hindi niya kailangan pang magpanggap sa pamangkin na nangungumusta lang at wlaang anumang kailangan, kailangan niyang deretsuhin ang babae.. “Umuwi ka na. Gabi na rin.” “Hmm, Tito. Tinatapos lang namin ni Rina ang order naming tequila.”“Sige, mag-ingat pauwi.” Hindi na rin pinatagal pa
INUBOS NILANG MAG-ANAK ang natitirang oras na kalaro ang dalawang bata. Panay ang tingin ni Briel kay Giovanni. Iniisip pa rin ang ginawa nitong balikan paakyat at baba ng Baguio. Hindi niya man aminin ay nag-aalala siya na baka bumigay ang katawan nitong nagpapagaling pa rin. “Hindi ka pa ba uuwi para magpahinga?” Nang maramdaman ni Briel na tumingin sa kanya si Giovanni nang dahil sa biglang katanungan niya, iniiwas niya ang mga mata. Nagkunwaring may tinitingnang importante sa cellphone niya. “Hindi sa pinapaalis na kita, kahit pa sabihing naka-chopper ka nakakapagod pa rin ang biyahe.” Maliit na ngumiti si Giovanni kay Briel at kapagdaka ay tumayo na. Sinabayan niya ang mag-iinang kumain ng dinner. Hindi niya nakita ni anino ng dati niyang biyenan dahil wala dito. Nasa playroom pa rin sila noon at hinahayaang maglaro ang dalawang bata na nag-eenjoy pa rin.“Inaalala ko lang ang malayong naging biyahe mo.” dagdag ni Briel nang di pa rin sumagot ito. “Okay, uuwi na ako.” anunsy
UNDER THE SHINING sun, Gavin wore a beige tuxedo. Gwapong-gwapo na naman ang dating nito na halatang bagong haircut lang. Hindi pa iyon ang gupit niya ng nagdaang gabi.“Lagnat-laki lang. Pagdating nga namin kagabi dito ay parang nagdahilan lang.”“Nakapag-usap na ba kayo nang maayos?” “Hindi nga, kay Brian siya natabing matulog—”“Dapat ay sa iyo ba?” Inambahan ni Briel ng suntok ang kapatid na mabilis namang nakalayo sa kanya. Tinawanan sila ni Brian na nawala na ang lungkot sa mga mata nang makita ang paghaharutan nila dito.“Umalis ka na nga Kuya Gav, kung aasarin mo lang ako. Gandang-ganda ng sagot ko eh!” Malakas na tinawanan lang siya ni Gavin.“Aminin mo na kasing hindi ka pa rin nakakaabante sa kanya. Gusto mong tulungan kita?” Pinandilatan na siya ng mga mata ni Briel. Alam na niya ang nais ipahiwatig ng kapatid at ayaw ni Briel an sumawsaw na naman ito sa kanyang buhay. Masyado itong pakialamero eh.“Huwag na Kuya Gav, kaya ko naman ang sarili ko eh.” “Kaya mo ba talag
MAAGANG NAGISING KINABUKASAN si Giovanni. Maingat siyang lumabas ng silid upang magtungo lang sa silid ni Briel at kumustahin ang kalagayan ng kanilang bunsong anak. Bakas pa ang antok sa mukha ni Briel ng pagbuksan niya ng pintuan si Giovanni. Ilang beses din siyang humikab na tinakpan ang bibig ng isa niyang palad. Halatang hindi naging maayos ang tulog ni Briel sa nangingitim na palibot ng kanyang mga mata. Ilang silip ang ginawa ni Giovanni sa loob ng silid upang tingnan na si Gia sa malayong kama.“Kumusta ang pakiramdam niya?” Sa halip na mag-explain ay binuksan na lang nang maluwag ni Briel ang pintuan ng silid upang hindi na mahirapan pa si Giovanni na silipin ang anak nilang natutulog pa sa kama. “Bumaba na ang lagnat niya, pwede ka namang pumasok at personal siyang i-check.”Sinunod ni Giovanni ang nais ni Briel. Pinapasok niya ang kanyang sarili sa loob ng silid. Mahimbing pang natutulog noon ang bata na ayon kay Briel ay halos kakatulog lang nito ng mga sandaling iyon ka
MAGKASUNOD NILANG NILISAN ang venue ng event na iyon na puno ng pag-aalala ang kanilang puso. Ni hindi nila nagawa pang magpaalam sa punong abala ng event. Hindi na rin bumalik pa sa loob si Giovanni o maging si Briel upang magpaalam dahil sa taranta nilang nararamdaman. Ang tanging tumatakbo lang sa kanilang isipan ng mga sandaling iyon ay ang makauwi na sa mansion ng mga Dankworth at makita ang kalagayan ng maysakit nilang anak. Si Giovanni na ang nagpresentang magmamaneho ng sasakyan na pinagbigyan naman ni Briel. Habang paalis ng venue ay minabuting tawagan pa rin ni Briel ang hipag upang ‘di siya nito hanapin mamaya. “Sinong kasama mo? Ikaw lang ba? Bakit hindi mo sinabi sa akin?” puno ng pag-aalalang tanong ni Bethany kahit na alam niyang maaaring ang tiyuhin niya ang kasama ng kanyang hipag.“Ang Tito mo—” “Oh? Nagkita kayo? Okay sige. At least alam ko na safe kang makakauwi ng mansion. Ingat kayo.” Pagkababa ng tawag ay muling nilamon sila ng nakakabinging katahimikan sa lo