NAKITAWA NA RIN si Gia na may nanunukso ng mga mata sa kapatid na si Brian. Hindi naman iyon pinansin ng kapatid dahil nakatingin lang siya sa mukha ng kanyang ama parang maiiyak. Iyong hitsura nito ay parang nagpipigil lang ng luha dahil nahihiya sa kanyang mga kasama dito.“Hay naku, Mama, miss ka lang ni Giovanni kung kaya ganyan ang pinagsasabi niya.” salo ni Briel na lumapad pa ang ngiti, “Kung wala ang mga bata ngayon baka umiyak na iyang si Gio…” Sinamaan na siya ni Giovanni ng tingin. Hindi siya pinansin ni Briel at nilingon ang panganay.“Brian, baka gusto mong ipakilala si Ceska sa Lola Livia mo.”Hawak ang kamay ni Ceska ay malapad na ngumiti si Brian. “Lola, kailangan ko pa ba siyang ipakilala sa’yo? Kilala mo na siya eh.” pabebeng wika ni Brian na animo ay totoo talagang kausap niya ang matanda sa kanyang harapan, “Si Franceska Natividad po, ang babaeng magiging ina ng mga anak ko at magiging apo niyo sa tuhod at talampakan. Magpapakarami po kami. Hindi lang tatlo. Ika
BAGO MAGBUKANG-LIWAYWAY NG araw na iyon ay bumangon na si Brian nang mag-alarm ang taun-taon na okasyon sa araw na iyon. Marahan niyang tinapik ang isang pisngi ni Ceska matapos maligo at makalabas ng banyo. Naka-roba pa siya noon pero bukas na ang lahat ng ilaw ng silid. Sa pagod ni Ceska nang nagdaang gabi kung kaya naman ang sarap pa rin ng tulog niya.“Hmm?” pupungas-pungas na tanong ng fiancee na maliit na dinilat ang mga mata na agad din naman niyang sinara nang masilaw sa liwanag ng ilaw.“Bangon na…” Kinapa ni Ceska ang kanyang cellphone sa gilid upang tingnan ang oras, nakita niyang maaga pa. “Ang aga pa. Aalis na ba tayo?” muli niyang tanong na binitawan ang hawak na cellphone.“Hindi pa pero may kailangan tayong puntahan.” kuha na ni Brian ng kanyang damit sa closet, ilang beses niyang nilingon si Ceska na nakahiga pa rin pero nakadilat na ang mga mata nito. “Death anniversary ng Lola Livia ko ngayong araw. Pupunta ang buong pamilya namin sa puntod niya. Sumama ka, parte
ILANG SEGUNDO NA napatitig si Ceska sa nilabasang pintuan ni Gia na nakapinid na. Tahimik ang loob ng silid. Walang kahit na anong ingay bukod sa hinga niya. Humahalimuyak ang pamilyar na amoy ni Gabriano na sumasama sa hangin. Umikot sa kabuohan ng silid ang kanyang mga mata. Nang dumapo ‘yun sa pintuan ng banyo ay una na niya itong tinungo upang maglinis na ng kanyang katawan at magpalit na ng kanyang damit. Paglabas niya ay wala pa rin si Brian. Inilibot niya muli ang paningin matapos na maingat na ipinatong sa may sofa sa loob ng silid ang kanyang hinubad na damit. Tahimik muna siyang naupo sa sofa at muli pang iginala ang mga mata. Naka-design ang silid na iyon panlalaki. Maraming libro sa loob ng silid ng fiancee. Maliit siyang napangiti, iniisip na masyado siguro itong matalino noong nag-aaral. Humantong ang kanyang mga mata sa headboard ng kama ni Brian. Napatayo siya nang makitang may lumang pahina ng sketchbook doon na kamukha ng isa sa mga pahina ng sketchbook niya noong ba
NATAWA NA SI Conrad na wala ng masabi. Ano pa nga bang magagawa niya? Si Gabriano ito na lahat ng gusto ay makukuha.“Dapat lang hijo,” si Conrad na ikinatawa na lang nila dahil halatang wala na itong kawala sa gusto ni Gabriano.“Then, welcome sa aming pamilya bayaw.” “Kuya Oscar!” natatawang turan ni Brian na bahagyang nailang sa naging tawag sa kanya ng lalaki. “O bakit? Mas gusto mo ba akong tawaging Kuya keysa bayaw?” Walang hiyang inamin ni Brian na mas gusto niyang tawagin silang Kuya at Ate ng kanyang asawa dahil nakakailang. “O sige, nakakailang nga naman…” Isang araw bago ang nakatakdang pagbaba ni Brian ng Maynila ay dinala niya sa mansion nila si Ceska upang doon kumain ng dinner. Pinaghandaan iyong mabuti ni Briel lalo pa at nabanggit na ng kanilang anak ang ginawa niyang pag-propose ng kasal sa kasintahan. Hindi na nag-demand si Briel na dapat ay alam nila iyon, masaya siya para sa dalawang bata gaya ng asawang si Giovanni. Ganun ka-seryoso ang anak nila na makasama
PUPUNGAS-PUNGAS NA NAGISING si Ceska kinabukasan nang maramdaman na may naglalaro sa kanyang isang kamay. Malabo ang kanyang paningin kung kaya naman kinakailangan niyang ikurap ang mga mata ng ilang beses upang maging malinaw lang ang kanyang nakikita. Mukha ni Brian ang unang tumambad sa kanyang harap. Nakaupo ito sa ibabaw ng kama na nasa gilid niya. Agad napabangon si Ceska nang makita ang singsing na nakasuot na sa kanyang isang daliri. She was still a little confused, and raised her hand to take a look. Baka kasi guni-guni lang ang kanyang nakikita o nasa panaginip pa siya. Kuminang iyon sa tama ng liwanag ng ilaw. It was a diamond ring. Hindi nga siya nagkakamali. The 2.8-carat American diamond ring. Bagay na bagay iyon sa payat niyang palasingsingan. Napatutop na siya ng bibig.“Oh my g-gosh!” tanging nasabi niya na hindi malaman kung ano ang unang magiging reaction.Niyakap niya si Brian na titig na titig sa kanyang reaction. Kung sa iba ang proposal ay madami pang drama, sa
AGAD SUMILID SA isipan ng lalaki na paano niya nanakawan ng halik mamaya ang kasintahan? Hindi pa naman siya hibang na wala sa sariling gagawin iyon sa mismong harapan ng mga magulang nito gayong hindi pa sila kasal o kahit kasal na sila. May natitira pa naman siyang kahihiyan sa katawan. Saka may respeto pa siya sa kanila.“Okay, halika na hijo. Doon na natin sila sa kusina hintayin.” hila na ni Cora sa future niyang manugang, bumait na siya kay Brian lalo nang makita niyang tanggap ng pamilya nito si Ceska. Wala naman ng ibang dahilan upang sungitan ito na ang turing nila ni Conrad ay parang sariling anak na rin. Nagkaroon lang siya ng sama ng loob ng dahil sa pagganti nito.Talunang sumunod sa kanya si Brian. Walang imik. Ilang sandali pa ay bumaba na rin si Ceska kasunod ng kanyang ama at maging ang kapatid nitong si Oscar ang asawang buntis. Hindi na rin lingid sa kanilang mag-asawa ang relasyong mayroon sina Ceska at Gabriano.“Nandito ka?” si Ceska na nahihiya ng nilibot ang m