LOGINHINDI NA MAALIS ni Maverick ang kanyang mga mata kay Savanna hindi dahil sobrang na-miss niya ang babae, kundi dahil sa mga salitang binitawan niya. Napawi na ang kanyang mga ngiti. Naglaho na ang excitement ng pagkikita nila. “In order to avoid future conflicts, kailangan kong ikonsidera ang pag-reject na turuan ang anak mo. Marami namang ibang guro diyan na mas magaling sa akin. Kung gusto mo, ire-refer ko siya sa mga co-teachers ko—” “Pero ikaw ang gusto ni Sabrina.” kalmado ang tinig ni Maverick kahit na sa kaloob-looban niya ay nais nang bumulwak ng kumukulo niyang dugo patungkol sa una niyang sinabi. Iyon lang ang sinagot ni Maverick sa haba ng kanyang litanya.“Hindi nga pwede, Mr. Alvarez, intindihin mo rin sana ang mararamdaman ko at ang mararamdaman niya.” “Do you care about him so much? That you don't want to interact with me normally?” tanong pa rin ni Maverick na nanatiling nakaupo. “Hindi ko naman hinihiling na makipagbalikan ka sa akin. Gusto ko lang turuan mo ang an
HUMANGA PA LALO si Savanna sa pagiging mahaba ang pasensya ng doctor. Kung sa ibang lalaki iyon, baka sinunggaban na siya at nag-take advantage na sa pagiging mapagbigay niya. Ganitong character ang gusto niya. Batid niyang magtatagal sila.“Thank you, Dustin…” Hinaplos ng lalaki ang kanyang isang pisngi gamit ang likod ng palad. “Pasok na sa loob para makaalis na ako…”Pag-uwi ni Savanna ay gising pa ang kanyang ina at halatang hinihintay siyang dumating. “Ipaghahanda kita ng makakain—” “Mom, huwag na. Busog pa ako. Galing kami sa labas ni Dustin.” “Alam ko, pero malay ko bang nagutom ka sa pakikipag-date mo hanggang hatinggabi?” “No, Mom…” himig ni Savanna na tinanggal na sa balikat ang dala niyang bag. “Sa room na po ako.”Hindi na siya pinigilan ng Ginang na sinundan lang ng maligayang tingin ang likuran. “Kung may gusto kang kainin, sabihin mo lang sa akin para naman maluto ko!” Tinaas ni Savanna ang isang kamay habang hindi lumilingon. “Good night, Mom!” After taking a
MARIIN NA KINAGAT ni Brina ang labi niya at tumagal ang tingin niya sa mukha ng ama na binabasa na ang emosyon. “I’ll behave Daddy. I’ll make Tita Savanna like me, no, I’ll make her love me too.” determinadong sambit ni Sabrina na parang kapag ginawa iyon ay makukuha na ang gustong mangyari na maging kanyang ina si Savanna.Alas-nuwebe na ng gabi nakarating si Savanna ng kanyang tirahan. Mabagal lang ang naging pagda-drive niya dahil gulong-gulo ang kanyang isipan. Hindi mawala sa utak niya ang nangyari sa villa ni Maverick. Ang naging interaction nila ng anak nitong si Sabrina. Aaminin niya na masakit ang kanyang puso. Ilang beses niya kasing naisip na paano kaya kung siya ang pinakasalan ni Maverick at siya ang ina ni Sabrina? Malamang sobrang saya ng pamilya nila kagaya na lang nina Bryson at Piper ngayon na parang ang smooth ng mga nangyayari sa kanilang buhay. Walang kahit anumang aberya na.“Kaso, hindi naman ako ang kanyang pinili noon kahit pa ang effort ko na pumunta sa mism
NAPUNO NG GALIT na paulit-ulit na pinadyak ng bata ang kanyang mga paa at muling pumalahaw ng iyak. Gumulong pa sa higaan upang ipakita ang kanyang pag-aalboroto sa pag-aakalang kapag ginawa niya iyon ay makukuha niya ang gusto.“No! Why didn’t you wake me up? I want to see her off! I want to see her off!” “Brina—” “Call her Daddy, I want to talk to her! I wanna talk to her! Call Tita Savanna! Now! Now, Daddy! Now!” Nais nang mapahilot na muli ng sentido ni Maverick. Sa kanyang edad, dapat na mahaba pa rin ang kanyang pasensya ngunit napupuno na siya sa anak. Batid niyang siya rin naman ang may kagagawan ng pagkakaroon nito ng ganung ugali, ngunit mas sobra naman ata ngayon. Dati kapag sinaway niya ang bata, nakikinig naman ito sa kanya kahit labag sa loob.“What if she goes on a date with her boyfriend, Daddy?!” Lumalim ang tingin ni Maverick sa bata at kapagdaka ay inilipat iyon sa mukha ng katulong na nasa kanyang tabi. Pati ba naman ang ganung sensitive details ay nalalaman
TAHIMIK AT MATAGAL na nagkulong upang manigarilyo si Maverick sa loob ng opisina niya. Hindi maalis sa isipan ang mga naging ganap kanina sa pagitan nila ni Savanna. Panay ang kanyang buntong-hininga habang nakatanaw ang mga mata sa labas ng bintana ng silid. Makailang ulit na binalikan niya ang nangyari sa kanilang nakaraan gamit lang ang isipan. Naputol ang baha ng mga iyon bandang alas-otso nang kumatok ang katulong sa pinto ng silid at puntahan siya. “Nakaalis na siya.” iyon ang unang narinig ni Maverick na malamang ay si Savanna ang tinutukoy ng maid.The maid used to be the lady who took care of the two of them before in his gifted villa to Savanna. Noong binabahay niya pa si Savanna ay ito ang kasa-kasama na nila. Hindi nga siya naniniwala na maghihiwalay pa ang dalawa dahil saksi siya kung paano sila magmahalan, ngunit biglang nag-iba ang gulong ng kanilang kapalaran. Nag-asawa si Maverick, nagkahiwalay sila ni Savanna. What a joke, pagkalipas ng ilang taon, muli siyang kinuh
ILANG BESES PANG dumaan sa isipan ni Savanna na hindi dapat naging malambot ang puso niya kay Sabrina. Ibang-iba ito kay Brittany. Kung ang anak ng kaibigan niyang si Piper ay nagagawa niyang masabihan, iba ang ugali ni Sabrina na pinipilit ang kanyang gusto. Ganun siya pinalaki ng kanyang mga magulang na lihim na pinagngitngit ng loob ng babae.“Palalampasin ko sa ngayon, pero sa sunod ay hindi na ako papayag.” Inayos ni Savanna ang kumot ni Sabrina. Ilang segundo pang tinitigan niya ang mukha ng bata. Bahagyang nangunot ang noo niya nang mapansin na hindi iyo kamukha ng kanyang ina, at malayo rin ang features sa ama niyang si Maverick. “Baka masyado pa siyang bata kung kaya hindi pa makita kung sino ang kamukha.” Ipinilig niya ang ulo nang maisip na naman si Brittany na kamukha ng isa sa kanyang magulang. “Imposible na wala siyang kamukha…” maintriga na ang boses na kausap ni Savanna sa kanyang sarili. Bigla siyang napalingon sa may pintuan nang mahagip sa gilid ng kanyang pani
SA TOTOO LANG, nakarating naman kay Gabe ang tungkol sa side ni Atticus. Sinabi iyon ng ama niyang si Gavin nang minsang magbakasyon silang mag-asawa sa England pagkatapos niyang manganak. Ngunit balewala na lang iyon kay Gabe. Para sa kanya huli na nang malaman niya ang katotohanan. Buo na ang des
ATTICUS OPENED THE door again, and a fluffy puppy got inside. It shook itself smartly. Naburo na doon ang mata ng mga nasa sala. Then, the plump little body automatically found Haya, and leaned close to her feet to smell the sweet smell. Walang pakundangan na binuhat ni Haya ang aso na animo ay kan
NAPASABUNOT NA SA kanyang buhok si Atticus. Naiiyak na siya. Makailang beses niyang nahiling na sana lumabas lang ang kasintahan at nakipagkita sa client niya kahit pa hindi mawala sa kanyang isipan ang sinabi ng ama nitong aalis ang babae. Nangangatog ang mga tuhod at may guwang ang pusong patakbo
HILAW NA ANG naging ngiti ni Gabe na bahagyang nakaramdam ng hiya sa magulang ni Atticus na alam niyang kahit panay ang ngiti sa kanila at tango, medyo nao-off din sa kanyang pinapakitang ugali. Baka mamaya ayawan na siya ng mga ito. “Okay,” tanging nasabi ni Gabe na kinuha na ang kanyang juice up







