Se connecterTHE STEPDAUGHTER OBSESSION (SSPG)CHAPTER 13KYLIE POVNagmulat ako sa mga mata ko, nang marinig ko ang katok sa pinto. Napatingin ako sa orasan at nakitang maaga pa. "Ano ba?!" Inis na sigaw ko, habang tinalukbong ko ang kumot sa buong katawan ko. Pero mabilis akong lumabas sa ilalim ng kumot, nang marinig ko ang pagbubukas ng pinto. "Ano ba?! Bakit bigla nalang kayong pumasok sa loob ng silid k-," agad akong natigilan nang makita ko kung sino ang nagbubukas ng pinto. "Tumayo kana at maligo, dahil kailangan mong sumama sa tito Daxton mo." Wika sa akin ni Leah, kaya muli akong humiga sa kama. "Kylie!""Bakit mo ba ako pasasamahin sa kanya? Hindi mo ba nakikitang inaantok pa ako?" "Ito ang unang araw mo sa trabaho, kaya bilisan mo na." Madiin na wika niya sa akin, kaya napapikit ako sa mga mata ko. "'Wag mong masamain ang sinabi ko sa 'yo Kylie, ang gusto ko lang ay maging maayos ang buhay mo." Wika niyang muli, kaya tumayo na ako, dahil naiingayan na ako sa kanya. "Oo na, gagaw
THE STEPDAUGHTER OBSESSION (SSPG)CHAPTER 12KYLIE POVHindi pa rin nawawala ang ngiti ko sa labi ko, habang hinahaplos ko ito, hindi ko kasi akalain na matitikman ko ang labi ni Daxton. "Ma'am Kylie, pinapatawag po kayo ng mommy niyo," muli na naman akong nakaramdam nang inis, dahil sa narinig ko mula sa katulong. "Bakit? Ano na naman ang kailangan niya sa akin?" tanong ko rito, matapos kong buksan ang pinto. "Kakain na po raw kayo." Napailing ako, habang natawa, dahil sa narinig ko mula sa katulong. "Sumunod daw po kayo sa kanya, kung ayaw niyo raw pong siya pa ang pupunta rito." Agad na napa-kunot ang noo ko, dahil sa narinig ko at napa-kuyom ako sa kamao ko. "Sa tingin niya ba natatakot ako sa kany-." "Sumunod ka sa katulong Kylie, kung ayaw mong kunin ko sa 'yo ang lahat ng cash card mo." Mas lalo pang kumunot ang noo ko, habang na-patingin ako kay Leah, dahil sa sinabi niya sa akin. "Sa tingin mo natatakot ako? Alam mong pwede akong humingi kay Daddy!" sagot ko sa kanya,
THE STEPDAUGHTER OBSESSION (SSPG)CHAPTER 11KYLIE POV"Anong ginagawa mo rito?" Tanong ko kay Daxton, habang hawak niya ang kamay ko, at halos hilahin niya ako palabas nitong bar. Hindi ba kasal nila ni Leah? Paano siya nakarating dito. "Sumunod kana sa akin." Madiin na wika niya, habang pilit kong inalis ang kamay niya na nakahawak sa kamay ko. "Gusto mo bang mapahamak ka?" Natigilan ako, habang na-patingin ako sa kanya."Ano bang pakialam mo?" Inis na wika ko, habang napasinghap ako nang bigla nalang niya akong buhatin. "Ano bang problema mo?! Bitawan mo ako!!" Galit na sigaw ko, habang pinagsusuntok ko ang dibdib ni Daxton. "Tumigil kana Kylie," madiin na wika niya sa akin, habang mas lalo pa akong nakaramdam ako nang inis sa kanya. Matapos kaming makarating sa labas, ay binuksan niya ang pinto ng kotse niya, at ipinasok niya ako sa loob. "Bakit kaba nandito ha? At paano mo nalaman na nandito ako?" galit na tanong ko sa kanya. Habang para siyang walang naririnig, at hindi ni
THE STEPDAUGHTER OBSESSION (SSPG)CHAPTER 10KYLIE POVMatapos lumapag ang eroplano ay napatingin ako sa paligid. Muli na naman akong nalungkot, dahil ibang-iba na ang pag-uwi ko, hindi na tulad noon na excited ako at puno ako nang saya, habang binabaybay ko ang daan palabas ng airport, dahil alam kong nasa labas si Mommy at Daddy na naghihintay sa akin. Pero ngayon.. Sh!t! Kylie, pwede bang 'wag kang umiyak, at 'wag na 'wag mo na silang iyakan! Nang makalabas ako ay nakita ko si Daddy, malawak siyang napangiti sa akin, kaya muli na naman akong nakaramdam nang awa sa kanya, hindi niya dapat maranasan ang ginawa sa kanya ni Mommy. "Dad.." Sambit ko habang mahigpit siyang niyakap. "Hija, mabuti at naisipan mong umuwi.." Masayang wika ni Daddy, habang bumitaw ako sa kanya. "Alam niyo po bang kasal niya?" Tanong ko kay Daddy, habang mabilis siyang nag-iwas nang tingin sa akin. "Alam ko.." mas lalo pa akong nakaramdam nang lungkot, habang naririnig ko ang malungkot na boses ni Daddy.
THE STEPDAUGHTER OBSESSION (SSPG)CHAPTER 9WARNING MATURED CONTEXT!!!SPGLEAH POV "Bakit gising ka pa?" Tanong sa akin ni Daxton, habang niyakap niya ako mula sa likuran ko. "Hindi lang ako makatulog." Sagot ko sa kanya, habang niyakap ko ang kamay niya na yumakap sa akin. "Siguro excited ka lang sa kasal natin bukas." Napangiti ako, dahil sa kanyang sinabi. Habang hindi ko rin mapigilan na nakaramdam nang kiliti, dahil sa ginawa niyang pag-subsob ng kanyang mukha sa leeg ko. Ang kamay niya, ay hinahaplos ang aking puson, kaya hindi ko mapigilan na makaramdam nang kiliti at init, dahil sa kanyang ginawa. "Daxton.." mahina kong sambit sa kanyang pangalan. "Hmm..""Ang kamay mo.." ngiting wika ko sa kanya. "Alam mo bang hindi na ako makapaghintay pa sa honeymoon natin mahal.." mas lalo pa akong napangiti, dahil sa narinig ko mula sa kanya. "Ikaw talaga puro ka kalokohan.." Sagot ko, habang hindi ko na rin mapigilan na mapa-kagat sa labi ko, dahil sa ginawa niyang paghimas sa no
THE STEPDAUGHTER OBSESSION (SSPG)CHAPTER 8KYLIE POV Sa paglipas ng ilang buwan, ay halos laman ako ng bar, ilang lalaki na rin ang pinaglalaruan ko, dahil para sa akin ay katulad lang sila ni Daxton. Mga mapanira ng pamilya. "Apo.." Napatingin ako kay Lola, habang nilapitan niya ako. Nasa hapag kainan ako, at kumakain. "Pinapa-uwi ka ng mommy mo." Wika niya sa akin, habang umupo siya sa tapat ko. "Ayokong umuwi." "Apo, ikakasal na siya," mabilis akong natigilan, dahil sa sinabi sa akin ni Lola. "Nawalan na ng visa ang kasal nila ng daddy mo, kaya magpapakasal na sila ng nobyo niya." Muling wika sa akin ni Lola, kaya nai-kuyom ko ang kamao ko."Mabuti pala." Balewalang sagot ko, habang muli akong kumain. "Kung hindi ka uuwi, sila ang pupunta rito." Kunot-noo akong na-patingin kay Lola, dahil sa kanyang sinabi. "Anong pupunta?" taka na tanong ko. "Kung hindi ka raw uuwi sa kasal nila rito sila magpapakasal para sa 'yo." Hindi ko mapigilan ang sarili ko na hampasin ang lamesa,







