Reborn As A Wife Of My Crippled Ninong

Reborn As A Wife Of My Crippled Ninong

last update最終更新日 : 2026-10-20
作家:  BITUING GRACIA'S連載中
言語: Filipino
goodnovel18goodnovel
10
2 評価. 2 レビュー
5チャプター
27ビュー
読む
本棚に追加

共有:  

報告
あらすじ
カタログ
コードをスキャンしてアプリで読む

概要

Dark Romance

Comedy

CEO

Billionaire

Reborn

Twist

"I want to marry my ninong Darren!" Lahat ay nagulat sa hindi inaasahang sasabihin ni Mia. Dahil alam ng lahat na mahal na mahal niya si Sandro at ngayon isang lumpo ang pinili niya para sa kasal. "What??? Are you crazy? Magpapakasal ka sa isang lumpo? Hindi nga marunong tumayo ng isang beses. Pwede ba Mia, kung ginagawa mo 'yan para habulin kita. Well, hindi ko gagawin. Tsk! I know you love me a lot." Walang alinlangan na tugon ni Sandro. "Nagbago na ang isip ko, eh. Gusto ko si Ninong. I want to marry him." Mula sa gilid ay tahimik na walang emosyong nakatingin si ang ninong ni Mia na si Darren. "Why is she choosing me?" Hindi makapaniwalang tanong ni Darren sa kaniyang isipan. Bakit nga ba mas pinili ni Mia ang Ninong niya kaysa sa lalaking mahal na mahal niya mula pa noon?

もっと見る

第1話

#1

MIA POINT OF VIEW

I thought I was died! Pero ngayon nagising akong nakatayo sa harap ng tatlong pamilya. Saktong-sakto sa araw kung kailan ako pumili ng asawa. Ibig-sabihin muli akong nabuhay!

Sa unang buhay ko pinili ko ang lalaking mahal ko. Pero sa huli siya lang ang sumira sa pamilya ko at buhay ko. Kaya sa bagong buhay na 'to, pipiliin ko na ang tamang landas para sa kagandahan ng buhay ng lahat.

Nasa gitna ako ng meeting ng pamilya. Ito ang oras para pumili ako ng lalaking pakakasalan ko.

"Dad, talaga bang kailangan pa ng ganito? Nagsasayang lang naman tayo ng oras, eh. Alam naman nating lahat na ako ang pipiliin ni Mia. Matagal na niya akong gusto mula pa noong mga bata pa kami. Kaya hindi na kailangan pa na tanungin pa siya."

Mula sa hindi kalayuan rinig na rinig ko itong wika ni Sandro. Sekretong napakuyom ang kamao ko. Masyado siyang hambog para sa sarili niya.

"Sandro, kahit na alam ng lahat na ikaw ang pipiliin ni Mia. Kailangan pa rin na maging pormal kaya umayos ka na lang diyan at huwag masyadong magmadali," tugon naman ng Dad niya.

Mapait akong napangiti. Inilibot ko ang paningin ko hanggang sa dumapo ang mga mata ko sa isang gilid. Nakita ko si Ninong Darren at saktong nagkasalubong ang mga mata namin. Ngunit ramdam ko mula roon hanggang dito ang pagiging malamig ni Ninong. Pinagmasdan ko siyang mabuti habang nakaupo siya sa sarili niyang wheelchair. Ngunit ilang saglit lang boses ng isang babae ang sumira sa pag-iisip ko.

"Mia, alam na namin ang sagot mo. Wala ka naman ibang gusto kundi si Sandro lang 'di ba? Kahit alam mo naman na walang gusto sa 'yo si Sandro, bakit gusto mo pa rin ipilit ang sarili mo?"

Bumaling ang paningin ko sa nagsalita, si Ellie. Wala na akong ibang aasahan sa mga maririnig ko ngayon, puro Sandro. Pinapangunahan nila ako sa mga sasabihin ko. Hindi tuloy ako makapagsalita.

"Hay naku Mia, ginugulo mo lang naman ang tatlong pamilya, eh. Pamilya mo, pamilya ko at ang pamilya ni Sandro. Lahat naman may alam na ako lang ang gusto ni Sandro. Kaya bakit ba gusto mo pa rin siyang agawin sa akin? Ang daming lalaki sa mundo tapos ang boyfriend ko pa talaga ang gusto mong kunin? Hindi ka ba nandidiri sa sarili mo? Pinapahiya mo lang ang tatlong pamilya! Kung tutuusin hindi na kailangan pang gawin 'to! Hindi ka naman pipiliin ni Sandro kahit ilang ulit mo pa siyang piliin!" Damang-dama ko ang pang iinsulto niya sa akin.

Dahil sa sinabi niya nagbulong-bulongan ang iba at ramdam ko ang masamang titig nila sa akin.

Sa buhay ko noon palagi kong pinapahiya ang sarili ko. Upang ipaalam at ipakita kay Sandro na mahal na mahal ko siya. Pero sa huli paulit-ulit niya akong ginawang kahiya-hiya sa harap ng maraming tao.

Napansin ko ang dismayadong pag-iling ng ulo ni Daddy mula sa unahan katabi ni Ninong Darren.

"Ano ka ba, Ellie. Huwag ka masyadong stress para sa bagay na 'to. Well all know that I will never choose her." Bungad ni Sandro paglapit niya kay Ellie.

Agad na nagpanggap na malungkot si Ellie at yumakap kay Sandro. Bagay na bagay nga talaga silang dalawa. Maganda at gwapo nga pero halata naman mga sira ulo.

"Mia, huwag na huwag mong susubukan na masaktan si Ellie. Dahil kahit tayong dalawa pa ang ikasal, hindi pa rin ako mananatili sa 'yo!" Nagkasalubong ang kilay ni Sandro. Nanlilisik ang mga mata at umigting pa ang panga. "Magpasalamat ka na lang dahil tradition ng pamilya natin ang ganito. Pero kung ako ang susundin, gagawin ko ang lahat para masira ang tradisyon. Dahil ayaw na ayaw kong magpakasal sa mataba, panget, at kulelat na tulad mo. Masyado kang nakakahiya sa nga tao!" dagdag pa niyang dumurog sa puso ko.

Alam ko naman na ganito ang itsura ko. Pero hindi naman niya kailangan ipamukha sa akin.

"Babe, natatakot ako na baka tuluyan kang ikasal sa kaniya. Pwede naman na tayong dalawa na lang 'di ba? Ayaw ko ng ganito, eh. Ayaw kong mawala ka sa akin dahil gusto kang kunin ni taba sa akin," mangiyak-ngiyak na mas humigpit ang yakap ni Ellie kay Sandro.

Lalong nanlisik ang paningin sa akin ni Sandro. Hanggang sa humakbang siya ng ilang beses papalapit sa akin. Kasabay nito ang pagtulak niya sa akin. Dahilan na napa-upo ako sa sahig. Syempre, dahil mataba ako nahirapan akong tumayo.

"Tingnan mo nga ang ginawa mo, Mia! Pinapa-iyak mo si Ellie! Ganyan ka na ba talaga ka-sama! Then look at yourself! Hindi ka nga makatayo agad dahil sa bigat at taba mo! Tapos gusto mo pa akong maging asawa mo?! Are you crazy!"

Kitang-kita naman na wala akong ginawa para umiyak si Ellie. Nagdadrama lang naman ang babaeng 'yon. Pero nagtitiwala agad si Sandro. Kung sa bagay sino nga ba ako para pagkatiwalaan ni Sandro?

"That's enough Sandro!" malakas na sigaw ng kaniyang Daddy.

"Dad, I'm just protecting my Ellie! Nakakabwisit kasi si Mia, eh. Gusto niyang saktan si Ellie. Of course, hindi naman ako papayag na gawin niya 'yon!"

Sa harap ng tatlong pamilya ang lakas ng loob para ni Sandro para gawin sa akin ito.

"I'm very sorry po, Uncle. It's all my fault, gusto lang po ako protektahan ni Sandro. Wala po siyang kasalanan kaya huwag na po kayong magalit sa kaniya," sabay punas ni Ellie sa luha niya.

Naiinis na ako sa kadramahan nila. Kaya naman pinilit ko ang sarili kong tumayo. Ngunit, nahirapan pa rin ako. Nang makatayo ako hingal na hingal agad ako. Kailangan ko na nga talaga ang mag-diet.

Muli akong humarap sa tatlong pamilya pero nanatili muna akong tahimik para mag-isip nang malalim.

"Mr. Enrequiz, pagpasensyahan mo na ang anak ko. Gusto lang naman niyang protektahan si Ellie, kaya nagawa niya 'yon sa anak mo," mahinahon na paghingi ng tawad ng Dad ni Sandro.

"Don't worry, walang problema 'yan sa akin," sagot ni Dad. After that, seryoso niya akong tinapunan ng tingin.

"Mia, tell us. Buo ma ba ang loob mo para magpakasal kay Sandro? Nasa 25 years old ka na. Kaya kailangan mo ng ikasal sa lalong madaling panahon."

Malalim akong huminga, kumuha ng lakas ng loob.

"I want to marry my Ninong Darren!" malakas kong sigaw na umalingawngaw sa buong silid.

"What!?"

"Want!?"

"What?!"

Lahat ay nagulat sa sinagot ko.

もっと見る
次へ
ダウンロード

最新チャプター

続きを読む

読者の皆様へ

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.


レビュー

BITUING GRACIA'S
BITUING GRACIA'S
Signed October 28, 2026
2026-10-28 22:16:09
0
0
JC CRUZ
JC CRUZ
Another satisfying story .... Super recommended ... More update Ms. A.
2026-10-28 22:12:32
1
0
5 チャプター
無料で面白い小説を探して読んでみましょう
GoodNovel アプリで人気小説に無料で!お好きな本をダウンロードして、いつでもどこでも読みましょう!
アプリで無料で本を読む
コードをスキャンしてアプリで読む
DMCA.com Protection Status