"Pa! Huwag po! Parang awa niyo na!" Umiiyak na wika ni Thelma habang tinatamo ang masasakit na hampas sa likod ng kanyang ama gamit ang sinturon na binigay ng kanyang pangalawang ina.
Rinig niya ang paghagikhik ni Morissa kaya napatuon ang tingin niya roon pero inirapan lamang siya nito at bumalik na sa pagkain ng almusal nito.
"You are not allowed to go out in your room until I told you so!" Sigaw ng ama niya matapos siyang hagupitin ng sinturon nito sa likod niya. Nagalit din ang ama niya dahil sa suot niya na kita na pati likod niya.
"Hon, Ang blood pressure mo niyan!" Pagsabat ng step-mom ni Thelma na narinig niya galing sa labas ng kwarto.
"Nag-sisisi akong kinuha ko pa yan doon, dapat sana pinabayaan ko na yan kung hindi lang naki-usap si mama na kunin yan hinding-hindi ko yan papa-apakin sa bahay ko. Isa lamang siyang kahihiyan sa pamilyang 'to!" Sigaw ng ama niya na sinasadyang lakasan ang boses para marinig niya. Sa direksyon nito ay mukhang papa-akyat na ito sa taas at inaalalayan ng pangalawang ina ni Thelma.
Lumapit naman sa pinto ni Thelma si Morissa at nagwika," Galit ka ba sa 'kin? Aminin mo, Thelma you enjoyed partying while kissing an anonymous peraon last night?" Pagkatapos sabihin iyon ay napatawa ito ng pagkalakas-lakas dahilan para mapakuyom ng kamay si Thelma dahil sa galit. Pilit ni Thelma na pinipigilan ang galit niya dahil ayaw na niyang dagdagan pa ang galit sa kanya ng kanyang ama.
"Wala akong gana ngayon, Morissa. Sana naman lubayan mo na ako," wika niya pero narinig niya lang ang pagsinghap nito.
"Why!? Dapat nga magpasalamat ka pa sa akin, dahil kung hindi, baka habang buhay ka lang na nandyan sa kwarto mo't malapit ng amagin, pft!" sarkastikong saad nito. Nanginginig na ang kalamanan niya dahil sa pinagsasabi nito.
"Salamat? Salamat para saan, Morissa? Salamat dahil napagalitan ako ni Papa?" Wika niya at napakagat labi para pigilan ang pag-tulo ng kanyang luha.
"Tsk! Hindi ko na kasalanan 'yun noh! Tanga ka eh! Alam mo ng nagpapasama ako sa 'yo tapos ikaw pa ang maglalasing? " wika nito pero hindi lang siya umimik.
Mas lalo lang siyang nagagalit habang kausap ito dahil sa wala naman itong inaamin na naging kasalanan niya at tanging siya lang ang sinisisi nito.
Sobrang nagalit lang naman ang ama niya dahil sa sumbong ni Morissa dito. Hindi niya akalain na ito pala ang kahahantungan niya sa pagtitiwala niya sa kapatid, sobrang mali pala ang naging desisyon niyang sumama at maniwala dito.
Kumikirot ang likod niya kaya nakadapa lang siya sa kama na may sapin na banig at napapadaing na lang dahil sa hapdi.
Maya-maya lang ay nakarinig siya ng kotse galing sa garahe nila na papa-alis.
Hindi lang siya ngayon kinulong ng ama dahil maraming beses pa siyang kinulong nito dahil lang sa pag-away sa kanya ni Morissa noon na siya palagi ang tinuturong mah kasalanan.
Tumayo siya at naghalungkat sa maliit na kabinet na lalagyan ng mga damit niya at kinuha ang isang t-shirt na malaki at isang above the knee na garter short. Pagkatapos niya magbihis ay dumapa ulit siya sa kama at napa-d***g ulit ng dumikit sa likod niya ang tela ng damit niya.
She unconsciously touched her neck but she doesn't feel anything. Nanlaki ang mga mata niya ng hindi mahawakan sa leeg niya ang kwintas na pinaka-iningat-ingatan niya. Mabilis siyang tumayo ulit at hinanap hanap ito sa kwarto niya pero wala siyang nakita na isang kwintas.
'Marahil ay naiwan ko sa labas ng sala o kaya sa mag kusina!' Sigaw niya sa isip kaya mabilis niyang inikot ang seradura ng pinto para lumabas at hanapin ang kwintas niya pero hindi niya suka't akalain na ila-lock pala siya ng ama sa kwarto niya.
"May tao ba diyan?! Please palabasin niyo na po ako! May hahanapin lang po ako!" Paulit-ulit na sigaw niya habang pinapalo ang pinto gamit ang mga palad niya na namumula na sa lakas ng kanyang pagkakahampas pero wala pa ring sumasagot sa kanya.
Gusto na niyang umiyak dahil sa maraming nangyari ngayong araw na hindi niya ma prose-proseso sa utak niya. Bakit pa kailangang mangyari ang lahat ng ito? Ano bang ginawa niyang kasalanan para matamo niya lahat ng ito?
Tumunog ang tyan niya kaya napahawak siya dito dahil nararamdaman na rin niya ang gutom, tanghali na rin at hindi pa rin siya kumakain. Kinalat niya ang tingin sa maliit na kwartong kinaroroonan niya at kahit na maliwanag ang binibigay ng nakabukas na ilaw ay wala siyang nakitang pwendeng kainin.
Naisipan na lang ni Thelma na matulog na lang baka-sakali mawala ang gutom niya kaya dahan-dahan na niyang ipinikit ang kanyang mga mata.
"Ma'am Thelma!" Katok ng isang matandang boses na babae dahilan para maalimpungatan siya."Ma'am Thelma!"
Agad siyang bumangon ng makilala ang boses nito.
"Aling Pesing! Aling Pesing, maawa na kayo pakawalan niyo ako dito!" Sigaw niya sa katulong ng kanyang lola.
"Anong nangyari!? Bakit ka naka-kulong? Hesusmaryusep naman si Mauricio oh!" Natatarantang wika nito."Diyan ka muna, Ma'am at hahanapin ko ang susi sa kwarto niyo."
"Aling Pesing nasa may drawer po dyan sa may hallway malapit sa hagdan," turo niya sa direksyon ng susi. Nakita niya ang susi na iyon nang maglinis siya sa buong bahay noong isang araw lamang.
"Nakita ko na, Ma'am," sigaw ni Aling Pesing at mabilis na tumakbo papunta sa pinto ng kwarto ni Thelma.
"Maraming salamat Aling Pesing," wika niya at mabilis na yumakap sa matanda. Mabait ang katulong na ito na nakilala niya simula noong pumunta siya rito noong kinse anyos pa lamang siya.
Hinagod nito ang likod niya kaya agad siya napa-d***g na ikinagulat ng matanda.
Mabilis itong kumalas sa kanya at pinatalikod siya. Sa una ay nag-alangan siya dahil malamang sa malamang ay baka mag-away ang ama niya at ina nito kapag sinumbong niya kay Aling Pesing ang nangyari.
Hindi na siya naka-imik pa ng bumungad sa mata nito ang mga gasgas sa likod niya na dulot ng paghampas ng sinturon nito.
"Hesusmaryosep, Ma'am Thelma!" Nai-usal na lamang ng matanda pero agad niyang binalik sa dati ang t-shirt niya at nakayukong humarap kay Aling Pesing."Anong nangyari sa 'yong bata ka?"
"Ah- ka-kasi po, may kaunting disgrasya lang pong nangyari sa akin pero o-okay na naman po ako," saad ni Thelma pero mabilis na umiling si Aling Pesing.
"Naku bata ka! Kahit na matanda na ako ay alam ko na kung sino ang nagsi-sinungaling sa hindi," naka-halukipkip nitong saad.
"Huwag mo na lang pong sabihin kay Lola, Aling Pesing. Ayaw ko na magalit ulit siya kay Papa," wika ni Thelma.
"O, siya basta hayaan mo ako na lagyan ng gamot iyan para mawala ang sakit dahil kapag napabayaan 'yan ay baka hindi na gumaling. Dalaga ka pa naman at maganda pa," wika nito.
"May hahanapin lang muna ako Aling Pesing," wika niya at dumiretso sa sala at naghanap-hanap.
'Nasaan na ang kwintas ko? 'Yun na lang ang pinaka-huling regalong binigay ni Mama sa akin.'
Sa pagkakataong 'yun ay para na naman siyang iiyak dahil sa kapabayaan niya.
'Nasaan na ba 'yun.'
"Anong hinahanap mo, Ma'am?" Wika ni Aling Pesing kaya tumayo na siya ng maayos at napakamot sa ulo niya.
"Yung kwintas po na regalo sana ni Mama sa akin. Hindi ko po nakikita," wika niya.
"Mamaya mo na hanapin at tutulungan kita habang wala pa sina Mauricio," wika ng matanda na may bitbit sa kamay na isang puting first aid kit at iginiya siya sa mahabang sofa tsaka na-upo silang sabay dito."Dapa ka, Ma'am ng malagyan ko na."
Sumunod naman siya at dumapa. Marahang dinidikit nito ang malambot na cotton sa likod niya at kapag napapadiin ay napapakapit siya sa unan na napapatungan niya.
"Ayan tapos na," nakangiting wika ng matanda kaya umayos na siya ng upo."Teka..." Pigil nito at nakatingin sa paa niya.
"Bakit po?" Takang tanong niya dito pero hindi ito umimik at kinuha ang paa niya. Bumungad sa matanda ang maraming gasgas dito at namamaga na ang kanyang paa.
"Huwag mong sabihing pati paa mo ay dulot din ng pag-papahirap sa 'yo ni Mauricio!?" Nanlalaking ang mga matang saad nito na mabilis niyang ikina-iling.
"Naku! Hindi po, Aling Pesing! Wala na po diyan kinalaman si Papa," wika niya at napayuko na lamang.
Tahimik lang ang matanda habang ginagamot ang pareho niyang paa na nakapatong sa kandungan nito.
"Sa susunod kapag may problema ka raw ay huwag kang mahihiyang mag sabi sa lola mo," saad ni Aling Pesing kaya napa-angat ang tingin niya dito.
"Kaya ko na naman po ang sarili ko," saad niya pero hindi na rin umimik pa ang Ale.
"O siya, tapos na! Ano nga ulit ang hinahanap mo? Ako na lang ang maghahanap dahil may mga sugat ka pa baka impeksyon pa 'yan," wika ng matanda pero umiling lang sita dito.
"Ayos lang po, Aling Pesing nakakatayo pa naman ako," nakangiting wika niya pero pabiro lang siyang inirapan ng Ale.
"Wala dito, Ma'am. Saan mo ba iyon huling nakita?" Tanong ni Aling Pesing kaya napa-isip agad siya.
Sumuko na si Thelma sa paghahanap at hindi na ulit nag patulong kay Aling Pesing sa paghahanap.
"Hayaan mo na Aling Pesing, ako na lang ang maghahanap mag a-alas kwatro na rin ng hapon mas kailangan po kayo ni Lola doon," wika niya kaya napatango naman ang matanda."Maraming salamat sa tulong Aling Pesing."
Umalis na ang matanda at dumiretso siya sa kusina para maghanap ng makakain kaya agad niyang binuksan ang isang takip na nakapatong sa mesa, natakam siya ng may makita sa isang plato ang isang bacon at may kagat na sandwich.
Agad siyang kumuha ng plato at nilagyan ng kanin iyon pagkatapos ay kinuha ang bacon habang kinakagatan ang sandwich na may bawas na rin pero hindi niya 'yun alintana dahil sa gutom na gutom na siya.
Pagkatapos niya kumain ay nilagay niya ang susi sa dating pwesto nito at pumasok na sa kwarto na may dalang isang apple at dalawang saging. Naisipan niya na kumuha nito dahil hindi niya alam kung anong oras siya makakakain mamaya lalo na't ayaw siyang palabasin ng ama.
Maya-maya pa'y nakarinig siya ng paparating na sasakyan at malakas na tawa ng step mom niya kaya agad niyang tinago ang mga prutas sa maliit na kabinet na lalagyan ng mga damit niya.
Ni-lock niya rin ang pinto para hindi ito maghinala na nakalabas siya.
"Thelma! Thelma! Dalhan mo nga ako ng tubig!" Sigaw nito mula sa sala kaya agad siyang napatayo.
"Naka-lock po ang pinto," sigaw niya mula sa pinto.
"Then unlock it!" Sigaw nito.
"Wala pong susi," wika niya. Narinig niya ang inis na pagpadyak ng sandals na suot nito sa sahig at papalapit sa kwarto niya ang tunong ng takong nito.
"Oo nga pala! I forgot that you've been locked by your father because of you being a slut!" Wika nito na ikinapanting ng tenga niya dahil para kumuyom ng kusa ang mga kamay niya."Okay, i'll get the key but I forgot where Mauricio put the key!" Batid sa boses nito ang inis habang naghahanap.
Gusto niya man matagpuan agad nito pero baka ilipat ng ama ang lalagyan ng susi ng kwarto niya sakaling malaman nito na siya ang nagturo sa step-mom niya kung nasaan ito.
"Okay, I already found it," masiglang saad nito at mabilis na pumunta sa pinto niya at sinusian ito."Now, serve me a drink because i'm so thirsty! Dali! Ang bagal bagal!"
"O-Okay po," wika niya at mabilis na pumunta sa ref at kinuha ang paboritong inumin nito na pineapple juice.
"Ano ba 'yan! Sobrang tabang naman ng pagkakatimpla mo!" Sigaw nito sa kanya.
"Hindi po!" sagot niya rito pero hindi na nakapagsalita pa ang ginang at sinagot ang nag riring na cellphone nito.
"Oh my God, sobrang marami nga akong nabili na mga chanel bags mare! Grabe sobrang affordable lalo na't nasa akin ang isang card ng asawa ko!" Masayang sigaw ni Mrs. Ferrer na sinabayan ng tawa ng nasa kabilang linya.
Tumingin sa kanya si Mrs. Ferrer at tinuro ng nguso ang direksyon ng kwarto niya kaya dahan-dahan siyang tumalikod dito.
Patuloy pa rin sa pakikipagkwentuhan ang step-mom niya habang nakasunod ang tingin sa kanya.
'Ikukulong din pala ulit ako.' Wika niya sa isip niya. Iniisip niya kung paano ba siya kakain mamayang gabi gayong nandito na ang step mom niya ?
Maagang nagising is Thelma dahil sa mga naii-isip niya. Karga ang anak ay dahan-dahan niyang hinalikan ang noo nito."Hindi ko hahayaang pati ang anak ko ay manakaw pa sa akin."Maya-maya lamang ay nakita niya si Along Pesing na humihikab pa habang papalapit sa kanya."Thelma. Ang aga mo naman ata nagising? Alas sais pa lang ah?""Uhm.. Aling Pesing, pwede ko ba po muna iwan sainyo ang anak ko?""Huh? Bakit? Saan ka pupunta?""May pupuntahan lang po ako sandali. Hindi naman po ako magtatagal.""Huh? Eh mag-agahan ka muna? Mag-lu-luto muna ko ng agahan.""Tulog na naman po si Kio, hindi naman po siya umiiyak ng grabe.""O sige, basta bilisan mo lang ah. Hindi ka pa naman nag-agahan.""Maraming salamat po."Dahan-dahan niyang binigay kay Aling Pesing ang natutulog na anak.'Sandali lang ako anak.'"Mag-iingat ka ah!" saad nito at nakangiting tiningnan ang tahimik na natutulog na sanggol.Napatango naman si Thelma at agad na kinuha ang jacket niya na puti at may hood. Mabilis siyang naka
Alas sais na ng umaga at bumaba na si Morissa dahil nabasa niya ang text ni Marcellus na bibisita ito sa bahay kaya nagmadali siyang bumaba at ginising ang mommy niya na tulog na tulog sa sofa. "Mom! Wake up! Marcellus is coming! He needs to see na ako ang nag-aasikaso sa bata baka makahalata siya na wala akong pakialam dyan." "O sige sige anak. Ikaw na muna bahala dyan. Pagnaka-alis na si Marcellus tawagin mo na lang ako sa taas. Siya nga pala kumuha ka ng personal yaya niyan ah, napupuyat ako sa batang 'yan, iyak ng iyak." "Oo, maghahanap ako. Sa ngayon umakyat ka na dahil sandali na lang ay nandito na 'yun." Ilang minuto pa lang ay nakarinig na si Morissa na may nagdo-doorbell na sa kanolang pinto. Agad siyang tumayo at binuksan ang pinto, bumungad si Marcellus na bagong ligo at sobrang bango pa. 'Sabagay ano ba naman aasahan ko eh kompanya niya ay pabango. This man never disappoints me. I love him even more.' "Hey, Morissa? Can I come in?" "O-Of course! Come in. Napa-aga ka
Nagising si Thelma mula sa kanyang pagkakatulog, at agad siyang nagtaka sa kanyang kinaroroonan. Hindi niya alam kung nasaan siya at ano ang nangyari. Ngunit biglang bumalik sa kanyang isipan ang malalim na alaala - nanganak siya. "Apo, gising ka na pala," sabi ng Lola niya na nasa tabi ng kama niya, habang nagbabalat ng mga prutas. "Kumain ka na ng breakfast at magpahinga ka pa." Ngunit ang mga salitang iyon ay hindi gaanong nagpatatag sa puso ni Thelma. Naramdaman niyang may kulang, at ang takot ay sumalubong sa kanyang damdamin. "Lola, nasaan ang anak ko?" tanong niya, ang boses ay puno ng pagkabahala. Lumapit si Lola sa kanya, ang mga mata ay puno ng pag-aalala. "Thelma, hindi ko pa nakikita ang iyong anak, pero alam kong ligtas na siya." Hindi makapagsalita si Thelma, ang puso niya'y naglalaro sa takot at pangamba. "Lola, kailangan kong makita ang anak ko. Baka kinuha na ni Morissa." "Apo, kumalma ka lang. Nandito rin si Morissa, nanganak na rin siya ng batang babae." Sa si
"Ayaw kong pilitin pa si Thelma, Mom. Mas lalo lang akong naiinis sa babaeng 'yun. Kung wala lang talaga akong kailangan sa kanya baka matagal ko na siyang sinampal.""Calm down, my dear. Ang baby mo," saad ni Devy habang hianhaplos ang likod ng anak para pakalmahin."Anong baby ma? Wala ngang laman—"Hindi na niya natapos ang sasabihin ng biglang takpan ang bibig niya. "Mom?" nagtatakang tanong niya sa kanyang ina."Your dad is here! He might hear you!" bulong nito sa kanya at biglang nanlaki ang mga mata niya nang mapagtanto ang sinabi ng ina."Oo nga pala. I'm sorry, Mom.""Mabuti na lamang at nasa office ang, Daddy, mo dahil kung hindi baka isang sekreto mo na ang nabunyag.""Well, it's impossible for Dad to get angry at me because i'm her favorite princess.""Kahit na. We can't let him know until that woman's child is not in our possession. You want Marcellus to be with you, right?"Tumango siya dito bilang sagot."Then don't say a thing in front of your Dad.""Oo nga pala, Mom
Marcellus continued to sit in his car, his mind swirling with the revelations of the day. He had always known Morissa's family was complicated, but the presence of Thelma added another layer of complexity that he hadn't anticipated. He found himself drawn to her, her quiet strength and the sadness that seemed to lurk in her eyes. He wanted to understand her story, to uncover the truth that he felt Morissa was hiding.He pulled out his phone and dialed a number, his gaze fixed on the road ahead as he waited for the call to connect."Hello, it's Marcellus. I need a favor," he said, his voice steady. He quickly explained his request, asking for a thorough background check on Thelma. He knew it was an invasion of her privacy, but he felt compelled to find out more about her. There was something about her that intrigued him, a mystery that he felt compelled to solve.After ending the call, he put his car in drive and headed back to the city. As he drove, his mind was filled with thoughts o
"Kaya mo 'yan, Morissa, nandito lang ako," saad ni Mirabel nang nasa pinto na sila ng opisina ni Marcellus. "Papasok na ako, bumalik ka na sa trabaho mo." Tumango naman si Mirabel at tumalikod na habang siya naman ay bumuntong hininga bago pumasok sa pinto. Bumungad sa kanya si Marcellus habang walang emosyon itong nakatingin sa mga papeles na pinipirmahan nito. "Marcellus, are you busy? Please let's talk," said ni Morissa kaya sumenyas ito kay Clint kaya nakapasok na ito sa opisina nito."Anong kailangan mo rito, Morissa?" walang emosyong wika nito na mas lalong nakapag pakaba sa kanya."H-Hindi ka ba galit sa akin?""Galit? Bakit? May nagawa ka bang ikakagalit ko?"Tila nabunutan ng tinik si Morissa nang sabihin iyon ni Marcellus."W-Wala. Wala naman. K-Kamusta ka? Kumain ka na ba? Matagal na tayong hindi nagkakausap dahil lagi kang busy," saad ni Morissa kaya napa-angat ng ulo si Marcellus habang kunot ang noo. Tumitig ito sa kanya ng ilang segundo at tumawa ng pagak."I am not