MAYOR DEVRYCK MARCOV

MAYOR DEVRYCK MARCOV

last updateLast Updated : 2025-12-14
By:  LORNA1997Ongoing
Language: Filipino
goodnovel18goodnovel
Not enough ratings
7Chapters
47views
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
SCAN CODE TO READ ON APP

Warning: R-18 Si Yza ay nasa kolehiyo pa lamang nang biglaang bumagsak ang negosyo ng kanyang pamilya. Para maiahon niya ang palubog na negosyo, kailangan niyang maghanap ng taong makakatulong sa kanya. Kilala na niya si Mayor Devryck Marcov dahil anak ito ng isang kaibigan ng kanilang pamilya. Dahil dito, nagpasya si Yza na lumapit kay Mayor Devryck upang humingi ng tulong, umaasang siya ang makakatulong sa kanilang pamilya na makabangon mula sa krisis.

View More

Chapter 1

1

Ysa

"Girl, bakit ka pinatawag ni Principal last week?" bungad ni Lea, pagkababa ko pa lang ng bag ko. Nasa school garden kami, may ilang minutes pa before mag-start ang first class namin.

"Wala lang 'yon, Lea. May inutos lang," sagot ko. Di pa rin ako maka-move on sa mga nangyari last week. Kausap ni Lolo ‘yung friend niya at sinabi niyang ayaw niya ituloy ‘yung deal nila. Nakita ko ang disappointment sa friend ni Lolo na si Mr. Choi paglabas niya ng garden. Parang nalugi siya sa jackpot. Ramdam ko na kahit nahihiya si Lolo sa friend niya, pinipilit pa rin niyang hindi ako ipamigay sa kahit sinong lalaki. Sabi rin ni Lolo, mas mahalaga ako kesa sa kahit anong bagay dito sa mundo.

Kaya ako ngayon, problemado kung paano ko matutulungan si Lolo. Ayoko namang umasa na lang at maghintay ng miracle, dapat may gawin din akong action.

"Ysa, okay ka lang?" nag-aalalang tanong ni Lea. "Parang ang lalim ng iniisip mo, friend?" sabi ni Lea. Siya ang best friend ko, kasama si Chloe. Classmates na kami since elementary, hanggang high school, at pareho kaming nag-BS Tourism dito sa college. Madalas kaming asarin ng mga kakilala kung ‘di ba kami nagsasawa sa isa't isa, na tinatawanan lang naman namin.

"Lea, may konting problem lang sa amin, pero ayos na," pagsisinungaling ko. Ayoko madamay ang friends ko sa problemang kinakaharap ko ngayon.

"Friend, sure ka ba? Baka mamaya nagsisinungaling ka lang,” sabi pa ni Lea. "Magtapat ka na, may problema ba kayo o wala? Sabihin mo ang totoo? Sasabihin ko kay Daddy at Kuya Enzo para tulungan ka nila." sabi pa nito. Sobrang yaman ng family ni Lea. May-ari ang parents niya ng malaking supermarket, at isa sila sa mga pinakamayaman sa amin, may resort din sila sa iba't ibang lugar, kasama ang hardware at iba pang businesses. Kaya naman nirerespeto ang family niya ng karamihan, pero mabait si Lea, at matulungin sa kapwa. Di rin siya mapagmataas gaya ng iba.

"Don't worry, if I have problems again, I'll ask for your help. For now, we're okay. My grandparents are okay. Thank you so much for being there for me. I really appreciate it a lot." nakangiting sabi ko. Niyakap naman niya ako ng mahigpit.

"Bakit ba ang tagal ni Chloe?" inis na sabi ni Lea "Nagpabili pa, tapos di naman yata papasok, nakakainis talaga ang tabachuy na 'yon!" Nanunulis sa inis ang nguso na sabi nito.

"Taba ka nang taba diyan, pag narinig ka nun, yari ka na naman," banta ko. Ayaw pa naman ni Chloe na tinatawag siyang ganun, kahit medyo chubby ang friend naming 'yon. Pero maganda pa rin ang body shape niya kahit chubby siya.

"Totoo naman, ah," depensa pa ni Lea, sa sarili. "Tsaka… five minutes na lang mag-start na ang klase natin, tapos wala pa rin siya. Kahit kailan talaga!" inis pa rin na sabi nito na ikinangiti ko na lamang.

"Mga beshhhhh!!!!" agad kaming napalingon ni Lea sa entrance ng garden, nang marinig namin ang sigaw ng friend naming si Chloe.

"Di mo ba alam na kanina pa kami naghihintay dito? Halos magkulay ube na ang mga mata namin, masyado ka talagang pa-special!" sabi ni Lea, na inismiran lang naman ni Chloe. "Upo ka na nga dito, para makapag-relax na tayo. May klase pa tayo mamaya, oh."

"Oo na po, mahal na prinsesa," pang-aasar ni Chloe. Madalas mag-asaran silang dalawa, at ako ang madalas na umaawat sa kanila.

"That's enough, let's just chill," suhestiyon ko para matapos na ang pag-aasaran ng mga kaibigan ko.

"Besh, naghilamos ka ba?" pabulong na tanong ni Chloe kay Lea.

"Bakit mo tinatanong?” taas-kilay na tugon ni Lea.

"Mukha kasi kayong haggard eh,” pabulong ulit na sabi ni Chloe kay Lea.

"Hoy! Masyado ka!" sabi ni Lea. “Naghilamos ako ‘no! Baka sarili mo kamo ang nakikita mo!"

"Ay grabe siya! For your information mahal na prinsesa, halos isang oras akong naghilamos at nag-ayos ng mukha ‘no!” saad ni Chloe.

"Whatever, you look the same pa rin!" asar na asar na sagot ni Lea.

“Hey, hey, tama na yan. Nakakahiya na, oh,” saad ko sa mga kaibigan ko. Agad naman silang tumahimik, ngunit nagbubulungan pa rin sa mahinang paraan. Napailing na lang ako, hindi talaga makokompleto ang araw ng mga kaibigan ko ng hindi sila nag-aasaran.

"Humanda ka sa akin mamaya," sabi ni Lea. Kinuha na nila ang mga gamit nila at sabay-sabay na pumasok sa classroom namin. Umupo kami sa tatlong upuan sa unahan. Dun ko kasi gustong umupo para maituon ko ang buong attention ko sa professor namin. Sa tatlong taon naming pag-aaral sa university na ito, wala naman kaming naging problema sa mga professors, lahat mababait, kapag may kailangan ka ay tutulungan ka nila.

"Absent daw si Prof. Reyes," imporma ng isa sa mga classmates namin. Kaya imbes na makipag-usap, nagsimula na lang akong magbasa ng pwedeng ituro sa klase mamaya.

Expand
Next Chapter
Download

Latest chapter

More Chapters

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

No Comments
7 Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status