The Stray Alpha

The Stray Alpha

last updateTerakhir Diperbarui : 2023-09-09
Oleh:  Laura Dickey-CouchTamat
Bahasa: English
goodnovel16goodnovel
Belum ada penilaian
50Bab
1.4KDibaca
Baca
Tambahkan

Share:  

Lapor
Ringkasan
Katalog
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi

Lucy Carrigan has run away from her hometown to live a secluded life in Sedona, Arizona. Unbeknownst to her, Gabriel Herman, the banished stray Alpha of the Moonlight Pack, has discovered she is his beloved mate. An undeniable connection brings the two broken mates together, and Gabriel must find a way to tell Lucy what he is. Will she be able to heal from her previous trauma and begin a romantic relationship with Gabriel? Would a human and a hybrid wolf shifter being mates be as taboo as his uncle, current Alpha of the Moonlight Pack, wants everyone to believe? Will they learn how to work together to weather the storms cast their way? *** "Gabriel," she whispered. "Yeah?" he asked, spinning his head toward her, making direct eye contact as the light faded. "Can I kiss you?" she asked, biting her lip. "You have my consent, Freckles." He winked. The Stray Alpha is created by Laura Dickey-Couch, an eGlobal Creative Publishing signed author.

Lihat lebih banyak

Bab 1

Chapter 1: Adorable Ragamuffin

Malakas na katok sa aking pintuan ang nagpagising sa akin, hindi ko pa man nakikita ay alam kong si mama na ito. Alam ko na ang pinunta niya ng ganito kaaga sa inuupahan kong bahay kaharap lang din ng tinutuluyan ng bagong pamilya niya, matagal na ako dito buhat pa ng maghiwalay ang mga magulang ko, seven years ago. 

“Calliste!” galit niyang tawag sa pangalan ko. 

Hindi na ako nag-ayos pa at bumangon na ako para pagbuksan ng pintuan ang mama ko. Babati pa lamang ako ngunit bumungad sa akin ang malakas na dampi sa aking pisngi. 

“Wala ka talagang kwenta!” Nakakabinging sigaw niya sa aking mukha. Hindi naman ako nakapatay, nagnakaw, o nakagawa ng krimen upang magalit siya sa akin ng ganito. Kung nakakamatay lang ang matalim na titig siguro ay kanina pa ako pinaglalamayan.

“Bakit–” 

Hindi ko na natapos pa ang sasabihin ko ng makatanggap akong muli ng malakas na pagdampi sa aking kabilang pisngi naman. Nasasaktan man ako ngunit hindi ako para magreklamo dahil kilala ko si mama, the more na nakikita niyang dumadaing ako ay lalo pa niya akong sasaktan. 

“Ang kapal ng mukha mong gamitin ang perang iniipon ko para sa pangpa-opera ni Isla sa walang katuturan na bagay!” gigil na gigil niyang sigaw sa akin habang dinuduro pa niya ako. 

“Ma, anak mo rin ako at ‘wag mong sabihin na walang katuturan ang ginawa kong pag enroll, nangako ka kay papa na pag-aaralin mo ako ngayong huling semester ko sa college.” totoo naman ang sinasabi ko, bago sila maghiwalay ni papa ay inako na niya ang responsibilidad na pag-aralin ako. Gusto akong kunin ni papa ngunit hindi pumayag si mama, ang akala ko pa n’on ay dahil mahal niya ako pero napapatunayan ko sa araw-araw na ginagamit niya lang ako para alagaan ang mga anak niya sa ibang lalaki. 

“Hindi ka ba talaga nakakaintindi o sadyang hindi mo ginagamit ng maayos ang utak mo?! Alam mong si Isla ay kailangan ng operahan sa puso,  ‘yang pag-aaral mo makakahintay ‘yan pero kapag may nangyari kay Isla sa tingin mo ba meron pa akong magagawa?!” Galit pa rin niyang salita sa akin. 

Huminga ako ng malalim at nakatingin lamang ako sa kawalan, ayaw kong tingnan sa mga mata ang nanay ko dahil anytime parang susuko na ang mga luha kong nagbabadyang tumulo. 

“Sige, ma. Gagawan ko na lang ng paraan–”

“‘Wag kana gumawa ng paraan dahil ako na ang nakaisip ng tamang paraan. Wala ka rin namang gagawing maayos kaya ako na ang nagplano para mas lalong mapadali ang pagbawi ko sa perang ginastos mo!” Nakakatuwa lang pakinggan ang mga salita ng sarili kong ina, parang hindi niya ako anak. 

Sa ganitong panahon at pagkakataon ko namimiss ang aking ama, kung kasama ko siya alam kong hindi niya ako hahayaan na umiyak, masaktan o magkaroon manlang ng isipin sa kinabukasan ko. Dahil si papa, lahat gagawin niya para sa akin, dahil nag-iisa lang niya akong anak. 

Halos matanggal ang kaluluwa ko sa aking katawan ng bigla na lamang hinawakan ni mama ang kamay ko, nagtataka ko siyang tiningnan dahil sa ginawa niya at nakita kong nagbabadya ng tumulo ang mga luha niya. 

“Bakit, ma?” 

“Calliste…” Sa pagtawag niya ng aking pangalan ay tuluyan na siyang lumuha. Aaminin ko, nadurog ang puso ko sa nakikita ko ngayon sa aking ina, kilala ko siyang malakas, matatag at higit sa lahat hindi basta-basta nagpapatalo. Ngayon, ibang-iba siya sa nakasanayan kong makita sa pagkatao niya. 

At alam kong alam niya ang kahinaan ko, siya at si papa. 

“Calliste, anak…” hinaplos niya ang mga palad ko. “Si Isla, kritikal na ang lagay ng puso niya, anytime pwedeng sumuko na ang puso niya kailangan na talaga niyang ma-operahan.”

“Ma, sabi ko naman kasi gagawa ako ng paraan–” 

Hindi niya ako pinatapos bagkus hinila niya ako papalapit sa kanya at niyakap ako. Lalo akong naninibago sa mga ginagawa niya sa akin ngayon, dahil masasabi kong ito yata ang unang beses na niyakap niya ako at ang boses niya ay ma-ingat at malumanay. 

“Calliste, gusto ko nang ma-operahan ang kapatid mo, gusto kong sabihin mong willing kang gawin ang lahat para sa kanya. Hindi ba’t sabi nga ni Isla sa akin ay ikaw ang idol niya, may mga ate talaga siya pero ikaw ang paborito niya.” umiiyak man siya ngunit malinaw pa rin ang mga salita niya. “Calliste… uuwi ang anak ng mga Leone, si Stefan, gawin mo ang lahat para mahulog siya sa’yo hanggang sa alukin ka niya ng kasal.”

Nang sabihin ni mama iyon ay umalis ako sa pagkakayakap ko sa kanya, matalim ko siyang tiningnan. “Ma! Naririnig mo ba ang sinasabi mo? Hindi ko gagawin kung ano man ang nasa isip mo!” sinasabi ko na nga ba at gagamitin na naman niya ang kahinaan ko. 

“Gusto mong sisisihin kita panghabang buhay kapag may nangyaring masama kay Isla?!” salubong ang kilay at halos magalit na ang mga ugat ni mama sa kanyang leeg ang napansin ko ng sagutin niya ako. “Hindi kita mapapatawad!” Hinawakan niya ang magkabilang balikat ko at marahas akong niyugyog. 

Kahit na anong pigil ko sa aking mga luha talagang lalabas sila kapag kinakailangan na at hindi ko na kaya. 

“Ma…” tawag ko sa kanya ngunit hindi pa rin siya natitigil, tuloy tuloy lang ang buhos ng mga luha ko, pero wala siyang pakialam. “Ma–sige, papayag na ako kung ito lang ang tanging paraan na naiisip mo, sige.”

Tampilkan Lebih Banyak
Bab Selanjutnya
Unduh

Bab terbaru

Bab Lainnya

To Readers

Welcome to GoodNovel world of fiction. If you like this novel, or you are an idealist hoping to explore a perfect world, and also want to become an original novel author online to increase income, you can join our family to read or create various types of books, such as romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel and so on. If you are a reader, high quality novels can be selected here. If you are an author, you can obtain more inspiration from others to create more brilliant works, what's more, your works on our platform will catch more attention and win more admiration from readers.

Tidak ada komentar
50 Bab
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status