Mag-log inKabanata 7
Ramdam pa rin ni Sapphire ang kirot sa palad niya pero mas matindi ang kirot sa dibdib niya sa inis at galit.
“Akala mo porke’t may pera ka, pwede mo ng bastusin ang kahit sino?” Pagalit na sabi ni Sapphire kay Daniel. "Pinsan mo siya at kuya pa pero kung umasta ka para siyang ibang tao. Wala ka talagang respeto!"
Sandaling natahimik ang paligid. Ang mga tao sa paligid ay nagsimulang magbulungan, at sa gitna ng mga ilaw ng hardin nakatayo si Daniel na tila hindi makapaniwalang sinampal nanaman siya ulit ni Sapphire. Lasing ang mga mata, namumula ang mukha, at mabigat ang hinga.
“Wala akong modo?” humalakhak si Daniel, sabay tungga ng alak mula sa basong hawak pa rin niya. “Tignan mo kung sino ang nagsasalita. Ang babaeng ipinagbili ng sarili para lang sa pangalan ng mga Palma!”
Napasinghap si Sapphire pero bago pa siya makapagsalita ay narinig niyang nagsalita si Kaiden na nakasakay sa kanyang wheelchair.
"Tumigil ka na Daniel, kanina ka pa. Nakakahiya na ang ginagawa at pinagsasabi mo!" Madiin na sabi ni Kaiden sa kanyang pinsan na si Daniel.
“Bakit? Nasaktan ba ang pride mo, kuya Kaiden?” balik ni Daniel, tumatawa pero nanginginig. “Kawawang bilyonaryo, niloloko ng sarili niyang asawa. Hindi ka na nga makalakad, bulag ka na nga din, mas lalo ka pang binubulag ng babaeng ‘yan!”
"Umalis ka na bago ko pa makalimutan na pinsan kita!" singhal ni Kaiden.
Humalakhak si Daniel, bahagyang natisod pero hindi pa rin tumigil. Iniinsulto niya pa rin ang pinsan niyang si Kaiden.
“Aba, marunong ka pa palang lumaban kahit gan’yan ka, kuya!” sabay sulyap kay Sapphire. “At ikaw—magaling ka ha. Akala ko mahinhin, pero marunong palang umarte. Magkano nga ba ang halaga ng kasal mo sa kanya?”
“Sapat lang para mapagtanto kong mas mataas pa rin ang dignidad ko kaysa sa ‘yo,” sagot ni Sapphire, hindi siya nagpatinag. Napansin niyang nanginginig ang mga kamay niya, hindi dahil sa takot, kundi sa pagpipigil ng emosyon.
“Daniel!” sigaw ni Caesar habang papalapit, halatang nainis na. “Tama na ‘yan. Lasing ka na, hindi mo na alam ang sinasabi mo.”
Pero imbes na tumigil, tumawa lang si Daniel. “Sige, ayusin mo ‘yang pinsan mo, Caesar. Baka akalain niyang dahil bilyonaryo siya, may karapatan siyang maging bida sa lahat ng eksena.”
“Paalisin mo na siya, Caesar,” madiin na sabi ni Kaiden. “Bago pa ako mawalan ng kontrol.”
At sa unang pagkakataon, nakita ni Sapphire kung gaano kalamig ang anyo ni Kaiden kapag galit, hindi ito sumisigaw, pero bawat salita niya ay parang yelo. Ang tensyon sa paligid ay parang huminto ang oras. Si Caesar na mismo ang humila kay Daniel palayo, habang patuloy pa rin itong nagbubunganga.
“Bitawan mo ko, Caesar! Hindi pa ako tapos!” sigaw pa nito pero hinila na siya ni Caesar ng tuluyan.
Nang tuluyang mawala ang mga ito sa paningin, bumalik ang katahimikan sa paligid. Maririnig mo lang ang malalalim na buntong-hininga ng ilang bisitang nakamasid mula sa malayo.
Tumikhim si Sapphire, tinikom ang mga labi, at piniling manahimik. Hindi niya alam kung dapat ba siyang humingi ng tawad o magpasalamat. Si Kaiden naman ay nakatingin pa rin sa direksyong pinag-alisan ni Daniel, ang kamao’y bahagyang nakasara.
“Hindi mo dapat pinatulan ‘yon,” mahinang sabi ni Sapphire.
“Hindi ko siya pinatulan,” malamig na tugon ni Kaiden. “Pinatigil ko lang.”
“Pareho lang ‘yon.”
Tumingin ito sa kanya, diretso, walang emosyon. “Hindi mo kilala si Daniel. Matagal na siyang ganyan. Nakasanayan niyang bastusin kahit sino.”
“Pero hindi ibig sabihin kailangan mong ibaba sarili mo sa level niya.”
“Hindi ako bumaba, Sapphire.” Bahagyang tumigil si Kaiden, saka marahang bumuntong-hininga. “Pinrotektahan lang kita. Ibig kong sabihin, nakakahiya sa mga bisita.”
Napalunok si Sapphire. Hindi niya alam kung anong sasabihin. Kanina lang ay parang may pader sa pagitan nila, ngunit ngayon, parang unti-unti itong nagkakaroon ng bitak.
“Salamat,” mahina niyang sabi.
Ngumiti si Kaiden, pero mapait. “Walang anuman. Pero ‘wag mong isipin na mabait ako.”
“Bakit hindi?”
“Dahil hindi ako mabait,” tugon nito agad. “Ginawa ko lang ‘yon dahil asawa kita. Responsibilidad ko.”
Napayuko si Sapphire, pero hindi maitatangging may kung anong init sa dibdib niya. Parang may kaunting alon na gumugulo sa loob niya tuwing ganito magsalita si Kaiden—malamig pero may tinatagong lambing.
“Baka nga mabait ka lang talaga,” mahina niyang bulong, halos pabulong sa hangin.
“Hindi,” tugon ni Kaiden, malamig pero may bahagyang pag-aalangan sa boses. “Hindi ako mabait, Sapphire. Kung hinahanap mo ‘yon sa akin, baka mabigo ka lang. Wala akong tiwala sa mga kagaya niyong babae. Mga manloloko at pera lang ang habol sa aming mga Palma.”
Tahimik. Walang nagsalita sa kanilang dalawa. Hindi na nagsalitang muli si Sapphire dahil nasaktan siya sa huling sinabi nito.
Ang tanging naririnig ni Sapphire ay ang malalim na paghinga ni Kaiden at ang mahihinang ihip ng hangin. Nararamdaman pa rin niya ang mabilis na pagtibok ng puso niya. Gusto niyang maniwala na mabait ito, pero natatakot siyang baka sa susunod na umaga, magbago na naman ito—maging muli iyong Kaiden na nanlalamig, nanlilibak, at nagtataboy.
Ngunit sa sandaling iyon, habang nakatingin siya sa lalaking halos ayaw umamin sa sarili niyang kabutihan, alam niyang may parte si Kaiden na hindi niya pa nauunawaan—at iyon ang mas nagpa-curious sa kanya.
“Kaiden…” tawag niya, pero hindi na niya itinuloy.
“Matulog ka na. Malalim na ang gabi.” Sabi ni Kaiden sa kanya at sinenyasan niya si Fred na ihatid si Sapphire sa kwarto nito sa hotel.
"Paano ang mga bisita?" Tanong ni Sapphire.
"Ako na lang ang bahala doon. Huwag mo na intindihin pa."
Tumango na lang siya, at bago siya tuluyang lumakad palayo, narinig niya ang mahina nitong bulong na halos di marinig, pero sapat para mapahinto siya.
“Hindi ko kayang makita kang ginaganun, Sapphire. Hindi ko alam kung bakit ganito?”
Napalingon siya pero dahil nakatalikod si Kaiden, dahan-dahang naglakad papasok ng hotel. Naiwan siyang ito sa labas, hawak pa rin ang dibdib, sinusubukang pigilan ang kakaibang tibok ng puso niya.
Sa unang pagkakataon ni Sapphire ay hindi niya alam kung mas natatakot siya sa galit ni Kaiden o sa kabaitang pilit nitong itinatanggi.
Kabanata 7Ramdam pa rin ni Sapphire ang kirot sa palad niya pero mas matindi ang kirot sa dibdib niya sa inis at galit.“Akala mo porke’t may pera ka, pwede mo ng bastusin ang kahit sino?” Pagalit na sabi ni Sapphire kay Daniel. "Pinsan mo siya at kuya pa pero kung umasta ka para siyang ibang tao. Wala ka talagang respeto!"Sandaling natahimik ang paligid. Ang mga tao sa paligid ay nagsimulang magbulungan, at sa gitna ng mga ilaw ng hardin nakatayo si Daniel na tila hindi makapaniwalang sinampal nanaman siya ulit ni Sapphire. Lasing ang mga mata, namumula ang mukha, at mabigat ang hinga.“Wala akong modo?” humalakhak si Daniel, sabay tungga ng alak mula sa basong hawak pa rin niya. “Tignan mo kung sino ang nagsasalita. Ang babaeng ipinagbili ng sarili para lang sa pangalan ng mga Palma!”Napasinghap si Sapphire pero bago pa siya makapagsalita ay narinig niyang nagsalita si Kaiden na nakasakay sa kanyang wheelchair."Tumigil ka na Daniel, kanina ka pa. Nakakahiya na ang ginagawa at pi
Napayuko na lang si Sapphire dahil labis na ang hiya na kanyang nararamdaman. Ang kagustuhan niyang hindi makaagaw ng atensyon ay ginagawa naman ni Fiona. Magsasalita pa sana si Fiona pero dumating naman ang kanilang daddy.“Fiona, kanina ka pa hinahanap ng mommy mo,” pagdadahilan ng daddy nila pero halata naman na galit ang tingin nito kay Fiona.“Daddy, kinakausap ko pa ang kapatid ko at kinikilala ko lang ang naging asawa niya, right Sapphire?” tanong ni Fiona pero mas lalo siyang nainis sa kanyang kapatid dahil hindi ito sumagot.“Hayaan na lang muna natin sila, Fiona sa isang araw naman ay sa atin sila bibisita gaya ng napag-usapan. Mauna ka na sa lamesa natin,” bulong nito kay Fiona habang nakatingin kay Kaiden na nakaupo sa wheelchair nito. Walang nagawa si Fiona sa sinabi ng kanilang daddy pero bago siya umalis ay may ibinibulong pa siya kay Sapphire pero rinig naman ni Hunter dahil magkatabi sila.“Tandaan mo ito, hindi ka magiging masaya. Babawiin ko ang dapat na sa akin,” g
"Ipinagkasundo tayo ng ating magulang kaya naman hindi ko alam kung ano ang sinasabi mo," diretsong sagot ni Sapphire kay Kaiden kahit na nasaktan ito sa tanong nito kanina."Paano ako maniniwala sa isang kagaya mo?" masungit na sagot ni Kaiden. Natatandaan niya kasi si Sapphire noong nasa bar ito at sumasayaw."Ganyan ba talaga kayo? Ang dali niyo naman husgahan ang kagaya ko," sagot ni Sapphire.Bahagyang natigilan naman si Kaiden nang marinig niya ang bakas na nasaktan si Sapphire dahil sa kanyang sinabi pero agad ding nawala ang pag-aalala niya para sa dalaga na ngayon ay asawa na niya. Hindi na nakasagot si Kaiden kay Sapphire dahil narinig nila ang hiyawan ng mga bisita.""Mabuhay ang bagong kasal!" isang pekeng ngiti naman ang namutawi sa labi nina Kaiden at Sapphire nang batiin sila ng mga bisita nila habang papalabas na sila sa labas ng simbahan.Parehas silang ayaw na mapahiya ang kanilang pamilya kaya naman nagkukunwari sila na masaya. Habang si Fiona ay hindi makapaniwala
"Anong kaguluhan 'to?" tanong ng ama nila sa kanilang dalawa."Pa, si Sapphire kasi nahuli kong tatakas!" hindi makapaniwala si Sapphire sa sinabi ng kanyang kapatid na si Fiona. Hindi na talaga ito nagbago."Totoo ba ang sinabi ng kapatid mo Sapphire?" tanong ng ama ni Sapphire at nagmadaling bumaba ng hagdanan saka siya hinawakan ng mahigpit sa braso."Pa, nasasaktan ako," pilit inaalis ni Sapphire ang kamay ng kanyang ama pero mas lalo lang itong humigpit at nakita niya ang nanlilisik na tingin ng kanyang ama sa kanya."Sagutin mo ako!""Hindi po, pupuntahan ko lang naman si lolo para sabihin sa kanya na ikakasal na ako. Pa, masama na po bang dalawin ang puntod ni lolo?" pinipigilan ni Sapphire ang huwag umiyak dahil natatakot siya sa kanyang ama.Hindi naman ito ganoon sa kanya dati. Nang marinig ng ama nila ang paliwanag ni Sapphire ay bigla itong natauhan at binitiwan siya."P-pasensya ka na anak. Marami lang talaga iniisip ang papa ngayon. Hindi ko naman intensyon na saktan ka,
"Ang hina talaga ng utak mo Sapphire. Palibhasa ay hindi ka nakatapos," pangungutya ni Fiona sa kanya. "Ikaw ang magiging substitute ko.""Ang talino mo talaga anak," proud na sabi ni Leida sa anak nitong si Fiona."Wala akong panahon Fiona dyan. Hindi iyan ang ipinunta ko dito. Papa," maluha-luhang lumapit si Sapphire sa kanyang ama kaya napasimangot si Fiona at Leida doon."Hihingi nanaman ng pera yan! Naku! Parehas lang sila ng ina niya," masungit na sabi ni Leida."Pwede tumigil muna kayong mag-ina?" pakiusap ng ama nila Sapphire kaya umirap si Leida."Pa, ang inay nasa ospital po. Kailangan jiya po madala sa Maynila para maoperahan at ma-heart transplant," walang kemeng sabi ni Sapphire."Sabi na nga ba eh!" sagot nmaan ni Leida at sinamaan naman siya ng tingin ni Fiona."Magkano ba ang kailangan mo Sapphire?" tanong ng kanyang ama."H-humigit kumulang tatlong milyon po," nahihiyang sabi ni Sapphire."What? Pa, masyadong malaki iyon! Sumusobra ka na talaga Sapphire. Porket alam m
"A-ano po?" hindi makapaniwalang tanong ni Sapphire, kinakabahan na din siya sa mga oras na 'to."Are you deaf? Ang sabi ko maghubad ka. Isa-isa mong tanggalin ang suot mo." Masungit at bossy na sabi ng isang lalake.Hindi alam ni Sapphire ang gagawin. Alam naman niya na ito ang kanyang pinasok pero hindi pa rin pala talaga siya handa na maghubad sa harap ng mga lalakeng ito. Pero sa kabilang banda ay naiisip niya ang walang malay niyang ina na nasa ospital pa din."Naiinip na kami!" sigaw nong lalake."Chill bro, tinatakot mo si ganda eh," rinig naman ni Sapphire na sabi ng isa pang lalake. "Sige na miss, do your work and wag mo na pansinin ang pinsan ko.""Trabaho naman nila ang maghubad," sabi nong masungit na lalake at tila natauhan si Sapphire doon. Sobrang baba pala talaga ng tingin nito sa mga nagtratrabaho dito."H-hindi ko ho magagawa ang pinapagawa niyo, sorry," sabi ni Sapphire at bumaba siya sa stage at noong malapit na siya sa pintuan ay may humawak sa kanya."Hindi ka pw







