LOGINDahil sa kagustuhang makuha ang kustodiya ng mga bata, napilitan ang bilyonaryong si Kerill Wang na maghanap ng babaeng magsisilbing ina ng kanyang mga anak sa loob ng tatlong buwan. Dito niya nakilala si Charlene Rosarios, ang probinsyanang lumuwas sa Maynila upang maghanap ng trabaho. Kinontrata niya ito kapalit ng isang milyong piso. At dahil desperada ang babae na makahanap ng pera, tinanggap niya ang alok—lingid sa kanyang kaalaman na papasok siya sa pintuan ng impyerno. Hindi mababait ang mga anak ni Kerill at nasanay na silang palaging may bagong babaeng ipinapakilala ang tatay nila sa kanila, kaya ginagawa nila ang lahat upang mapaalis siya. Makakayanan kaya ni Charlene ang lahat ng pagpapahirap na mararanasan niya sa loob ng higanteng mansyon na iyon? Hanggang kailan niya matitiis ang masasakit na salita ni Kerill tungkol sa kanyang pagkatao? Makukuha niya kaya ang loob ng mga bata? Sundan ang nakakatawa, punô ng emosyon at pag-ibig na kwento na nagsimula lang sa isang papel ng kontrata. Mahahanap kaya nila ang tunay na pagmamahal kung lahat ay matatapos lamang sa loob ng tatlong buwan?
View MoreKakababa lang ng bus na sinasakyan ni Charlene nang tumawag ang kanyang kaibigan na si Sheena, at agad niya itong sinagot.
"Andyan ka na ba sa Maynila?" excited na tanong ng kaibigan niya. "Oo. Kakababa ko nga lang. Teka, nagugutom pa ako. Bibili lang ako ng makakain. Sandali lang." Naglibot ang dalaga sa terminal hanggang sa makakita siya ng nagtitinda ng balut. Bumili siya ng apat na piraso at nagtanong din kung ano ang susunod niyang sasakyan. Palibhasa baguhan pa lamang sa Maynila, hindi pa niya alam ang pasikot-sikot ng lugar. Taga-probinsiya si Charlene at lumuwas lamang siya sa Maynila para makahanap ng mas magandang trabaho, dahil alam niyang limitado ang oportunidad sa probinsya. "Ang una mong gawin ay maghanap ka ng matutulugan. Marami namang puwedeng rentahan, kaso dapat maging wais ka rin, kasi kapag nalaman nilang baguhan ka lang, tataasan nila ang bayad sa’yo," paalala ng kaibigan niya. "Segi. Maghahanap ako ng kakasya sa budget ko," sagot niya at tumayo na para iligpit ang pinagkain niyang balut. Naglibot-libot siya, pero halos kalahating oras na, wala pa rin siyang nakikitang murang matitirhan. Nakakaramdam na rin siya ng pagod at gutom, pero tiniis niya dahil hindi niya puwedeng ipambili ng natitirang pera sa pitaka ang pagkain—ilalaan niya iyon sa upa sa bahay na mahahanap niya. "Ano? Wala ka bang nahahanap?" tanong ng pinsan niya mula sa kabilang linya. "Hindi pa nga eh. Medyo pagod na ako kakalakad," reklamo niya habang tumatawid ng kalsada. "Magpahinga ka muna kaya," suhestyon ng kaibigan niya. "Kaya ko pa naman. Tsaka magdidilim na, baka sa labas ako matutulog," pabiro niyang sagot. "Malapit na man—ay putik!" Gulat na sigaw niya nang malakas nang bumagsak ang katawan niya sa gitna ng kalsada dahil muntik na siyang masagasaan ng sasakyan. Inis, tumayo siya at nilapitan ang sasakyan na nakahinto na ngayon sa harapan niya. "Hoy! Papatayin mo ba ako ha?! Hindi ka ba marunong magmaneho? Ayos ka rin, noh? May ipapalibing ka ba sa akin kapag nasagasaan mo ako?!" galit niyang sigaw. Maya-maya, bumukas ang pinto ng sasakyan at lumabas ang isang lalaking matipuno, suot ay sobrang pormal—parang presidente ng kalsada. "Miss… ikaw yung hindi tumitingin sa daan? Kalsada ito at tumatawid ka habang nagse-cellphone?! Are you insane?" sagot ng lalaki habang tinatanggal ang salamin niya. "At ako pa ngayon ang mali? Aba! Yang ugali mo, hindi tama ‘yan! Hindi ka ba tinuruan ng magandang asal ng mga magulang mo?!" Napailing nalang ang lalaki sa sinabi ni Charlene. Nasa isip niya na baka isa siya sa mga taong nagpapasagasa para makakuha ng pera sa mayayamang tao. Lalo na at kilala ang lalaking ito bilang CEO ng pinaka-sikat na clothing brand sa Pilipinas. "Tell me what you want. You want money?" bagot na tanong ng lalaki kay Charlene, na agad namang hindi nagustuhan ng dalaga. "Mukha ba akong kailangan ng pera mo?!" angal naman ng dalaga, hindi alintana ang mga nakatingin sa kanila. Kanina pa sila nagsasagutan sa gitna mismo ng kalsada. Sasagot na sana ang lalaki nang biglang tumunog ang cellphone niya, at kaagad niyang sinagot. "I’ll be there in a minute. May kaunting problema lang ako dito," ani niya sa kausap at pinatay ang tawag. Kinuha niya ang business card niya mula sa bulsa at inilagay sa kamay ni Charlene. "Aanhin ko ‘to?" "Call my secretary if you need anything, miss. I have to go—" "Ay, teka! Hindi ka pa nga nagso-sorry eh!" "Stop wasting my time, miss. May meeting pa akong dadaluhan." "Ay, wala akong pakialam sa meeting-meeting na ‘yan! Ang gusto ko lang naman ay mag-sorry ka dahil muntikan mo na akong patayin! Alam mo bang masakit yung paa at puwet ko sa pagkabagsak ko?!" Inis na napahinga nalang ng malalim ang lalaki at binuksan ang pintuan ng sasakyan. "Fine. Dadalhin kita sa hospital. Now, get in. You’re wasting so much of my time, miss." Kaagad na napailing si Charlene sa sinabi niya. "Ayoko nga! Baka saan mo pa ako dalhin, noh? Hindi pa naman mapagkakatiwalaan ‘yang mukha mo!" "What?! Just…" Inis na hinarap siya ng lalaki. "Just get in, miss," utos niya ulit. Ngunit dahil walang tiwala si Charlene, wala na siyang choice kundi ang buhatin ang dalaga papasok ng sasakyan niya, at ni-lock ang pintuan. "Hoy! Pababain mo ako! Ano ba!" "Shut up, miss! You’re wasting my time!" "Hoy! Kung may balak kang i-kidnap ako, sinasabi ko sa’yo, walang magra-ransom sa akin. Mahirap lang pamilya ko! Sa probinsya lang kami nakatira at maliit lang ang bahay namin!" "Quiet! I don’t care about whoever you are, miss. Kung masakit yang katawan mo, dadalhin kita sa hospital. So be quiet, or else itatapon kita sa bintana ng kotse ko," banta niya habang pinaandar ang sasakyan.Charlene’s POVNo’ng sinabi niyang magluluto siya ay ginawa niya talaga nang makauwi kami. Nagulat ako dahil marunong pala itong magluto at skilled pa sa paggamit ng kutsilyo—parang professional chef.“Kailan ka natutong magluto?” Hindi ko maiwasang magtanong habang naghihiwa ito ng karne.“Not when, but why. Because I have to. I grew up with just my maids, pero hindi ko gusto ang mga luto nila. My mom was not here, so I learned it all by myself to survive,” sagot niya.Sandali akong natahimik.Hanggang ngayon, napapatanong pa rin ako kung ano ang dahilan kung bakit wala ang mommy ni Kerill dito. Anong nangyari? Namatay ba? May asawa nang iba?“She has her own family now,” bigla niyang sagot, na para bang nababasa ang isipan ko.Napatingin ako sa pintuan at nagulat dahil nakatingin sa amin ang mga maids, abot-langit ang mga ngiti habang pinapanood kami.“Yes?” tanong ko sa kanila.Napahagikhik sila.“Wala, Ma’am Charlene. Sige lang, huwag n’yo kaming pansinin. Kunwari wala kami dito,”
Tahimik ang loob ng sasakyan habang pauwi sila mula sa opisina. Nasa likod si Kerill, nakapikit ngunit halatang hindi natutulog. Sa harapan naman, si Saviel ang nagmamaneho.Sanay na si Saviel sa katahimikan ng amo niya. Ngunit nitong mga nakaraang araw, parang may nagbago. Hindi iyon ang karaniwang katahimikan na nakasanayan na niya kay Kerill. Mas mukhang may malalim itong iniisip.“Boss,” tawag ni Saviel nang hindi inaalis ang tingin sa kalsada.Walang sagot si Kerill. Seryoso lang ang tingin nito sa bintana ng sasakyan.“Kung may problema ka kay Ma’am, hindi mo maaayos ’yan sa kakaisip.”Bahagyang lumingon si Kerill. “Since when did you start giving advice?” ani nito sa maawtoridad na tono.“Since napapansin kong lutang ka palagi. No offense, Boss ah.”Hindi siya sumagot kaya napabuntong-hininga na lang si Saviel. “Hindi ako expert sa babae, Boss. Pero try mo kayang mag-research.”“Tsk. Nonsense. And I’m just thinking about business, nothing else.”“We?”Inis na binalingan niya it
Third Person’s POVNgayong araw ay ka-meeting ni Kerill ang mga bagong investors ng kompanya nila. Isa iyon sa pinakaimportanteng presentation ng taon dahil nakasalalay dito ang expansion ng bagong produkto nila sa market. Pinag-uusapan ang projected sales, target consumers, at ang estimated na kita sa loob ng isang taon.Nasa dulo siya ng mahabang conference table, tuwid ang likod at seryoso ang mukha, habang isa-isang ipinapaliwanag ni Hart ang proposed adjustments sa design ng product, lalo na sa children’s wear line.Sa paningin ng iba, mukhang kalmado at kontrolado siya.Pero ang totoo, wala ang isip niya roon.Paminsan-minsan ay napapatingin siya sa relo na nasa kanyang pulso. Hindi niya alam kung bakit tila mas mabagal ang oras ngayon kaysa karaniwan. Bawat minuto ay parang mabagal.Hindi niya maiwasang isipin kung sinundo na naman ba ni Black si Charlene. Kung magkasama na naman ba ang dalawa. Kung saan sila nagpunta.Hindi niya dapat iniintindi iyon.Wala siyang karapatan.Pe
Linggo noon at walang trabaho si Kerill, at wala ring pasok ang mga bata, kaya naging mas abala si Charlene sa pag-aasikaso sa kanila.Kakagising lang ng tanghali ni Kerill at si Charlene kaagad ang hinanap ng mga mata nito, pero hindi niya ito mahagilap sa kahit anong sulok ng bahay.“Where the hell is she?” bulong niya sa sarili, at nagsimulang mamuo ang ideyang baka kasama ng dalaga ang kapatid niya. “Wait… bakit ko nga ba hinahanap ang babaeng ’yon? Tsk.”Pero wala rin naman siyang nagawa nang dalhin siya ng mga paa niya sa pintuan ng kuwarto ni Charlene. Nagtataka siya kung bakit siya naroon, pero kalaunan ay pumasok na rin lang siya. Wala si Charlene sa loob, pero may nakahandang damit pangbihis sa ibabaw ng kama. Rinig na rinig din niya ang tunog ng tubig mula sa shower.Lalabas na sana siya nang biglang tumunog ang cellphone ng dalaga na nakapatong sa kama. Dahil sa kuryosidad, tiningnan niya ito at kumunot kaagad ang noo nang makita ang pangalan ng kapatid.*Are you free tomo






Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
reviews