Share

KABANATA 33

last update Last Updated: 2025-07-04 19:32:42

Kasalukuyang panahon...

Sa nakalipas na mga araw na sumasabay si Zabel sa tanghalian ng pamilya ni Helan ay nagkasundo sila ng binata. Hindi lingid sa kaalaman ni Helan na may pagtingin si Zabel sa kaniya dahil minsan na ngang umamin ang dalaga sa kaniya noong nasa sapa sila, nag-iigib ng tubig.

"Sige, umikot ka," masayang utos ni Zabel kay Helan. Katabi niya sa upuang gawa sa kawayan sina Meryam at Misan.

Nakasuot ng pulang kasuotan si Helan na personal na tinahi ni Zabel sa loob lamang ng dalawang araw. Napapalamutian ito ng mga pekeng bato na kinulayan lamang ni Zabel upang maging tunay tingnan. Mahaba ang manggas nito at may manipis na kwelyo. Ang estilo ng damit ay gaya ng mga isinusuot ng mga may dugong bughaw. Sa pang ibaba naman ni Helan ay isang itim na pantalon na kay kaparehong disenyo ng pang-itaas.

"Kay galing mong magtahi at mag disenyo, Zabel!" papuri ni Meryam. Tumango naman si Misan dahil sumasang-ayon siya sa ina.

Uminit ang pisngi ni Zabel sa papuri ni Meryam.

"Hind
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • The Supreme (TAGALOG VERSION)   KABANATA 59

    Taon 1805...KAHARIAN NG SARSUL"Kamahalan, marami ang nasawing kasamaan sa digmaan, at umurong na ang mga dakilang lobo matapos matalo ng Supremo ng mga itim si Pinunong Harez at mapaslang ang kaniyang dalawang mga anak." Bulong ni Sandaro, ang isa sa mga itim na bampira na kasama sa pagsugod."Nasaan sina Ate Amira at Lola Luela?" Tanong ng Prinsipe.Hindi agad nakasagot si Sandaro dahilan upang mas lalong mapatingin sa kaniya si Prinsipe Zaitan."Parehong nasawi ang dalawa, kamahalan. Si Prinsesa Amira ay napaslang ng mahikerang si Usban at ang Tandang Luela, ayon sa ating mga kasamahang nakasaksi ay kinitil nito ang sariling buhay matapos mapaslang si Usban." Sagot ni Sandaro.Hindi makapaniwala si Prinsipe Zaitan sa kaniyang mga naririnig na mga ulat mula kay Sandaro. Hindi niya lubos maisip na wala na ang natitirang mga kamag-anak niya na palaging nasa kaniyang tabi noong mga panahon halos humalik na siya sa lupa.Kumuyom ang kaniyang mga palad at mariin na ipinikit ang kaniyang

  • The Supreme (TAGALOG VERSION)   KABANATA 58

    Taon 1805...KAHARIAN NG SARSULTila bumulong ang hangin kay Tandang Luela nang marinig mula sa 'di kalayuan ang iyak ni Prinsesa Amira. Iyak ng isang dagliang pagkapaslang. Nagkulay pula ang kaniyang mga mata, nagsilabasan ang mga ugat sa kaniyang mga braso at sa kaniyang leeg. "Saan ho kayo magtutungo?" Tanong ni Analya, isa sa mga dalagitang puti na nakapansin ng agarang pagtalikod ni Tandang Luela habang ang mga matatalas na paningin ay nakatingin sa isang direksyon."Siguraduhin niyo na mauubos ang lahat ng itim na naririto." Aniya, tinutukoy ang mga kalabang itim sa mga oras na iyon."Pero—" hindi na naggawang tapusin ni Analya ang sana ay sasabihin nang tumalikod na ang matanda.Sa isang iglap, gamit ang puting mahika ay narating ni Tandang Luela ang kinaroroonan nina Usban, Inang Reyna Zenya, at Reyna Zafi. Mas lalong nanlisik ang mga mata ni Tandang Luela nang makita ang pamilyar na bestida at balabal na prenteng nakakalat sa tuyong lupa. Ang kasuotan ni Prinsesa Amira ay n

  • The Supreme (TAGALOG VERSION)   KABANATA 57

    Taon 1805...KAHARIAN NG SARSULNapangisi si Prinsesa Amira nang makita sina Prinsesa Xesha, Reyna Safi, at Inang Reyna Zenya na nagmamadaling nagtatakbo nang makita sila. Bakas ang takot sa mga mata ng tatlo habang pumupuslit."Saan kayo magtutungo?" mala-hangin sa bilis na hinarang niya ang tatlo at isa-isang itinulak gamit ang palad na may puting mahika.Tumilapon si Prinsesa Xesha sa may batohan dahilan upang mabali ang kaniyang tadyang. Humiyaw ang Prinsesa dahil sa sakit na kaniyang nararamdaman habang sinusubukang makatakas."Anak!" Sumigaw si Reyna Zafi at nilapitan ang kaniyanv anak. Akmang gagamitan ng mahika ni Prinsess Amira ang mag-ina nang biglaang tumakbo si Inang Reyna Zenya at humarang sa harapan ng dalawa."Ako na lamang ang iyong saktan, huwag na sila!" Sigaw ng Inang Reyna."Kamahalan, kayo ay umalis riyan." ani Reyna Zafi.Umiling lamang si Inang Reyna Zenya."Nilalamon ako ng aking konsensiya nang hayaan kong mamatay ang ating mga kasamahan, hinding-hindi ako nar

  • The Supreme (TAGALOG VERSION)   KABANATA 56

    Taon 1805...KAHARIAN NG SARSULNagharap sina Supremo Atcandis at Pinunong Harez. Parehong may mag matatalim na tingin sa bawat isa na may malalim na pinanghuhugutan. Unti-unting nagkukulay dugo ang mga mata ng Supremo, nagsilabasan ang mga naglalakihang ugat sa leeg at braso, at ang unti-unting pagtalim ng kaniyang mga kuko. Habang si Pinunong Harez ay nagsisimulang magkulay tanso ang mga mata, nanalim ang mga pangil, at ang dahan-dahang pagpapalit anyo bilang lobo."Hindi-hindi ko mapapatawad ang lahi ninyo, Atcandis. Tandaan mong gagawin namin ang lahat mabura lamang kayong mga itim sa buong kasaysayan ng mga bampira." galit na galit na sambit ni Pinunong Harez.Malamig na nakatingin si Supremo Atcandis sa Pinuno ng mga lobo habang parehong tinatangay ang mga kapa nila ng mahinay hampas ng malamig na hangin."Ang atraso ng aking mga ninuno ay hindi magiging akin, Harez. Hindi ako ang pumatay kay Savanna kaya wala kang dahilan upang—" hindi naggawang tapusin ni Supremo Atcandis ang

  • The Supreme (TAGALOG VERSION)   KABANATA 55

    Taon 1805...KAHARIAN NG SARSUL...Malamig ang simoy ng hangin at nagbabadya ang pagbuhos ng malakas na ulan dahil sa senyales na makikita sa napakaitim na ulap. Nagkakagulo ang mga paniki sa himpapawid maging ang mga uwak ay kataka-takang nakikipagsabayan sa mga orihinal na mga ibong pang gabi.Nakatayo si Prinsipe Zaitan sa harapan ng dalawang-daang puting mga bampira. Isang daang kasapi ng mga dakilang lobo, mga diwata na iila lamang ang bilang maging ang mga sirena na dumayo pa sa lupa magmula sa kinailaliman ng karagatan.Handa na ang lahat sa digmaan at walang oras na dapat sayangin. Sa puntong ito ang tamang panahon upang mapatunayan sa lahat kung sinong lahi ang siyang matitirang buhay.Sa kabilang dako naman ay kapwa nakasuot ng itim na kapa at kasuotan ang mahigit isang libong lahi ng mga itim na mga bampira. Walang ibang mga kaalyansa at purong mga kalahi ang kakampi sa laban. Handa na ang lahat sa magaganap na digmaan sa pagitan ng kapwa bampira na pinagbuklod ng paniniwal

  • The Supreme (TAGALOG VERSION)   KABANATA 54

    Taon 1805...KAHARIAN NG SARSULLibo-libong mga itim na bampira ang nagtipon, bitbit ang kanilang mga armas, mga espada na kuminang sa ilalim ng maulap na langit at mga panang handang dumurog sa alinmang makalapit na kaaway. Pinangungunahan ang lahat ng Supremo Atcandis, kasabay ng dalawa niyang anak.Si Prinsipe Asmal, ang kasalukuyang Punong Heneral ng hukbo, at si Prinsipe Zumir, ang tagapagmana ng trono. Ang buong hanay ng mga kawal at maharlikang tagapagtanggol ay nakaposisyon sa malawak na bakurang bato ng palasyo, nakasuot ng makakapal at matitibay na kasuotang itim na tila sumisipsip sa liwanag, animo’y nagiging anino mismo ng gabi.Mabigat at makapangyarihan ang bawat hakbang ng Supremo nang siya ay tumindig sa harap ng libo-libong kawal. Itinaas niya ang kanyang espada, at mula sa dulo nito ay bumalot ang itim na liwanag na umalingasaw sa paligid.“Mga anak ng dilim,” malakas na sigaw ni Supremo Atcandis, ang kanyang tinig ay umalingawngaw sa bawat pader ng kaharian, “ito an

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status