author-banner
Depthless_Scrivener
Depthless_Scrivener
Author

Novels by Depthless_Scrivener

The Prostitute Lover Of A Multi-Billionaire (WARNING: SPG)

The Prostitute Lover Of A Multi-Billionaire (WARNING: SPG)

"Sa mundo ng kasalanan, hindi lahat ng mga nagbebenta ng laman ay mga taong nawalan ng puso, at hindi rin lahat ng mayayaman ay kayang bilhin ang kapatawaran." Si Sandra Asuncion, ay isang babaeng ipinanganak sa marangyang pamilya at busog sa pagmamahal, ngunit natuldukan ito nang mangyari ang isang hindi inaasahan na massacre sa kaniyang buong pamilya. Nang mangyari iyon ay nawala sa kaniya ang lahat at napilitang siyang ibenta ang sarili para mabuhay. Sa mga gabi ng mga halakhakan, alak, at kasalanan, naging tanyag siya bilang “Ang Babaeng May Mabentang Laman.” Ngunit sa likod ng mga halik na walang saysay, isang gabi ang nagpabago sa lahat. Ang gabi na nakilala niya si Zaniel Arthur Mercer, isang multi-billionaire na kayang bilhin ang lahat lalong-lalo na ang laman ni Sandra. Ang dapat sana’y isang gabi ng bayaran ay nauwi sa paulit-ulit na pagkikita, hanggang sa ang pagkahumaling ay nauwi sa pag-ibig. Ngunit paano mo mamahalin ang lalaking nagmula sa pamilyang nagpapatay sa buong angkan mo? Sa pagitan ng init ng katawan at pagmamahal, paghihiganti at kapatawaran, kailangang pumili ni Sandra. Ang ipaglaban ang lalaking minahal niya, o ang kaluluwang matagal nang winasak ng mga Mercer? Dahil sa mundong ginagalawan nila, walang kasiguraduhan kung alin ang mas masakit para kay Sandra: Ang maging isang prostitute na patuloy na niyuyurakan ng karamihan? O, ang mahalin ang taong may dugong nananalaytay mula sa mga taong dahilan ng kaniyang matagal nang paghihirap? Isang madilim, mainit, at mapusok na kwento ng pag-ibig, kasalanan, at pagtubos. Hanggang saan ang kaya mong isakripisyo, para sa pag-ibig na hindi mo kailanman inaasahan na darating upang mas lalo lamang na palalain ang iyong sitwasyon?
Read
Chapter: KABANATA 129
SANDRA’S POVMatulin ang mga araw hanggang sa naging linggo ang mga ito, at sa wakas ay naging huling araw ko sa Spain. Kinailangan na naming mga taga Benison na bumalik sa Pilipinas dahil tapos na ang isang taong internship namin. Sa katunayan, ayoko pang umalis dahil ang napamahal na ako sa lugar. Madali kong na-adapt ang pamumuhay sa bansa at fluent na rin ako sa wikang Kastila.Bago ako bumalik ng Pilipinas ay nakisalo muna ako sa pamilya ni Favian dahil sa pagdiriwang niya ng kaniyang ika-22nd na birthday. Masaya niya akong ipinakilala sa kanila, isinama ko rin ang pamilya ko. Ang buong gabing pagsasalo namin ay naging makabuluhan at napuno ng halakhakan. Malapit na malapit din sa isa’t-isa sina Favian at Sidro, bagay na nagpapainit ng aking puso.“Before I go home, I just want to give you something,” ani ko nang kami na lamang dalawa ang nasa hardin.Ang magagandang uri ng mga mata nu Favian ay tumitig sa akin at nahulog iyon sa kahong hawak
Last Updated: 2026-01-02
Chapter: KABANATA 128
SANDRA’S POVKinabukasan ay tinanghali ako ng gising. Mabigat ang talukap ng mga mata ko, parang pinasan nila ang buong gabing iyakan. Masakit ang ulo ko, namamaga ang mga mata, at parang hinihila pababa ng gravity ang buong katawan ko. Kung hindi nga naman ako sadista, gumawa pa talaga ako ng Instagram account, isang hakbang na alam kong sisira na naman sa kung anong natitirang lakas ko.Nanginginig ang mga daliri ko habang tina-type ko ang pangalan niya.Ang username ni Arthur sa IG.Lumabas agad ang account niya, verified, perpekto, parang walang bakas ng mundong minsan naming pinagsaluhan. At doon, sa pinakaunang post na bumungad, parang may humampas sa dibdib ko, isang litrato nilang dalawa ni Sirina. Nakaangat ang kamay niya, may singsing na kumikislap sa ilalim ng ilaw, habang nakapatong ang kamay ni Arthur sa tiyan niya.Engaged and expecting a baby next year.Umani iyon ng mga samo’t-saring reactions at comments mula sa mga tagahanga nila. At wala ni isang nang-bash na tila i
Last Updated: 2025-12-30
Chapter: KABANATA 127
SANDRA’S POVSix months later…“Happy Birthday, Sandra!” bati ng mga Spanish co-interns ko sa bago kong internship field.Ngayon ang aking ika-21st na birthday at araw-araw ay masaya ako at productive sa bagong lugar na ginagalawan ko.Sa pagkakataong ito ay hindi na ako sa art gallery na assign, kun’di sa isang sikat na museum sa Spain. Si Sidro ay naririto na rin sa bansa at kasalukuyang nag-aaral dito. Wala na rin akong naging balita kay Arthur dahil six months na rin akong hindi gumagamit ng social media, siguro ay mainam na dahil nararamdaman kong unti-unti na rin akong nakakalimot.Hindi ako iniwan ni Favian, at naging mas malapit kami sa isa’t-isa. I told him my past including how I worked as a prostitute just to survive. Akala ko ay lalayuan niya ako, ngunit mas naging matibay ang pagkakaibigan namin.Nang magdiwang ako ng aking birthday ay inimbitahan ko ang lahat ng aking mga Spanish friends, mga mentors, mga Filipino co-interns kabilang na si Kaydie na aking one-call away n
Last Updated: 2025-12-29
Chapter: KABANATA 126
SANDRA’S POV“Sandra listen to me, my Ninang’s mom is looking for your dad,” Hindi ako nakagalaw nang marinig ko iyon mula kay Favian.Napahigpit ang hawak ko sa tasang pinaglalagyan ng mainit na kape na kaka-serve pa lamang. Muntik ko ring matabig ang platito na pinaglalagyan ng ensaymadang hindi ko pa nagagalaw.Hindi ako nagtanong kay Daddy kung bakit kailanman ay hindi namin nakilala ang mga magulang niya. Kay mom naman ay matagal ng patay noong bata pa siya at nasa America ang mga ito nakalibing kaya bihira naming madalaw. Misteryo ang pamilya ni Daddy para sa amin ni Sidro kaya naman hindi ko binalak na hukayin pa dahil noon pa man ay napapansin kong hindi komportable si Daddy kapag pinag-uusapan ito.“Ignacio Rodriguez Asuncion is your dad, right?” Tanong niya na mas lalo kong ikinagulat.Matapos ang eight hours shift namin ay inimbita ako ni Favian sa isang Café na malapit lamang sa Art Gallery, doon niya na rin sinabi ang pakay niya at kung ano ang nais niyang ipaalam sa akin
Last Updated: 2025-12-23
Chapter: KABANATA 125
SANDRA’S POVKinagabihan ay naggising ako sa tatlong magkasunod na katok. Agad ko itong binuksan para madatnan ang isang babae na nakasuot ng admin uniform. Maliit siya at balingkinitan pero sobrang ganda ng mukha. Inaabot niya sa akin ang isang paper bag na may kung anong laman.“Your uniform, Dean gave it, wear it tomorrow,” nahihiyang sabi niya. Halata sa kaniya na nahihirapan siyang magsalita ng Ingles.“Thank you so much,” nakangiting sabi ko kaya nagpaalam siya agad.Isinara ko ang pintuan at saka binuksan ang paper bag. May apat na uniform na iba-iba ang kulay. May puti, brown, black, at saka red. May nameplate rin at dalawang pares ng black school shoes. May sulat din na naka-indicate na anong kulay ang isusuot sa Lunes, Martes, Miyerkules, at Huwebes. Mayroon ding dalawang poloshirt na parehong kulay violet para naman sa Spanish class sa weekends. Agad kong nilabhan ang mga iyon at mabuti na lamang at may dryer. Alas nuwebe pa naman bukas ang duty ko kaya naman may oras pa ak
Last Updated: 2025-12-20
Chapter: KABANATA 124
SANDRA’S POVMatapos ang halos apat na oras na biyahe papuntang airport ay sa wakas, nakarating na kaming taga Benison. Si Kaydie naman ay inihatid ng kaniyang mga magulang, maluha-luha pa ang mommy niya habang si Mr. Sarmiento naman ay hindi maiwasang mapayakap sa kanilang anak.Bago ako tumulak paalis ay ibinilin ko ang kapatid ko kay Tita Mirazel, pero nangako si Sidro na maghananap siya ng part-time job upang matustusan ang kaniyang pag-aaral. Sinabi ko sa kaniya na hindi na kailangan pero gusto niyang tumayo sa sarili niyang mga paa.“San, saang dorm ka ba?” Tanong ni Kaydie nang makasakay na kami ng tuluyan sa eroplano.“Dorm 19, actually magkatabi kami ng dorm ni Eya, iyong representative ng BS Biology,” sagot ko.Napatango naman si Kaydie saka napangisi kaya naman taka ko siyang tinignan.“Bakit?” Tanong ko.“Pwede kaya kitang bisita—” hindi niya natapos ang sana ay sasabihin nang magsalita ako.“Hindi! Bawal iyon, kaya nga magkalayo ang dorms ng mga lalaki at babae,” sagot ko
Last Updated: 2025-12-20
The Supreme (TAGALOG VERSION)

The Supreme (TAGALOG VERSION)

"Ang mga PUTI at ITIM ay parehong mga lahi ng BAMPIRA na mahigpit na magkaribal sa mahabang panahon simula sa taong Pitong-daan at dalawa (702)." Ang mga puting bampira ay ang mga bampirang itinuturing na mabubuti at may puso ngunit sa kabilang banda naman, ang mga itim ang siyang kabaliktaran. Mga traydor, gahaman, at walang mga puso sa kapwa nilang kalahi. Nang maisilang ang Ikalabing-tatlong Prinsipe ng mga itim ay naalerto ang mga puti dahil nakasaad sa orakulo na matutuldukan na ang kanilang lahi kung maisisilang ang itim na bampirang iyon ngunit hindi nila napigilan ang pagluluwal ng Reyna ng mga itim. Habang lumalaki ang bunsong anak ng Supremo ng mga itim ay mas lalo itong nagiging makapangyarihan kung kaya't nagsagawa sila ng hakbang upang unahan ang nga itim sa gagawin ng mga itong pag-ubos sa kanila. Hindi nila inaasahan na mapapatumba nila ang Prinsipe ng mga itim sa pamamagitan ng isang kemikal na magpapatulog nito sa mahabang panahon. Nagkaroon ng pag-asa ang mga puti nang sabihin ng orakulo na may sanggol na magmumula sa kanilang lahi na siyang tuluyang makakagapi sa Prinsipe ng mga itim. Ngunit, lingid sa kanilang kaalaman na may natitira pa pa lang mga bampira na nagmula sa lahi ng mga itim na desididong muling pabangonin ang kanilang lahi na matagal nang natutulog sa mahabang panahon. Sino lahi ang magwawagi? At sinong lahi ang tuluyang mabubura sa kasaysayan?
Read
Chapter: KABANATA 61
Taon 1805...KAHARIAN NG SARSULMuling nagsalpukan ang kanilang mga espada. Ang bawat hampas ay nagdudulot ng lindol sa ilalim ng kanilang mga paa, at bawat pagsabog ng enerhiya ay nagpapalipad sa mga bato’t alikabok sa kalangitan. Ang kanilang mga mata ay tila apoy sa gitna ng unos, puno ng poot, determinasyon, at sugatang dangal.Si Prinsipe Zaitan ay halos hindi na humihinga sa tindi ng labanan, ang puting apoy ng kaniyang mahika ay patuloy na umaalab sa kaniyang mga palad. Samantalang si Prinsipe Zumir, na muling nakabawi ng lakas mula sa dugo ni Sastareus, ay nagliliyab sa mapulang enerhiya ng kadiliman. Ang bawat galaw niya ay tila halimaw na nagising mula sa mahabang pagkakatulog.Malamig, mabilis, at nakamamatay.Nagbanggaan muli ang kanilang mga espada. Mula sa kanilang mga katawan ay nagsabog ng liwanag. Puti laban sa itim, liwanag laban sa anino. Sa bawat hampas ay may kasabay na pagsabog ng kulog.“Hindi na ito laban ng dangal, Kamahalan!” sigaw ni Prinsipe Zumir habang pi
Last Updated: 2025-10-29
Chapter: KABANATA 60
Taon 1805...KAHARIAN NG SARSULMahigit sampung dipa ang layo ng mga mata nila Prinsipe Zumir at Prinsipe Zaitan habang malakas na sinasayaw ng malamig na ihip ng hangin ang kanilang mga kapa. Makulimlim ang kalangitan, ang mga ulap ay tila lumalapit sa dalawang bampirang puro makapangyarihan at nag-aagawan sa trono."Ikaw nga ay tunay na may dugong itim... Napaniwala mo akong ikaw ay tunay na kaibigan, tinrato kita na parang aking kapatid, ngunit lingid sa aking kaalaman ay ikaw pala ang bampirang labis kong pinaghandaan sa aking buong buhay... Ito ang unang paghaharap natin bilang ikaw ay si Prinsipe Zumir... Tama ba, Rycon?" madilim ang mga matang sambit ni Prinsipe Zaitan.Lumakas ang ihip ng malamig na hangin, maging ang kulog ay maririnig na rin sa kalangitan. Hinawakan ni Prinsipe Zumir ang espadang nasa kaniyang tagiliran at saka nagsalita."Hindi ko batid kung ako ba ay hihingi ng paumanhin o ikaw ay sasabihan ko ng katotohanan, ngunit alam ko na ikaw ay hindi rin naman manin
Last Updated: 2025-10-19
Chapter: KABANATA 59
Taon 1805...KAHARIAN NG SARSUL"Kamahalan, marami ang nasawing kasamaan sa digmaan, at umurong na ang mga dakilang lobo matapos matalo ng Supremo ng mga itim si Pinunong Harez at mapaslang ang kaniyang dalawang mga anak." Bulong ni Sandaro, ang isa sa mga itim na bampira na kasama sa pagsugod."Nasaan sina Ate Amira at Lola Luela?" Tanong ng Prinsipe.Hindi agad nakasagot si Sandaro dahilan upang mas lalong mapatingin sa kaniya si Prinsipe Zaitan."Parehong nasawi ang dalawa, kamahalan. Si Prinsesa Amira ay napaslang ng mahikerang si Usban at ang Tandang Luela, ayon sa ating mga kasamahang nakasaksi ay kinitil nito ang sariling buhay matapos mapaslang si Usban." Sagot ni Sandaro.Hindi makapaniwala si Prinsipe Zaitan sa kaniyang mga naririnig na mga ulat mula kay Sandaro. Hindi niya lubos maisip na wala na ang natitirang mga kamag-anak niya na palaging nasa kaniyang tabi noong mga panahon halos humalik na siya sa lupa.Kumuyom ang kaniyang mga palad at mariin na ipinikit ang kaniyang
Last Updated: 2025-09-07
Chapter: KABANATA 58
Taon 1805...KAHARIAN NG SARSULTila bumulong ang hangin kay Tandang Luela nang marinig mula sa 'di kalayuan ang iyak ni Prinsesa Amira. Iyak ng isang dagliang pagkapaslang. Nagkulay pula ang kaniyang mga mata, nagsilabasan ang mga ugat sa kaniyang mga braso at sa kaniyang leeg. "Saan ho kayo magtutungo?" Tanong ni Analya, isa sa mga dalagitang puti na nakapansin ng agarang pagtalikod ni Tandang Luela habang ang mga matatalas na paningin ay nakatingin sa isang direksyon."Siguraduhin niyo na mauubos ang lahat ng itim na naririto." Aniya, tinutukoy ang mga kalabang itim sa mga oras na iyon."Pero—" hindi na naggawang tapusin ni Analya ang sana ay sasabihin nang tumalikod na ang matanda.Sa isang iglap, gamit ang puting mahika ay narating ni Tandang Luela ang kinaroroonan nina Usban, Inang Reyna Zenya, at Reyna Zafi. Mas lalong nanlisik ang mga mata ni Tandang Luela nang makita ang pamilyar na bestida at balabal na prenteng nakakalat sa tuyong lupa. Ang kasuotan ni Prinsesa Amira ay n
Last Updated: 2025-08-31
Chapter: KABANATA 57
Taon 1805...KAHARIAN NG SARSULNapangisi si Prinsesa Amira nang makita sina Prinsesa Xesha, Reyna Safi, at Inang Reyna Zenya na nagmamadaling nagtatakbo nang makita sila. Bakas ang takot sa mga mata ng tatlo habang pumupuslit."Saan kayo magtutungo?" mala-hangin sa bilis na hinarang niya ang tatlo at isa-isang itinulak gamit ang palad na may puting mahika.Tumilapon si Prinsesa Xesha sa may batohan dahilan upang mabali ang kaniyang tadyang. Humiyaw ang Prinsesa dahil sa sakit na kaniyang nararamdaman habang sinusubukang makatakas."Anak!" Sumigaw si Reyna Zafi at nilapitan ang kaniyanv anak. Akmang gagamitan ng mahika ni Prinsess Amira ang mag-ina nang biglaang tumakbo si Inang Reyna Zenya at humarang sa harapan ng dalawa."Ako na lamang ang iyong saktan, huwag na sila!" Sigaw ng Inang Reyna."Kamahalan, kayo ay umalis riyan." ani Reyna Zafi.Umiling lamang si Inang Reyna Zenya."Nilalamon ako ng aking konsensiya nang hayaan kong mamatay ang ating mga kasamahan, hinding-hindi ako nar
Last Updated: 2025-08-29
Chapter: KABANATA 56
Taon 1805...KAHARIAN NG SARSULNagharap sina Supremo Atcandis at Pinunong Harez. Parehong may mag matatalim na tingin sa bawat isa na may malalim na pinanghuhugutan. Unti-unting nagkukulay dugo ang mga mata ng Supremo, nagsilabasan ang mga naglalakihang ugat sa leeg at braso, at ang unti-unting pagtalim ng kaniyang mga kuko. Habang si Pinunong Harez ay nagsisimulang magkulay tanso ang mga mata, nanalim ang mga pangil, at ang dahan-dahang pagpapalit anyo bilang lobo."Hindi-hindi ko mapapatawad ang lahi ninyo, Atcandis. Tandaan mong gagawin namin ang lahat mabura lamang kayong mga itim sa buong kasaysayan ng mga bampira." galit na galit na sambit ni Pinunong Harez.Malamig na nakatingin si Supremo Atcandis sa Pinuno ng mga lobo habang parehong tinatangay ang mga kapa nila ng mahinay hampas ng malamig na hangin."Ang atraso ng aking mga ninuno ay hindi magiging akin, Harez. Hindi ako ang pumatay kay Savanna kaya wala kang dahilan upang—" hindi naggawang tapusin ni Supremo Atcandis ang
Last Updated: 2025-08-22
That Frigid Mafia!

That Frigid Mafia!

[AL MONLEON SERIES #1—EVAN CHRAYSTLER AL MONLEON] Nang ipapatay ni Lord Amanncio Al Monleon, ang kilalang mafia king, ang mga magulang ni Andrea Maureen “Ada” Salvegas, inakala niyang tapos na ang lahat—hanggang sa ginawa siyang pambayad sa utang ng mga ito at pinasok bilang lingkod sa mansyon ng mga Al Monleon. Sa ilalim ng marangyang bubong ng kasamaan at lihim, nakilala ni Ada ang limang anak ni Lord Amann. Ngunit tanging ang pang-apat na si Evan Chraystler Al Monleon, o Young Master Evan ang nagpatibok ng kaniyang puso. Itinaga ni Ada sa sarili, na kailanman ay hindi siya magpapasalamat sa taong pumatay sa kaniyang mga magulang nang hayaan siya nitong mabuhay. Dahil para sa kaniya ay mas nakakabuting namatay nalang din siya. Ngunit paano kung ang mismong anak ng halimaw na iyon ang maging dahilan ng muling pagtibok ng kaniyang puso? At paano kung matuklasan niyang si Evan ay bahagi pala ng isang nakaraan na matagal nang binura ng kaniyang alaala? Handa ba siyang ipaglaban ang pag-ibig sa isang Frigid Mafia Prince, o pipiliin niyang kalimutan ito kapalit ng hustisya at galit na matagal na niyang pinanghahawakan?
Read
Chapter: CHAPTER 13
Inilapag ng waitress ang dalawang orders ng Kape habang nakangiti ito. Bakas sa mukha ng waitress ang kilig habang pasulyap- sulyap kay Young master Evan, ang mga lalaki naman ay nakatitig lamang sa akin."Enjoy your drink!" Sabi nito at umalis.Sumimsim ng kaonti si Young master Evan sa kaniyang kape, itinukod ang kaniyang dalawa siko upang mas tignan ako."Are you planning to run away, again?" malamig na tanong niya dahilan upang mag-iwas ako ng tingin."Wala akong balak magtrabaho sa mga Al Monleon... At kung papatayin niyo man ako—" hindi ko na nagawang tapusin ang sana ay sasabihin ko nang magsalita siya."What do you mean? Are you thinking that we might enslave you again?" Tanong niya sa akin at sa pagkakataong iyon ay sumandal na sa kaniyang upuan.Hindi ko alam kung anong pumasok sa kukote ko upang sumama sa kaniya rito nang sabihin niyang gusto niya akong makausap. Hindi rin siya pumayag na mag-resign ako dahil alam niya ang dahilan ko."Bakit hindi ba? Hindi ba buong buhay
Last Updated: 2025-11-14
Chapter: CHAPTER 12
Tunog ng iba't-ibang uri ng apparatus machine ang gumising sa akin. Nang imulat ko ang aking mga mata ay agad kong nasilayan ang puting kisame kasabay ng nakakasilaw na liwanag mula sa ilaw na nakakabit doon."Reynan, gising na siya!" Narinig ko mula sa aking kanan ang tinig ng isang babae. "I'll call the doctors." Sagot ng boses ng isang lalaki.Nanatiling nakatulala ako sa kisame at hindi maggawang igalaw ang aking katawan. Ramdam ko rin ang swero na nakakabit sa aking isang kamay at iilang benda sa aking mukha. Malamig, amoy medisina, at sadyang maaliwalas ang paligid.Maya-maya ay narinig ko ang mga nagmamadaling yabag ng mga paa. Naramdaman ko na lamang na bahagya at puno ng pag-iingat na itinataas nila ang aking mga kamay upang masuri ako ng maayos."For almost a month, finally naggising na siya." ani ng isang doctor at muling isinuot ang kaniyang stethoscope.Anong nangyayari?Matapos ang mahaba nilang pag-uusap sa wari mag-asawang nasa aking gilid ay nagpaalam na sila sa isat
Last Updated: 2025-08-10
Chapter: CHAPTER 11
Ilang oras na lamang ay mag-uumaga na, ngunit hindi pa rin ako nakararamdam ng antok sa kabila ng pagod ng aking katawan. Hindi mawala-wala sa aking isipan ang katotohanang nakakubli, at hindi ko rin alam kung paano ko ito matutuklasan.Ano ang nangyayari sa akin?Bumangon ako at isinuot ang aking tsinelas. Hindi ko na rin inabalang itali ang buhok ko, hinayaan ko na lamang itong nakalugay. Nakasuot ako ng kremang pantulog habang binabaybay ang mahabang pasilyo pababa ng hagdanan.Maybe if I drink milk, I might fall asleep.Mabagal at may pag-iingat ang bawat hakbang ko. Tumungo ako sa kusina at nagtimpla ng gatas. Umupo ako sa isa sa mga upuan sa dining hall at pinakiramdaman ang paligid.Mula sa nakabukas na sliding door ng pool area, naaninag ko ang pamilyar na anyo ng isang tao. Nakatalikod siya, may hawak na wine glass, at nakasuot ng puting pantulog habang nakatanaw sa malayo.Sa hindi malamang dahilan, kusang gumalaw ang aking mga paa papalapit sa kanya. Wala akong nararamdaman
Last Updated: 2025-08-02
Chapter: CHAPTER 10
Dalawang linggo na ang nakakalipas simula nang mangyari ang pamamaril sa mansyon ni Lord Amann. Matapos kung mawalan ng malay sa araw na iyon ay natagpuan ko ang sarili na nakahiga sa isang malambot na kama.Mabigat at masakit ang buong katawan ko. Nakapa ko pa na mayroong mga benda ang aking mukha, mga braso, mga binti, at may sweras din na nakakabit sa akin. Ayon kay Manang Berta ay halos bente-kwarto oras akong nakatulog.Kaonti lamang ang nakaligtas sa amin sa pagsabog at nagpapasalamat ako na kabilang doon sina Manang Berta, Ruth, Lourdes, at mahigit limang kasambahay. Sa kasamaang palad ay marami ang nasawi.Kasalukuyang nasa ospital pa si Young master Luke. Sina Young master Evan ay hindi raw masyadong napurohan dahil agad itong nakaiwas matapos ang paghagis ng granada.Napag-alaman na ang namamaril sa mansyon noon ay isa sa mga business partners ni Lord Amann. Si Lord Amann naman ay agad na lumikas at naririto kami ngayon sa isa sa mga hideout niya sa East. Tago, payapa, at wa
Last Updated: 2025-08-01
Chapter: CHAPTER 9
Abala kami nina Ruth at Lourdes sa paglalaba kasama ang iba pang kasambahay sa mansyon. Nabalitaan ko rin na naggising na si Young master Evan matapos itong mawalan ng malay, dahil sa dami ng dugo na nawala sa kaniya matapos masaksak sa tagiliran. Mabuti na lang talaga at hindi natamaan ang internal organ na nasa gawing iyon.Habang yakap niya ako sa pagkakataong iyon ay naramdaman ko na lamang na bigla siyang nawalan ng malay. Habang akay-akay siya ay napapansin kong may mga dugong naiiwan sa sahig na nadadaanan namin. Huli ko nang napagtanto na nasaksak pala siya ng isa sa apat na lalaking armado na nakaharap niya matapos niya akong patakasin.Nalaman ko ring binaril niya ang mga iyon dahilan upang mapaslang ang mga ito. Silencer naman ang gamit niya na baril sa pagpaslang sa lalaking hila-hila ako sa buhok kaya hindi ako nakarinig ng tunog noon nang barilin niya ito.Si Lord Amann at si Young master Shawn ang kaniyang mga pangunahing blood donor. May mga ilan pa silang sinuhulan up
Last Updated: 2025-07-31
Chapter: CHAPTER 8
Maaga akong naggising dahil isa ako sa walong kasambahay na sasama sa underground transaction na gaganapin sa tagong emperyo ni Lord Amann. Kapwa nakasuot kami ng puti na pang-itaas at pang-ibaba, naka-face mask at gloves din. Sa unang tingin ay nagmumukha kaming mga nurses sa isang ospital."Don't you ever cry again." narinig ko ang boses ni Young master Evan nang mahuli ako sa pagpasok sa van na maghahatid sa amin. Nakasuot siya ng itim na suit na para bang dadalo sa isang malaking okasyon.Hindi na ako sumagot.Naalala ko na naman kasi ang huling tagpo namin noong isinama niya ako sa isa sa kanilang mga hideout. Walang nagsasalita sa aming dalawa habang nasa biyahe at hindi ko rin maintindihan kung bakit sa mga oras na iyon, ay pakiramdam ko ay walang harang sa gitna namin. Para bang pantay ang antas ng aming buhay.Nakabalik kami noon sa laboratoryo ng walang imik at minsan ay nahuhuli kong tumitingin sa akin ngunit nawalan ako ng paki. Nasaktan ako ng labis sa mga tinuran niyang
Last Updated: 2025-07-29
THE SUPREME (ENG. VERSION)

THE SUPREME (ENG. VERSION)

The WHITES and the BLACKS are both races of VAMPIRES who have been fierce rivals for a long time, starting from the year Seven Hundred and Two (702). The white vampires are considered the good-hearted ones, whereas the black vampires are their complete opposites. The traitorous, greedy, and heartless, even to their kind. When the Thirteenth Prince of the black vampires was born, the whites were alerted because the oracle had foretold that their race would come to an end once that black vampire was born. However, they failed to prevent the birth brought forth by the Queen of the black vampires. As the youngest son of the black vampire's supreme grew, he became even more powerful, prompting the whites to take action to get ahead of the blacks’ planned extermination of them. They did not expect that they would be able to bring down the Prince of the blacks using a chemical that would put him into a long slumber. The whites found hope when the oracle revealed that a child would be born from their lineage who would ultimately defeat the Prince of the blacks. But unknown to them, there were still vampires from the black bloodline who were determined to awaken their long-dormant race once more. "Wait for the rise of the blacks, who will finally bring an end to your race." –a man dressed in black
Read
Chapter: CHAPTER 25
Kingdom of Sarsul…Supreme Atcandis stood alongside his wife, Queen Alyada, watching from the large window of their chamber as the Kingdom of Sadan slowly burned, set ablaze by their soldiers.“We have truly defeated the whites,” Queen Alyada said softly, her eyes still fixed on the massive flames gradually consuming the palace, the homes, and the structures owned by the whites.Supreme Atcandis nodded. He had never imagined that the blacks could reclaim what had been stolen from them by the whites—their properties, money, and weapons of war. His heart brimmed with satisfaction and contentment at the sight before him.The whites had killed all the leaders except for Prince Zaitan and Princess Amira. They knew that the others had escaped, too elusive to be caught at that moment, but they would dedicate time to track them down.Prince Zaitan had been captured by the Sarsulians and remained imprisoned, unconscious. He had lost all his streng
Last Updated: 2025-11-17
Chapter: CHAPTER 24
October 1804…The white children played joyfully as the gentle breeze of the cold wind brushed against them that day. The citizens of the Kingdom of Sadan were busy preparing for the war that would take place the next day, but unknown to them, the black vampires would attack that very day. The blacks sought revenge for the assault once launched by the whites, an attack that claimed the lives of thousands of their people. Along with those deaths came the gradual loss of their wealth, their weapons of war, and their trusted leaders.Former Supreme Kaigan looked around the surroundings, deep in thought. He could not understand why the wind brought him no comfort. Each time it touched his skin, it carried a foreboding chill. His gaze drifted to the goblet before him, filled with fresh human blood. His eyes remained fixed on it when he noticed the red liquid beginning to ripple.When he looked at the large gate, it suddenly collapsed. A dark sorcery spread acro
Last Updated: 2025-11-16
Chapter: CHAPTER 23
Year 1804… Prince Zaitan’s gaze was fixed on Rycon as the two of them circled each other. The duel between them was about to begin, a long-honored tradition among vampires. Before a prince could be crowned as the Supreme, he needed to defeat his own right hand in a bloody duel. The prince’s right hand also needed to survive the match to officially assume his position. At that moment, Prince Zaitan’s nerves were at their peak. He knew how skilled and powerful Rycon was, and he had no assurance that he would win. At the first clash of their swords, both of them were forced backward. But Rycon was shocked when Prince Zaitan’s blade grazed his finger, and blood immediately spilled. Only the Prince of the black vampires, Prince Zumir, possessed the ability to heal his own wounds, yet Rycon—Prince Zumir himself—was stunned when the cut on his finger did not heal. Bright red blood dripped onto the dry soil from the deep gash. Prin
Last Updated: 2025-11-15
Chapter: CHAPTER 22
Year 1804...Prince Zumir, more widely known as Rycon, was deep in thought as he gazed at the calm sea visible only from his vantage point. Only a few months remained before the war between the black and white vampires would finally take place. The citizens were tirelessly training with the weapons he had reclaimed from the whites. Rycon had decided to bid farewell to the parents who raised him, as well as resign from his position in the kingdom as Prince Zaitan’s right-hand man. He wanted to devote his full attention to their impending attack.When he felt the cold wind brush against him, the prince closed his eyes. His thoughts wandered to his beloved Misan and to what had happened between them. He knew there was a chance it might bear fruit. He wanted to leave Misan with at least a memory of him, a reminder that a Rycon had once stepped into her life. It had been two days since they last saw each other, and he had not sent even a single letter. He missed her deeply, but he knew it
Last Updated: 2025-11-14
Chapter: CHAPTER 21
Year 1804... The weather seemed to conspire with Misan’s emotions. The young woman could not erase the wide smile on her face because at dawn that very morning, Rycon came to her home and invited her to bathe in a spring surrounded by many kinds of flowers. Misan was overjoyed, not only because of the moment they shared, but also because Rycon proposed marriage to her. She had not yet told her parents, waiting for the right time. “May I speak with you, Misan?” Misan’s smile vanished at once when she heard the voice of Prince Zaitan from behind her. She closed her eyes, sighed, then fully turned to face him. “Good morning, Your Highness.” Misan bowed respectfully. “May I speak with you, even for just a moment?” Prince Zaitan asked again. Misan nodded, and in an instant she dropped the rag she was holding as the Prince used teleportation. They were suddenly in the Dead Lands, once the territory of the black vampires. Prince Zaitan kept his eyes on Misan while she looked around at th
Last Updated: 2025-09-04
Chapter: CHAPTER 20
Year 1804... The sound of drums and trumpets echoed across the grounds of the White Vampires' Palace. After nearly a year, everyone would finally witness the return of Prince Zaitan—the prince who had now gained full mastery over his extraordinary abilities. In unison, General Suvan and Kawban, the Supreme’s right hand, marched at the front alongside the royal soldiers of the Kingdom of Sadan. Supreme Dalleon sat proudly on his throne with Queen Lovera by his side. The citizens gathered in joyous celebration to welcome back the youngest son of the Supreme and Queen—Prince Zaitan, the one foretold by the oracle to ascend the throne after his father. "Honor His Majesty’s return!" Kawban declared. He dropped to his knees first, followed by General Suvan and the soldiers. A single beat of the drum and trumpet signaled Prince Zaitan’s sudden appearance—he materialized from thin air before the crowd. Misan couldn't take her eyes off him. His transformation was undeniable—his physique now
Last Updated: 2025-07-22
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status