Oktubre 26, 1499... Naganap ang madugong labanan sa pagitan ng mga puti at itim na mga bampira sa kaharian ng Sarsul. Ang mga itim ay pinamumunuan ng itim na bampira na si Supremo Atcandis at ang kaniyang asawa na si Inang Reyna Zenya. Kasama nila at ng kanilang hukbo ang dalawang binatang Prinsipe na sina Prinsipe Asmal, ang panganay, at Prinsipe Zumir, ang bunso. Nagliliparan ang lahat ng bampira sa himpapawid. Ang mga dugo at laman nila ay nagkalat sa buong kapaligiran. Dahil duguan na ang Supremo ay ang kaniyang dalawang anak na lamang ang nakikipaglaban sa mga puting bampira na hindi rin biro ang ipinapamalas na mga lakas. Sugatan na si Prinsipe Zumir habang naghihingalo ang panganay na si Prinsipe Asmal. Hindi na nila nagawang balikan ang kanilang ina, sapagkat ay matapos nitong mapaslang ay naglaho ito sa hangin na parang bula. "Tumakas na kayo! Ako na ang bahala rito!" nanghihinang saad ni Prinsipe Asmal. "Hindi ka namin maaaring iwanan!" malakas ang boses na sagot ni Prins
Last Updated : 2023-08-13 Read more