Share

KABANATA 51

last update Last Updated: 2025-08-07 14:59:58

Kasalukuyang taon...

KAHARIAN NG GUWASANA—ANG TAHANAN NG MGA DAKILANG LOBO

Madilim, malawak, ngunit sagana sa mga alagang hayop ang Kaharian ng Guwasana, ang tahanan ng mga dakilang lobo. Pinamumunuan sila ng ikalabing-dalawang henerasyon ng angkan ni Pinunong Salim, ang pinunong si Harez. Kaagapay niya sa pamumuno ang asawang si Miri, mula sa angkan ng may maharlikang dugo na nagtataglay ng pambihirang katusuan.

"Maligayang pagdating sa Kaharian ng Guwasana, Prinsipe Zaitan!" Bati ni Pinunong Harez sa binata na kararating lamang.

Hindi lubos akalain ng pinuno ng mga lobo na ang sanggol na hindi pa naisisilang noon na ginawaran niya ng basbas habang nasa sinapupunan pa lamang ng ina nito ay isa ng makisig at matapang na binata. Habang nakatingin siya sa mukha nito ay hindi niya maipagkakailang nagmula nga ito sa lahi ni Ismael sapagkat halos hawig ng binatang Prinsipe ang namayapang kaibigan.

Matapos nilang salubungin ang Prinsipe ay inaya ito ni Pinunong Harez upang magbabad sa Bukal
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • The Supreme (TAGALOG VERSION)   KABANATA 54

    Taon 1805...KAHARIAN NG SARSULLibo-libong mga itim na bampira ang nagtipon, bitbit ang kanilang mga armas, mga espada na kuminang sa ilalim ng maulap na langit at mga panang handang dumurog sa alinmang makalapit na kaaway. Pinangungunahan ang lahat ng Supremo Atcandis, kasabay ng dalawa niyang anak.Si Prinsipe Asmal, ang kasalukuyang Punong Heneral ng hukbo, at si Prinsipe Zumir, ang tagapagmana ng trono. Ang buong hanay ng mga kawal at maharlikang tagapagtanggol ay nakaposisyon sa malawak na bakurang bato ng palasyo, nakasuot ng makakapal at matitibay na kasuotang itim na tila sumisipsip sa liwanag, animo’y nagiging anino mismo ng gabi.Mabigat at makapangyarihan ang bawat hakbang ng Supremo nang siya ay tumindig sa harap ng libo-libong kawal. Itinaas niya ang kanyang espada, at mula sa dulo nito ay bumalot ang itim na liwanag na umalingasaw sa paligid.“Mga anak ng dilim,” malakas na sigaw ni Supremo Atcandis, ang kanyang tinig ay umalingawngaw sa bawat pader ng kaharian, “ito an

  • The Supreme (TAGALOG VERSION)   KABANATA 53

    Kasalukuyang taon...KAHARIAN NG DOTIYANapapansin ni Prinsipe Asmal na iniiwasan siya ni Prinsess Xesha nitong mga nakaraang araw. Hindi man niya maamin, ngunit nangungulila siya sa mga masasayang araw kung saan payapa silang nagbabasa ng libro sa hardin, gumuguhit, at kumakain ng meryenda. Minsan ay napipilit siya ng dalaga na magtanim ng mga bulaklak na nauuwi sa pagbabangayan nila. Ngunit para kay Prinsipe Asmal ay hindi siya naiinis, mas natutuwa pa nga siya sa tuwing nakikita ang nakakunot nitong noo, magkasalubong na mga kilay, at namumulang pisngi."Ilang araw mo na akong iiniwasan, may nagawa ba akong mali, kamahalan?" Tanong niya habang nakatalikod ang Prinsesa sa kaniya, abala sa pagdidilig nga mga bulaklak na itinanim nila, ilang linggo na ang nakakalipas."Isang linggo na lamang ay ikakasala na ako, kamahalan... Hindi magandang tignan na nakikisalamuha ako sa mga binata, isa iyong hindi pag-respeto sa magiging kabiyak." Sagot ni Prinsesa Xesha habang patuloy na nagdidili

  • The Supreme (TAGALOG VERSION)   KABANATA 52

    Kasalukuyang taon...KAHARIAN NG SARSUL...Nakatayo sa terasa si Prinsipe Zumir habang malayang pinapanood ang mga itim na bampira na nagsasanay sa malaking espasyo sa harapan ng palasyo. Napahigpit ang kapit ni Prinsipe Zumir sa kaniyang dibdib nang maramdaman ang matinding paninikip niyon. Ilang araw na rin siyang sumusuka at dumudura ng dugo. Nahihirapan na rin siyang makatulog sa gabi, ngunit sa kabila nito, pinipilit pa rin niyang mag-ensayo sapagkat ilang linggo na lamang ay magaganap na ang digmaan.Iilang hakbang pa lamang ang layo ni Prinsesa Yneza ay naramdaman na niya itong papalapit. Nakasuot ng pulang mahabang bestida ang dalaga habang may malaking ngiti sa labi."Nagdala ako ng mga preskong prutas para sa iyo. Nandoon na ang lahat ng iyon sa ibaba. Nais mo bang kumain kasama—" Hindi na nagawang tapusin ng dalaga ang sasabihin nang magsalita si Prinsipe Zumir."Wala nang saysay ang pagpunta mo rito araw-araw. Hiniling ko na sa iyong ama na hindi na matutuloy ang ating pag

  • The Supreme (TAGALOG VERSION)   KABANATA 51

    Kasalukuyang taon...KAHARIAN NG GUWASANA—ANG TAHANAN NG MGA DAKILANG LOBOMadilim, malawak, ngunit sagana sa mga alagang hayop ang Kaharian ng Guwasana, ang tahanan ng mga dakilang lobo. Pinamumunuan sila ng ikalabing-dalawang henerasyon ng angkan ni Pinunong Salim, ang pinunong si Harez. Kaagapay niya sa pamumuno ang asawang si Miri, mula sa angkan ng may maharlikang dugo na nagtataglay ng pambihirang katusuan."Maligayang pagdating sa Kaharian ng Guwasana, Prinsipe Zaitan!" Bati ni Pinunong Harez sa binata na kararating lamang.Hindi lubos akalain ng pinuno ng mga lobo na ang sanggol na hindi pa naisisilang noon na ginawaran niya ng basbas habang nasa sinapupunan pa lamang ng ina nito ay isa ng makisig at matapang na binata. Habang nakatingin siya sa mukha nito ay hindi niya maipagkakailang nagmula nga ito sa lahi ni Ismael sapagkat halos hawig ng binatang Prinsipe ang namayapang kaibigan.Matapos nilang salubungin ang Prinsipe ay inaya ito ni Pinunong Harez upang magbabad sa Bukal

  • The Supreme (TAGALOG VERSION)   KABANATA 50

    Kasalukuyang taon...MUNDO NG MGA TAOAlas singko ng umaga nang makarating si Prinsipe Zumir sa mundo ng mga tao. Sa ilang linggo niyang pabalik-balik, hindi siya isinuplong ng nakatatandang kapatid sa kanilang mga magulang. Hindi niya maintindihan, ngunit alam ng Prinsipe na huling pagkakataon na ito na masisilayan niya ang mga kinilala niyang magulang at ang minamahal na si Misan.Umiiyak si Aling Sabelia nang marinig mula kay Prinsipe Zumir na bilang na lamang ang kaniyang mga oras sa mundo. Unti-unti nang pinapahina ng kemikal ang kaniyang katawan na, bagama’t hindi na naituturok, ay nanatili pa rin sa kaniyang sistema."Alam na ba ito ni Misan?" tanong ng matandang babae.Kasalukuyan silang nakaupo sa bilugang mesa na may klase-klaseng prutas sa gitna. Nasa kusina sila sa mga oras na iyon. Nagising ang mag-asawa nang marinig ang boses ng anak-anakan nila mula sa isipan. Nais ni Prinsipe Zumir na sulitin ang huling araw na makakasama niya silang lahat."Hindi, at wala akong balak

  • The Supreme (TAGALOG VERSION)   KABANATA 49

    Kasalukuyang panahon...KAHARIAN NG ALNEATahimik ang mga diwata.Walang tinig, walang ihip ng hangin, tanging ang mahinang pag-alon ng tubig ng Lawa ng Alnea ang maririnig. Sa ibabaw ng tubig ay sumasalamin ang kalangitang may kulay ng kahel at asul na tila ay nahati sa pagitan ng dapithapon at bagong umaga.Sa tabi ng lawa, nakatayo si Prinsipe Zaitan, suot ang puting kasuotan na gawa mula sa makinang at mahiwang tela. Hawak pa rin niya ang bato ng liwanag na iniabot ni Reyna Vanessa, maliit lamang ito ngunit ang init nito sa kaniyang palad ay parang tibok ng puso.Tumikhim si Inang Zaya, ang matandang diwata.“Sa pagpasok mo sa lawa, hindi tubig ang sasalubong sa’yo kundi ang alaala ng lahat ng bampirang nawala sa liwanag. Ang mga anino ng iyong lahi ay hindi mo kaaway, ngunit hindi rin sila kakampi. Sa ilalim, walang direksyon, walang oras, tanging paninindigan mo ang makapagliligtas sa iyo.”Marahan siyang tumango. Isang hakbang...Isa pa...Hanggang sa unti-unti siyang nilamon

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status