Share

Chapter 16

GABI pa umano babalik ng Maynila ang mommy ni Terrence kaya naging abala si Elise sa paghahanda ng tanghalian. Naiilang siya sa ginang lalo na’t tumulong ito sa pagluluto. Mali ang first impression niya rito. Hindi naman pala ito maldita, o baka naman sa kaniya lang ito mabait. Madaldal ito at ramdam niya na gusto siya nito.

Aliw na aliw naman siya sa ginang habang nagkukuwento tungkol sa nakaraan nito, noong ipinanganak nito si Terrence. Naging bukas din ito sa pagbahagi ng kuwento kung paano ito nawalay kay Terrence. May ideya na siya bakit ayaw ni Terrence pumasok sa seryosong relasyon. May trauma ito sa nangyari sa parents nito.

“Iniisip kasi ni Terrence na baka katulad ng daddy niya, wala ring babaeng magtatagal sa kaniya. Ayaw rin niya na makasakit ng damdamin ng babae,” sabi pa nito.

Nagbabalot sila ng lumpiang manok na nilagyan lang ng dahon ng sibuyas at carrot. Nagiling naman nang maayos ang karne at natimplahan.

“Posible nga rin po ‘yong mangyari kung gagayahin ni Terrence
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP
Comments (2)
goodnovel comment avatar
J.L
Ang cool ng kuwento ,hindi sya puro spg ,may aral din . Masipag ako magbasa,pero tamad magcomment. Thank you Author ...
goodnovel comment avatar
josephine 💚
Astig c Damaon,mala mafia ang dating
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status