Share

Chapter 61

PAULIT-ULIT na umukilkil sa kukoti ni Elise ang mga eksenang napanood niya sa video. Nanuot pa rin ang kirot sa kaniyang puso. Maaring galit na galit siya noong masaksihan sina Terrence at Thalia sa opisina. Pero habang inuulit niya ang eksena sa kaniyang isip, unti-unti siyang nakukumbinsi na inosente si Terrence.

Ang hindi niya maintindihan ay bakit apektado pa rin siya. Maaring may iba pa siyang iniisip noon. Ayaw niyang ma-stress kaya natulog na lamang siya.

Kinabukasan ay nagpasya si Elise na umuwi na sa Tarlac. Umaga sila umalis ni Terrence lulan ng kotse nito. Sa tuwing may madaanan silang nagtitinda ng kung anong pagkain sa gilid ng kalsada ay pinahihinto niya ang sasakyan. Bumili siya ng mga pagkaing bihira niya makita. Nakapunta na sila ni Terrence sa Zambales at doon din ay may ilang senaryo siyang naalala. Hirap pa rin siyang maipagbuklod ang naipong memorya, senyales na hindi pa siya lubusang magaling sa amnesia.

Nakaidlip siya sa biyahe at ginising lang ng malakas na
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status