GABI pa umano babalik ng Maynila ang mommy ni Terrence kaya naging abala si Elise sa paghahanda ng tanghalian. Naiilang siya sa ginang lalo na’t tumulong ito sa pagluluto. Mali ang first impression niya rito. Hindi naman pala ito maldita, o baka naman sa kaniya lang ito mabait. Madaldal ito at ramdam niya na gusto siya nito.Aliw na aliw naman siya sa ginang habang nagkukuwento tungkol sa nakaraan nito, noong ipinanganak nito si Terrence. Naging bukas din ito sa pagbahagi ng kuwento kung paano ito nawalay kay Terrence. May ideya na siya bakit ayaw ni Terrence pumasok sa seryosong relasyon. May trauma ito sa nangyari sa parents nito.“Iniisip kasi ni Terrence na baka katulad ng daddy niya, wala ring babaeng magtatagal sa kaniya. Ayaw rin niya na makasakit ng damdamin ng babae,” sabi pa nito.Nagbabalot sila ng lumpiang manok na nilagyan lang ng dahon ng sibuyas at carrot. Nagiling naman nang maayos ang karne at natimplahan.“Posible nga rin po ‘yong mangyari kung gagayahin ni Terrence
NAKAISIP din ng recipe si Elise na naibase rin niya sa research. Hindi na siya nakialam sa kusina dahil naroon si Damaon at pinapanood si Terrence habang nagluluto. Naglinis na lamang siya ng guest room doon sa ground floor. Pinalitan niya lahat ng sapin sa kama, maging kurtina. Si Sister Feliz ang gumagamit ng kuwartong iyon sa tuwing naroon. Nagpakaabala siya sa paglilinis para hindi makasabay sa hapunan ang magpinsan, kaso tinawag pa rin siya ni Terrence. Tatanggi pa sana siya. “You should eat, lady,” sabi ni Damaon. Hindi na siya kumontra at umupo sa silya na medyo malayo kay Damaon. Good for six person naman ang lamesa kaya nakabukod siya sa dalawang lalaki na magkaharap. May isang dipa naman ang agwat niya kay Terrence pero kahanay niya ito sa kabilang side ng lamesa. Nakikinig lang siya sa usapan ng mga ito at nakuha ang interes niya dahil nabanggit ang pangalan ni Thrasius. Spanish language ang gamit ng mga ito kaya iilan lang ang naintindihan niya. May halo namang English
PUMITLAG si Elise nang hawakan siya ni Terrence sa kanang kamay. Napatitig siya rito. “Are you okay?” tanong nito sa malamyos na tinig. “Uh…. i-ikaw na lang ang pumasok. Maghihintay na lang ako rito,” sabi niya. “Mainit na rito. Come on,” pilit nito. Pumasok na sa bahay ang babae at iniwang bukas ang main door. Nawawala siya sa wisyo dahil sa bugso ng damdamin. “Dito na lang ako,” giit niya. “Please, don’t show you’re weak and affected, Elise. It’s the perfect time to talk to Thrasius,” bulong nito sa kaniya. Humapit ang kamay ni Terrence sa kaniyang baywang. Ang init ng palad nito ay nagbigay ng kakaibang enerhiya sa kaniya. Naudyok siya nitong sumama rito sa loob ng bahay. “Gising na si Thrasius. Pakihintay na lang,” sabi ng babe. “What do you like to drink, guys? What about breakfast?” “Drinks na lang, kahit ano, please,” tugon ni Terrence. Umupo na sila sa sofa. Ayaw na paawat ng puso ni Elise sa pagwawala dahil sa kirot na sumisigid. Gusto na niyang umiyak ngunit mulin
HINDI nakahuma si Elise nang gupuin siya ng nakaliliyong sensasyon sa kaibuturan. Dahil iyon sa pangahas na halik ni Terrence, at halos ayaw pakawalan ang kaniyang mga labi. Ang higpit ng hapit ng kamay nito sa kaniyang batok ngunit ramdam niya ang panginginig nito.Awtomatikong natigil ang kaniyang pagluha at naglaho pansamantala ang kirot sa kaniyang puso. Makapangyarihan ang halik ni Terrence, tila tamang lunas sa kaniyang pasakit. Mariin siyang pumikit at tumugon sa halik ni Terrence. Inalipin na siya ng maalab na pagn*n*sa lalo nang dumapo ang isang kamay ni Terrence sa kaniyang dibdib.“Sh*t! Not here,” usal nito nang maghiwalay ang kanilang mga labi.Nadarang na siya sa tukso at natatakot siyang mawala ng tensiyon sa kaniyang pagkab*b*e baka bumalik ang sakit sa kaniyang puso.“T-Terrence, take me, please,” nahihibang niyang hiling sa binata.“As you wish, baby.” Mabilis na lumipat sa tabi niya si Terrence.Binuhat siya nito at naipangko sa kandungan nito. Maikling palda lang a
SAGLIT lang binilad ni Terrence ang mga damit sa araw dahil tuyo naman na ang mga ito. Gusto lang niyang mainitan ito para mas mabango. Natapos din silang naglaba at kaagad naligo sa swimming pool si Elise kahit may araw pa. Tumambay siya sa umbrella hut at doon sinagot ang tawag ni Tristan. Hindi maalis ang tingin niya kay Elise na lumalangoy, hindi man lang naghubad ng damit. “Elise, baka kukupas ang pulang damit mo! Hubarin mo!” sigaw niya. “Hindi ito kukupas!” sagot naman nito. “Tsk!” “Terrence,” ani Tristan buhat sa kabilang linya. Bihira siya nitong tawagan, madalas ay siya ang tumatawag. “What’s the matter?” tanong niya naman. “I’m waiting for Thrasius to call, but he didn’t do it. What happened? Are you two talked already?” “Uh, yes, kanina. Nabigay ko na sa kaniya ang flash drive na pinabigay ni Damaon. You should meet him to see the files from the flash drive. Dad saved the details about the company for you to access the documents. Bago kayo pumuntang Spain, planuhi
BAGO nagpunta sa bahay nila Seth ay nakaluto na ng egg pie si Elise. Pinalamig na niya ito at inilipat sa paper plate. Ito lang ang ambag nila sa dinner. Hindi naman sila lalabas ng poultry kaya nagsuot lamang siya ng pink na blouse at itim na leggings. Medyo malayo ang bahay ni Seth kaya sumakay pa rin sila ng kotse. “Hindi ako nakarating sa property ni Seth noong naglibot ako,” sabi niya. Lulan na sila ng kotse ni Terrence. “Binakuran kasi ni Seth ang property niya pero dadaan pa rin siya sa main road ng poultry. Bale hati kami sa right of way,” ani Terrence. Nakapasok na sila sa property ni Seth at medyo malayo ang mismong bahay sa main gate. Nadaanan nila ang maraming puno ng mangga at kasoy. May sampung minuto lang namana ng itikakbo ng kotse at narating nila ang dalawang palapag na bahay ni Seth. “Ang ganda pala rito!” nagagalak niyang wika. “Yes. Dati kasing family house nila Mommy ang bahay ni Seth, pina-renovate lang.” “Talaga? So, mas maraming memories rito ang mommy m
TATLONG araw na palaging nasa labas si Terrence kaya malayang kumilos sa opisina si Elise. Hinahati niya ang oras, sa hapon ay nasa warehouse siya. Hindi naman masyadong marami ang paperwork kaya pumayag si Terrence na maglagi siya sa warehouse. Biyernes ng gabi ay mag-isang naghapunan ang dalaga. Hinintay pa niya si Terrence hanggang alas-otso kaso hindi dumating. Maaga pa siya sa orphanage kinabukasan kaya natulog siya isang oras pagkatapos ng hapunan. Kaso alas-kuwatro ng umaga ay gising na siya. Hirap na siyang makatulog ulit kaya lumabas siya ng kuwarto. Hindi niya namalayan kung anong oras nakauwi si Terrence. Naroon na sa garahe ang kotse nito. Iniwan niya’ng hindi naka-lock ang main door baka kasi hindi nagdala ng susi si Terrence. Nang tingnan niya ang pinto, hindi pa rin ito naka-lock. Wala ang sapatos ni Terrence sa shoerock, iyong ginamit nitong umalis. Inisip niya baka hindi ito naghubad ng sapatos at diretso na sa kuwarto. Pero imposible. Palagi itong naghuhubad ng sa
NAGISING na si Terrence nang balikan ni Elise. Naghain na siya ng lugaw sa bowl at dinala rito kasama ng isang bagong tubig. Inilapag niya ang pagkain sa mesita. “Ano’ng nangyari sa ‘yo?” tanong niya sa binata. “Wala ‘to,” paos nitong tugon. Nanatili lang itong nakahiga, tila hirap kumilos. “Anong wala? Marami kang pasa. Nadisgrasya ka ba?” balisang usisa niya. Nagpumilit umupo si Terrence kahit dumada*ng. “Don’t mind me. May nakaaway lang ako sa bar na lasing. Napagtripan ako,” sabi nito. Nakontento siya sa sinabi nito, obvious naman kasi na napaaway ito. “Nalasing ka rin, eh. Mag-isa ka lang bang pumunta sa bar?” usisa niya. “No, may kasama akong kaibigan pero naiwan ako.” Duma*ng na naman ito nang maigalaw ang mga kamay. “Huwag mo munang piliting kumilos. Kumain ka muna nang makainom ka ng gamot. Kung may kilala kang doktor, baka puwedeng tawagan mo. Baka mamaya may pilay ka na.” “I can’t move,” angal nito. “Kaya nga huwag kang kumilos.” “How can I eat then?” Tumitig ito