Alice's Point Of View.
Mabilis ang pag takbo ko sa gitna ng damuhan habang matindi ang buhos ulan, ngunit hindi iyon naging problema sa akin para tumigil sa pag takbo. Para tumakbo sakanila, para tumakbo sa sarili kong pamilya na hindi man lang ako tinuring bilang parte nila. Masakit na ang paa ko dahil kanina pa ako tumatakbo ngunit wala akong pakialam dahil ang gusto ko lang ay makalayo sa kanila. Bukod sa sakit ng paa ay hinihingal na rin ako at tuyo na rin ang lalamunan. Ngunit pinagpatuloy ko ang pagtakbo, wala akong idea kung saan ako pupunta pagkatapos kong lagpasan ang mga matatas na damo na nasa aking harapan. Ang nasa isip ko lang ay tumakas! Ngunit sa gitna ng pagtakbo ay bigla akong napahiga sa damuhan kasabay ng malakas kong pagsigaw dahil sa batong nadaanan ko na hindi ko napansin. Ramdam ko ang sakit ng mga paa ko dahil sa nadaang bato, ngunit sa kabila ng sakit ay pinilit kong tumayo at nagpatuloy sa pagtakbo dahil hindi ko alam kung may naghahanap na ba sa akin. Hindi nila ako pwedeng makita o maabutan! Dahil sa pananakit ng paa ay naging mabagal na ang aking pagtakbo, nararamdaman ko na rin ang pagod ng aking mga binti. Ngunit mukhang nauubusan na ako ng lakas dahil sa unti-unting pagbagal pa lalo ng pagtakbo ko hanggang sa hindi na ako makagalaw sa aking kinatatayuan. Napaupo ako dahil sa sobrang pagod na nararamdaman, ramdam na ramdam ko ang pawis sa aking ulo, mas lalo ring bumibilis ang paghinga ko dahil sa pagod. At sa gitna ng matatas na damo, sa sobrang pagod na nararamdaman, dumilim ang aking paningin. ——— "Is she okay, Doc?" "Yes, kailangan niya lang ng pahinga." "That's good to hear, thank you." "You're welcome, Ma'am." Pinanatili kong nakapikit ang aking mga mata habang pinapakinggang matapos ang kanilang pag-uusap. Narinig ko ang pagsarado ng pintuan ngunit pinanatili ko pa ring nakapikit ang aking mga mata. "Puro na lang gulo ang ginagawa niya!" galit na sigaw ni Alana, ang panganay kong kapatid. "Really? Tumakbo sa gitna ng mga damuhan? Sinong tanga ang gagawa noon?! Siya lang, Mom!" "She's been stressing me out for the past few months," narinig ko namang sagot ni Mom. "Kung hindi pagbastos sa Dad mo ang gagawin niya, ngayon naman ay ganito." "Kung ganito na lang siya palagi bakit hindi na lang siya dalhin sa ibang bansa?" sambit ng kapatid ko. "I can't even stand near hear!" dagdag niya at kaagad kong nakarinig ang pagbukas at pagsara ng pintuan. "You only cause trouble, hindi ko na alam ang gagawin ko sa'yo," giit ni Mom. Maya-maya lang ay narinig ko ang pagbukas at pagsara ng pintuan. Nang maramdaman kong wala ng tao sa paligid ko ay dahan-dahan kong minulat ang aking mga mata. Ramdam na ramdam ko ang sakit ng aking mga binti ngunit hindi ko na iyon pinansin dahil mabilis kong tinanggal ang dextrose sa aking kamay. "Aray," saad ko habang kagat ang ibabang labi dahil sa sakit. Dahan-dahan akong umalis sa hospital bed na hinihigian ko, malakas akong bumuntong hininga bago mabagal na naglakad papalapit sa pintuan. Kailangan kong tumakas. Mayroon akong dahilan kung kaya't kailangan kong umalis. Saktong paghawak ko ng doorknob ay bigla itong bumukas dahilan upang mapaatras ako. Mabilis na nagtama ang aming mga mata ni Dad. Binalot ng kaba ang aking puso. "What are you trying to do?!" galit niyang sigaw sa akin ng makitang wala na ang dextrose sa aking kamay. "D-dad," kinakabahan kong saad, naramdam ko ang panginginig ng aking mga kamay dahil sa takot. "Sinusubukan mo na namang bang tumakas, Alice?!" nanlilisik ang mga mata niyang nakatingin sa akin. "Ayokong magpakasal, Dad!" umiiyak kong saad. Noong nalaman kong ipapakasal nila ako sa lalaking hindi ko naman kilala ay nakaramdam ako ng matinding takot, sanay na ako sa hindi nila magandang pagtrato sa akin ngunit para ipakasal ako sa lalaking hindi ko pa man nakikita sa personal ay isang malaking kalokohan! "At sino ka para magdesisyon para sa sarili mo?" malakas niyang sigaw, parang kulog ang boses sa buong kwarto, kitang-kita ko ang galit sa mga mata niya. "Wala ka na ngang ibang gagawin kundi ang sundin ako, hindi mo pa magawa! Kung patuloy mo kaming tatakasan ay sisiguraduhin kong next week na ang kasal mo!" galit niyang dagdag at mabilis na lumabas ng kwarto, narinig ko ang paglock niya ng pintuan. Napaupo na lamang ako sa hospital bed, bakit ba kailangan kong magpakasal? Nasa tamang edad na naman ako ngunit hindi ko kayang magpakasal! Sa lumipas na araw ay matinding takot ang aking nararamdaman. Nakauwi na ako sa mansyon namin dahil ang sabi ni Dad ay mas maganda raw na sa mansyon na lang ako magpagaling dahil baka tumakas lang ako. Palagi na rin akong may guard na sumusunod sa akin at sa labas ng aking kwarto. At dumating na nga ang araw na kinakatakutan ko. "Alice, umayos ka sa harapan ni Mr. Fernsby, kapag nagback out siya sa pagpapakasal sa'yo ay ipapadala na lang kita sa ibang bansa," seryosong saad sa akin ni Dad bago lumabas ng kwarto. Pilit na lang akong tumango, ang sabi ni Mom ay ngayong dinner ay makikilala ko ang lalaking papakasalan ko. Pumili siya ng dress na isusuot ko para sa gaganaping dinner at sinubukan kong magmakaawa sa kaniya na pigilan ang kasal ngunit hindi niya man lang ako pinakinggan. Ramdam ko ang panghihina ng aking tuhod habang naglalakad sa hagdan papunta sa dining hall, ramdam ko ang tingin ni Dad sa akin na nasa likod ko lamang kaya binilisan ko ang paglakakad. Nang makarating kami ay mabilis kong nakita ang nakatalikod na lalaki, nakasuot ng itim na tuxedo, nakatayo ito at kausap si Mom. Pansin ko ang katangkaran niya at ang kaniyang pangangatawan, halatang madalas itong maggym. Nang makita kami ni Mom ay mabilis niya kaming tinuro, lumingon naman sa amin ang lalaki at mabilis na nagtama ang aming mga mata. "Mr. Fernsby, this is my daughter. Alice Hermione Dawson," pagpapakilala sa akin ni Dad. Tumango naman ang lalaki at nilahad ang kamay sa habang nakatingin pa rin sa akin. "I'm Valerian Fernsby, it's such an honor to meet you, my Wife."Beckett's Point Of View."Totoo ba iyon? Hindi talaga anak ni Rowan si Alice?" nagtatakang tanong ko kay Frank habang naglalakad kami pababa sa hagdan, pinalabas kami ni Valerian pagkatapos niyang malaman ang totoo."Yeah... I was shocked too when I found out. Kaya naman pala walang pakialam si Rowan na ipakasal si Alice kay Boss," sagot niya, pumunta kami sa sala at napagpasyahan naming mag-inuman."Do you think Boss plans will change?" tanong ko bago uminom ng beer. Alam namin ang plano niya, kaya niya lang pinakasalan ang babaeng iyon para maghiganti. Hindi ko pa personal na nakilala si Alice dahil busy ako sa mga pinapagawa ni Valerian pero naririnig ko kay Frank na tahimik lang itong babae, mukhang mahina at malayong-malayo sa mga kapatid nito.Nagkibit-balikat siya. "I don't know... Maybe. Alam mo naman iyon, hindi pa rin niya kayang pumatay ng inosenteng tao.""Sometimes he needs to.""When it's needed," pagtatama niya at napailang na lamang ako bago sumandal sa couch."Hindi n
Valerian's Point Of View.Akalain mo nga naman... Matalino rin pala ang matandang 'to. Alam niyang pekeng statue ang binigay namin. "Give me the real statue now, if you want to save your wife," seryosong aniya habang nakatingin sa akin. May hawak na baril ang isa niyang kamay, nakabulagta sa sahig ang mga tauhan niya.Tsk. Pero ang tanga niya pa rin. Sigurado akong nakuha na ni Beckett si Alice, at ngayon ay paalis na sila."You know what, Leyes? You're not the most greedy person I've ever met," seryosong sambit ko. Sa dami ng mga taong dumaan sa buhay ko, sanay na sanay na ako sa ganitong mga senaryo. Ilang beses ko ng naranasan ang ganito."But I think you're the dumbest one," I added and he glared at me.Napakatanga niya. Kung gusto niya iyong statue, bakit hindi niya inubos ang pera niya para makuha iyon? Gusto niyang makatipid? Bakit ko naman hahayaang ibigay iyon?Umatras ako ng bigla niya akong tutukan ng baril, wala akong armas sa akin. Dahil ang baril na hawak niya ay mula
Alice's Point Of View.Parang ganito rin noong nakidnap ako noon... Wala akong alam kung anong oras na, kung tanghali na ba, umaga o gabi. Wala akong idea kung anong nangyayari sa labas. Ni-hindi ko alam kung ilang araw na akong nandito. Pero alam kong wala pa akong isang linggo, siguro dalawang araw. Hindi ko alam. Hindi ako sigurado.Pakiramdam ko nga hindi ako mamatay sa pananakit nila sa akin, kundi sa pagkaing pinapakain nila. Gusto kong isampal sa kanila ang plato, nakakainis, hindi naman ako maarte sa pagkain pero sana naman pagkaing pang tao ang ibigay nila sa akin.Malakas akong napabuntong hininga, alam kong dinidistract ko lang ang sarili ko. Ayokong isipin kung makakalabas pa ako rito rito o hindi... Kasi aminado akong mas malaki ang tyansang hindi na. Sa ugali pa naman ni Valerian, mukha bang ipagpapalit niya ang statue para lang makalaya ako?Tsk. Wala talaga akong ibang dapat gawin ngayon kundi ang magdasal... Umasa sa himala na baka magbago ang desisyon niya at iligtas
Valerian's Point Of View.Napatulala na lamang ako pagkatapos kong marinig iyon, mabilis kong pinaalis sa kwarto ko sina Beckett at Frank para makapag-isip-isip ako.Kinuha ko ang bote ng alak na nasa tabi ko at kaagad iyong ininom. I don't fvcking know what to feel. How should I react after knowing that she's really... innocent?Isang beses pumasok sa isip ko na baka nga hindi siya anak ni Rowan... Pero dahil sa galit na bumabalot sa puso ko, mabilis kong isinawalang bahala ang isipang iyon. Pero ngayong alam kong hindi siya anak ng demonyong 'yon, napagtanto ko na kung bakit mukhang wala talaga siyang idea sa mundo ng Mafia.That's why she doesn't know how to use a gun. That's why she doesn't know the Mafia group Rowan has. Kaya pala... Kaya pala dahil ampon lang siya.Dala ang bote ng alak ay lumabas ako at pumunta sa kaniyang kwarto. Pinihit ko ang doorknob at bumungad sa akin ang tahimik at madilim na paligid, ngunit amoy na amoy ko ang pabango niya na parang nandito lang siya s
Alice's Point Of View. "I'm so glad you remembered me, Mrs. Fernsby." Siya iyong manyak din na nagbidd sa statue, hindi ako makapaniwalang makikita ko pa ang mukha ng matandang 'to. "Fvck you. Let me go," inis kong sabi ngunit tumawa lang siya, nakita kong sinenyasan niyang umalis iyong dalawang utusan niya at mabilis namang sumunod. "You know, I won't hurt you, Mrs. Fernsby. I just want the statue." "Then let me go! You don't have to kidnap me, old man!" malakas kong sigaw at sa isang saglit lang ay mabilis na lumusot ang kamay niya sa kulungan ko at mabilis na hinatak ang aking buhok, bumangga ako sa bakal dahil sa lakas ng pagkakahatak niya. Sunod ko na lamang naramdaman ang pagtulo ng luha ko dahil sa sobrang takot na nararamdaman. "L-Let me go," umiiyak kong sabi ngunit nakahawak pa rin siya sa aking buhok. "You know, when I first you saw I thought that you're really beautiful and I want to taste you... But I'm not interested to someone who's already married," giit n
Alice's Point Of View.Wala akong nagawa kundi ang sumunod sa lalaking 'to dahil pumunta siya sa aking likod at tinutukan ako ng baril."Walk," utos niya sa akin at tinanggal ang panyo sa aking bibig. "Don't try to shout, I'll not think twice to kill you."Mas nadagdagan naman ang takot na naramdaman ko dahil sa narinig, nagpatuloy ako sa paglalakad. Hindi ko alam kung saan kami pupunta dahil lumulutang ang isipan ko dahil sa takot. Napansin kong pumunta kami sa mataas na parte ng barko, napansin ko roon ang isang helicopter, kaagad na nagulo ang aking buhok dahil sa hangin mula rito. Maingay din at humahalo iyon sa ingay ng malakas na tugtog.Tinulak ako ng lalaki papasok sa helicopter at wala naman akong nagawa kundi ang sumunod dahil nakatutok pa rin sa akin iyong baril niya."Nice one, bro! I'm sure Boss will be happy we got his wife!" saad noong isang lalaking nagmamaneho noong helicopter.Tinulak na ako noong lalaki para makaupo, ilang sandali lang ay naramdaman ko ang pag-angat