The Taste Of The Mafia Boss Endless Love

The Taste Of The Mafia Boss Endless Love

last updateLast Updated : 2025-05-23
By:  GreenRian22Ongoing
Language: Filipino
goodnovel18goodnovel
10
3 ratings. 3 reviews
24Chapters
414views
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
SCAN CODE TO READ ON APP

"I'll make sure that you will regret marrying me and you will suffer because of what your family did to my girlfriend." — Valerian Fernsby, leader of the England Mafia. ——— Bilang isang taong lumaki sa tahanan na itinuturing siyang black sheep ng pamilya, hindi kailanman nawawalan ng pagkakataon si Alice Hermione Dawson na tanungin ang kanyang sarili kung ano ang mali sa kanya at kung bakit siya mali ang pagtrato sa kaniya. Isang bagay lamang ang nais niya, ang tratuhin siya ng kanyang pamilya bilang bahagi nila. Pero ang ibinigay sa kanya ay pakasalan ang isang lalaking hindi niya man lang kilala. At sa pinakamasamang bahagi, ang lalaking pakakasalan niya ay ang lider ng isang Mafia Group sa England. Valerian Fernsby, isang malamig at walang awang tao. Isang bagay lang ang gusto niya, ang makamit ang katarungan para sa kanyang kasintahan, na namatay dahil sa pamilya ng dalaga. Kaya pinakasalan niya si Alice dahil ito ang magbabayad para sa ginawa ng pamilya nito sa kanyang yumaong kasintahan. Pero magtatagumpay ba si Valerian na makamit ang katarungan para sa kanyang kasintahan kung malalaman niyang wala namang alam si Alice tungkol sa mga maling ginagawa ng kanyang pamilya? O mas pipiliin niyang hindi ito pakinggan dahil maaring nagsisinungaling lang ito? Magtatagumpay ba si Valerian sa kaniyang plano kung unti-unti nang nahuhulog ang loob niya sa anak ng pumatay sa kaniyang yumaong kasintahan?

View More

Chapter 1

Kabanata 1

Alice's Point Of View.

Mabilis ang pag takbo ko sa gitna ng damuhan habang matindi ang buhos ulan, ngunit hindi iyon naging problema sa akin para tumigil sa pag takbo.

Para tumakbo sakanila, para tumakbo sa sarili kong pamilya na hindi man lang ako tinuring bilang parte nila.

Masakit na ang paa ko dahil kanina pa ako tumatakbo ngunit wala akong pakialam dahil ang gusto ko lang ay makalayo sa kanila. Bukod sa sakit ng paa ay hinihingal na rin ako at tuyo na rin ang lalamunan.

Ngunit pinagpatuloy ko ang pagtakbo, wala akong idea kung saan ako pupunta pagkatapos kong lagpasan ang mga matatas na damo na nasa aking harapan.

Ang nasa isip ko lang ay tumakas!

Ngunit sa gitna ng pagtakbo ay bigla akong napahiga sa damuhan kasabay ng malakas kong pagsigaw dahil sa batong nadaanan ko na hindi ko napansin. Ramdam ko ang sakit ng mga paa ko dahil sa nadaang bato, ngunit sa kabila ng sakit ay pinilit kong tumayo at nagpatuloy sa pagtakbo dahil hindi ko alam kung may naghahanap na ba sa akin.

Hindi nila ako pwedeng makita o maabutan!

Dahil sa pananakit ng paa ay naging mabagal na ang aking pagtakbo, nararamdaman ko na rin ang pagod ng aking mga binti. Ngunit mukhang nauubusan na ako ng lakas dahil sa unti-unting pagbagal pa lalo ng pagtakbo ko hanggang sa hindi na ako makagalaw sa aking kinatatayuan. Napaupo ako dahil sa sobrang pagod na nararamdaman, ramdam na ramdam ko ang pawis sa aking ulo, mas lalo ring bumibilis ang paghinga ko dahil sa pagod.

At sa gitna ng matatas na damo, sa sobrang pagod na nararamdaman, dumilim ang aking paningin.

———

"Is she okay, Doc?"

"Yes, kailangan niya lang ng pahinga."

"That's good to hear, thank you."

"You're welcome, Ma'am."

Pinanatili kong nakapikit ang aking mga mata habang pinapakinggang matapos ang kanilang pag-uusap. Narinig ko ang pagsarado ng pintuan ngunit pinanatili ko pa ring nakapikit ang aking mga mata.

"Puro na lang gulo ang ginagawa niya!" galit na sigaw ni Alana, ang panganay kong kapatid. "Really? Tumakbo sa gitna ng mga damuhan? Sinong tanga ang gagawa noon?! Siya lang, Mom!"

"She's been stressing me out for the past few months," narinig ko namang sagot ni Mom. "Kung hindi pagbastos sa Dad mo ang gagawin niya, ngayon naman ay ganito."

"Kung ganito na lang siya palagi bakit hindi na lang siya dalhin sa ibang bansa?" sambit ng kapatid ko. "I can't even stand near hear!" dagdag niya at kaagad kong nakarinig ang pagbukas at pagsara ng pintuan.

"You only cause trouble, hindi ko na alam ang gagawin ko sa'yo," giit ni Mom.

Maya-maya lang ay narinig ko ang pagbukas at pagsara ng pintuan. Nang maramdaman kong wala ng tao sa paligid ko ay dahan-dahan kong minulat ang aking mga mata. Ramdam na ramdam ko ang sakit ng aking mga binti ngunit hindi ko na iyon pinansin dahil mabilis kong tinanggal ang dextrose sa aking kamay.

"Aray," saad ko habang kagat ang ibabang labi dahil sa sakit.

Dahan-dahan akong umalis sa hospital bed na hinihigian ko, malakas akong bumuntong hininga bago mabagal na naglakad papalapit sa pintuan.

Kailangan kong tumakas. Mayroon akong dahilan kung kaya't kailangan kong umalis.

Saktong paghawak ko ng doorknob ay bigla itong bumukas dahilan upang mapaatras ako. Mabilis na nagtama ang aming mga mata ni Dad.

Binalot ng kaba ang aking puso.

"What are you trying to do?!" galit niyang sigaw sa akin ng makitang wala na ang dextrose sa aking kamay.

"D-dad," kinakabahan kong saad, naramdam ko ang panginginig ng aking mga kamay dahil sa takot.

"Sinusubukan mo na namang bang tumakas, Alice?!" nanlilisik ang mga mata niyang nakatingin sa akin.

"Ayokong magpakasal, Dad!" umiiyak kong saad.

Noong nalaman kong ipapakasal nila ako sa lalaking hindi ko naman kilala ay nakaramdam ako ng matinding takot, sanay na ako sa hindi nila magandang pagtrato sa akin ngunit para ipakasal ako sa lalaking hindi ko pa man nakikita sa personal ay isang malaking kalokohan!

"At sino ka para magdesisyon para sa sarili mo?" malakas niyang sigaw, parang kulog ang boses sa buong kwarto, kitang-kita ko ang galit sa mga mata niya. "Wala ka na ngang ibang gagawin kundi ang sundin ako, hindi mo pa magawa! Kung patuloy mo kaming tatakasan ay sisiguraduhin kong next week na ang kasal mo!" galit niyang dagdag at mabilis na lumabas ng kwarto, narinig ko ang paglock niya ng pintuan.

Napaupo na lamang ako sa hospital bed, bakit ba kailangan kong magpakasal? Nasa tamang edad na naman ako ngunit hindi ko kayang magpakasal! Sa lumipas na araw ay matinding takot ang aking nararamdaman.

Nakauwi na ako sa mansyon namin dahil ang sabi ni Dad ay mas maganda raw na sa mansyon na lang ako magpagaling dahil baka tumakas lang ako. Palagi na rin akong may guard na sumusunod sa akin at sa labas ng aking kwarto.

At dumating na nga ang araw na kinakatakutan ko.

"Alice, umayos ka sa harapan ni Mr. Fernsby, kapag nagback out siya sa pagpapakasal sa'yo ay ipapadala na lang kita sa ibang bansa," seryosong saad sa akin ni Dad bago lumabas ng kwarto. Pilit na lang akong tumango, ang sabi ni Mom ay ngayong dinner ay makikilala ko ang lalaking papakasalan ko.

Pumili siya ng dress na isusuot ko para sa gaganaping dinner at sinubukan kong magmakaawa sa kaniya na pigilan ang kasal ngunit hindi niya man lang ako pinakinggan.

Ramdam ko ang panghihina ng aking tuhod habang naglalakad sa hagdan papunta sa dining hall, ramdam ko ang tingin ni Dad sa akin na nasa likod ko lamang kaya binilisan ko ang paglakakad.

Nang makarating kami ay mabilis kong nakita ang nakatalikod na lalaki, nakasuot ng itim na tuxedo, nakatayo ito at kausap si Mom. Pansin ko ang katangkaran niya at ang kaniyang pangangatawan, halatang madalas itong maggym.

Nang makita kami ni Mom ay mabilis niya kaming tinuro, lumingon naman sa amin ang lalaki at mabilis na nagtama ang aming mga mata.

"Mr. Fernsby, this is my daughter. Alice Hermione Dawson," pagpapakilala sa akin ni Dad.

Tumango naman ang lalaki at nilahad ang kamay sa habang nakatingin pa rin sa akin.

"I'm Valerian Fernsby, it's such an honor to meet you, my Wife."

Expand
Next Chapter
Download

Latest chapter

More Chapters

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Comments

user avatar
GreenRian22
happy 300 reads!
2025-05-14 20:53:18
0
user avatar
GreenRian22
happy 200 reads!
2025-05-06 18:04:45
0
user avatar
GreenRian22
happy 100 plus read!
2025-05-03 18:48:49
0
24 Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status