• • • [Six years ago] • • •
Humaplos ang mga daliri ko sa frame nang malaking salamin sa aking harapan. Naglakbay iyon hanggang sa maramdaman ko ang lamig ng babasaging salamin na nagpapakita nang aking repleksyon. “I’m in awe. You look so beautiful, Tal.” Napalingon ako sa pintuan matapos pumasok mula roon nang kakambal kong si Mortishia. Dagli siyang nanakbo papasok at yumakap sa akin. She is wearing an elegant electric blue cocktail dress. Bumagay sa brown niyang buhok ang pagkakaladlad nito sa kaniyang balikat. Her hair was curled perfectly. “How can you be this stunning? I'm jealous. Sana ganito rin ako ka-ganda kapag ako naman ang ikakasal.” Nakasimangot niyang ani. Pabiro kong pinisil ang pisngi niya, kaagad naman siyang napanguso at mas lalo pang yumakap sa akin. Pinagdikit niya ang pisngi naming dalawa pagkatapos noon ay parehas naming tiningnan ang parehong repleksyon sa salamin. Our facial features are the same. Ngunit kitang-kita sa aming repleksyon kung gaano kaming dalawa magkaiba. Bukod sa nunal na mayroon siya sa tungki ng kaniyang ilong, habang ang sa akin naman ay sa bandang ilalim ng aking kaliwang mata. Mortishia is the epitome of a ray of sunshine while I was the moon at night, always gloomy and never bright. Kaya rin siguro mas paborito siya ni Michelle—ng lahat kaysa sa akin. “Mortishia!” Sabay kaming napatunghay sa labas nang marinig mula roon ang pamilyar na hiyaw ni Michelle. Inis na nagpapadyak ang mga paa ni Mortishia. “What!” hiyaw niya pabalik. “Just come down here, you brat!” Mahina akong natawa nang akmang sasabunutan niya ang sarili ngunit sa huli ay na-realize niyang masiyado iyong maganda para guluhin. “Go first, susunod ako.” Paguutos ko sa kaniya at wala naman na siyang nagawa pa. Tumatawa kong tinapik ang likuran niya bago siya tumayo. “I can't believe you'll leave me here already,” malungkot pa niyang ani bago tuluyang lumabas ng kwarto. Hinintay ko pang tuluyan na siyang mawala sa paningin ko bago ako muling napatingin sa salamin. Tumayo ako at saka mas pinakatitigan ang sarili sa loob ng puting wedding gown na suot ko. I don't quite like this style. Ngunit si Michelle ang pumili nito kaya wala na akong nagawa pa. “At least the color white compliments my red hair.” I won't be living here anymore. I'm beyond happy that I'll be leaving this hell home. Isa pa, ang mas mahalaga ngayon ay ikakasal na ako sa taong pinaglaban at pinili ko. My own happy ending. A heavy sigh came out of my mouth. “I also can't believe I'll be leaving here already.” *** Nanlalamig ang mga kamay ko nang ipagsalikop ko ito sa isa’t-isa. Dumungaw ako sa labas ng kotse at tinanaw ang malaking pintuan ng simbahan. I'm waiting for the organizer’s signal for me to come out. Habang lumilipad ang oras ay mas kumakabog ang dibdib ko sa kaba. “Do I look okay? I want to be the most beautiful today,” saad ko at saka pinakatitigan ang repleksyon ko sa salamin na bintana ng kotse. “I hope William isn't bored inside.” William has been my long time boyfriend since way back in highschool. Parehas kami ng org noon kaya naman mas napalapit kami sa isa’t-isa. He isn't perfect, but I love him more than anything. Tutol si Michelle sa aming dalawa pero hindi iyon naging hadlang sa relasyon namin. Muli akong napasilip sa labas at muling naghintay, unti-unting bumalatay ang pagtataka sa mukha ko nang lumipas ang higit kalahating oras at wala pa rin akong nakukuhang signal mula sa loob ng simbahan. Napaayos ako ng upo nang makita kong lumabas mula sa simbahan ang organizer. The look of frustration and worry in her eyes is the first thing I saw. Nakita kong lumapit siya kay Michelle, mayroon silang pinagusapan at nakita kong sinigawan ito ni Michelle. Walang pagdadalawang isip akong lumabas sa kotse. Hinawakan ko ang malaking gown para maayos na makalakad. “What happened? Is everything okay?” Nagiwas ng tingin sa akin ang organizer habang inismiran lamang ako ni Michelle. Nilampasan ko silang pareho, at kahit pa nahihirapan sa paglalakad dahil sa mabigat na suot ko ay tinungo ko ang nakasaradong pintuan nang simbahan. “Ma’am, sorry po pero—” saad ng organizer nang humabol ito sa akin. Hindi na niya naituloy pa ang sasabihin nang marahas kong hilahin pabukas ang pintuan. Gaya nang aking inaasahan ay sabay-sabay na napalingon sa akin ang mga bisita. Kapareho ng kanilang mga reaksyon ang ekspresyon ng organizer kanina. Inilibot ko ang aking paningin sa buong simbahan. Nagsimula akong maglakad nakita ko pang nanakbo pasalubong sa akin ang tatlo kong kaibigan na sila Kelly, Beatrice, at Isabelle. “Tal!” pagtawag nila sa akin ngunit nilampasan ko lamang sila. My eyes are focused upfront. Naroon si Father Romulo katabi ang dalawang sakristan. Si Sister Helen na mahahalata ang pagka-buryo sa mukha ngunit pinilit na ngumiti sa akin nang makita ako. But, not William. There's no sign of him. I blinked twice, trying to calm and convince myself that my eyes are just tricking me. Ngunit makailang kurap na ang ginawa ko— niloloko ko na lamang ang sarili ko. “May mga susunod pang araw, anak.” Hindi ko namalayan nakalapit na pala sa akin si Father Romulo kung hindi pa nito hinawakan ang dalawang balikat ko. “Alam mong palaging bukas ang simbahan para sa iyo kung nais mo ng makakausap,” saad pa nito bago ngumiti sa akin at umalis kasunod ang dalawang sakristan. “Ano ka ba namang bata ka!” naghihisterikal na saad ni Sister Helen, hindi pa ito magkamayaw na ilabas ang panyo sa kaniyang bulsa at gamitin iyon pampunas sa mga luhang hindi ko manlang napansin. “William is really a jerk, Tal. He isn't worth it, don't cry okay?” litanya ni Kelly at hinimas himas ang likuran ko. Pinisil ko ang kamay ni Isabelle na humawak sa akin at tumango ako rito. Pinunasan ko pa muna ang luha sa pisngi ko bago nagsalita. “Hindi, baka na-traffic lang si William. I-I will wait for him, I know he will come. There's no way he would miss our wedding,” saad ko sa kanila at saka pagak na tumawa. “P’wede bang pahiram muna ng phone mo, Bea? I’m going to call him. Maybe William is just pranking me. I know that he will just surprise me like he always do.” I know. I know— I felt Beatrice's hand caresses my cheek. As if like a trigger. Kumawala ang mga hikbi mula sa aking lalamunan. Kung hindi siguro niya ako nahawakan ay baka nabuwal na ako sa kinatatayuan ko. Niyakap niya ako. Hinayaan ko lamang ang sariling umiyak nang tahimik sa balikat niya. “We’re just okay last night. Tumawag pa siya sa akin kagabi. H-He told me that he can't wait to be with me. That he can't wait to build our family,” nabasag ang boses ko nang sabihin ko ang huling mga katagang iyon. Pinaupo ako ni Bea at sinubukang pakalmahin. Habang sila Isabelle naman ay pinapupunta na ang mga bisita sa reception. “Should I take you home?” pagtatanong niya. Naging matigas ako. “No. I'll wait for him.” Just like I said, we waited. Lumipas ang isang minuto, isang oras, dalawa, tatlo . . . Hanggang sa wala na halos mga bisita ang naiwan sa simbahan at nagsimula ng tanggalin ng team ng organizer ang mga palamuti sa mga upuan. Maging si Isabelle at Kelly ay nauna nang pumunta sa reception. Nagkasalubong ang paningin namin ni Beatrice. “I know you're tired, Bea. Sumunod ka na kila Isa.” “No, I told you sasamahan kita sa paghihintay sa gagong iyon.” Umiling siya kaya naman sa huli ay ako na ang sumuko. Gamit ang namamaos na boses ay nagwika ako sa kaniya. “Ayos na. Hatid mo na lang ako.” Buong biyahe ay tahimik lamang naming narating ang Casa De Gustavo's. Para akong binugbog nang makababa ako sa kotse ni Beatrice. Balak pa niya sana akong samahan ngunit hindi na ako pumayag. Nang makarating ay kaagad kong hinanap si Michelle. “Michelle!” hiyaw ko. Hindi naman ako nahirapang hanapin siya sapagkat nadatnan ko siyang nakaupo sa living room. “I know how pitiful you are, my dear. But, you don't have to scream like an idiot.” Hindi ko pinansin ang sinabi niya at sa halip ay galit siyang tiningnan. “Anong ginawa mo? Anong ginawa mo kay William?!” Humarap siya sa akin, tumayo siya at saka ako pinakatitigan. “I didn't do anything, Mortala. You know that if I did! You wouldn't be standing here! Hindi ba’t mas pinili mo ang lalaking iyon kaysa sa pangarap mo? You could’ve been in New York! You could’ve been the celebrity that I wanted you to be!” “That wasn't my dream! That was yours!” Nag-eecho ang aming pagsisigawan sa loob ng mansion. Kaagad akong nanliit nang makitang nakatunghay sa amin ang mga katulong na tila ba ay nanonood lamang ng sine. Inis ko siyang nilampasan at lumabas sa hardin. Marahas akong bumuntong hininga pilit kinakalma ang sarili. Makalipas ang minuto ay na-realize ko na lamang na naglalakad na ako patungo sa kubo na palaging tambayan namin ni Mortishia. Dinala ako ng mga paa ko sa loob noon na kaagad ko ring pinagsisihan. Napamulagat ang mga mata ko. I tried walking back. Ngunit nasagi ko ang isang gitara dahilan ng paglikha noon ng tunog. “M-Mortala?” Nagtaas baba ang dibdib ko, pilit hinahabol ang hiningang tila ay lumalayo sa akin. “Pinatay niyo na lang sana ako,” halos bulong kong saad habang malungkot na nakatingin sa dalawang taong nasa harapan ko. There, was my twin sister Mortishia along with my supposed to be husband William. Nasa ibabaw sila ng paborito kong kama, walang saplot tanging ang kumot lamang na regalo ko pa noon kay Mortishia. “Bakit naman ganito?” Itinakip ko ang dalawang kamay sa mukha ko. “Bakit ngayong araw pa? Bakit sa araw pa mismo ng kasal natin?” Hindi magkamayaw si William sa pagsusuot ng kaniyang pants. Hindi na nga niya iyon na-zipper at patakbong lumapit sa akin at binalak akong hawakan ngunit lumayo ako. “Tangina naman oh,” pagmumura ko at pilit na pinigilan ang pagbagsak ng mga luha. Hindi ko na iyon napigilan pa nang magising at bumangon si Mortishia. “T-Tal? What—I-I-this—this isn't what you think it is, Tal.” Ang nanghihina kong mga tuhod ay tuluyang bumigay. Hindi ko na inisip pa na nagmumukha na akong nababaliw nang sarkastiko akong tumawa kahit pa walang tigil ang mga luha ko. Galit kong ibinato ang nadampot kong babasaging figurines dahilan ng pagkabasag noon. “Mortala!” Sinubukan akong daluhan ni William ngunit itinulak ko lamang siya. “Ang gandang gift naman nito. Seems like, nauna na kayong mag-celebrate. ” Tumingin ako diretso kay Mortishia. “Too bad, I’m really hoping for today. Happy birthday to the both of us, Mortishia.”Napakurap-kurap ako at sa pagkakataong iyon ay napatingin naman kay Cadrus. Masama na ang tingin nito kay Pete. “A—” Naputol ang dapat na sasabihin ko at bago pa man ako makapagtanong ay nahila na ako ni Cadrus paalis. Hindi patungo ang daan namin sa Hotel kaya naman nagtaka na ako. “Saan tayo pupunta?” He didn't answered my question nor did he gave me a glance. Isang gawa sa kahoy na upuan ang hinintuan namin. Katapat lamang ng pangpang kung saan humahampas ang Kalmadong alon. “Why are you there with him?” panimula niya. Nagsalikop ang dalawang braso ko at saka siya pinakatitigan. “Nagkataon lang na nagkita kami roon. Malay ko ba namang kapatid mo pala ang lalaking—teka nga. Bakit ba ’ko nagpapaliwanag sa ’yo?” Tumaas ang isang kilay niya. “Dapat galit ako sa ’yo kasi pinaghintay mo ’ko ng matagal doon. At isa pa, hindi ako ang nangiwan sa ’yo. Ikaw ang nagsabing mauna na ako hindi ba?” Nagbago ang ekspresyon niya, ngayon ay salubong na naman ang kaniyang kilay. “I did not.”
I saw how Harry looked at his phone, after that glances at me, sighed, then looked at his phone again. “It’s okay, Harry. Tara na pagod na rin ang katawan ko sa biyahe.” It's been half an hour since we waited here at the car. Hindi pa rin lumalabas si Cadrus sa boutique, at kasama pa rin niya iyong babaeng nakita ko kanina sa fitting room. Alam kong nag-text na sa kaniya si Cadrus na mauna na, but maybe he wanted to consider me. O siguro hindi lang siya makahanap ng tyempo para sabihin sa akin. Harry started the engine. He then maneuver the car and drove away from the boutique. Wala naman akong pakialam kung sino ang babaeng iyon. Mas lalong wala akong pakialam kung anong relasyon nila ni Cadrus. I won't ask. I won't. “Who is that girl?” Napatingin sa akin si Harry mula sa rear view mirror dahil sa naging pagtatanong ko. Hindi siya sumagot at nanatiling tahimik. “Ayos lang, hindi mo kailangang sagutin,” pagbawi ko. Why am I even asking? Syempre isa ang babaeng iyo
“You ready?” “No.” “Then get ready,” “I don't want to.” Mababanaag sa mukha ni Cadrus na hindi niya nagustuhan ang isinagot ko sa kaniya. Ang mga kamay niyang nakapasok sa kaniyang bulsa ay kaniyang inilabas matapos noon ay pinagsalikop niya ang kaniyang braso. “Don’t make me drag you out of there,” pagbabanta niya at saka sumandal sa hamba ng pintuan. “Ayoko. Ayoko. Ayoko.” Inirapan ko siya at sa halip na bumangon mula sa pagkakahiga ko sa aking kama ay nagtalukbong lamang ako ng kumot. It's been a week now since I worked under him as his secretary. Palagi lamang namang nakatunganga ang routine ko sa kumpanya niya kung paminsanan ay inuutusan niya akong mag-staple ng mga papers niya maliban doon ay wala na. Ewan ko ba kung h-in-ire niya lamang talaga ako para maging display doon. Pinakiramdaman ko ang paligid nang walang kahit na anong marinig na response mula kay Cadrus. Nanatili ako sa loob ng kumot.“Did he left?” Dahan-dahan kong ibinaba ang kumot na nakatalukbong sa aki
“Mortishia?” Sinubukan kong tumalikod ngunit mukhang namukhaan na niya ang kakambal ko. Laking pasalamat ko na lamang sa suot kong make-up at hindi niya ako nakilala bilang si Mortala. I still can't face him, but Mortishia wouldn't do the same. “Ikaw nga, Mortishia!” aniya at saka lumapit sa akin. Sinubukan ako nitong yakapin ngunit gumilid ako dahilan para muntikan na siyang matumba. Hanggang ngayon ay hindi pa rin nawawala ang galit sa dibdib ko dahil sa ginawa nila sa akin ng kakambal ko. “I didn't see you. I'm sorry,” may gigil na saad ko at pilit na ngumiti ngunit kahit anong gawin ko ay nauuwi lamang iyon sa pagngiwi. Inayos niya ang pagkakatayo. “It’s okay. Kumusta ka nga pala?” Tumaas ang isang kilay ko dahil sa itinanong niya. I for so long thought that Mortishia ran away with him. Pero sa naging reaksyon niya ngayon. Mukhang malabo. Did their so-called cheating relationship ended already? “I’m doing good.” Hinawakan ko ang palasingsingan ko at sinadya iyong ipakita s
BONUS SCENE ฅ^•ﻌ•^ฅ• • • [ Yesterday at Cadrus’ Office . . . ] • • •Pumatak ang alas singko. Ang nagtitipang mga daliri ni Cadrus ay nahinto sapagkat tapos na niya ang mga chinecheck na mga plano sa ginagawa nilang food resort. Pinatay niya ang laptop at isinarado iyon. Inimis niya ang mga gamit at handa na sanang umalis sa kaniyang opisina nang mapatigil siya. “Chocolate . . . ” Iyan ang bulong ni Mortala habang ito ay mahimbing na natutulog sa couch. Yakap nito ang kahon na ibinigay niya kanina. “How can she sleep in this position?” Napailing-iling na saad ni Cadrus sa kaniyang sarili. Wala kasing unan si Mortala. Naka-bend ang ulo nitong nakaunan sa kamay ng couch at hindi talaga komportable sa kaniyang pwesto. “Maraming chocolate . . . ” Napahilamos si Cadrus sa kaniyang mukha. Pinipigilan ang sariling tumawa sa mga ibinubulong ni Mortala. Sinulyapan muna niya ang pintuan bago naupo sa lamesita. Sa totoo lamang ay p’wede niyang iwan dito si Mortala at balikan na la
Napakurap-kurap ako dahil sa sinabi niya. Hindi ko kaagad iyon na-proseso at tila ba ay nabingi ako ng pagkakataong iyon. “Pakiulit mo nga. I'll be your what?!” Lumapit siya sa akin habang hindi naman ako nagpatinag at nakatunghay lamang dahil sa laki niya. Nakasunod lamang ang mga mata ko sa kaniya nang hawakan niya ang nakalaylay kong jumper sa aking balikat. “Maria, make her look decent,” he said, clearly ignoring my question. Nalaglag ang panga ko nang talikuran niya ako at muling makipag-usap sa lalaking kaharap niya kanina. I was about to put a fight but Maria pulled me away. “Omg! Madame, ako ang bahala sa look mo! Ikaw ang magiging pinakamagandang secretary!” Sinubukan ko pang kumawala kay Maria ngunit dahil sa laki ng mga muscles niya ay wala akong laban. Walang kahirap-hirap niya akong ipinatong sa kaniyang balikat at kahit labag sa loob ko ay ipinasok niya ako sa kwarto kung saan naroon din ang iba pang maid. Pinagtulungan nila akong hanapan ng isusuot na damit. Mari