Adi's POVKinabukasan ay maaga kaming nagpunta sa mall ni Ahmed kasama sina Ahnwar at Ahzik para bumili ng mga gamit na kakailanganin namin ni Blair at sa mga gamit sa kwartong tutuluyan namin ni Ahmed.May ilang akong nararamdaman dahil halos lahat ng mga taong nakakakita sa amin dito sa loob ng mall ay napapalingon sa amin.Alam ko na rin kung bakit, masyadong gwapo at matatangkad itong mga lalakeng kasama ko na triplets pa. Imposible talagang walang makakapansin sa kanila dahil hindi sa exaggerated ako pero parang mga tao silang inilabas mula sa isang Greek Gods mythology book. May pagkabanyaga ang mga itsura nila at kakaiba ang kulay ng mga mata nila kaya sino bang iignora sa ganitong klaseng mga lalake?Nagmumukha na rin silang mga matataas na pader sa tabi ko habang naglalakad kami sa loob ng mall at naghahanap ng pwedeng kainan. Sa taas akong 5'7 ay walang wala sa akin ang 6'0 feet pataas na mga height nila.Ewan ko lang talaga sa magkakapatid na ito kung ano ang nagustuhan nil
Adi's POVPagkatapos akong patahanin ni Ahmed mula sa pag-iyak ko ay muli na kaming bumalik sa upuan namin sa sinehan. Napansin ko kaagad na wala na sina Kyrie at Trina sa inuupuan nila na ipinagtaka ko."Nasaan na pala sina Kyrie at Trina?" tanong ko kay Ahmed na nakahawak sa isang kamay ko at pinaupo ako nito sa inuupuan nila kanina ni Trina.Nang tumingin ako saglit sa pwesto nina Ahnwar at Ahzik ay pareho lang silang tahimik habang nakatutok ang mga mata nila sa pinapanood nila. Hindi nila kami magawang tignan man lang ni Ahmed at hindi ko alam kung bakit."I told them to leave. They're ruining our day." sagot ni Ahmed saka nito inabot sa akin ang popcorn at drinks na binili namin kanina bago pumasok dito sa loob ng sinehan.Tinanggap ko naman ito at hindi ko mapigilang mapangiti dahil sa wakas ay wala na rin sa landas namin ang Trina na iyon- ay teka, bakit ba ako natutuwa kung pinaalis na siya ni Ahmed?"Pero si Kyrie-""Don't mind them. Let's just finish the movie." pagputol ni
Ahmed's POVI have too many questions to ask, too many problems to solve, and I want to punish those two cretins for what they've done to us. They make our lives miserable and clueless.I have no idea what happened five years ago.Para akong nangangapa sa dilim dahil sa mga katanungan sa isipan ko na hindi ko rin masagot-sagot.Bakit hindi ko maalala ang mga nangyari sa amin noon ni Adi? Kailangan ko talagang makausap ulit si Neymar tungkol sa ginawa nila sa amin ni Leigh limang taon na ang nakakalipas.I investigate alone dahil nagdududa na talaga ako sa kakaibang nararamdaman ko kay Adi at pati na rin kay Blair na mahahalata talaga na malaki ang pagkakahawig sa akin o sa mga kapatid ko. My Mom and Dad confronted me about that noong unang beses palang nilang makita si Blair na dinala noon nila Rica at ng mga kapatid ko sa bahay namin sa birthday celebration ni Danielle. Pati sila ay nagduda nang makita nila ang itsura ng bata.Leigh is our cousin at kamukha niya rin si Blair pero hi
Adi's POVNgayon ay kasama ko si Nikolai at nandito ako ngayon sa bahay nila. Hindi pa umuuwi galing sa klase nila sina Eiselle at Cristina at baka raw gabihin pa ng uwi ang mga ito dahil sa project na ginagawa nila sa school nila.Si Nikolai ay day-off ngayon sa pasok nito sa trabaho kaya ngayon ay may libre siyang oras para makausap at makasama ako. Sinabi ko na rin sa kanya ang lahat ng mga kaganapan sa buhay ko at pati na rin na sinagot ko na sina Ahnwar at Ahzik mula sa panliligaw nila sa akin."Ayos lang ba kay Sir Ahmed na jowa mo na 'yung dalawang kapatid niya?" tanong ni Nikolai habang abala kami sa pagkain ng halo-halo na nabili niya sa labas lang ng bahay nila."Ayos lang naman siguro. Hindi niya ako kinakausap tungkol doon saka 'yon nga, may sarili na kaming kwarto ni Blair at doon na lang namin inilagay ang mga furnitures na binili namin sa mall." sabi ko naman habang kumakain rin ng halo-halo.Inamin ko na kay Ahmed na boyfriend ko na sina Ahnwar at Ahzik. Wala siyang na
Adi's POVNgayon ay hindi ko magawang tingnan ng diretso si Ahmed na kanina pa nakatitig sa akin. Masyado akong nai-intimidate sa kanya sa tuwing nakakasama ko siya dahil siya iyong tipo ng lalake na parang ang hirap abutin o pakisamahan hindi gaya nina Ahnwar at Ahzik na madali kong makausap ng kaswal at normal.Maaga pa lang ay dinala na ako ni Ahmed dito sa isang Amusement Park. Hindi ko alam kung bakit bigla nalang niya akong dinala rito gayong may pasok pa ito sa trabaho niya pero mukhang nagleave siya ng isang araw dahil sina Ahnwar at Ahzik ay maaga ring umalis kanina para pumasok sa trabaho nila.Nasakyan na namin ni Ahmed ang lahat ng rides dito sa Amusement Park at ano pa ba ang aasahan kong iaasal niya? Hindi na talaga bago sa kanya ang pagiging tahimik niyang tao."Did you enjoy here?" biglang tanong ni Ahmed na ngayon lang ulit nagsalita kaya ngumiti at tumango naman ako sa kanya."Mas maganda sana kung kasama rin natin si Blair para mag-enjoy siya dito." sabi ko."It's o
Adi's POV"Tama ba 'tong naririnig ko? Boyfriend mo na si Ahmed?" gulat at hindi makapaniwalang sabi ni Ahnwar habang nakatingin sa amin ni Ahmed ng masama."Tama tayo ng narinig, bro, at ang kapatid natin na sa una ay wala raw gusto kay Jianna ay sumasalisi na pala habang nagpapaka-busy tayo sa trabaho natin. Wow!" nakangisi ngunit may bahid ng pagkainis naman na saad ni Ahzik.Alam ko na ito ang magiging reaksyon nina Ahnwar at Ahzik kapag inamin namin ni Ahmed sa kanila na magkarelasyon na kami. Kahit ako nga ay hindi rin makapaniwala sa nangyayaring ito pero pursigido talaga si Ahmed sa akin at ayaw na niyang bawiin ko ang sinabi ko sa kanya na boyfriend ko na siya."If there's one of us who deserves Adi, it's me; I'm Blair's biological father, and I've loved Adi since the first time I saw her five years ago." seryosong ani Ahmed dahilan para kumalabog ang puso ko.Hindi na siya nahihiyang sabihin ang nararamdaman niya para sa akin kahit pa sa mga kapatid niya o sa harap ng pamily
Adi's POVNatuloy ang family date naming apat at nagpapasalamat ako dahil hindi nag-aaway ang triplets ngayong araw na ito. Behave lang sila habang nililibot namin ang iba't-ibang pasyalan sa Maynila. Hindi rin mawawala kay Blair ang pag-anyaya niya sa Jollibee na hindi pupwedeng tanggihan ng mga Dada niya.Hindi pa man totally natatanggap nina Ahnwar at Ahzik na boyfriend ko na rin ang kapatid nilang si Ahmed ay nakikita ko namang pilit nilang iniintindi ang sitwasyon namin ngayon. Kahit ano pa man kasing gawin nila ay ama pa rin ni Ahmed si Blair at may karapatan talaga ito sa amin, idagdag pang mahal na rin ako ng kapatid nila katulad rin ng nararamdaman nila para sa akin.Hindi na mabitawan ni Ahmed si Blair at nang ipinasa ito kanina ni Ahzik sa kanya ay hindi na niya hinayaan pang kargahan ito ng mga kapatid niya. Iniintindi ko nalang ang nararamdaman ni Ahmed at alam kong medyo galit rin siya dahil kasama pa namin sina Ahnwar at Ahzik sa family date namin.Nagpunta kami sa Mani
After 3 years...Aliyah's POV (Adi)Nandito ako ngayon sa may ilog kasama ang best friend kong si Gelyn at naglalaba kami ng mga labahin na naipon namin nang halos isang linggo. Mas marami nga lang akong nilalabhan dahil nilabhan ko na rin ang mga damit ni Francis, pati ang mga damit na ginagamit niya sa pagtatrabaho sa talyer ay nilabhan ko na rin."Best, hindi ka ba talaga papayagan ni Francis na pumunta sa bayan mamaya? Sayang naman at may kainin at program na magaganap doon. Fiesta pa man din dito sa San Mariano." sabi ni Gelyn habang nagkukusot ito ng mga damit niyang de kolor."Kilala mo naman 'yung asawa ko, Gelyn. Hindi 'yon papayag na umalis ako hangga't hindi rin siya kasama." malungkot ko namang sabi na ikinailing nalang ni Gelyn."Hay nako, Aliyah! Sa sobrang bait, ganda at sexy mo ay masyado nang naging super possessive 'yang asawa mo. Ilang taon ka na ba? 24 ka pa lang, hindi ba? Kahit mag-asawa na kayo ay kailangan mo pa ring ilibang 'yang sarili mo at hindi 'yung palag