LOGINFor years, Olivia has been holding on to a marriage that exists only on paper. Kahit paulit-ulit siyang nasasaktan sa pagiging malamig ni Daniel, umaasa pa rin siyang balang araw ay mamahalin din siya nito. She gives everything to their marriage, hoping he will choose her someday. But one night, everything changes. During Daniel’s birthday celebration, Olivia feels dizzy after drinking something suspicious. She begs her husband to take her home, but Daniel refuses, leaving her alone in a hotel room. Later that night, believing the man beside her is Daniel, she finds comfort in someone she thinks has finally come back for her. Hanggang sa sumapit ang umaga at mabunyag ang isang katotohanang hindi niya inaasahan. The man in her bed is Alexander—the awkward, nerdy boy her parents once arranged for her to marry, her childhood fiancé, and the man she abandoned years ago. But Alexander is no longer the shy boy she remembers. He has become a powerful billionaire. And now, he’s back. Hindi pa man nakakabawi si Olivia, isang mas masakit na katotohanan ang naghihintay sa kaniya. Daniel has agreed to a marriage arrangement with Alexander for a ten-billion-peso deal. After years of trying to win her husband’s love, Olivia discovers that Daniel is willing to trade her future to save his company. Now, Olivia must face the past she once ran away from and deal with a billionaire. Will she become nothing more than a condition in a ten-billion-peso deal, or will she finally find the courage to take control of her destiny? Because this time, Alexander isn’t simply asking for a second chance. He’s making a ten-billion-dollar deal for the runaway bride who once broke his heart—and he has no intention of letting her run away again.
View MorePagdating ni Olivia sa bahay napansin niya ang kotse ni Daniel sa driveway, at nang maisip niyang nandoon ang kaniyang asawa ay saglit niyang naisip na umikot na lang pabalik.Puwede siyang magpalipas ng ilang oras sa kahit anong café, maglakad-lakad sa mall, or mag-stay muna sa loob ng kotse hanggang sa makahanap siya ng sapat na lakas ng loob para harapin ito, pero hanggang kailan ba siya tatakbo?Pagod na siyang mabuhay sa gitna ng mga tanong, at pagod na siyang magkunwaring maayos ang lahat, kaya kung may mga bagay mang kailangan niyang marinig, mas mabuting manggaling ang mga yun mismo kay Daniel.Huminga siya nang malalim bago tuluyang bumaba ng kotse.Pagpasok niya sa sala ay nakita niya si Daniel na may kausap sa cellphone, nakatalikod sa kaniya at abala sa paglalakad pabalik-balik sa harap ng sofa."I'm telling you, we need to settle this before she finds out—"Natigilan ito nang makita siya, at mabilis nitong ibinaba ang tawag."Olivia. You're home."Tinitigan niya ang kani
Hindi alam ni Olivia kung alin sa lahat ng nalaman niya ang mas masakit tanggapin, ang katotohanang ipinagpalit siya ng sarili niyang asawa kapalit ng isang ₱10-billion project, o ang posibilidad na ang pagkamatay ng kaniyang mga magulang ay hindi pala isang simpleng aksidente.Magdamag siyang hindi nakatulog, at paulit-ulit na bumabalik sa kaniyang isip ang mga sinabi ni Alexander, lalo na ang babala nitong hindi lang si Daniel ang lalaking nagtraydor sa kaniya.Ngayong nakatitig siya sa screen ng kaniyang cellphone, hindi niya alam kung dapat ba niyang sagutin ang mensaheng ipinadala nito.I'm sending a car for you at nine. We need to talk.Pumikit siya at napabuntong-hininga.Eksaktong alas-nuwebe nang makarating si Olivia sa opisina ni Alexander, at pagbukas pa lang ng elevator ay sinalubong na siya ng assistant nito at agad na inihatid sa executive office.Nakatayo si Alexander sa harap ng malalaking bintana, nakasuot ng dark blue na suit na lalong nagpapakita ng matipuno nitong
Hindi na nagsalita si Alexander matapos niyang iabot ang kontrata kay Olivia. Tumayo ito, inayos ang manggas ng kaniyang suit, at lumakad palabas ng receiving room na para bang wala itong iniwang pasabog sa gitna ng bahay na yun.Naiwan si Olivia na hawak ang mga papeles, at habang binabasa niya ang bawat pahina ay nanginginig pa rin ang buong katawan, kahit hindi naman niya kailangang maging abogado para malaman ang pinakamahalagang bahagi ng kontrata.Sa ibaba ng huling pahina ay may nakapirmang pangalang kilalang-kilala niya.Ang pirma ni Daniel.Ilang taon na niyang nakikita ang pirmang yun sa mga dokumentong ipinapasa sa kaniya ng asawa, pero ngayon lang niya naisip kung ilang beses na ba siyang pumirma, umoo, at nagtiwala nang hindi man lang tinatanong kung ano talaga ang nakasulat sa mga papel.Hindi siya umiyak, at yun ang pinakanakakagulat sa lahat, dahil akala niya ay babagsak siya at hindi na makakabangon sa sandaling malaman niyang ipinagpalit siya ng sarili niyang asawa k
Pagkauwi ni Olivia sa bahay, diretso siyang pumasok sa banyo at binuksan ang shower, at nang bumuhos sa kaniyang katawan ang malamig na tubig ay paulit-ulit niyang kinuskos ang sarili na para bang may paraan para mabura ang lahat ng nangyari last night."Hindi dapat nangyari yun..."Sandali siyang natulala, napahawak sa dibdib dahil sa sakit na naramdaman niya roon, isang sakit na hindi nagmula sa nangyari sa hotel kundi sa isang bagay na unti-unti niyang naiintindihan habang tumatagal.Nasaan si Daniel kagabi?Bakit hindi ito bumalik sa silid na ipinangako nitong babantayan siya?At bakit nakapasok ang isang estranghero sa kuwarto?Paglabas niya ng banyo, agad niyang ipinatawag ang mga kasambahay, at kahit pilit niyang pinapanatiling kalmado ang boses niya ay halata pa rin ang panginginig nito."Umuwi ba si Sir ninyo kagabi?"Nagkatinginan ang mga ito bago sumagot ang isa."Hindi po, Ma'am."Natigilan si Olivia."Are you sure?""Opo, Ma'am. Hindi po siya umuwi buong gabi."Kung hindi


















Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.