The Triplets Addiction

The Triplets Addiction

By:  Ajai_Kim  Completed
Language: Filipino
goodnovel18goodnovel
10
4 ratings
47Chapters
15.1Kviews
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
Leave your review on App

Jianna also known as Adi is a single mother who became pregnant at the age of 16. Dahil tinakbuhan ng ex-boyfriend niya ang responsibilidad nito bilang ama ni Blair ay mag-isa niyang itinaguyod at pinalaki ang kaniyang anak sa tulong na rin ng ina at ng dalawa niyang kapatid na lalaki. While she is busy working in the supermarket where she has been employed ay makikilala niya doon ang Dela Vega triplets na sila Ahmed, Ahnwar, at Ahzik. Nagpakita kaagad ng interes sa kanya sina Ahnwar at Ahzik, samantalang si Ahmed naman ay para yatang pinaglihi sa sama ng loob dahil hindi maganda ang pakikitungo nito at palagi pa siyang sinusungitan. But Ahmed is different from his two brothers in that he appears familiar to her but can't recall where or when, and she is more intrigued and her heart skips a beat whenever she sees him. Ahnwar and Ahzik were determined to court her, whereas Ahmed hates her, at dahil na rin sa may gusto sa kanya ang best friend nitong si Kyrie na bago lang niyang nakilala. When she met the Dela Vega triplets, their lives were turned upside down and some secrets were revealed. As time went on, they also grew more dependent and addictive on her. Malalampasan ba nila ang lahat ng pagsubok at magkakaroon pa rin ba sila ng happy ending kung may mga taong masasaktan, magsasakripisyo, at lalaban sa kanilang tadhana?

View More
The Triplets Addiction Novels Online Free PDF Download

Latest chapter

Interesting books of the same period

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Comments

user avatar
coolkid27
Ang galing ng nagsulat. Rollercoaster emotions ang binibigay mo sa story
2024-01-12 17:57:30
0
user avatar
Parikoy _
good storyline and twist
2023-11-23 10:27:06
0
user avatar
Ajai_Kim
Hello! This is Ajai_Kim. I hope you will support all of my poly stories. Thank you! :)
2023-11-05 10:37:37
7
user avatar
Ajai_Kim
Hello! This is Ajai_Kim. I hope you will support all of my poly stories. Thank you! :)
2023-11-05 10:37:23
5
47 Chapters

Prologue

Hindi ko alam kung napaparanoid lang ba ako pero ramdam ko na tatlong araw na akong sinusulyapan at sinusubaybayan dito sa Supermarket na pinagtatrabauhan ko ng tatlong gwapong mga triplets na iyon.Kanina pa rin sila sinisipat at tinitignan ng mga tao sa loob ng Supermarket sa tuwing napapadaan ang mga ito sa harapan nila.Sino ba namang hindi makakapansin sa triplets na ito? Bukod sa magkakamukha ay mga gwapong mestisuhin rin ang mga itsura. Kapansin-pansin rin ang tangkad nila na sa tantiya ko ay mga nasa 6 feet above ang taas; maganda rin ang built ng pangangatawan ng mga ito at may nakakaakit na mga mata.Magkakamukha man ang tatlong triplets ngunit alam kong iba-iba rin ang personalidad ng mga ito.Iyong dalawang triplets ay masayang nag-uusap sa tabi habang ang isa naman sa triplets na may blue-grayish na mga mata ay ni hindi ko mabakasan ng ekspresyon sa mukha at may malamig itong tingin sa akin.Nakatingin siya sa akin!Kaagad kong iniwas ang tingin sa gwapong nilalang na ito
Read more

Chapter 1

Adi's POVMahirap maging batang ina. 16 years old pa lamang ay maaga na akong namulat sa responsibilidad bilang isang ina. Tanging puso lang ang pinairal ko noon at hindi na naisip ang pamilya kong umaasa sa akin makapagtapos lang ako ng pag-aaral hanggang sa kolehiyo at makakuha sana ng magandang trabaho.Bugso ng damdamin.Masyado akong nagpadala rito at hindi na inalala ang mga negatibong komento tungkol sa ex-boyfriend ko noon na ama ng anak kong si Blair na si Leigh Davidson.Si Leigh ay high school classmate ko noon. May lahi itong half German at German ang Dad nito kaya mestiso ito, may kulay abuhing mga mata, matangkad at sige na nga, gwapo siya! Kumbaga sa balikbayan box ay all in one package na.Iyon nga lang ay ubod ito ng pagkababaero. Tanging magagandang babae lang ang nagiging girlfriends nito sa school namin at hindi naman niya siguro ako papatulan kung hindi ako maganda, hindi ba? Ako kaya ang Muse representative ng buong school noon at pambato sa mga pageant.Si Leigh
Read more

Chapter 2

Adi's POV"Ang kapal naman ng apog ng lalakeng 'to, Ate Adi! Pagkatapos niya kayong iwanan ni Blair at takbuhan ang responsibilidad sa inyo ay bigla na lang siya magcha-chat nang ganito?" gigil na sabi ni Haru habang paulit-ulit na binabasa ang chat ni Leigh kagabi sa messenger ko."I-block mo 'yang lalakeng 'yan, sa oras na bumalik pa siya sa Pilipinas at guluhin kayo ni Blair ay ako ang makakalaban niya." seryoso at madiin namang sabi ni Kuya Hideyo habang inilalagay ang mga damit niya sa loob ng itim niyang backpack.Alam kong nagagalit si Kuya Hideyo sa biglaang pagpaparamdam sa akin ni Leigh ngunit kinokontrol lang nito ang emosyon niya. Malaki ang galit niya kay Leigh simula nang iwanan ako nito."Opo, kuya." sagot ko at napabuntong-hininga na lang.Hanggang ngayon ay binabagabag pa rin ako ng chat ni Leigh. Paano kung magbalik siya na posible ngang mangyari? Paano kung guluhin niya ako at maging pati si Blair? At paano kung bigla niya itong bawiin sa akin?Hindi ako makakapayag
Read more

Chapter 3

Adi's POV"Harley Ruvin." madiin kong pagtawag kay Haru nang sinundo ko ito sa basketball court kung saan ay kalaro niya ang best friend niyang si Noah at ang iba pa nilang mga kaibigan.Nabaling ang tingin sa akin ng mga kaibigan ni Haru habang siya ay mukhang naiinis sa biglang pang-iistorbo ko sa laro nila."Ano ba 'yon, ate? Nakita mo namang naglalaro pa kami, e!" naiinis niyang sabi nang lumapit ito.Mahina kong piningot ang tainga niya at ang damuho ay umaaray pa na parang masakit ang pagkakapingot ko."Hoy! Anong oras na? 8:00 p.m na ng gabi pero hanggang ngayon ay naglalaro ka pa rin sa court. Wala ka bang balak kumain, ha?" masungit kong sabi at si Haru ay nagkamot ng batok."Kakain naman ako mamaya pero naglalaro pa kasi kami. Halika nga dito, Noah at i-explain mo kay Ate Adi na may sasalihan tayong liga sa kabilang baranggay," sabi ni Haru at pinalapit nito si Noah na nagpeace sign lang at ngumiti ng napipilitan."Tama si Haru, Ate Adi. May sasalihan nga kaming basketball g
Read more

Chapter 4

Adi's POVSaktong 6pm nang matapos ako sa duty ko sa trabaho. Si Nikolai ay 30 minutes early bird at maaga niya akong sinusundo sa Supermarket na pinagtatrabauhan ko. Kanina pa siya pinagtitinginan ng mga kasamahan kong babae sa trabaho kabilang na si Iska na nagkandahaba-haba na ang leeg dahil kanina pa lumilingon sa kinaroroonan ni Nikolai.Nakapwesto malapit sa ATM machine si Nikolai at nakasandal pa rito na parang model ng BDO ATM machine. Napapatingin halos ang mga taong napapadaan sa harapan niya. Head turner talaga ang mokong na 'to kaya masyadong bida-bida sa sarili kung minsan."Sure ka bang hindi mo jowa 'yan, Adi? Ang gwapo naman nyan! Mukhang koreano pero daks!" malanding bulong ni Iska kaya pinandilatan ko siya ng mata."Lalake rin ang hanap niyan kaya wala kang pag-asa dyan." sabi ko habang natatawa. Panigurado na kapag narinig ni Nikolai ang sinabi ko kay Iska ay baka mabatukan lang ako nito.Biglang lumungkot ang mukha ni Iska at ngumiwi ito. "Gano'n ba? Sayang naman a
Read more

Chapter 5

Adi's POVSa mga sumunod na araw ay naging payapa naman ang buhay ko. Hindi ako ginugulo ni Leigh kahit alam kong nandito pa rin siya sa Pilipinas, pero hindi pa rin panatag ang loob ko, naaalala ko ang huling sinabi niya sa akin na kukunin niya kami ni Blair. Hindi ako makakapayag roon at kahit kailan ay hindi na ako babalik sa kanya.Nang malaman ni Kuya Hideyo na nagpunta sina Leigh at Laarni sa bahay ay hatid-sundo na niya ako sa trabaho ko. Minsan kapag may oras si Nikolai ay siya rin ang naghahatid-sundo sa akin. Alam kong pinoprotektahan lang nila ako at baka bigla na lang sumulpot kung saan si Leigh at dukutin ako.Ang lalakeng iyon talaga! Wala ba siyang katiting na konsensyang nararamdaman matapos niya akong iwanan at itanggi si Blair bilang anak niya? Sinabi nga niyang ipalaglag ko ang bata pero hindi ko iyon ginawa. Kung umakto siya ngayon ay parang wala siyang naging kasalanan sa amin. Limang taon ang lumipas pero hindi pa rin siya nagbabago. Wala na talagang pag-asa ang
Read more

Chapter 6

Ahnwar's POVIt's been 3 days pero hanggang ngayon ay hindi pa rin kami tumitigil sa kakamasid kay Supermarket girl na nakakuha ng atensyon namin ni Ahzik. We noticed her the day we saw her outside the supermarket while her boyfriend or whoever the fucktard he is kissed her temple.Ahzik and I were captivated by her beauty and light aura. Sa loob ng tatlong araw naming kakamasid at kakasulyap sa kanya mula sa malayo ay nakikita namin na she exudes positivity and joy. Palagi siyang nakangiti. This enhances her beauty and cuteness."Seriously? Na-love at first sight kayo sa babaeng 'yan? You've met a lot of lovely women in this country tapos sa kanya lang kayo nagkakaganyan?" Ahmed said bitterly.He doesn't like the idea na nagiging creepy stalker na kami ni Supermarket girl na maganda, sexy, mahaba at straight ang itim na buhok, may mapupulang labi at nakakaakit na mga mata. Damn the hell! Yes. We've met a lot of pretty and gorgeous girls at our university and workplace, but this girl
Read more

Chapter 7

Adi's POVMabuti na sabado ngayon at rest day ko sa trabaho. Hindi ko muna makikita ang baliw na triplets na iyon na sinabi sa aking manliligaw raw sila (except kay masungit na Ahmed) at wala pang pakialam ang mga ito nung nalaman nilang may anak na ako.Seryoso ba sila? Ano iyon, na-love at first sight sila sa 'kin sa una pa lang? Totoo ba talaga ang ganoon? Hindi ko alam kung pinagtitripan lang ba nila ako o ano pero medyo naniniwala naman ako sa kanila na interesado sila sa akin. Sa ganda ko ba namang ito? Pero seryoso nga, hindi naman siguro sila mang-iistalk ng tatlong araw kung hindi sila nabihag sa alindog ko.Swerte ba ako dahil may tatlong nag-gagwapuhang triplets ang umaaligid sa akin- ay hindi pala dahil iyong isa sa triplets na may blue-grey na mga mata ay ang sungit at sinabing hindi niya ako type. Kung hindi niya ako type e, mas lalong hindi ko rin siya type, no! At sa tuwing naaalala ko ang ginawang paghalik sa magkabilang palad ko nina Ahnwar at Ahzik ay hindi ko mapig
Read more

Chapter 8

Adi's POVDahil birthday ngayon ng nakababatang kapatid nina Ahnwar at Ahzik na si Danielle ay niyaya nila kami ni Nikolai na maki-birthday sa bahay nila. Mukhang kaclose ni Nikolai ang dalawang boss niya dahil nag-uusap at nagtatawanan pa ang mga ito habang nasa loob kami ng kotse ni Ahnwar patungo sa bahay nila.Hindi alam ni Nikolai na nakilala ko na sina Ahnwar at Ahzik mula sa pinagtatrabauhan kong Supermarket kung saan niya ako ni-refer. At hindi ko rin alam na uncle pala ng triplets ang may-ari ng Supermarket kaya kilala nila si Nikolai at boss ang tawag ni Nikolai sa kanila.What a small world! Kilala ni Nikolai ang magkapatid sa triplets na sinabing liligawan daw ako and take note; hinalikan nila ang magkabilang palad ko dahilan para hindi ko na sila mai-alis sa isipan ko."I'm glad we saw you in that mall. Mabuti na lang at naisipan namin ni Ahzik na pumunta sa mall to bought gifts for Danielle's 14th birthday." nakangiting sabi ni Ahnwar kay Nikolai at sandaling sumulyap sa
Read more

Chapter 9

Adi's POVHindi ako halos makatingin ng diretso kina Nikolai, Kyrie, at Ahmed habang nasa iisang table kami kasama ang mga magulang ng triplets na sina Ma'am Rica at Sir Trevor maging pati na ang kadarating lang na mga ama ng iba pang kapatid ng triplets na sila Sir Zian, Wenhan, at Ran.Sinabi ni Ahnwar at Ahzik sa mga magulang niya na nililigawan nila ako. Hindi ko inaasahan na ayos lang iyon sa pamilya nila dahil nag-aalangan ako sa estado ng buhay ko kumpara sa estado ng buhay nila. Nakikita kong tanggap nila ako para sa mga anak nila. Tanggap rin nila kahit may anak na ako. Wala raw kaso sa kanila kung single mother ako. Talagang mabait ang pamilya ng triplets at hindi kami itinuturing na ibang tao nina Blair at Nikolai kahit na lumaki kami sa hirap at hindi mayaman na katulad nila.Kasama pa rin ni Blair sina Yesheem at Sahara. Kakatapos lang nilang maligo sa pool at ngayon ay nasa loob sila ng mansyon para ipakita at ipalaro kay Blair ang mga laruan nilang pinaglumaan noong mga
Read more
DMCA.com Protection Status