Nang gabing iyon, mas pinili ko nalang na magkulong sa kwarto ko.
Sa dulong guest room pinatuloy ni Primo si Selene. 'Yon ang pinakamalaking bakanteng kwarto sa bahay maliban nalang sa kwartong katabi ng kwarto namin. Primo would be staying in between my room & Selene's room. Ni hindi ko na ito pinilit na sa kwarto nalang namin matulog, pagod na ako kaagad pagkatapos ng nangyari.Ni hindi na nga pumasok si Primo sa kwarto namin para kumuha ng damit niyang pantulog pero hindi ko alam kung siya ba iyong pumasok sa kwarto ko sa kalagitnaan ng gabi dahil antok na antok pa rin ako noon nang naalimpungatan at narinig ang mahinang kaluskos. Hindi ko alam kung guni-guni ko lang ba o talagang pumasok siya sa kwarto namin.Gusto kong tawanan nalang ang sitwasyon ko ngayon. Baliw na yata ako at pumayag pa ako sa ganitong set up. Alam kong harap-harapang insulto na 'to sa akin bilang maybahay ni Primo pero ano nga ba ang magagawa ko?Kahit gaano man ka imposible ang mga nangyayari ngayon, I could only cry and try to deal with it. Masyadong matigas tinabagin ang desisyon ni Primo. Kaya siguro sa 3 years kaming kasal ay hindi sapat para maging dahilan iyon para abandonahin na niya ng tuluyan si Selene.I could only look back sa lahat ng pinagsamahan namin ni Primo. Noong kinasal kami kahit sinabi niyang napilit lang siyang pakasalan ako, he treated me with respect. Iyon din siguro ang naging dahilan kung bakit unti-unti akong nahulog sa kaniya noon.Kahit nga ayaw ng mga magulang niya sa akin, naniwala sila kay Primo. Because they believe that he's being reasonable enough to sacrifice himself for a marriage he didn't want. Kaya siguro nakatagal din ako sa pagsasama namin na kahit iba ang trato ng mga magulang niya sa akin kapag may family dinner, he would be by my side as much as he can. At palagi akong na-ta-touch sa ganoong kaliit na bagay. Balewala man 'yon sa kaniya pero sa akin, naging parte 'yon ng malaking kasiyahan ko kasi pakiramdam ko kakampi ko siya.And now, sinusubukan kong panghawakan ang lahat ng bagay na nagpasaya sa akin.Bumaba ako sa dining area para mag-breakfast pagkatapos ng ilang beses kong pagduwal nang magising. Nakapantulog pa ako at hindi na nag-abalang ayusin ang sarili na pinagsisihan ko rin pagbaba ko. Naabutan ko na roon sila Primo, at si Selene na mukhang hindi bagong gising dahil parang may lakad ito habang ako naman ay nagsisi na bumaba man lang na hindi nakapag-ayos.Rinig ang pagbaba ko sa hagdanan dahil sa suot na pambahay na tsinelas. Ni hindi ako tinapunan nang tingin ni Primo. Si Selene naman ay kaagad akong nilingon at nginitian ako."Good morning, Claret." Malaki ang ngisi nito. Blanko lang akong tumingin sa kaniya. Sinubukan kong basahin ang iniisip nito pero hindi ko magawa. One thing for sure, nakakainis ang paraan ng pagtrato nito sa 'kin.Tinapunan ko ng tingin ang plato nito ng walang gana. Tinawag ko si ate Choleng at humingi ng salted crackers at warm milk."Is that healthy for your pregnancy?" Nakuha ni Selene ang atensiyon ko. I only looked at her. At ngayon, interesado ito sa pagbubuntis ko? Kailan niya pa iyon nalaman?"Nalaman ko pala kay Primo na buntis ka. Kaya siguro it's hard for you to sign the papers. Well, sana naman ay makapag-decide ka na as soon as possible. I know naman na Primo will still support your child even if it turns out to be his." Malawak ang ngiti nito. Tumingin siya kay Primo at hinawakan ang kamay nito.Hindi ko alam kung saan nakakuha ng kakapalan ng mukha ang babaeng 'to. Magaling talaga umacting. "Please lang, Selene. Stop acting like you care when all you want is to ruin my marriage."Napasinghap ito, umaktong na saktan sa sinabi ko. "I am only trying to give you comfort and not make it hard for you, Claret. You know it's coming one way or another, right?" Tumingin ito kay Primo at malumanay na ngumiti.Nag-iwas ako ng tingin. Hindi ko alam pero may iba talaga akong pakiramdam sa inaakto ni Selene. Iba naman ang patuloy na sakit sa puso na nadarama ko. Kaya ko ba talagang tiniisin 'to?"Comfort? Sa tingin mo madadala mo ako sa mga pa-sweet talk mo? And not make it hard for me? How, Selene? How? Gayong harap-harapan kang nakadikit sa asawa ko na para bang wala ako sa harapan niyo?" Nagsimulang manubig ang mga mata ko. I tried so hard to breathe deeply to stop bursting into tears."Stop trying to start a fight, Claret. Selene is kind enough to not give you a hard time. Hindi ka naman mahihirapan kung pipirmahan mo ang papeles," Primo ruthlessly said. Nakita ko naman ang paraan ng paghaplos ni Selene sa braso nito na para bang kinakalma ito."Kind enough? Saang banda, Primo? Hirap na hirap ako ngayong pakisamahan kayo pero magtitiis ako! I couldn't let our marriage fail like this! Sana naman alalahanin mo ako at ang anak natin." Tumulo ang mga luha ko. Pagalit kong sinubukang tanggalin ang mga luha sa pisngi. Ayaw kong magmukhang mahina sa harapan nila.Nag-iwas ng tingin si Primo sa akin. "Just leave, Claret, if you're going to cry. I want to eat in peace."Determinado akong manatili kaya pinigilan kong bumuhos na naman ang mga luha. "Ate Choleng, pakiluto naman po noong ginawa niyong spicy noodles." Tawag ko sa kasambahay. It gave me small comfort when I saw ate Choleng. Ngumiti ito sa akin at tinapik ang balikat ko."Are you trying to piss me off, right now, Claret?" Tumingin ako sa madilim na tingin ni Primo.Nakita ko ang nakangusong si Selene at para bang nagsusumbong dito. Ano na naman? Pati ang pagkain ko ng pagkaing bawal kay Selene ay ikakagalit niya rin?"Bakit? Wala na ba akong karapatan para kuman ng anong gusto ko? Nagki-crave si baby ng spicy wala akong magagawa roon, Primo. Hindi naman siya ang kakain, ah? Naapektuhan ba siya kapag nakaamoy lang siya? Selene? Hindi mo naman siguro ikamamatay kung makakaamoy ka ng bawal sa 'yo?"Napaigtad ako nang marinig ang padabog na pagbaba ni Primo sa kubyertos niya. "Claret, just eat your damn food. Kung ayaw mong kasabay kaming kumain, sa kwarto ka kumain. You don't know how hard it is for Selene. Be sensitive.""Be sensitive? Ako pa talaga?! You don't know how hard this is for me too! Ako ba dapat ang mag-adjust? I am your wife, Primo. Hindi pa tayo maghiwalay ng ganito." Pinigilan ko talaga ang sarili na maging emosyonal pero hindi ko talaga magawa.He sighed. "Then sign the papers." He continued eating. Si Selene naman ay parang pagong kung kumain sa gilid niya kung kumain noong dietary meals nito. Pinisil niya ang kaliwang kamay ni Primo sa mesa na para bang kinakalma na naman ito.Bahay namin 'to pero ako ang magtitiis? This is just so ridiculous. Tumayo ako sa kinauupuan. "Ate Choleng, pakidala nalang po ng pagkain ko sa taas. Salamat po." Bitbit ang orange na nakita ko sa center table.I couldn't stay and eat with them. I need to get away from so much stress. Masama iyon para sa baby ko.Third Person's POV(Flashback)18 years ago......Maririnig ang maliliit na hikbi ng isang batang lalake sa isang walang tao na hallway ng hospital. Pinipigilan nitong mapahagulgol dahil sobrang tahimik ng hallway. Siya lang mag-isa roon.Napatigil ang paghikbi nito at dali-daling pinunasan ang mukha gamit ang sarili nitong kamay nang makarinig ito ng mga yapak."Hello... Gusto mo gummy?" satinig ng isang batang babae. Napaangat ng tingin ang batang Primo at nakita ang isang batang babae na nakangiti sa kaniya habang nakalahad sa harap niya ang hawak nitong sachet ng isang kilalang gummy worm brand.Hindi niya alam pero nairita siya sa style ng buhok nito. Nakatirintas kasi at may kataasan."Go away." Taboy ng batang Primo sa batang babae. Nainis siya dahil may umabala sa pag-iisa nito sa hallway."Ayaw ko. Bakit ka muna umiiyak?" Umupo ang batang babae sa bakanteng upuan sa tabi niya. Napaatras n
Third Person's POVKukunin pa sana ng lalaki ang cellphone kaya lang ay may tumuhod na sa sikmura nito.Napadaing ito at kaagad na napahiga sa madilim na kalsada. Hindi pa nga ito nakahinga ay may sumipa na sa kaniya.Pinulot ni Ben ang kwelyo ng hindi pamilyar na lalaki sa lupa at pinahawak ito sa iba pang kasama niyang tauhan sa magkabilang braso nito.Kapos ang hininga ng lalaki at napangiwi sa natamong bugbog."Sinong boss mo?" Mariin na hinawakan ni Ben ang mukha ng lalaki. May hula na si Ben pero gusto niya pa ring marinig sa boses ng lalake ang totoo.Maluha-luha ang kawawang lalaki pero hindi ito sumagot. Sinikmuraan ulit ito ni Ben at sinuntok ng dalawang beses ang mukha ng lalaki.Kaagad itong sumuka ng dugo. Hinila ni Ben ang buhok ng lalake at pwersahan itong inangat. Sinuri niya ang mukha ng lalake.Marahas niyang binitawan ang lalaki na nagpatumba rito sa kalsada. Sinenyasan ni Ben ang ib
Third Person's POVD'Andrea's Family House Sa loob ng study room ng mga D'Andrea ay mag-isa at may kausap sa telepono si Ricardo D'Andrea."Boss, ano pong gagawin pa rito sa alaga niyo?" salita ng isang boses sa kabilang linya."Bantayan niyo lang. Huwag ninyong patayin... Sa ngayon." Madilim ang ekspresyon sa mukha ni Ricardo D'Andrea."Sige, boss. Areglado." Magiliw na reply ng tauhan.Binaba na kaagad niya ang tawag at may tinawagang panibagong numero."Ano? Nakuha niyo na ba?""Yes, boss. On move na po."Niluwagan nito ang suot na necktie at tumayo na sa kinauupuan. Wala na siyang sinayang na oras."I'm coming. Siguraduhin niyong walang nakasunod sa inyo. Hindi pa natin alam kung makakatunog ba ang bubong Montealegre na 'yon." Napangisi si Ricardo.Hindi niya alam kung bobo ba o ano ang bilyonaryong gusto ng anak niya pero hanggang ngayon wala pa ring alam si Primo Monte
Third Person's POVMag-isang bumaba si Claret. Iniwan niya ang kambal sa pangangalaga ni ate Choleng.Kahit ramdam niya ang panlalambot ng tuhod niya ay matapang siyang humarap kay Primo.Hindi makapaniwala si Claret. Hindi man lang siya binalaan nito na magdadala pala ito ng reinforcement mula sa hospital... Para ano? Para may patunayan 'di ba? Hindi man lang ba nito hihingin ang opinyon niya?"Anong ibig sabihin nito, Primo?" bumiyak ang boses ni Claret. Hindi niya pala kayang harapin ang sitwasyon na 'to. Hindi pa nga nagsisimula, wasak na wasak na siya.Tama nga ang sinabi ng katulong, may doctor at isang nurse nga. Napabuntong hininga si Primo at tumingin sa nakakaawang pigura ni Claret. Kita niya ang pagka-down ng babae. "For the paternity test," tipid na saad ni Primo. "No. Ayaw ko, Primo. Hindi ko 'to i-a-allow." Nanatili ang tingin ni Claret kay Primo. Hindi niya pinansin ang ibang tao sa p
Third Person's POVIsang linggo ang lumipas. Mas pinagtutuunan ng pansin ni Claret ang kambal niya. Wala siyang ibang inatupag kundi ang mga anak niya. Gusto niyang maibigay ang lahat ng pangangailangan ng kambal niya... Pero ang bigyan ito ng tatay ay mukhang mahirap.Ni minsan ay hindi nga niya mahagilap si Primo sa bahay nila. Palagi itong busy sa hotel... O baka busy kay Selene...Napabuntong hininga ako at nilapag si Ace sa crib. Tumingin si Claret sa anak niyang si Amelie na gising pa at gumagawa ng maliliit na ingay. Napangiti si Claret at binuhat si Amelie mula sa crib. Pina-dede niya ang anak. Lumapit siya sa vanity table at humarap sa cellphone niyang naka-On."Claret, sure ka bang okay ka pa d'yan? You know I can help you, 'di ba? Kahit ano pa. Ayaw kong mag-suffer ka, Claret." Si Melanie mula sa kabilang linya.Naka-video call ang babae kay Claret. Nasa ibang bansa si Melanie para sa isa
Third Person's POVTwo months ang lumipas bago nakauwi sa tahanan nila sina Claret at ang kambal niya. Hindi naging madali ang lahat.Inabot ng isang buwan bago niya nagawang pa-dedehin ang kambal sa bisig niya. Nagkalaman na rin ang kambal niya kumpara sa nakalipas na dalawang buwan.Malaki ang naitulong ni Melanie at ate Choleng sa pag-alalay kay Claret sa kambal. Mula sa pagpapatulog sa mga ito, sa pag-alaga at sa pagpapa-dede minsan sa mga na-pump na breast milk ni Claret.Mahirap talagang mag-alaga ng newborn baby lalo na at kambal pa ang kaniya. Halos walang tulog si Claret. Masakit pa nga ang tahi sa tiyan niya pero patuloy ang paggalaw niya.Hindi niya rin malubayan ang kambal dahil palagi niyang nasa bisig ang dalawa. Feeling her twins skin to skin is their bonding.Nakakatulog ng mahimbing ang kambal kapag ramdam nila ang balat ng nanay nila. Kaya gano'n nag ginagawa ni Claret bago nilalagay ang kambal sa sarili ni
Third Person's POVTahimik na nakatayo si Primo sa labas ng NICU. Nakatuon ang atensiyon niya sa bagong pasok na nurse at tumingin sa incubator kung nasaan ang kambal ni Claret.He was in deep thoughts. Ang liit ng dalawang baby. Ang balat ng mga ito ay pink. He felt sorry for the babies. Hindi niya mawari kung bakit ganito ang nadarama niya. "Mr. Montealegre, sa ngayon ay hindi pa pwedeng pumasok at mahawakan ang twins." Hindi naramdaman ni Primo ang presensiya ni Doctor Romero na dumating at tumabi sa kaniya. Nakatingin din ito sa kambal.Sinulyapan ni Primo ang doctor. Kunot ang noo niya. "I'm not asking."Nagkibit-balikat ang doktor. "Sana pag-isipan mo ng mabuti ang kapalaran ng pamilya mo ngayon, Mr. Montealegre. You have a beautiful family. I hope you won't ruin it for something shallow..." Kimi ang ngiting binigay sa kaniya ng doktor at iniwan na siya doong tulala. For something shallow? Anong mababa
Third Person's POV Sa awa ng Diyos, maayos na nakarating sa hospital sina Claret. Hindi naman masyadong masakit ang naramdaman niyang contraction sa unang isang oras simula noong pumutok ang panubigan niya.Dinala ni ate Choleng ang labor bag na noong nakaraang buwan pa na pinaghandaan ni Claret. Hindi inaasahan ni Claret na sa kalagitnaan pa ng gabi siya manganganak.Nagsisimula na siyang mangamba para sa kambal niya. Pre-mature pa ang kambal niya. Magiging maayos kaya ang panganganak niya? Mabuti nga at kumalma na si Melanie. Si Primo naman ay tahimik lang at may tinatawagan. Mas nataranta pa ang dalawa kaysa sa kaniya.Hindi na makapag-focus pa si Claret sa kanila dahil panay ang hilab ng tiyan niya every other 10 minutes. Ginagawa niya ang breathing exercises na sinaulo niya."Yes, nandito na kami. Si tita, Selene? Please tell her. Yes.... Yes. I'll be waiting," ani Primo na busy pa rin na nakatuon sa tawag nito.N
Third Person's POV"Para rin sa kambal mo, Angelique. Pag-isipan mo, anak. Nandito lang ang mama mo para suportahan ka. Huwag kang matatakot. Aalalay ako sa 'yo, anak. Sa abot ng aking makakaya."Iyon ang huling sinabi ng mama ni Claret bago ito umalis kasama si Selene. Ilang linggo na rin ang lumipas simula noon.Kung puwede lang, hindi na makikipag-usap pang ulit si Claret sa mama niya. Masisiraan talaga siya ng bait dito. Hindi na niya kayang i-deal ang mga pinagsasasabi nito.Susuportahan daw siya? Eh hindi nga nito kayang respetuhin ang desisyon niya? Aalalay rin daw? Ginigitgit na nga siya nito na mas nakabubuti raw sa kaniya na ibigay nalang daw ang asawa niya sa kapatid niya? Ano si Primo, bagay na maipapamigay niya? May sariling pag-iisip 'yong tao. Hindi na nga yata kailangan na ibigay niya ito rito dahil magkukusa ito.Ilang beses na nagpadala ng fruit basket at mga baby clothes ang mama niya pagkatapos noon. Hin