BUTI NALANG JEAH SOON KAYO NI JACKSON NAMAN AHHAHAA
Patuloy ang reklamo ni Jeah tungkol sa kapatid niya habang kausap ang dalawang kaibigan sa loob ng sampung minuto.Sabi niya, "Pabor ang mga magulang ko na makipag-date ako, pero ang kapatid ko? Baliw ata. Ang mas grabe pa, bawal daw akong makipag-hang out sa inyo."Ang masayahing si Hillary, na isa sa nakikinig, ay agad na nagtaas ng manggas. "Jeah, anong oras ba ang uwi ng kuya mo ngayon? Tara, suntukan kami.""Iniisip ng kuya ko na si Hillary ay may asawa na’t pamilya, kaya naiinggit daw ako’t baka pilit kong abutin ang gano’n. At si Jackson, lalaki raw, kaya hindi raw safe para sa akin makasama siya."Muling nadamay si Jackson, "Pero hindi naman ako lalaki sa paningin n’yo, 'di ba?"“Bading ka sa paningin ko,” Natatawang sabi ni Jeah.Nagtawanan ang dalawang babae na ginulo ang buhok ni Jackson.Binaling ni Jeah ang atensyon kay Hillary. "Oh? Nagkaayos na ba kayo?"Umiling si Hillary. "Halos magkaayos na sana, pero... ayun, nagkaaway ulit."Hindi talaga marunong magpigil ang lalaki
Pagkapasok nila sa sasakyan, tahimik lang sina Hillary at Jackson habang masigabong pumalakpak si Jeah mula sa likuran.Tinanong ni Hillary, “Jeah, sinabi ba ng kuya mo na siraan siya?”Ipinagpag ni Jeah ang bangs niya sa noo at mayabang na umirap. “Tsk, kagabi pa lang sinabi na ng kuya ko na gusto niyang palakihin ang issue na ‘to. Ang mga tulad ni Drake na manloloko, kapag tinakpan mo pa ang kalokohan nila, parang tinulungan mo na rin silang gumawa ng krimen.”Gabi na naman iyon sa kwarto ni Jeah. Nakaupo siyang nakatawa sa kama, naka-cross leg, may unan sa hita, naka-sandal ang siko roon habang nakapatong sa pisngi ang kamay—pinapanood ang sermon ng kapatid niya.Habang nasa biyahe papunta sa mall, naikuwento ni Jeah kina Hillary at Jackson ang buong nangyari kagabi. Pagkatapos nilang marinig ang kwento, parang lumakas lalo ang tiwala ni Hillary sa kakayahan ng tropa niya.Kaya tinanong niya si Jackson, “Jackson, totoo ba ‘yung sinasabi sa mga nobela na kaya ng lalaki hindi lumabas
“Pasensiya ka na kung naiinggit ka. May asawa ako, eh. Wala akong magagawa ro’n. Kung naiinggit ka sa pagmamahal na natatanggap ko, kapag natalo ka mamaya, hahanap ako ng lalaking maglalagay ng love mark sa leeg mo para hindi ka na malungkot.”Tahimik ang paligid matapos bigkasin ni Hillary ang mga salitang iyon. Parang lumamig ang hangin sa loob ng venue. Ang mga tagahanga ni Dexter na kanina’y todo hiyaw, ngayon ay natigilan, napaatras, habang ang ilan ay napanganga sa tapang ng sinabi ni Hillary.Natural na bagay sa mundo na ang babae ay may asawa, at walang masama ro’n. Pero ang suhestiyon ni Hillary na dapat maghanap ng asawa ang kalaban ay isang insulto sa tinatawag na dragon master na si Dexter. Hindi nagpigil si Hillary sa pagkamuhi niya—bumanat siya agad. Nilait siya kanina, kaya huwag siyang sisihin kung may kagat ang mga salita niya ngayon.Kung sumasapol si Hillary, palaging sa puso. Para siyang kutsilyong dumudulas sa kalamnan—hindi siya marunong magpakahinahon sa salita.
Habang si Hugo ay balisa na mabilis na nagmamaneho, hinahanap ang kanyang nawawalang asawa. Tinawagan niya ang kanyang biyenan upang alamin kung nasaan ang kanyang asawa. Nang malaman nina Harold at Lucille na nawawala ang kanilang anak na si Hillary, agad nilang tinawagan si Jeah, ngunit walang sumasagot."Hugo, hindi ko makontak si Hillary, Jackson, at Jeah. Paano kung tawagan na natin ang pulis?" mungkahi ni Lucille.Nakapagitan si Hugo. Binaba niya ang tawag sa kanyang mga biyenan at tinawagan si Denmark, isang kaibigan na kilala sa pagiging madaldal. "Denmark, nawawala na naman ang asawa ko. Kailangan ko ng tulong mo para hanapin siya."Hindi nagtagal, naging aktibo muli ang grupo ng limang magkakaibigan. Desperadong tinawag ni Johanson si Hugo sa group chat, "Hugo, may problema ba kayo ng asawa mo? Bakit siya nawawala tuwing kailan lang? Hindi ba't kamakailan lang ay nagpadala kayo ng rosas para ipakita ang pagmamahalan ninyo?"Alam din ni Dave ang tungkol sa pagkawala ng asawa n
“Hillary, magpaliwanag ka ngayon sa akin!”Galit na sigaw ni Hugo habang nakatayo sa harap ng kanyang asawa. Mula nang ikasal sila, hindi naging maayos agad ang pagsasama nila. Ngunit kalaunan, si Hillary ay parang batang inalagaan at pinahalagahan ni Hugo. Kaya't nang bigla niya itong sigawan, ikinagulat iyon ng lahat.Nasa loob sila ng opisina ni Hugo sa mansyon. Nakatayo si Hillary sa gitna ng silid, at doon na siya napaiyak. Tumulo ang luha niya at hindi siya tumigil sa paghikbi. Para siyang batang pinagalitan ng magulang, at hindi niya alam ang gagawin.Paulit-ulit niyang pinupunasan ang kanyang luha gamit ang manggas ng suot niya.Nainis si Hugo sa sarili. Napakuyom siya ng kamao at padabog na lumapit sa kanyang umiiyak na asawa. Hinawakan niya ito sa magkabilang balikat.“Hillary, sabihin mo na sa akin kung bakit ka nakipaglaro sa mga siraulong lalaki doon?” mariin niyang sambit.Hindi na halos makita ni Hillary ang paligid dahil sa luha. Hindi na niya alam kung anong isasagot.
Bumalik si Hugo noong hapon. Nakauwi na rin mula sa paaralan sina Hillary at Jackson.Pagkakita kay Hugo na dumating, agad na tumakbo si Hillary papalapit sa kanya. “Asawa ko, andito ka na.”Nakita ni Hugo ang pag-iingat sa kilos ng asawa, kaya niyakap niya ito saglit.Pagkatapos, agad niyang binitiwan si Hillary at sinabi, “Behave ka muna, may aasikasuhin lang ako.”Lumapit naman si Hugo kay Jackson na nakaupo sa sofa habang naglalaro sa cellphone. Nang marinig ang tawag ng tiyuhin, itinapon niya ang sandalan, tumayo, at sumunod kay Hugo paakyat sa study room.“Uncle, kung paparusahan mo ako, sabihin mo na agad para hindi ako kabahan.”Halos kusa nang pumasok si Jackson sa "kulungan" para parusahan. “Hindi ko alam kung ano ang pinaggagagawa mo, pero sinasabi ko na ngayon pa lang, kapag may nangyari kay Hillary, ikaw ang sisingilin ko. Huwag na huwag kang babalik sa gano’ng klaseng lugar.”“Rinig mo ba ako?” tanong ni Hugo, seryoso ang tono.Hindi sumagot si Jackson. Dahil kung sasang
"Hillary, huwag ka nang pupunta sa lugar kung saan kayo nagpunta kahapon."Kagat-labing hindi sumagot si Hillary.Sabi ni Hugo, "Pagkatapos ng klase, manatili ka na lang sa bahay at maghintay sa akin na umuwi.”Tahimik lang si Hillary.Ang dali lang para sa asawa niyang sabihin na manatili siya sa bahay eh lakwatsera siyang babae. Kahit saan-saan nalang din siya napapadpad at naglilibot sa mga hindi alam na lugar, tsaka paborito niyang libangan ang billiards pero paminsan-minsan lang siya na maglaro kapag magkasama sila ni Jackson.Sa loob ng kwarto, nagkwento naman si Hugo ng matagal tungkol sa masasamang epekto ng billiards at iba pang competitions. Nagkunwari si Hillary na nakikinig. Pero sa loob-loob niya, iniisip lang niya na gusto lang siyang ilayo ng asawa sa kanyang mga libangan at ilihis ang atensyon niya rito."Hillary, ano ang sinabi ko kanina?"Napatulala si Hillary na hinypnotize ng sarili niya. Patay! Hindi niya alam na may pa-quiz pala! Wala siyang narinig!Kita ni Hugo
Ang mga reklamo ni Hillary ay nauwi sa mga impit na ungol.Wala nang matakbuhan ang kanyang dila sa bibig, at dahil sa halik ay nawalan siya ng ulirat, hindi na niya napansin na may dalawang malalaking kamay na dahan-dahang pumapasok sa kanyang bewang.Hanggang sa dahan-dahang umakyat ang mga kamay na iyon.Napakislot si Hillary at mabilis na itinulak ang kamay ng kanyang asawa mula sa kanyang katawan. “Mmm, mahal, ikaw talaga.”Lasing na lasing si Hugo sa halik kaya halos ipadapa niya ang kanyang misis sa mesa at tuksuhin ito sa ilalim niya. Isang halik lang, muntik nang mauwi sa kung ano pa.Pagbalik nila sa kwarto, dumiretso si Hugo sa banyo para maligo. Samantalang si Hillary ay gumulong sa kama at tinakpan ang sarili ng kumot.Napapikit si Hugo habang tumatagaktak ang tubig sa kanyang mukha. Noong binata pa siya, wala siyang interes sa ganoong bagay. Pero ngayon na may asawa na siya, nag-iba na ang takbo ng kanyang utak. Dati, ayaw niya ng laman. Ngayon, gustong-gusto niya.Parang
Nalito lang si Hillary kanina, at halos matapos na ang ginagawa nila. Sa mga oras na ito, wala nang bahid ng pagnanasa sa kanyang mga mata.Sa halip, si Hugo naman! Kailangan na naman niyang maligo ng malamig.“Honey, maliligo muna ako.”Pinipigilan ni Hugo ang nararamdamang pagnanasa at mahinahong nagsabi, "Mahal, malamig ang panahon. Hindi maganda sa katawan ang palaging pagligo ng malamig.""Di naman ganon, asawa. Naisip ko lang si Amelia."Biglang kumabig ang utak ni Hillary, at naalala niya ang isang alala noong araw na nahuli sila ni Hugo na naglalaro ng billiards. Matapos kasi nilang umalis doon, napansin niyang natigilan si Hugo sa paglalakad at bigla itong may sinundan."Hillary, ano bang sinabi mo kanina?"Umiiwas ang tingin ni Hillary, sabay tulak sa asawa, "Umm, teka lang. G-gusto ko munang maupo."Tiningnan ni Hugo ang posisyon nilang dalawa. Nakapatong siya sa asawa kaya nabibigatan ito. Kaya't gumilid siya at tumagilid sa kama. Nahihiya ring tinakpan ni Hillary ang sari
Pinakalma ni Mr. Joaquin ang anak niya at hiniling na palayain na niya ang nararamdaman niya. Ngunit ang pagkadismaya ni Hugo ay paulit-ulit na nauuwi sa mas matinding kawalan ng pag-asa.Naniniwala si Harry sa sinabi ng kanyang ama at kumbinsido na siyang patay na ang kanyang kapatid na babae. Matagal silang tatlo na nag-usap sa opisina ng kanyang ama.Samantala, nahanap ni Hillary ang lahat ng limang regalo, at masaya siyang gumulong-gulong sa kama, kumuha ng mga litrato, at nag-post sa kanyang social accounts.[Ang sarap sa pakiramdam na may asawa, kahit nasa business trip siya, laging may pasalubong.] Caption niya pa bago i-post.Makalipas ang isang oras, bumalik na si Hugo sa kwarto. Dahil sa mabibigat na paksa ang pinag-usapan, mabigat din ang pakiramdam ni Hugo.Nang makita si Hillary, ayaw niyang sirain ang kasiyahan ng asawa. “Asawa ko, maliligo muna ako.”“Sige lang.” Nakaluhod pa rin si Hillary sa kama, kinukunan ng litrato ang mga regalo niya.Pagkalipas ng ilang sandali,
Pagkaalis ng karamihan ng mga tao sa paligid, nag-inat si Hillary at naghanda nang umalis. Ayaw pang umalis ni Hugo at tinitigan lamang ang kanyang asawa."Honey, bakit mo ako tinitingnan? Hindi ka pa ba nagsasawa sa bahay, kaya lumabas ka pa para lang tumingin ulit? Yang mga mata mo..."Habang nagsasalita si Hillary, biglang lumapit si Hugo at hinalikan siya sa labi sa loob ng sinehan.Marahil dahil sa kinain niyang matamis na popcorn kaya matamis ang kanyang labi.Hindi mahilig si Hugo sa kendi, pero gusto niya ang matamis na labi ng asawa. Habang nagkakadikit ang kanilang mga labi, ipinikit ni Hillary ang kanyang mga mata."Ehem, tapos na po ang palabas." Pumasok ang isang staff para maglinis.Nang makita silang naghahalikan, hindi napigilang paalalahanan sila.Biglang dumilat ang mga mata ni Hillary. Nahuli silang naghahalikan sa publiko.Nahihiya siya at tinakpan ang mukha gamit ang kanyang mga kamay, hindi makaharap sa ibang tao.Namula rin ang tenga ni Hugo sa hiya.Gayunpaman,
Tinitigan ni Hugo ang kalsada sa unahan at nagsabing, "Grabeng himala ito. Ang maliit kong pusa sa bahay, ngayon nagmamaneho na ng sasakyan. Ikaw na talaga ang susundo sa akin ‘pag lasing ako.”Napuno ng pananabik si Hillary habang iniisip iyon."Mahal, kapag alam mong iinom ka, itext mo lang sa akin ang address mo at susunduin kita.""Sige."Maayos ang pagmamaneho ni Hillary sa buong biyahe. Kapag seryoso mong pinag-aralan ang isang bagay, kahit wala kang likas na galing, hindi mabibigo ang sipag mo.Pagdating nila sa western restaurant na sinabi ni Hillary, sinubukan pa niyang humanap ng puwestong paradahan sa gilid. Pero tanghali at Sabado iyon, kaya punuan ang lahat ng parking space.Ang pinakaayaw niyang gawin ay ang mag-back parking. Sa kasamaang-palad, ang limang natitirang puwesto ay puro paatras. Napakunot ang noo niya.Napansin ni Hugo ang itsura ng kanyang asawa at alam niyang nahihirapan ito."Hillary, iparada mo lang muna ang kotse. Ako na ang bahala sa pag-atras."Biglang
Kaya kinuha ni Jackson ang kanyang cellphone at ipinadala ang lokasyon ng paradahan ni Hillary kay Hugo Gavinski.Tumunog ang cellphone ni Hugo, at agad na lumingon si Hillary, "Honey, sino 'yang nagpadala sa’yo ng mensahe?"Hindi rin alam ni Hugo, pareho silang nakatingin sa kani-kanilang cellphone.Nang makita ni Hillary na si Jackson ang avatar, tinignan niya ang chat box. “D32? Honey, anong ibig sabihin nito?”Tumingin siya sa kanyang asawang nakatabi sa kanya. Malamlam ang kanyang mga mata—halatang walang kamuwang-muwang ang babae.Biglang may naalala si Hillary. Nagliwanag ang kanyang mukha. "Ah! Alam ko na." Tapos, nagliyab ang maliit na apoy sa kanyang mga mata. "Pinadala ba niya sa’yo ang sukat ng bra ng babae?"Tiningnan ni Hugo ang dibdib ng kanyang asawa.Tiningnan din ni Hillary ang sarili niyang dibdib, tapos tumingin siya sa asawa niya. "Hintayin mo lang si Jackson. Pagbalik natin, papatayin ko 'yan!"Ang kapal ng mukha magpadala ng sukat ng bra ng ibang babae sa asawa n
Nagulat ang lalaking nagpapansin at napatigil sa kinatatayuan niya habang tinititigan ang babaeng nagsabing kasal na siya.Alam ni Hillary ang motibo ng lalaki, pero hindi na siya nag-aksaya pa ng pansin at lumipat sa isang tahimik na lugar upang hintayin ang kanyang asawa. Nakakainip ang paghihintay, pero kung para sa minamahal, palaging may halong pananabik ang puso.Nag-antay siya nang matagal. Halos lahat ng tao sa paligid ay may nakasundo na, maliban sa kanyang asawa na hindi pa lumalabas.Sa parking lot, pakiramdam ni Jackson ay may nakalimutan siya.Bigla niyang naalala. "Hala, baka si Hillary nasa regular na gate ng sunduan! Eh di ba VIP lane ang dinaanan ni Hugo? Kung sa ordinaryong exit siya naghihintay, hindi niya talaga ito mahihintay."Nahulaan na rin ni Hugo kung ano ang naalala ni Jackson.Pagkalabas niya, napansin niyang wala roon ang asawang sabik siyang sorpresahin.Kaya bumalik siya at tumungo sa ordinaryong labasan ng paliparan.At ayun na nga.Ang asawang nakatayo
Noong nakaraan, si Hugo ay palaging umiinom para malimutan ang kanyang kalungkutan. Pero sa pagkakataong ito, tsaa naman ang iniinom niya para maibsan ang pagkainip."Johanson, kung niyakap ko lang siya nang mas mahigpit noon, sana hindi nawala si Amelia, hindi rin sana mamatay si Mom, at hindi nasira ang pamilya natin."Labinlimang taon nang pinagsisisihan ni Hugo ang mga nangyari. Nawalan siya ng kapatid para sa kanyang pamangkin, at galit ang naging dahilan ng pagkamatay ng kanyang ina.Nakita niyang tila nawalan ng buhay ang kanyang ama, kaya't wala siyang mukhang maiharap dito. Kaya maaga siyang lumipat sa ibang bahay.May sarili nang pamilya ang kanyang panganay na kapatid, kaya ayaw niyang maging pabigat. Simula nang siya’y trese anyos, mag-isa na siyang nanirahan sa malamig na mansion.Alam ni Johanson na hindi kayang pagaanin ng ilang salita lang ang dinadala ng kanyang kaibigan. Walang makakaintindi ng sakit ni Hugo kundi siya lang. May iniisip silang lahat, pero walang may l
Laging mabilis lumipas ang oras kapag abala ang mga tao. Si Hillary ay nag-aaral magmaneho sa bahay at mas pinagbubutihan pa niya ito nitong mga araw na ito.Tuwing inaantok na si Jackson at halos magbanggaan na ang kanyang mga talukap, si Hillary ang siyang tumatadyak sa kanya para matulog. “Hindi ka pa ba matutulog?” tanong ni Jackson.Umiling si Hillary. “Mamaya pa.”Naniniwala naman si Jackson sa sinasabi niya. Kaya isang gabi, nagising siya para umihi at nakita niyang bukas ang ilaw ng sasakyan sa bakuran. Natakot siya at akala niya multo ang nakita niya.Nagmadali siyang bumaba at nadatnan si Hillary na nagpa-practice pa rin magmaneho mag-isa.“Ate, alas tres na ng madaling araw. Gusto mo bang pasorpresahin si Hugo na parang panda ang mata mo pag-uwi niya?”Hindi makapasok si Hillary sa paradahan kaya naiinis na siya. Sakto namang dumating si Jackson, kaya siya ang pinagbalingan ng init ng ulo.Dalawang gabi nang hindi natutulog si Hillary. Natutulog siya sa klase tuwing araw at
"Hindi ako manonood, Dad. Mag-aaral akong magmaneho."Binago ni Mr. Joaquin ang channel. Itinuro niya ang TV at sinabi, "Sige na, manood ka ng Korean drama na gusto mo. Hindi ka naming iistorbohin.”"Dad, hindi ako interesado.""Action movie na lang! Gusto mo diba ng mga bakbakan?"Inis naman na pinatay ni Hillary ang TV. "Dad, wala akong ganang manood ng mga palabas ngayon at pwede po ba ibalik mo muna ang sasakyan ko. Kailangan kong mag-practice magmaneho. Kung hindi, mawawala ang surprise ko pagbalik ng asawa ko."Nagpakita ng pag-aalala si Mr. Joaquin. "Nag-aalala ako na baka makapatay ka habang nagmamaneho.""Aba, hindi naman ako gano’n kasama."Sa huli, ayaw pa rin pumayag ni Mr. Joaquin."Ganito nalang Dad, bibigyan kita ng sampung pritong buntot ng hipon."Napasinghal si Mr. Joaquin, "Akala mo mabibili mo ako sa pagkain?""Sige na po, Dad. Pramis libre ko ‘yan lahat!”"Hay naku, Hillary!”Inangat ni Hillary ang limang daliri, "Ililibre din kita ng barbecue, isang spicy hotpot