LOGIN“Let’s have a deal. Let me be your real wife just for one month, Dashiel.” Isang simpleng hiling iyon. Parang huling pakiusap ng isang babaeng pagod na pagod nang masaktan. Para kay Addison Leigh Castillo, iyon na lang ang natitira sa kanya, ang huling piraso ng dignidad kapalit ng pagmamahal na ibinigay niya kahit kailan ay hindi niya naranasang masuklian. Alam na ni Addison simula pa lang na ang kasal nila ay hindi dahil sa pag-ibig. Pinakasalan siya ni Dashiel Kristian Gutierrez dahil sa obligasyon at sa kagustuhan ng lola nito. Walang lambing, walang yakap, walang titig na may damdamin. Tahimik lang ang bahay, malamig, at hindi kailanman naging tahanan. Pero kahit ganoon, kumapit pa rin si Addison. Sinubukan niyang maging mabuting asawa. Tahimik siyang umasa na baka balang araw, matutunan siyang mahalin ni Dashiel. Hanggang sa unti-unti siyang naubos. Gusto nang pakasalan ni Dashiel ang babaeng mahal nito talaga. At ang mas masakit, buong pamilya nito ang pumayag. Doon tuluyang gumuho si Addison. Kaya gumawa siya ng isang huling kahilingan. Isang buwan lang. Isang buwan na tratuhin siya bilang tunay na asawa. Isang buwan na maramdaman kung ano ang pakiramdam na mahal ka. Pagkatapos noon, aalis na siya nang tuluyan. Para kay Dashiel, desperado lang si Addison. Isang babaeng ayaw pang bumitaw. Pero mali siya. Sa loob ng isang buwan, unti-unting nagbago ang lahat. Napansin niya ang mga ngiti ni Addison, ang tahimik pero buo nitong pagmamahal, at ang paraan ng pag-alis nito, walang reklamo, pero may iniwang sakit sa puso niya. Doon niya napagtanto ang lahat. Nang makita niya ang pagmamahal na matagal niyang binalewala, saka lang niya ito naramdaman. Pero huli na ba? O lalaban ba si Dashiel; sa pamilya, sa nakaraan, at sa sarili niyang pagkakamali, para sa isa pang pagkakataon? “One more chance,” bulong ng puso ni Dashiel. Pero handa pa bang bumalik si Addison… o tapos na talaga ang kwento nilang dalawa?
View MoreSandaling natahimik ang kabilang linya bago marinig ni Dashiel ang mahinang pag-clear ng throat ni Benson.“Before that…” sabi nito. “Hindi ko maiwasang mapansin ang mga headlines lately. Mukhang ang Gutierrez name ang nasa pinakatuktok ng balita ngayon.”Bumaba ang tono ni Dashiel. Kalmado pero malamig.“That’s my personal matter.”Bahagya siyang sumandal sa upuan. “It doesn’t interfere with business, Mr. Benson.”Tumigil siya sandali bago nagpatuloy.“Have you been watching Gutierrez Group’s stock?”Bahagyang kumunot-noo si Dashiel. “If yes, may nakita ba kayong kahit kaunting pagbaba kahit trending ang pangalan ko kung saan-saan?”Biglang natawa si Benson. Mas malakas ngayon. Halos may halong panunukso.“All right, all right. Forgive me, Mr. Dashiel.”Patuloy pa rin ang amusement sa boses nito.“I was only expressing concern. Busy ka lately, at bihira na tayong makapag-usap.”“Then we’ll speak on Monday.” Diretso ang sagot ni Dashiel. “I’ll discuss whatever you need by t
“No, Mom,” matatag na sagot ni Dashiel. “Hindi totoo ang balitang iyon. I can promise you that.”Mas mabigat kaysa inaasahan niya ang pagsisinungaling na iyon. Parang may kung anong matalim na dumidiin sa dibdib niya habang kaharap ang ina.Hindi niya gustong magsinungaling dito. Lalo na tungkol sa bagay na ganoon kabigat. Pero wala siyang choice.Natatakot siya sa posibleng mangyari kapag nalaman ng mommy niya ang buong katotohanan.Hindi pa nga humuhupa ang gulong kinakaharap niya ngayon.At higit sa lahat, hindi niya nakakalimutan kung paano nito trinato si Addison noon.“Are you sure?”Bahagyang kumunot-noo si Diana habang may halong pagdududa sa mga mata nito.“Don’t hide something this important from me, Dashiel.”“I’m certain, Mom.”Kalmado ang sagot niya. Hindi man lang nagbago ang ekspresyon niya.Mas hinigpitan niya pa ang hawak sa kamay ng ina.“You know how reporters are.” Bahagya siyang ngumiti. “They twist everything para lang makagawa ng issue.”Mabagal na n
Tahimik na tumango si Dashiel. Alam niyang ito na ang sandaling hinihintay ng mommy niya.Ang pagkakataong malaman ang lahat tungkol sa gulong bumalot sa buhay niya nitong mga nakaraang linggo.Tahimik niya itong sinundan papunta sa family room.Mainit at komportable ang ambiance ng kwarto. May malalambot na sofa. Mahinang ilaw mula sa lamps.At pakiramdam na parang puwede kang huminga nang maluwag doon.Makalipas ang ilang segundo, pumasok si Mira dala ang tray ng mainit na jasmine tea at isang maliit na garapon ng butter cookies.Mabilis kumalat sa buong kwarto ang mabangong floral scent ng tsaa.Nakakakalma. Parang unti-unting binabawasan ang bigat sa dibdib nila.Tahimik na nagsalin si Diana ng tsaa sa porcelain cups bago iniabot ang isa kay Dashiel.“Drink.”Ngumiti ito nang bahagya.“Pinadala ito ni Jace. Sabi niya, ito raw ang best tea kapag pagod ka.”Bahagyang tumaas ang kilay ni Dashiel.“Ah… it’s been a long time since huli ko siyang nakausap.”Dahan-dahan niya
“For the time being, sa bahay muna ng ina ko ako mananatili. Kaya kung may naiwan pang files sa apartment ko, puwede mo nang kunin agad.”“Yes, Mr. Dashiel,” maayos na sagot ni Alfie. “In that case, I hope you enjoy your weekend with your family.”Sinamahan nito si Dashiel hanggang sa kotse. Sa unang pagkakataon matapos ang mahabang panahon, sinabi ni Dashiel kay Alfie na magpahinga muna ito sa natitirang araw.Malaking bagay iyon para kay Alfie. Sa wakas, magkakaroon din siya ng weekend na walang sandamakmak na trabaho.Pakiramdam niya kasi nitong mga nakaraang buwan, para siyang laging hinahabol ng oras.Sunod-sunod na deadlines. Mga problemang walang katapusan. At kaguluhang halos hindi na matapos-tapos.Nakakapagod. Parang nauubos na lahat ng lakas niya.“You too. Enjoy your weekend,” sabi ni Dashiel bago tuluyang sumakay sa sasakyan.Magalang na yumuko si Alfie. Pagkasara ng pinto ng kotse, dahan-dahang umalis ang sasakyan mula sa lobby ng opisina.Nang hapon ding iyon, m
“Miss na miss na kita, Mom,” pabulong na sabi ni Addison, halos matabunan ng hangin ang boses niya. “Sorry kung ngayon lang ako nakabalik.”Sa likod niya, nakatayo si Luna habang hawak ang payong, sinisilungan sila mula sa unti-unting pag-init ng araw. Paminsan-minsan, napapatingin siya sa relo per
“Parang masyado kang nag-eenjoy, hmm?”Pantay ang tono ng boses ni Dashiel, pero may matalim na diin na hindi maitago.Nagulat si Addison at agad na humarap sa kanya. “Dashiel, this is—”“Is that true, my wife?” putol ni Dashiel, malamig at diretso ang mga salita.Halatang nalito ang lalaking ka
“Sobrang sarap nito, Mom!” masayang sigaw ni Dustin habang isinusubo ang malaking tinidor ng baked macaroni. Agad na lumiwanag ang maliit niyang mukha, sabay taas ng hinlalaki bilang papuri.“Agree ako diyan, little champ,” dagdag ni Carter na may kasamang tango, halatang naa-appreciate ang pagkain
“Minsan nakakalimutan ko kung gaano ka-comforting ang ganitong katahimikan,” mahinang sabi ni Carter.Tumango si Addison. “Pagkatapos ng maraming taon ng gulo at ingay, ito na ‘yung klaseng katahimikan na talagang ipinagpapasalamat ko.”Humarap si Carter sa kanya, steady ang tingin. “Sana hindi ka









![Cover your eyes baby [Series 1]](https://www.goodnovel.com/pcdist/src/assets/images/book/43949cad-default_cover.png)


Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
reviews