Klarong-klaro kay Hillary na pinapakita ni Hugo na wala talaga siyang pakialam at wala din naman siyang pakialam sa kanya. Kung magpataasan sila ng pride, panalo si Hillary d'yan.
Ngayon na parte na ng pamilya Gavinski si Hillary, magtitiis nalang siyang makasama ang pamilyang ito kahit hindi niya gusto, lalo na ang kanyang asawa na gusto niyang balatan ng buhay.
Napabuntong-hininga si Hillary at napabalik sa kwarto sa taas para magpahinga. Magkasama dapat sila ngayong gabi pero masaya siya na umalis ang lalaki dahil sosolohin niya ang malaki at malambot na kama. Kanina pa sana siya nakatulog pero binulabog siya ng asungot na si Hugo.
Samantala, bumalik si Mayor Harrison sa kanilang kwarto at nakita ang kanyang asawang si Jennifer na nakahiga na sa kama, "Honey, maari mo bang samahan si Hillary sa kanyang kwarto ngayon? Iniwan kasi siya ni Hugo at binastos. Ayaw kong isipin ng mga tao na mayroong gulo sa pagitan nila. Hindi maganda na pag-usapan ito ng maraming tao, madadamay tayo."
Hindi rin masaya si Jennifer sa kasalang ito. Isa siya sa mga tumutol dahil sinabi ni Lorraine sa kanya ang tungkol kay Hillary, ngunit walang nakinig sa kanya dahil isa lang siyang hipag ng pamilya. "Harry, ni ikaw nga na sarili kong asawa hindi ko magawang pangalagaan, aatupagin ko pa ang asawa ng iba?"
"Jenny, you're the eldest daughter-in-law into the family. Ikaw ang maybahay ng pamilya at kailangan mong gabayan ang ibang miyembro ng pamilya."
"What?? Obligasyon ko ba siya? Eh, ang kapal ng mukha niyang magpakasal kay Hugo para lang manghingi ng pera, sa tingin mo ba karapat-dapat siyang mapabilang sa pamilya natin?" Inis na sabi ni Jennifer at pinatay ang lampara sa mesa.
"Gusto ko ng matulog, pagod ako." Aniya.
"Jenny, kahit anong sabihin mo, wala ka ng magagawa, kasal na sila at pwede bang tumulong ka naman. That girl can ruin our reputation. She's careless with her actions, kailangan na may umalalay sa kanya." Seryosong sabi ni Harry.
"Ay, pwedeng si Butler Arthur nalang. Wala ako sa huwisyo para mangialam sa problema ng iba."
×××
Ngayong gabi, nagmamaneho si Hugo pabalik sa kanyang sariling mansyon. Nakasanayan niya kasing maniharan ng mag-isa at bihira siyang matulog doon sa mansyon ng kanilang pamilya dahil ayaw niyang makihalubilo sa kanila.
Hindi niya magawang masanay sa pamumuhay kasama ang buong pamilya, kaya umuwi nalang siya sa sarili niyang tahanan para magpahinga. Lalong ayaw niyang makasama si Hillary na nagpapainit ng kanyang ulo.
Matapos ang ilang minuto, nakarating na siya sa village at pagkatapos niyang iparada ang kotse sa tabi, napansin niya ang isang babae na nakaupo sa pintuan, may hawak na bote ng alak, at tila nakatitig sa ilaw na tumatama sa kanya gamit ang malabong tingin.
Nagitla naman siya na maaninag kung sino ang taong nandoon at mabilis niyang pinatay ang ilaw at bumaba ng sasakyan. Naglakad siya papalpit sa pintuan at napatingin sa babaeng nakatitig sa kanya na puno ng luha ang mga mata.
"Bakit ka nandito?"
Ito ay si Vanessa na hindi maipinta ang mukha sa sakit na naramdaman at patuloy na umagos ang luha sa kanyang mata. "Bakit? Bakit ka nagpakasal sa ibang babae?"
Kanina pa siya nandoon na naghihintay kay Hugo, labis siyang nasaktan na malamang pumayag itong ipakasal sa ibang babae at wala siyang magawa para pigilan ito.
Suot naman ni Vanessa ang pulang damit na binili sa kanya ni Hugo dati. Nanatili siyang nakaupo sa hagdan na gawa sa semento at tumitig sa mukha ng lalaki.
"Hugo, magpaliwanag ka naman sa akin? Iiwanan mo nalang ba ako sa ere???"
Halatang pagod na pagod na siya sa kaiiyak, parang naubos na ang lahat ng lakas niya at wala na siyang kakayahang tumayo.
"Vanessa, enough." Kinuha ni Hugo ang bote na kanyang hawak. "Lasing ka na!"
"No, I'm not! Hugo, alam mo kung ano ang nararamdaman ko. Labinlimang taon na kitang gusto, at ako ang babaeng pinakamatagal na nanatili sa tabi mo. Akala ko kung magpapakasal ka, ako ang pipiliin mo. Bakit siya? Dahil ba mas bata siya sa akin?"
Napahilamos ng mukha si Hugo na walang nagawa kung hindi buhatin siya para dalhin sa loob dahil sobrang lamig sa labas.
Habang binubuhat siya, patuloy pa rin si Vanessa sa pag-iyak, "Tinatanong kita, Hugo! Ipaliwanag mo sa akin! Bakit?! Bakit mo ako nagawang iwan at magpakasal sa ibang babae?! Mahal mo na ba siya?!"
Marahan na ipinatong ni Hugo si Vanessa sa sofa. "Magpahinga ka at umalis na pagkatapos."
"No! I won't leave unless you tell me everything! Huwag mo akong iwasan, Hugo. Sabihin mo sa akin ang totoo, mahal mo ba siya??" Pagpupumilit niya at hinila ang kwelyo ni Hugo kaya naglapit ang kanilang mukha.
Nanatiling kalmado si Hugo na walang reaksyon sa lahat ng mga narinig. Inilayo niya rin agad ang sarili sa kanya.
"For fifteen years, I stayed beside you. Ginawa ko ang lahat, inalagaan kita at minahal ng lubos. B-bakit hindi mo ako magawang mahalin pabalik? I know you don't love that woman, bumalik ka dito ng mag-isa, tama ba? B-but I still couldn't understand why you agreed to get married with a stranger? Ano bang meron sa kanya, ha??"
Mula nang malaman ni Vanessa na ikakasal si Hugo, balak niya sanang pumunta sa kasal nila para manggulo pero pinigilan siya ng sariling ama dahil ayaw nitong madam ay sa gagawin nitong kahihiyan. Naisipan nalang ng ama niya na ikulong siya buong araw sa mansyon dahil matigas ang kanyang ulo, at nakalabas lang siya ngayong gabi matapos ang kasalan.
Hindi matanggap ni Vanessa na ang lalaking mahal niya ay nagpakasal ng walang alinlangan sa ibang babae.
Tinitigan ni Hugo ang babaeng umiiyak sa kanyang paanan. Hindi niya masagot ang mga tanong nito. Dahil wala rin siyang dapat na ipaliwanag, sadyang naging mabilis lang ang lahat at hindi niya rin alam kung bakit siya pumayag na magpakasal sa babae.
Sa huli, tumawag siya sa pamilya ni Vanessa para ipasundo ito, "Nandito siya sa mansiyon ko. Nakainom siya ngayon. Kunin niyo siya dito ngayon din." Malamig niyang sabi.
"Buksan mo ang libro." Utos ni Hugo.Habang sinubukan ni Hillary na tumakas.Walang sinabi si Hugo, bagkus ay agad niyang niyakap ang baywang ng kanyang asawa, inangat ito gamit ang isang braso, at inihiga ito nang paharap sa kanyang mga hita! Nakadapa, nakausli ang puwit, para mapalo niya ito.Nakahiga si Hillary sa mga hita ng kanyang asawa, nakaalalay ang dalawang kamay sa sofa para bumangon. “Asawa ko, ang sama mo!"Pinulot ni Hugo ang librong inuupuan ni Hillary kanina at sinimulan itong basahin.Bumangon si Hillary, ngunit pinigilan siya ni Hugo sa leeg kaya’t hindi siya makatayo. "Honey, bawal mong basahin 'yan, bitawan mo ako."Nakapatong sa mga hita ni Hugo ang kanyang asawa, kumakampay ang mga braso sa ere habang pilit siyang sinasaktan, pero wala siyang magawa.Sa pahina 53, naging ulo ng baboy ang mukha niya. Sa pahina 72, naging ilong ng baboy ang ilong niya at punô ng taghiyawat ang kanyang mukha.Sa pahina 120, halos hindi na siya makilala. May ngipin ng daga, may bigote
Sa loob ng silid-aralan, matapos ang klase, agad na iniwan ni Hillary ang lahat ng gamit at patakbong lumabas papunta sa asawa niya."Asawa ko, hindi mo ako hinatid kanina sa umaga, pero sinundo mo ako ngayon hapon. Miss na miss mo na ba ako?"Natuto si Hugo ng mga paraan ni Hillary sa paglalambing at ginamit ito sa kanya. "Kanina pa kita iniisip sa opisina, hindi ako makafocus sa mga meeting kaya maaga akong umalis para sunduin ka."Ngumiti si Hillary nang sobrang saya, halos hindi na niya maisara ang bibig sa tuwa, pero pinagsabihan pa rin niya ang asawa niya. "Asawa ko. Kailangan mong magtrabaho nang maayos. Kung iniisip mo ako buong araw, baka malugi ang kumpanya mo."Marahang tumango si Hugo at tumingin sa maliit niyang asawa. "Hindi mo man lang isinilid ang mga libro mo?""Ay, sina Jeah at Jackson na bahala ro'n."Dumating si Jeah at Jackson na may dalang mga libro. Aakmang kukunin ni Hugo ang mga ito, pero si Hillary ang agad na dumampot.Napaurong si Hugo at awkward na ibinaba
Pumunta naman si Hugo sa kanyang silid-aklatan.May tumawag naman sa phone kaya niya ito kinausap, inilapit ito ni Hugo sa kanyang tainga at nagtanong, "Lumabas na ba ang resulta?""Ayon sa technical na pagsusuri ng mga eksperto sa bungo, animnapung porsyento ang pagkakatulad ni Amelie sa kasalukuyang si Jeah, ngunit mas malapit ang kasalukuyang Jeah sa itsura niya noong siya'y bata pa.""Paano naman ang surveillance?""Wala po, masyadong malaki ang manggas ng suot na sweater ni Jeah noon kaya natakpan ang lahat ng marka sa kanyang braso. Dagdag pa nito, sa lugar na binanggit mo, mahirap makahanap ng surveillance sa paligid.”Matagal na nag-isip si Hugo. At tinanong siya ni Lyle, "Sir, paano kung hilingin niyo na lang sa asawa niyo na siya ang tumingin sa mga peklat? Magkasundo naman sila ni Jeah.""Kung wala akong kasiguraduhan, hindi pwedeng kumilos si Hillary. Magkaibigan sila ni Jeah. Kapag nalaman ito, baka masira ang samahan nila."Para lang sa isang bagay na hindi tiyak, maaarin
Maya-maya, biglang naalala ni Hillary ang isang bagay kaya nagtanong siya, “Asawa ko, yung tinamaan ng mansanas sa ulo, si Newton 'yun, 'di ba?""...Hillary, nung high school ka ba, liberal arts o science ang kinuha mo?""Ano namang kinalaman nun dito?"Umiling lang si Hugo. Mas interesado siyang malaman kung paano nakapasok sa unibersidad ang ganitong klaseng utak."Nangdaya ka ba sa entrance exam sa college?"Umiling si Hillary na parang bata at nagsalita na parang naapi, "Mahal, hindi ako nangdaya, sabi ng prof ko, makukulong daw ako pag ginawa ko 'yon."Pakiramdam ni Hugo ay masuwerte pa rin ang asawa niyang pumasa sa exam. Kung may tanong sa exam na tungkol sa common sense, malamang murahin ni Hillary ang gumawa ng exam dahil parang may bula sa utak.Hindi niya pinahihintulutan si Hillary na makialam sa paghahanap niya sa nawawala niyang kapatid dahil sa koneksyon nito kay Jeah, maaaring maging emosyonal ang pagtingin niya sa sitwasyon.Pero nakita rin niya ang komplikasyon. Kung
Gusto na sana niyang magsalita nang padalos-dalos, pero natakot siyang mabahala ang pamilya Fernandez. Pagkatapos ng lahat, sila ni Jeah ay magkaibigan lang, wala silang dugong pagkakaugnay, kaya hindi siya puwedeng lumampas sa limitasyon.Ginamit na nga niya si Jeah ngayon, kaya hindi matahimik ang kanyang konsensya."Jeah, hindi na ako kakain. Parating na ang asawa ko. Hihintayin ko na lang siya sa labas. Kayo na lang ang kumain."Pagkababa niya ng hagdan, papalabas na sana si Hillary. Gusto sana siyang ihatid nina Jeah at Cedrick.Habang nakatayo sila sa pintuan, dumating ang kotse ni Hugo Gavinski matapos ang ilang sandali.Alam niya ang nararamdaman ng kanyang asawa. Sadya siyang pinapapunta nito para personal niyang makita si Jeah, at nang tuluyan na siyang mawala ng interes dito.Pinahalagahan niya ang kabutihang-loob ng kanyang asawa, kaya siya na mismo ang dumating."Nandito na ang asawa ko. Aalis na ako."Huminto ang kotse ni Hugo, bumaba siya, at nakita ang dalagang kasingta
Nag-isip sandali si Hillary, "Jeah, ihahatid na lang kita pauwi ngayon?"Hindi ito gaanong pinansin ni Jeah, sagot niya, "Susunduin ako ng kuya ko."Muling nagsalita si Hillary, "Hindi mo pa nasasakyan ang kotse ko kahit kailan, kaya ako na lang ang maghatid sa’yo. Matagal na rin mula nang huli akong nakapunta sa inyo."Nakatayo si Jackson sa tabi, hindi alam ang nangyayari, at pinigilan pa si Hillary. "Hindi ba uuwi ka sa pamilya mo kasama ang tiyuhin ko ngayong gabi? Sayang ang oras kung ihahatid mo pa si Jeah."Sa ilalim ng mesa, tinapakan ni Hillary ang paa ni Jackson. "Hindi ka nagsasalita kapag kailangan, at nagsasalita ka kapag hindi dapat."Walang kamalay-malay si Jackson, ano bang kasalanan niya?Sabi naman ni Jeah, "Hillary, sa susunod mo na lang ako ihatid. Kailangan ko munang magpakabait ngayon at hindi ko na kayang inisin pa si kuya. Kung mamatay man siya nang maaga, ako ang dahilan.""... Eh di sasama na lang ako sa bahay n’yo. Pag nandiyan ako, siguradong hindi ka pagbub