LOGINWalang natanggap na sagot si Hugo mula sa ama at naisipan niya nalang umalis pero bago siya lumabas, may inihabilin muna siyang salita.
"Don't expect me to treat her right. I didn't ask for a wife in the first place." Malamig niyang sabi.
Pagkatapos ay tuluyan ng lumabas si Hugo mula sa silid-aklatan ng kanyang ama.
Nang lumabas siya, nakita niya ang babae na matiyagang naghihintay sa tabi ng pader.
Matalim niyang tiningnan si Hillary, at ang kanyang mga mata ay puno ng inis. Isang mabilis na sulyap lang ang ibinigay ni Hugo at nilampasan siya.
Pumasok naman si Hillary sa silid-aklatan at nagsimula, "Sir Joaquin, ipinangako niyo sa akin na bibigyan niyo.."
Bago matapos ni Hillary ang sasabihin agad siyang pinutol ni Joaquin, "Huwag mong banggitin ang bagay na 'yan sa kahit sino sa pamilya. Naresolba na ang problema sa inyo ng pamilya at ipapangako kong ako na ang bahala kay Hugo kung magtatangka siyang manggulo ulit sa pamilya mo."
Tumayo naman si Joaquin para umalis at mabilis na hinarangan ni Hillary ang kanyang dinaraanan. "Hindi sapat ang mga salita, kailangan ko ng kasulatan. Gusto ko lang makasiguro, Sir Joaquin. Ayaw kong umasa sa wala at gusto kong sumunod tayo sa pinag-usapan." Demanda niya.
Pagkasabi ni Hillary nito, nagulat ang butler ng pamilya na si Sr. Arthur na hindi makapaniwang nagagawa niyang magsalita ng ganoon sa kanilang amo, na isang taong may mataas na katayuan sa buhay.
Walang sinuman ang nakakagawang umasta ng ganoon kay Sir Joaquin Gavinski maliban sa kanyang anak na si Hugo na matigas ang ulo.
At ngayon isang maliit na babae ang naglakas-loob na humiling ng kasulatan mula sa kanya. Uminit naman ang ulo ni Joaquin na hindi inasahan ang asal ni Hillary na akala niya ay masunurin at mahinhin, ngunit ngayon nagpakita na agad ito ng totoong kulay.
Bago niya pa masampal si Hillary, agad siyang pinigilan ni Butler Arthur at pinakalma. Nag-naalala siya na baka magkagulo sila matapos ang kasalan. Tiyak na magiging malaking isyu ito.
"Sir Joaquin, ipagpaumanhin ko nalang po ang inasal ni Ms. Hillary. Ako na po ang bahala sa kanya at hindi na kailangan ng kasulatan dahil ako na po ang magpapaliwanag sa kanya ng maayos. Let's resolve this matter peacefully to avoid issues in the family." Nakangising sabi ni Arthur na sinulyapan si Hillary at pinandilatan ng mata.
Matapos niyang magpaliwanag, kumalma na si Sir Joaquin na huminga ng malalim. Kung wala ang butler baka masaktan niya si Hillary na siya ring papatol.
Habang napairap si Hillary na napabuntong-hininga rin pero nakahinga siya na pumagitna ang butler. Tsaka galit naman na umalis si Sir Joaquin, at may pumasok ulit sa kwarto, si Lorraine na narinig ang alitan ng kanyang ama at sister-in-law.
"Woah, pera lang pala ang takbo mo sa pamilya namin, Hillary? Aww, I'm not surprised at all. Halata naman so expect na magiging impyerno ang buhay mo dito."
Pinakalma din ni Arthur si Lorraine dahil isa din itong eskandalosa, "Miss Lorraine, you need to calm down. Siya pa rin ang asawa ni Sir Hugo at maari bang ilihim natin ang dahilan kung bakit nagpakasal si Sir Hugo at Ms. Hillary. At tayo na ang magbigay unawa kay Hillary lalo na't hindi maganda ang kanyang estado ngayon." Paliwanag na ni Arthur sa kanya.
"We have no choice but to understand where she come from. I know your pissed off with her actions, so do I." Ngimisi ng mapait si Arthur na sinulyapan ulit si Hillary mula ulo hanggang paa. "In fact, I expected her to act modest but nagkamali ako. But then, I understand why she's acting like this because Hugo, your brother threatened to ruin their business so she was threatened at tumakbo kay Sir Joaquin para magsumbong."
Napakrus ng braso si Lorraine na napailing, wala siyang simpatya kay Hillary na hindi niya nagustuhan mula pa noong unang araw na nakita niya ito. "So what? Wala pa rin siyang karapatan na umakto ng ganito." Galit niyang sabi.
Sunod namang pumasok sa kwarto ay ang matandang si Suzanne na napansin na mayroong alitan, siya naman ang Lola nila Hugo at Lorraine. Nalaman niya rin ang totoo at wala ring nagawa kung hindi umintindi dahil nangyari na ang kasalanan at hindi siya pwedeng gumawa ng eskandalo dahil masisira ang kanilang reputasyon.
Nagpaliwanag din si Hillary na nag-aalala lang siya na matapos ang kasalan ay malimutan nila ang pangako nilang tutulungang makaahon ang kanilang pamilya lalo na ang negosyo ng ama.
Paglabas naman niya doon sa silid, narinig niyang mayroong ingay sa ibaba, mukhang mayroong nagtatalo kaya siya pumunta doon para sumilip.
Nagitla naman siya na makita si Hugo doon, at mayroong mga guwardiya ang pumigil sa kanya. At kaalitan niya ang isang lalaki. Mabilis ding dumating si Butler Arthur sa baba para puntahan si Hugo.
"Hugo, hindi maganda na magkaroon ng gulo sa gabi ng kasal mo. Mabuti pang samahan mo ang iyong asawa." Mahina niyang sabi dito.
Balak na umalis ni Hugo ngunit nagkabangga sila ng nakakatandang kapatid na isang mayor ng bayan. "Hugo, matanda ka na pero hanggang ngayon umaakto kang pa rin na parang bata. May asawa ka na oh, kailangan mong magpakalaaki pero iiwanan mo lang siya dito ng mag-isa?" Dikta ni Harrison.
"Harry, hindi ba't alam mo ang tunay na kwento ng kasal ko? Nagpakasal lang ako dahil sa utos, hindi dahil gusto ko. Huwag mo akong pigilan, dahil wala kang karaparan!" Bulyaw niya.
Habang papalabas si Hugo, hinarangan siya ulit ni Mayor Harrison, "Pinapanood ka lang ng asawa mo ngayon." Turo niya sa hagdan kung saan nakatayo si Hillary.
Tumingin si Hugo mula sa gilid at nakita ang babae na nakatingin sa kanya. Napalunok siya ng laway habang nakatingin sa walang emosyong mukha ni Hillary, umiwas naman siya ng tingin at tuluyang umalis nang walang paalam.
"Jeah, huwag kang mag-alala. Ayos lang ang kumpanya ninyo. Naniniwala ako kay Auntie. Bukod pa roon, hindi rin pababayaan ni Hillary ang kumpanya niyo, hihingi siya ng tulong kay Hugo."Tinitigan ni Jeah ang may kumpiyansang si Jackson na para bang may tinatagong sikreto. Hindi niya maintindihan kung anong problema mayroon sa utak ng lalaking ito.Sa labas, hindi na nakapigil si Hillary at pinilit si Hugo, kaya’t sa halip na pumasok sa klase ay dumiretso silang mag-asawa sa isang coffee shop upang makipagkita kay Madam Melanie.Maaga pa lang ay dagsa na ang mga taong bumibili ng kape. Bukod sa mga estudyante, marami ring empleyado ang naroon. Magkaharap silang tatlo na umupo.Walang pasabi, tumayo si Madame Melanie at lumuhod sa harap ni Hugo."Auntie! Anong ginagawa ninyo?"Dahil sa dami ng taong dumaraan, agad na nakatawag-pansin ang pagluhod ni Madame Melanie. Agad siyang inalalayan ni Hillary upang makatayo.Humahagulhol si Melanie habang nakikiusap kay Hugo. "Hugo, pakiusap, huwa
Ibinaba ni Hugo ang mangkok at bumalik sa silid. Paglabas niya, dala na niya ang brown sugar na binili niya para sa asawa. Kumuha siya ng ilang piraso at inihalo sa sabaw ng luya.Nang tuluyang matunaw, naging kulay pulang maitim ang tubig. Kumuha siya ng kutsara, hinalo ang brown sugar, at tinikman muna para sa kanyang mahal na asawa.Hindi na ito kasing sama ng dati ang lasa. Kaya kinuha niya ang mangkok at inilapag sa harap ng asawa."Hindi na ito maanghang. Inumin mo na."Lumambot ang puso ni Hillary sa lambing ng asawa. Isang mangkok lang naman ng sabaw na may brown sugar at luya, kaya’t ininom na niya. Hinawakan niya ang mangkok ng dalawang kamay, inilapit sa kanyang labi, itinagilid ang ulo, at tuloy-tuloy na nilagok.Kahit may brown sugar na, hindi pa rin masarap ang lasa. Napangiwi siya at inilabas ang dila. Hinaplos ni Hugo ang ulo ng asawa, yumuko, at diretsong hinalikan ang labi nito doon mismo sa hapag-kainan."Umakyat na tayo." Dahil doon, magagawa na niya ang gusto niya
"So?" Nakataas kilay na tugon ni Jeah."Marahil kapag nakita ka niya, naaalala niya ang nawawalang kapatid niya, kaya mabuti ang pagtrato niya sa'yo."Umiiling si Jeah, sinisikap tanggalin ang alaala ng batang nalulunod. Ayaw niyang marinig ang sarili na umiiyak, "Kuya, iligtas mo ako!"Kinuha niya ang mga damit at pumasok sa banyo para magpalit.Kinuha ni Hillary ang panloob na isusuot ng kapatid at nagtanong, "Jeah, huwag sabihin na nahanap ito ng kuya mo sa closet mo."Kinuha ni Jeah ang bra at panty, "Nakita 'to ng mama ko. Hindi naman maganda."Pagkatapos makauso at lumabas, nakatayo si Jackson nang maayos sa tabi ni Hugo sa labas."Jeah, okay ka lang ba?""Ayos lang ako. Uuwi na tayo," sumang-ayon naman silang lahat.Kaya bago pa natapos ang salu-salo, sinundo na ng kanilang mga tagapangalaga ang tatlo.Sa sasakyan, nagsimulang magkaroon ng sama ng loob si Hugo. "Jackson, ikuwento mo nang mabuti tungkol kina Maximus at Nathan.""Aba, si Nathan maliit lang ang papel, sinusunod-su
Tinanong ni Hugo, "Nasaan ang tiyahin mo?"Itinuro ni Jackson ang isang kuwarto. "Inaalagaan niya si Jeah."Tumango si Hugo. Pagkatapos ay bumalik siya sa hotel kung saan nakatira ang kanyang asawa at kumatok sa pinto. "Hillary, nandito na ang asawa mo."Mas lalong nagitla ang mga nakarinig sa labas.Ilang sandali lang, bumukas ang pinto.Lumabas ang maliit na mukha ni Hillary. "Asawa ko~"Sinipat ni Hugo ang kabuuan ng kanyang asawa, tinitiyak na ayos lang siya, saka sumilip sa loob. "Nasaan si Amelie?"Lumabas si Hillary at isinara ang pinto sa likuran niya. "Asawa, naliligo si Jeah, hindi maganda kung papasok ka."Naintindihan ni Hugo."Nakita mo ba si Jackson? Nakipag-inuman siya bago siya tumalon para iligtas ang isang tao. Higit sa isang dosenang bote ang nainom niya."Naamoy na rin ni Hugo ang alak sa kanyang pamangkin, kaya alam niyang sobra itong uminom.Napansin ni Hillary ang mga kaklase niyang nagulat. Hinawakan niya ang kamay ng kanyang asawa at dinala ito sa gitna ng gru
Sinundan si Jeah ng isa pang kaklase at sa gitna ng magulong eksena, may biglang nahulog sa tubig."Naku! Nahulog si Jeah sa pool!" biglang sigaw ng isang tao.Mabilis na lumingon si Hillary patungo sa nagkikiskisang tubig ng pool.Basang-basa at nakasuot pa rin ng damit si Jeah habang pumapaibabaw sa tubig. Nang magbukas siya ng bibig, sari-saring maliliit na bula ang lumalabas at pumapasok sa ilong at bibig niya. Hindi niya mabuksan ang mga mata; kapag bumulong ang ilaw sa mga mata niya, sumasakit ang mga itong butas ng mata.Sinusubukan niyang makalangoy, pero hindi siya makatungo sa gilid pool.Pumikit si Jeah at gustong tawagin si Hillary, nang sumagi sa isip niya ang isang alaala. “Kuya Hugo, natatakot ako.""Huwag kang umiyak, Amelia, kaya kang protektahan ni kuya." Yumakap sa kanya ang isang batang lalaki na natatakpan ng dugo.May mantsa ng dugo rin sa palda niya. Kahawig ng pagkabata ni Hugo ang batang lalaki.Umiling si Jeah, biglang napuno ang isip niya ng malawak na dag
Ngumiti si Hillary at nagsabi, “Nagpakasal kami nang biglaan, noong nakaraang summer. Tsaka susunduin niya ako ngayong gabi, at malalaman mo rin kapag nakita mo siya.”Itinago ni Hillary ang pagkakakilanlan ng kanyang asawa. Kung sasabihin niya, wala siyang magiging tahimik na gabi. May ilang gustong magtanong tungkol sa asawa ni Hillary, pero umiling lang siya at tumangging magsalita.Ang pagiging asawa ni Hugo ay sapat na para maging sentro siya ng atensyon sa gabing iyon.May isa pang nagtanong kay Jeah, ngunit tiningnan lang ni Jeah ang lalaking makulit sa harap niya. Saan siya kumukuha ng lakas ng loob para ipagkanulo ang kanyang mga kaibigan at ibunyag kung sino ang asawa ni Hillary?Sa isang lugar na hindi pamilyar kay Jeah, dalawang lalaki ang nakatayo sa likod ng mga halaman, palihim na pinagmamasdan ang mga babae. Isa sa kanila ay si Maximus ang lalaking pinaka-kinasusuklaman ni Jackson.Hawak ang isang bote ng alak, nagkubli si Maximus sa dilim kasama ang kanyang mga kaibig







![ALTERS [Book 2]](https://acfs1.goodnovel.com/dist/src/assets/images/book/43949cad-default_cover.png)