Share

Chapter 17

Naunang bumaba si Caren para magluto ng breakfast nila ni Jayvee. Iniwan niya ang binata na hindi tumigil sa panlalandi at pangungulit sa kanya pero nang makahanap siya ng magandang pagkakataon ay nakatakas siya sa kamay ng malanding si Jayvee at wala itong nagawa para habulin siya dahil wala itong saplot sa katawan. Naiwan ito sa loob ng kwarto na isinisigaw ang pangalan niya pero kasunod no’n ay ang malakas nitong pagtawa. Napakapilyo talaga at napakakulit..

Sinimulan niya agad magluto nang makarating siya sa kitchen. Simpleng breakfast lang ang lulutuin niya at sinimulan niya sa pagpi-prito ng hotdog, itlog, ham, bacon at ang huli ay ang fried rice. 

Hindi naman maselan sa pagkain ang binata at kahit ano yatang pagkain ang ihain niya sa harap nito ay kakainin iyon ni Jayvee. Basta nakakabusog at laman-tiyan ay papatulan nito. ‘Yeah, kaya nga pati ikaw kinain ng binata!’  wika ng pilyang isipan niya na agad niyang itinaboy. Nahahawa na yata si
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status