Share

Chapter 23

Ang akala ni Caren ay nakaligtas na siya sa kapilyohan ni Jayvee subalit doon siya nagkamali. Dahil bago ito umalis ay inangkin muna nito ang labi niya sa pag-aakalang simpleng goodbye kiss lang iyon ngunit halos namanhid ang labi niya sa intensidad nang ginawang halik ng binata. 

May pilyong ngiti ito sa labi bago ito tuluyang nagpaalam sa kanya para umalis. Habang siya ay naiwang tila natulos sa kinatatayuan habang hawak ang medyo namamanhid na labi. Hindi makapaniwala at nagulat sa biglaang pag-atake nito.

Nang makabawi sa ginawa ng binata, sinimulan na niyang ayusin at linisan ang kwarto nito. Nagsimula siya sa magulong kama na parang dinaanan ng bagyo dahil sa pagkukulitan nila kagabi. Napailing na lang siya habang may tipid na ngiti sa labi habang abala sa pagliligpit sa loob ng kwarto ng binata.

Dahil sa sanay siya sa gawaing bahay, mabilis lang niyang natapos linisan ang kwarto ni Jayvee. At dahil ayaw niyang mainip lang sa bahay ng binata habang hinihint
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status