Isang linggo na ang mabilis na lumipas buhat ng lisanin ni CJ ang Isla Montellano at nanatili sa lungsod para doon magpatuloy ng pag-aaral. Naiwan sa Isla Montellano si Laila, ang babaeng matalik niyang kaibigan at nobya rin niya at the same time. Kababata niya ito at kaibigan na niya ang babae noon pa man hanggang sa sila ay lumaki.
Hanggang sa nagdesisyon siyang ligawan ito dahil nakikita niya sa dalagang kaibigan ang katangian na gusto niya sa isang babae. Simple, maganda, mabait, masipag, may takot sa Diyos at mapagmahal sa magulang. And she's not just beautiful outside dahil maganda rin ang mga katangian nito sa loob. At ganon ang klase ng babaeng gusto niya.
Hahanap pa ba siya ng iba kung meron na sa tabi niya, di'ba? She's perfect to be his girl and after their highschool graduation ay sinagot siya nito with their parents consent. Naging legal sila sa kanilang mga magulang at wala ang mga itong naging pagtutol sa relasyon nila. Pero yon nga lang, kailangan nilang pansamantalang magkalayo dahil dito siya sa lungsod mag-aaral. At naiwan si Laila sa Isla dahil hindi nito maiwan ang magulang nito doon.
Masaya naman sila sa kanilang relasyon noong nasa Isla pa sila at ayos lang kung maging long distance relationship sila ngayon. May tiwala naman sila sa isa't-isa. At 'yon lang ang kailangan para sa matibay na relasyon. Trust and love. Idagdag na rin ang loyalty.
Ang plano na lang niya ay doon ubusin ang sem break niya sa isla para kahit papaano ay makabawi at makasama niya si Laila. Sa ngayon ay makukuntento muna sila sa gano'n hanggang sa makatapos siya sa pag-aaral.
Bumangon siya sa kanyang kama at hindi pinansin ang kanyang kahubdan na umalis doon. Walang saplot siya kung matulog dahil iyon ang kanyang nakasanayan. Nag-iisa naman siya sa buong bahay dahil last week pa umalis ang magulang niya patungong States para sa business nila at doon naman sadya ang mga ito naninirahan.
Binibisita lang siya ng mga ito kapag may libre ang mga itong oras o kapag gusto ng mga itong magbakasyon. Wala din siyang katulong sa bahay dahil mas gusto pa niya ang mag-isa. Independent naman siyang tao kaya wala iyong problema sa kanya. Sanay na siyang nag-iisa noon pa man kaya halos lahat ng gawaing bahay ay marunong siya. Doing household? Basic lang :yan sa kanya..
Pumasok siya ng bathroom para mag-shower at mabilis lang din siyang natapos. Boxer shorts lang ang isinuot niya at isang puting sando na yumakap sa kanyang matipunong katawan. He's just eighteen pero mayroon siyang makisig at matipunong pangangatawan dahil mahilig siyang mag-ehersisyo. Pero hindi naman sobra katulad ng mga lalaking halos tumambay na sa gym na mayroong mga malalaking katawan. Katamtaman lang ang kanya na maikukumpara niya sa tinatawag ng mga babaeng 'hot and sexy body' para sa isang lalaki.
Mayroon din siyang maamo at inosenteng mukha na itinuturing at ikinukumpara ng karamihan na mukha ng isang anghel. Napaka-inosente ng mukha niya na parang hindi marunong magalit at kung sa panglabas na anyo siya titingnan parang hindi siya gagawa ng masama o kung ano mang kasalanan.
Madami ang humahanga sa mukhang meron siya na minsan ay ikinaiinis na niya. Madali siyang husgahan ng mga ito dahil sa kanyang mukha at lahat ay maganda at positibong papuri iyon. Kung sa iba yon nangyayari ay baka lumaki na ang mga ulo ng mga ito o naging mayabang na pero sa kanya hindi. Dahil sa inosente at maamo niyang mukha nakakubli ang totoong katauhan na meron siya. Katauhan na gustong kumawala sa tuwing nasisilayan niya ang dalaga na una n'yang nasilayan seven days ago. Ang babaeng gumising ng natutulog niyang totoong pagkatao.. his dark side.
Nagtungo siya sa balkonahe ng kanyang kwarto para abangan ang paglabas ng babaeng gumugulo sa kanyang isipan. Ang misteryosang babae na agad na nakakuha ng kanyang atensyon.
Naalala pa niya noong una niya itong masilayan noong gabing isinama siya ng magulang patungo sa bahay ng kanyang Ninong Carlo. At hindi niya akalain na may dalaga pala ang mga itong anak dahil minsan lang naman niya makasalamuha ang kanyang Ninong. Pribado ang mga itong tao ayon sa magulang niya at iilang beses pa lang niya itong makita.
Hindi niya maaalis ang titig sa dalaga at sa bawat galaw nito ay nakasunod ang kanyang mga mata noong gabing iyon. Sa bawat pagbigkas ng mga labi nito at sa mata nitong punong-puno ng kalungkutan kahit na nakangiti ang labi ng dalaga.
Mayroon din siyang nababasang takot doon at hindi niya mapigilan ang sariling magtaka dahil sa narinig na may sakit ito. Anong kayang uri ng sakit? At base sa narinig niya sa sinabi ng kanyang Ninong Carlo ay kung hindi daw ba ito sinumpong ng sakit nito? Ibig-sabihin may oras na normal at ayos ito pero meron ding oras na sinusumpong ito ng sakit nito. Pero ang malaking katanungan sa isipan niya ay kung anong sakit 'yon?
Hindi naman niya magawang magtanong noon dahil nahihiya siya. At isa pa, ito ang unang beses na nagkaroon siya ng pakialam sa ibang tao. Parang may nagtutulak sa kanyang alamin iyon at tulungan ang dalaga. Parang gusto niya itong ikulong sa mga bisig niya para masigurong ligtas ito. Gusto niyang burahin ang takot at lungkot sa mga mata nito. Gusto niyang damayan o samahan ito sa lahat ng oras. Kinakain siya ng kanyang curiosity buhat ng masilayan niya ang mata ng dalaga. Ang puno ng kalungkutan na mata nito na parang may dinadala itong malaking problema. Tungkol kaya 'yon sa sakit nito?
Bumalik siya kasalukuyan buhat sa malalim niyang pag-iisip ng masilayan niya ang paglabas ng dalaga sa balcony ng kwarto nito. Magkaharap ang balcony ng kwarto nila kaya malaya niyang napagmamasdan ang kabuuan ng dalaga. Halos isang linggo na rin niya 'yong ginagawa.. ang lihim na pagmasdan ito. Inaabangan niya ito tuwing umaga dahil pansin niyang doon ito madalas tumambay. Hindi naman nito napapansin na ginagawa niya 'yon dahil kadalasan ay tila nasa malalim itong pag-iisip. Madalas ay tulala lang ito kaya malaya niyang nagagawang pagmasdan ang dalaga ng hindi nito napapansin.
Bahagya pa siyang natigilan ng magsalubong ang mga mata nila ng dalaga. Kita niyang bahagya rin itong natigilan at hindi nakaligtas sa pandinig niya ang mahina nitong pagsinghap na tila hindi inaasahan na makikita siya doon. Nasa limang metro lang ang agwat ng balcony nila kaya narinig niya iyon. Idagdag pa na naka-focus ang atensyon niya dito kaya kahit maliit nitong paggalaw o kahit na paghinga niyo ay napapansin niya. Ganoon siya magfocus sa isang tao o bagay kapag nakuha nito ang atensyon niya.
"W-wait!" medyo malakas na anas niya nang makita niyang mabilis itong tumalikod para sana pumasok sa kwarto nito. Tumigil naman ito pero hindi lumingon sa kanya. Tila umiiwas ito sa kanya at hindi niya alam kung bakit.
"I just want to know you and be friends with you. Pwede ba? You know.. I'm just new here at gusto kong makilala ang nag-iisa kong kapitbahay. Don't worry I'm harmless and I won't bite you. Pwede ko bang malaman ang pangalan mo?" mabilis na anas niya dahil ayaw niyang umalis ito sa harap niya. Baka kasi natatakot ito sa kanyang presensya lalo na at pansin niya ang pangamba sa mata nito kanina. Gusto niyang iparamdam dito na safe ito sa kanya. Pero safe nga ba?
"Ako nga pala si Carl Jayvee pero CJ ang madalas ay tinatawag nila sa'kin. Ina-anak ako ng magulang mo at gusto kitang maging kasundo o kaibigan. Wala pa kasi akong kakilala dito dahil sa Isla Montellano ako lumaki. Can we be friends?" nag-aalangan na anas niya dahil baka pag-isipan nito ng masama ang pakikipaglapit niya dito.
"H-hindi ko alam," dinig niyang mahinang sagot nito at wala na siyang nagawa ng mabilis itong pumasok sa kwarto nito.
Napahinga na lang siya ng malalim at tila nanghihina na napaupo sa upuan do'n sa balcony. Sinuklay niya ang kanyang buhok gamit ang kanyang mga kamay at muling napasulyap sa nakasaradong pintong pinasukan ng dalaga.Hindi niya alam pero parang gustong-gusto n'yang mapalapit dito. He wants to know her more and her reasons dahil pansin niyang parang ilag ito sa mga tao lalo na sa mga lalaki dahil iyon agad ang pumasok sa isip niyang rason kung bakit siya nito tinalikuran. Parang natatakot ito sa hindi niya alam na dahilan at iyon ang gusto niyang malaman. Ano ang nagtatagong sikreto sa likod ng takot at kalungkutan na nakikita niya sa mata ng dalaga?
Yeah, bukod sa kanyang curiosity ay hindi niya itatanggi na attracted siya sa dalaga. Sa maganda at bilugan nitong mukha na mayroong medyo singkit na mga mata. Sa mapupula nitong labi na parang magkakasala siyang halikan iyon dahil tila nanghahalina na angkinin niya iyon. Sa medyo may kaliitan nitong katawan na kung ikukumpara niya sa kanya ay baka hanggang dibdib lang niya ang taas nito. Na parang magaan lang buhatin at isandal sa kung saan para kanyang angkinin.
Damn! You have to stop, CJ! Lumalabas na naman ang ibang katauhan mo! galit na anas niya sa kanyang isipan at sunod-sunod siyang napamura ng makita sa boxer na suot niya ang epekto sa kanya ng dalaga. Shit! He's having a hard on dahil lang sa kapilyohang naiisip niya sa dalaga. Iyon ang unang beses siyang mag-isip ng ganon sa isang babae. Dahil kahit sa girlfriend niyang si Laila, hindi pa siya umabot na isipin na may sekswal na mamamagitan sa kanila.
Pilit niyang kinalma ang sarili at sunod-sunod ang paghingang kanyang ginawa. He needs to calm his thing down there dahil mali ang nararamdaman niya sa dalaga. Mayroon siyang kasintahan at ayaw niyang magkasala kay Laila. Hindi kakayanin ng kanyang kunsensya na saktan ito dahil lang sa malaking tukso na nasa kanyang harapan. Kailangan niyang pigilang lumabas ang isa pa niyang katauhan dahil alam niyang magkakasala siya kapag hinayaan niyang kuntrolin siya nito.
Muling bumukas ang kwarto sa kabilang balkonahe at lihim siyang napangiti ng lumabas doon ang dalaga. Tila nag-aalangan pa ito at labis ang sayang naramdaman niya ng marinig ang sinabi nito.
"I'm Caren at pumapayag na akong maging kaibigan ka," tila nahihiya na anas nito bago muling pumasok sa loob na mahina niyang ikinatawa dahil sa natutuwa siya sa ikinikilos nito. Pansin niya rin ang pamumula ng mukha nito sa hindi niya malamang dahilan.
"Yes!" parang baliw na mahinang anas niya at napasuntok pa sa hangin. Hindi maalis ang ngiti sa labi niya habang nakatitig sa kabilang balcony.
Nagdidiwang ang loob niya dahil pumayag ang dalaga na maging kaibigan niya ito. Sa wakas, masasagot na lahat ng katanungan niya tungkol dito. Pero yon nga lang ba ang dahilan niya? O baka naman may hidden agenda pa siya lalo na ang isa pang katauhan niya na sobrang nagdidiwang dahil sa wakas ay mapapalapit na siya sa dalaga. At doon siya nangangamba dahil hindi niya alam kung kaya pa ba niyang kuntrolin iyon oras na tuluyan na siyang mapalapit sa dalaga.
Malayo ang tanaw ni Caren buhat sa balkonahe ng bahay nila ni Jayvee sa Isla Montellano. Binabalikan niya ang mga taong mabilis na lumipas buhat nang bumalik sila doon para magsimula ng kanilang binuong pamilya kasama ang anak nila. Naiwan sa lungsod ang magulang niya kasama ang kapatid pero bumibisita ang mga ito sa kanila at kadalasan ay doon nagbabakasyon.Dalawang taon na ang mabilis na lumipas buhat ng ikasal sila ni Jayvee at tatlong taon naman buhat ng maayos ang lahat sa pagitan nilang tatlo— siya, si Jayvee at si Laila. Nagpatuloy ang pagkakaibigan na mayroon sila ng dalaga at nagkaroon sila ng magandang samahan. Pero hanggang ngayon ay wala pa rin silang balita sa asawa nitong si Darwin. At lahat sila ay hindi nawawalan ng pag-asa na babalik ito lalo pa at may anak na ang mga itong triplets.Dalawang taong gulang na ang anak nilang si Carla Jane at matanda lang ito sa buwan sa triplets na anak nila Darwin at Laila. Hindi na muna nila sinundan ang kanilang p
Lumipas ang mga araw, linggo hanggang sa naging mga buwan. Naging payapa at matiwasay ang lahat at walang ng nanggulo sa pamilya Aldover. Wala na rin silang naging balita tungkol kay Mark Clemenso pero pinaghigpit at pinaghusay ang seguridad sa loob at maging sa labas ng bahay. Hindi pa rin sila kampante kahit na hindi na nagpaparamdam ang baliw na lalaki. Dahil malaya pa rin ito at ano mang oras ay pwede itong magpakita sa kanila at gumawa na naman ng kabaliwang naiisip nito.Nakapagsimula na rin sa Isla Montellano ang ginoo at ginang na ngayon ay masaya na rin bilang isang pamilya. Dumalo pa sila sa naging kasal ng mga ito pero mula noon ay wala na ulit silang naging balita sa mga ito. Tiyak naman silang nasa mabuting kalagayan ang mga ito dahil nasa seguridad ito ng kaibigan nilang si Christian. At agad na makakarating sa kanila kung ginugulo na naman ito ng baliw na lalaki.Bumalik na ang lahat sa dati at nakabalik na rin si Jayvee sa school. Ilang buwan na lang ang hi
Ilang beses pang sinubukan ng ginoo na ayusin ang sasakyan subalit katulad ng mga naunang subok ay bigo pa rin ito. Halos ilang minuto na silang nakahinto sa tabi ng kalsada at kahit isang bahay ay walang siyang matanaw buhat sa kanilang pwesto. Walang silang mahingian ng tulong at hindi mawala ang takot at pangamba sa dibdib niya dahil malaki ang posibilidad na maabutan sila ng baliw na lalaki kung magtatagal pa sila doon.Nanatili lang sila sa loob ng sasakyan habang hindi sumusukong ayusin ng ginoo ang sira ng makina nito. Naghihintay sila na magkaroon ng milagrong maayos nito iyon kahit na mababa lang ang posibilidad na magawa ‘yon ng ginoo. Lalo pa at wala itong tools na magagamit.Lumipas pa ang ilang minuto at mas lumakas ang kabog ng dibdib niya dahil sa takot at kabang nararamdaman. Habang tumatagal ay mas nadadagdagan iyon na halos marinig na niya ang mabilis at malakas na tibok ng puso niya.Maya't-maya rin ang pagtingin niya sa likod ng sasakyan para
Lumipas ang ilang araw at hindi tumitigil si CJ at ang magulang ni Caren sa paghahanap sa dalaga. Hindi sila nawawalan ng pag-asa sa paghahanap sa kasintahan pero sa bawat paglipas ng araw ay laging bigo silang matagpuan kung nasaan si Caren.Walang araw na hindi siya nag-aalala sa kalagayan ng kasintahan lalo na sa anak nilang dinadala nito. Kung nakakakain ba ito ng tama, kung umiiyak ba ito dahil sa sobrang takot at kung kumportable ba ito kapag natutulog. Sana naman ay hindi ito sinasaktan ng Mark Clemenso na iyon.Napabayaan na ni CJ ang sarili dahil sa paghahanap kay Caren. Hindi siya masyadong makakain nang maayos dahil tila nawalan siya ng gana at walang gabi ang hindi siya umiinom ng alak para dalawin siya ng antok. Dahil kahit ang pagtulog sa gabi ay hindi niya magawa sa sobrang pag-aalala sa dalaga. Tanging ang alak lang ang karamay at kasama niya hanggang sa makatulog siya sa sobrang kalasingan. Kaunti lang naman ang naiinom niya dahil mahina ang toleranc
Nagising si Caren sa hindi pamilyar na kwarto. Medyo may kaliitan lang iyon at sa maliit lang na papag siya nakahiga. Wala siyang ibang bagay na makita doon at gawa lang sa kahoy ang buong silid. At kahit sahig ng kwarto ay gawa sa tabla maging ang dingding nito. Makaluma iyon kung titingnan pero matibay at maganda naman ang kabuuan ng silid. Kulang lang sa mga kasangkapan na tila wala sadyang tao ang nakatira doon. Medyo maalikabok din ang silid na tila matagal ng walang umuukupa sa kwarto.Nanghihina at medyo nahihilo siya nang pilitin niyang bumangon sa papag na mayroong manipis na mattress. Mariin niyang naipikit ang mga mata dahil tila umiikot ang kanyang paningin at pasalamat siya ng agad din iyong nawala nang muling buksan niya ang kanyang mga mata. Unti-unting ding naging maaayos ang kanyang pakiramdam kasabay nang malinaw na pagpasok ng eksena sa kanyang isipan kung bakit siya napunta sa lugar na iyon. Oh God...Agad na binalot ng kaba at takot ang buong pagkatao
Ilang araw ang mabilis na lumipas buhat nang makabalik si Caren at Jayvee sa lungsod. Simula na rin ang klase ni Jayvee at isang taon na lang ang bubunuin nito para makapagtapos. Iyon na lang ang hinihintay nila para makapagsimula na sila sa bubuuin nilang sariling pamilya. At sa Isla Montellano nga nila napiling magsimula.Muling naiiwan si Caren sa bahay kasama ang kapatid nitong si Carl Angelo. Minsan ay hinihintay niya si Jayvee sa bahay nito pero kadalasan ay nasa bahay lang siya ng magulang dahil nahihirapan siyang gumalaw. Hindi niya rin maiwan na mag-isa ang kapatid dahil madalas nasa labas ng bansa ang magulang kaya kung nasaan siya dapat ay laging kasama niya ito.Limitado na rin ang mga galaw niya at iilan na lang ang gawaing-bahay ang pwede niyang gawin. Dapat magaan lang at madalas kapag kasama niya sa bahay ang binata ay hindi siya nito hinahayaang tumayo para tumulong sa gawaing-bahay. Nakaalalay din lagi ito sa bawat galaw niya at kulang na lang ay buhatin