Share

Her Magic (3.0)

Don't forget to subscribe and comment if you like any parts of this story:)

---

Previously on T.U.S.O.U

"Yes Princess, ang mga tao na kumukuha ng bato para gawing

alahas ay hindi makakapasok sa pinakaloob ng cave. Kaya wala tayong dapat ikabahala."

Kung totoong kami nga lang ang makakapasok sa loob ng cave, ibig sabihin posible ang pumatay kay Prince Dione ay isa sa mga nagmamay-ari ng mga batong iyon.

O hindi kaya isa sa mga kapatid nitong babae!

Imposibleng isang Emberspear ang pumatay sa kanya dahil malayo ang cave sa palasyo at bago ka makapunta sa cave ay dadaan ka muna sa kastilo ng Forestpeak.

Pero ang pinakatanong...

Sino sa mga kapatid niya ang puwedeng pumatay sa kaniya?

---

Someone's P.O.V

"Yes Princess, ang mga tao na kumukuha ng bato para gawing

alahas ay hindi makakapasok sa pinakaloob ng cave. Kaya wala tayong dapat ikabahala," ani nito at naglakad papalayo sa cave.

Tinignan ko naman ang scroll na hawak ko.

"Breaking a barrier spell." basa ko rito pagkabukas ko.

Lumawak naman ang mga ngiti ko habang tinitignan sila papalayo sa cave.

"I'm going to possessed that four powerful rocks, everybody's going to kneel before me! I will rule the Pentagon Haven!!"

Princess Abigail (Kyra)

"Martha, what time is it?" tanong ko rito, tinignan niya naman ang orasan niya.

"It's one o'clock in the afternoon, we only have two hours left. You can still practice some spells." magalang na sagot nito sa akin.

Tinanguan ko lang ito at pumasok sa sa area kung saan kami nag-practice ni prince Dione kanina.

Pagkadating namin ay agad kong kinuha ang Book of Spells at tumingin ng mga spells na puwede kong gawin.

"Mustache Spell, Zipper Spell- turning target's mouth into a shut zipper. This could be handy when it comes to Martha but nah," ani ko habang binabasa ang mga spells sa bawat pahina ng libro.

I need something that I can use!

"Speed Enhancement spell, Time travel spell, Crystal imprisonment spell, Camouflage spell."

Madami namang magagandang spell na puwedeng gamitin kaso hindi ito madaling pag-aralan.

Swerte na lang ako dahil nagawa ko ang telekinesis ng isang araw at levitation spell.

"Can't choose?" ani ni prince Dione sa tabi ko, ibinaba ko naman ang librong hawak ko.

Tinanguan ko naman ito.

"Oo eh, andaming spells na puwedeng gamitin at madami rin na hindi, ang kaso lang hindi madaling matutunan ito lalo na sa akin na bago pa. Baka nga abutin pa ako ng taon."

Hindi puwede iyon, nararamdaman ko na malapit na ang kasal.

Kapag wala akong natutunan na ibang spell para protektahan si prince Dione, hindi ako makakabalik sa mundo ko.

"It's okay, uhm... ganito na lang, susulat ako kay King Feather na payagan kang mag-practice dito sa castle ng mga ilang buwan. Ano sa tingin mo?"

Kumunot naman ang noo ko.

"I don't think King Feather would agree, besides, hindi  puwedeng magsama ang babae at lalaki ng hindi pa kasal, hindi ba?"

"We're just practicing some spells, wala naman tayong gagawin na iba." dagdag nito sa akin.

Naramdaman ko naman na uminit ang dalawang pisnge ko kaya umiwas ako sa kaniya ng tingin.

"I-it's not that may balak akong gawing iba sayo. Ang akin lang ay makakapagconcentrate ka nang maayos kapag naandito ka."

"Look around, malawak ang paligid, maraming mga puno, may falls pa, hindi ba't mas magiging kalmado ka kapag naandito?"

He has a point, pero ang awkward lang na pupunta ako palagi rito para lang mag- ensayo.

Pero kung gusto ko siyang protektahan kailangan kong gawin iyon, kailangan kong kumbinsihin si King Feather.

"Alright, I'll try to talk to him too," ani ko dito.

"Great! Pagagawan ko na ng sulat si Greg para maipadala agad ito," ani nito.

Nagpaalam naman siya na aalis muna ito at pupunta kila Greg.

Binaling ko naman ang tingin ko sa libro na nasa lamesa.

Kung nasa laban ako, ano kaya ang pinakamagandang spell para mapatigil ko ang kalaban?

"Teleportation Spell can be useful, Magic Disabling Spell- disable someone's magic for a short amount of time."

Nanlaki naman ang mga mata ko sa nabasa ko, I need that spell!

Wait, I need some pen and paper to write down all the spells I will use.

Tumingin naman ako sa paligid ko. Kaka-alis nga lang pala ni Prince Dione.

Lumapit naman ako sa mga puno na nakapalibot sa lugar.

"Paper is made out of leaves, right? and transmutation is one of my specialties!"

Kumuha ako ng isang dahon sa mga puno at tumingin din ako sa paligid kung mayroong maninipis na kahoy na maliit.

Nang mahanap ko na ang kailangan ko ay bumalik na ako sa lamesa at inilapag doon ang dalawang bagay.

Actually, hindi ko talaga alam kung paano ito gawin.

Itinapat ko na lang ang dalawang kamay ko sa dalawang bagay na nasa lamesa.

Huminga akong malalim at kumalma, nagsimula naman gumana ang mga powers ko.

At sa isang iglap ang isang dahon at manipis na kahoy ay naging isang pirasong papel at isang lapis.

Ngumiti naman ako na parang wala ng bukas, kinuha ko ang dalawang bagay na ginawa ko.

"Ha! I did it! Tatlo na sa powers ko ang kaya kong gawin!" masayang ani ko sa sarili ko.

Nagsimula na akong magsulat ng mga spells na maaari kong gamitin sa oras ng pangangailangan ko.

Teleportation Spells

Magic Disabling Spells

Crystal Imprisonment Spell

Brainwashing Spell

Mind Delving Spell

"This should be enough," ani ko at baba ng lapis na hawak ko.

Kinuha ko naman ang papel na nasa lamesa at inilapit sa mukha ko.

I believe with this spells, I can protect Prince Dione.

"Oh, I see you have chosen your spells," ani ng isang pamilyar na boses sa di kalayuan.

Ibinaba ko naman ang papel na nasa harapan ko at nakita ko si Prince Dione na nasa harapan ko, ilang inch na lang ata ang pagitan namin.

Bakit ba laging ganito ang mga lalaki sa story?

Ginamit ko naman ang kapangyarihan ko para i-usog siya.

"You're even improving, Princess Abigail," ani nito sa akin.

I need to Prince Dione...

"What spells are you gonna do?" ani nito at lapit sa gilid ko.

Teka nga, kelan pa ba siya dumating?

"H-here," ani ko at bigay sa kanya ng papel.

Tumingin naman siya sa akin ng gulat, masiyado bang marami 'yong spells na inilagay ko?

"Is there something wrong?" tanong ko dito pero nakatingin lang ito sa papel at hindi gumagalaw.

"You know how to use transmutation spell?!" gulat na gulat na sabi nito.

"Umm..."

"That's awesome! You can  transform anyone or anything into a different form or object and can revert them back to their original form!" masayang ani nito sa akin at hawak sa kamay ko.

Napatingin naman ako sa mukha niya, para bang proud na proud siya sa simple kong nagawa.

Ganyan din ang ekspresyon ng mukha ko kapag natapos ko ang mga pinapagawa sa akin sa school.

Iniwas ko naman ang kamay ko sa kaniya.

"Um... yeah. I guess that's my specialty too."

---

"Thank you for letting me practice in your castle, Prince Dione," ani ko dito.

Nasa labas na kami ng kastilo nito at handa ng umuwi.

"Anytime, Princess Abi!"

Princess Abi?

"Dude! I wish you can stay here longer. Ngayon ko lang nakita na ganito kasaya si Prince Dione," ani sa akin ni Sera.

"Yes, I agree with Princess Sera, kahit na ayaw ko talaga."

"Why do you need to go home ba? Nakakainis naman!" ani pa ni Anais dito at padiyak ng mga paa niya.

"Anaismakapag-salita akala mo close na close kayo. Close kayo ha? Ikaw nga unang umalis kanina eh," ani ni Sera sa kanila.

Nagkatinginan naman kami ni Martha, kanina kasi habang nagp-practice kami ng mga spells ni Prince Dione ay kasama nito ang mga Prinsesa.

Ikinuwento niya sa akin pabalik dito na iba raw ang language ni Princess Anais.

"Hmp, so rude talaga! Nakakainis but, sana makita ka pa namin here in the castle, Princess Abi. Ang light kasi ng loob ko sayo," ani pa nito.

Light? Pwede namang 'gaan' na lang haha.

Nabaling naman ang tingin ko sa katabi ni Sera, ang kambal nito na si Princess Zelda.

Kumunot naman ang noo ko ng matandaan ko ang sinabi sa akin ni Martha.

'Buti nga at nagkakasundo ang tatlong mga Prinsesa eh, kahit na iba-iba ang tatay nito maayos ang pakikitungo nila sa isa't-isa,' ani ko dito habang papunta na sa entrance ng kastilo.

'Tatlo? Dalawa lang silang nakita ko kanina, Princess Abi.'

Napahinto naman ako sa sinabi nito.

'Dalawa? Baka naman namamalikmata ka lang. Tatlo sila, si Princess Anais, si Princess Sera at ang kambal nito na si Princess Zelda.'

'Hindi ko siya nakita kanina sa loob ng kastilo.'

'Hmm? Baka nakikipaglaro ito sa mga creatures sa Therandia.'

"Oh before I forgot, Princess Abigail. I already sent the letter to your castle, hoping your father will accept it," ani nito.

Pumasok naman si Martha sa kalesa namin.

"Don't worry, I'll try to talk to him about that."

"Wait, so you mean we will see Princess Abigail bukas? Omg! We can train some spells din, Oh my penta! I'm so excited na!" masayang sabi ni Anais.

"I'm not still sure about that, but I'll try my best to convince my father. I'm going now, nice meeting you all," ani ko sa kanila at nag-bow.

Sumakay na ako sa kalesa namin at kumaway sa huling pagkakataon.

Lahat sila ay kumaway pabalik sa akin maliban sa isa.

Ilang minuto rin ang nakalipas at nakarating na kami sa kastilo.

Lahat ng mga katulong ay nag-bow sa amin pagkadating ko at nagsabing 'Welcome Home, Princess Abigail'.

Nadatnan ko naman ang hari na naghihintay sa pagdating namin.

Agad naman kaming nag-bow ni Martha ng makatapat namin ito.

"Welcome home, Abigail," ani nito sa akin.

Iniangat ko ang ulo ko.

"Thank you, Father."

Naglakad naman ulit kami, sumenyas naman ito kay Martha na iwan kaming dalawa.

"Father?"

"I received another letter earlier from Prince Dione, I believe you know what's the letter all about," ani nito habang naglalakad.

Nasa unahan ko ito ngayon.

"Yes, Father. He suggest if we can still practice together at their castle for about a month." magalang na sagot ko sa kaniya.

Tumigil naman ito sa paglalakad kaya napatigil din ako.

Buti na lang at naka-akyat na kami sa hagdanan.

"Princess Abigail, choose between friends and family," ani nito sa akin ng hindi nakatingin.

Parang naging dry ang loob ng bibig ko, kahit na ibuka ko ito ng kaunti at walang lumalabas na salita.

"What's with the sudden question, Father?"

Iyan ang gusto kong itanong sa kaniya pero hindi ko kaya.

Natatakot ako sa puwede niyang gawin.

"Oh sorry, let me rephrase that," ani nito at harap sa akin.

"If you have a problem, who would you tell it first right away? Your friends or your family?" ani nito habang nakangisi sa akin.

Napalunok naman ako ng laway. Hindi ko alam ang isasagot ko sa kaniya.

"F-fam..."

"Friends, Father," ani ko dito.

W-why did I say that?

No, kailangan kong tapangan ang sarili ko, there's no time for fear.

"Friends? Why?"

"I believe that they are ready to listen to whatever I tell them, yes they are both ready to listen to my rants, but when it comes to family, there are still some reasons why we can't go out and tell them."

"For me, your friends will understand your problem better just make sure not to tell them all. Besides, not all family members are willing to listen to you, they'll sometimes tell you that you're over reacting or something like that," ani ko dito.

I feel like there's another me in this story, my mind tells me to pick family but my mouth says friends.

I do have family and friends but my family are always ready to listen to my problems.

I understand some of them are not, but still!

"I see... they will listen to you and you trust each other," ani nito at talikod sa akin.

Naglakad naman ito papalayo sa akin, habang ako ay pinipilit na i-sink in lahat ng nangyari.

Tumigil naman ito sa paglalakad kaya napatingin ako rito.

"I accept the letter, you can go practice some spells at the castle of Forestpeak. Make sure to impress me, I don't like when someone can't reach my expectations," ani nito at naglakad papalayo.

Hindi ko alam pero nakaramdam ako ng kirot sa d****b ko.

Ito ang una kong pagkakataon na sabihan ako ng magulang ko ng ganiyan.

Kahit na hindi ko siya totoong magulang ay pakiramdam ko naman na malaki ang parte nito sa buhay ko.

What if I can't reach his expectations? Ano na lang ang gagawin niya sa akin?

Paano kung hindi na ako makabalik? Paano na ang pamilya ko?

Napahawak nalang ako sa buhok ko. Ito rin ang unang pagkakataon ko na umiyak sa ganitong mga bagay.

Kung hindi ko lang sana binasa ang poet na iyon, hindi ako makakarating rito!

Kung hindi lang sa akin pinagawa ni Ms.Regardo wala sana ako dito! Hindi sana ako naghihirap!

I just wanted to go home! I wanted to meet my family!

"I just wish I didn't red the book."

-

-

-

To be continued...

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status